noveltoon logo noveltoon
Blackmail Bargain

Chapter 7

Ch. 8 / 42 Feb 05, 2022

Kristine's POV

That's the spirit, Cyrah! Go girl!!

Yan ang gustong gusto kong isigaw kanina habang nagkakasagutan sina Ross at Cyrah. Ang intense talaga. I never thought na aabot sa ganung punto yun. Kulang na lang pangalanan nila ang isat isa eh. Kung makapagsukatan ng tingin, walang magpapatalo. Idagdag pa ang biglang pagepal nitong si Mae. Hindi na lang nakuntento sa panood at talagang nakisawsaw pa. Gusto kasi bida din siya, eh supalpal naman siya kay Cyrah.

Kaya naman niyaya ko na lang si Cyrah na maligo na para lumamig ang ulo niya. Nang bigla namang dumating ang love of my life together with the love of Cyrah’s life. Hihihihi. Sasarilinin ko na lang ang tawag na yun at maaasar lang ang babaeng yon. Hinayaan namin ni Simon na makapagmoment yung dalawa. I mean, na masimulan ni Cyrah ang plano niya.

Maya-maya, nakita kong umahon na silang dalawa. Hindi nagtagal, niyaya ko na din si Simon na umahon na. Kailangan kong masundan si Cyrah. Kailangan kong masundan ang mga hakbang niya. Nakita ko silang pumasok sa kwarto na para sa mga lalaki.

The heck?! Bakit doon? Cyrah! Wrong move!

Tiningnan ko ang mga kasama namin at mukhang busy sila sa pagkakantahan at pagkekwentuhan. Damn! Cyrah. What the hell are you doing?! Kulang na lang pasukin ko silang dalawa sa loob at hilahin si Cyrah palabas. Sinulyapan ko si Simon at may kausap siya sa phone.

Sh*t! Phone! I need a cellphone.

“Are you okay?” tanong ni Simon. Napansin niya siguro na hindi ako mapakali.

“I-I’m okay”, sagot ko at hinigpitan ni Simon ang hawak sa kamay ko. Ipinagpatuloy niya ang pakikipagusap niya sa kabilang linya.

Arrggh! Wala nga palang dalang phone si Cyrah. Panu ba yan?

“May pupuntahan lang ako sandali. May aayusin lang ako sa mga empleyado. Okay ka lang ba dito? Asan na ba yung kaibigan mo?” tanong ni Simon. Wala na pala siyang kausap. Si Cyrah kasi iniisip ko eh.

“Ah, sure! I’ll be okay. Just do your thing”, nakangiti kong sagot.

He kissed me on the lips and said goobye.

“Wait! I need a room”, sabi ko.

Kumunot ang noo niya pero agad din ngumiti nang bigyan ko siya nang kaakit akit na ngiti.

“Use any room you want. These are all yours!” sagot niya at hinalikan ulit ako sa labi. Umalis na agad siya.

Nakatitig lang ako sa pintong pinasukan nina Cyrah at Ross nang bigla namang lumabas si Cyrah mula doon. Sumandal siya sa pinto pagkasara niya.

“Cyrah!” tawag ko sa kanya. Agad niya akong nilapitan.

“Kristine!” Habol hininga siya.

“What are you doing? Bakit dyan kayo pumunta? Delikado! Baka makahalata ang mga classmates nyo”, sita ko sa kanya. “Ayan ka na naman, diba sabi ko, FOCUS!”

“No. It’s not what you think. I’m focused. Mabilis ang mga pangyayari. Kaya nga gumawa ako ng paraan para makalabas ng kwarto”, sagot niya.

“Okay. We will use another room.”

“Okay. Saan?”

“Leave it to me.”

“Paano si Ross?”

“You can handle him, I know. Now, get your cellphone at huwag na huwag mong iaalis sa katawan mo. Nakikita mo yung kwartong dinaanan natin kanina? Yung color yellow yung pinto?”

Panay ang tango niya.

“Doon kayo pupunta. Iseset-up ko ang mga dapat iset-up. Wait for my call.”

“Okay.”

“Sa ngayon, hayaan mong lumabas si Ross. Sigurado hahanapin ka niyan. I’ll go.”

“Take care”, paalala niya.

“No. You take care”, diin ko sa kanya.

Kinuha ko muna ang bag ko sa kwarto naming mga girls, samantalang nakita ko si Cyrah na nakijoin sa mga classmates niya. Kawawang Ross, inabandona ni Cyrah. Pagkalabas ko sa kwarto, siya namang pasok ni Cyrah para kunin ang cellphone niya. Nagdiretso naman ako sa kwartong sinabi ko kay Cyrah. Inaayos ko ang mga dapat ayusin.

May isang malaking kama sa loob. May couch din at table. Ipinatong ko sa table ang tequila at lemon na dala ko. This is going to be fun!

CYRAH’S POV

“Lalabas ka pa? May CR naman dito?”

“Mabilis lang ako, babalik din ako”, sagot ko. Binuksan ko ang pinto at agad akong lumabas.

“Cyrah!”

Boses ni Kristine yun. Agad ko siyang nilapitan.

“Kristine!” tawag ko. Kinakabahan pa din ako.

Sinabi niya ang mga dapat kong gawin. Nakikinig lang ako. Nang makuha niya ang bag niya ay pumasok ako sa loob para kuhanin ang phone ko. Kabilin bilinan niya na huwag ko itong ihihiwalay sa akin kaya inilagay ko ang phone ko sa bulsa ng shorts ko. Bumalik ako kung nasan ang mga classmates ko.

“Parang tanga si Ross sa loob, nagiisa. Nageemote ba yon?” tanong ni Danny. Kakagaling niya lang pala sa kwarto. Hindi ko na kasi binalikan sa loob si Ross, at wala naman talaga akong balak balikan siya. Engot siya kung naniniwala siyang babalikan ko siya.

“Cyrah, asan na si Kristine?” tanong ni Olive, kasama din namin.

“May pinuntahan lang. Siguro kasama si Simon”, pagsisinungaling ko.

“Grabe, ang yaman pala talaga nung si Simon noh? Bukod sa resort na ito, meron din silang resort sa Laguna at nagbabalak pa yatang bumili sa Boracay”, sabi ni Mae.

Lihim akong napakunot noo. Seriously?? Na-google niya kaagad yon? Ang bilis talaga ng babaeng ito.

“How did you know?” tanong ni Crystal?

Ngiti lang ang isinagot ni Mae.

Bigla na lang may lalaking tumabi sa upuan ko.

“What took you so long?” bulong niya.

Nakadamit na siya ngayon. Hindi ko siya sinusulyapan.

“Sabi mo babalik ka?” tanong niya.

I looked at him.

“Paano pa kita babalikan eh nandito ka na sa tabi ko?”

Tinitigan niya ako sa mata. Nagvibrate ang phone ko. It’s Kristine. Kaya bago pa makahalata ang mga kasama namin, binulungan ko na siya.

“Come with me.”

(Click on the right for the background music. Enjoy!)

Tumayo ako at naglakad palayo sa kanila. Mabuti hindi siya kaagad sumunod. Binuksan ko ang pinto na tinutukoy ni Kristine na kwarto. Ilang sandali lang pumasok na si Ross.

“Hindi naman kasama ang room na to sa nirent ah”, reklamo niya.

Natatakot ba siyang magbayad? I rolled my eyes at umupo ako sa kama. Nakita ko ang mga nakalagay sa table na katabi ng kama.

“Tatayo ka na lang ba dyan?”

Kaya naman lumapit siya sa akin at umupo sa kama katabi ko.

“A tequila? Where did you get that?”

“Puro ka naman tanong eh. Ganun talaga dito, lahat ng kwarto sa part na to may libreng tequila, happy now?” pagsisinungaling ko.

“So how did you get this room?”

I rolled my eyes at hinila siya palapit sa akin. I kissed his lips. Smack lang. Binuksan ko ang tequila at naglagay sa baso na nasa table din.

Iniabot ko sa kanya ang baso.

“First shot”, sabi ko.

He examined the table. Inabutan ko na din siya ng lemon. Ngumiti siya nang mapansin niyang walang asin.

He started kissing my lips down to my neck. Nagtagal siya at akala ko nga nakalimutan na niya ang tequila. Tumunghay siya and shot the tequila, then he took and bite the lime. I smiled. Hinubad niya ang damit niya.

“Your turn”, sabi niya.

Siya naman ang nagsalin ng tequila sa baso and handed it to me. Kumuha ako ng isang slice ng lemon at ipinakagat ko sa kanya, palabas. I licked his six packs pataas. Napasinghap siya sa ginawa ko. I took a shot and bite the lime on his lips. Nang makuha ko ang juice ng lime itinapon ko ang tira and kissed his lips really hard.

Umisod ako sa kama at hinila siya paharap sa akin. Nakatalikod na siya ngayon sa mesa. Hinahayaan ko siyang halikan ako sa labi, papunta sa aking tenga, pababa sa leeg hanggang sa makarating sa dibdib ko. Habang busy siya sa paghalik sa akin, busy din ang mga kamay ko. Busy sa paglalagay ng tequila sa baso at paghahalo ng gamot pampatulog mula sa pouch.

Nang mahalo ko nang ayos, pinatigil ko siya sa ginagawa niya at iniabot ang baso. He kissed the top of my breast very hard. Balak pa atang magiwan ng kiss mark. Sh*t! Ininom niya ang tequila and isinunod ang lime.

Ngumiti ako sa kanya. Ngumiti din siya. Kung alam mo lang Ross, sigurado ako hinding hindi ka na makakangiti ng ganyan pagkatapos nito. Inihiga niya ako sa kama. Pumatong siya sa akin pero nakatuon naman ang mga kamay niya sa kama pansuporta sa katawan niya.

Pumikit siya at muling nagmulat.

“Tinatamaan na yata ako”, sabi niya.

Nagpakawala lang ako ng mahinang tawa. Tatamaan ka talaga!

Napahiga siya sa tabi ko at hinawakan niya ang ulo niya.

“Are you okay?” kunwari kong concern na tanong.

Nakapikit na siya at hindi na siya nagsalita.

Niyugyog ko ang balikat niya to make sure na nakatulog na nga siya. I even called his name thrice pero knock out na nga ata.

“Ross!” tawag ko ulit.

Sinampal ko siya ng malakas. Hindi pa din nagigising.

Sa puntong yon, pinakawalan ko na ang tawa na kanina ko pa kinikimkim. Nagsalita ako habang nakatitig sa walang malay na si Ross.

“Ross Rodriguez, this will be the bargain you will never ever forget!”