Unti unting humahakbang papalapit si Ross sa akin habang unti unti din akong kinakabahan.
“Sabi mo hindi ka makakarating?” tanong niya.
Alangan namang sagutin ko siya ng “Ano ka ba? Drama lang namin ni Kristine yon. Bibiktimahin ka kasi namin. You know some kind of ‘sweet revenge’”. Eh di nasira naman ang plano namin.
“Hindi ba pwedeng magbago ng isip?” balik kong tanong sa kanya. Kinokontrol ko pa din ang boses ko. Kailangan normal lang. Magaling yata ako dito, sa pagpapanggap. Alam ni Kristine yan, kinakantahan pa niyan ako ng “Yes, I’m a great pretender! Oooohhh”. Feel na feel ko naman.
Isinandal ni Ross ang isa niyang kamay sa may puno na katabi ng kinatatayuan ko. Sobrang lapit na niya sa akin at hindi na ako makahinga. Nagsisikip na ang dibdib ko. Sigurado inaagawan ako ng lalaking to ng oxygen kaya ganito. Oo, tama iyon lang yon. Makasarili talaga siya. Ano? Gusto niya siya lang ang hihinga??
“Seriously Cyrah, I’m really glad you came”, seryoso niyang sabi.
Ngumiti ako at sumagot. “Trust me, mas masaya ako”, diin ko.
Mas masaya naman talaga ako dahil katulad ng sinabi ko, maisasakatuparan ko na ang plano namin ni Kristine.
“Guys, mas mabuti pa siguro kumain na tayo. Let’s go”, yaya ni Danny, yung isa pa naming kaklase na balikbayan. Ewan ko nga ba kung saang bansa o planeta yon nanggaling.
Inoffer pa ni Ross na siya na daw ang magbibitbit ng bag ko, kahit na malapit na naman ang cottage, tapos ilang hakbang lang mula sa cottage eh kwarto na.
“No thanks, ako na. Hindi pa naman ako balda”, sagot ko. Ang gaan gaan nga ng bag ko eh. Kokonti lang naman ang laman nito. Mga sampung bikini lang naman. Oo, magtwo two piece ako mamaya and no one can stop me!
“Okay”, sagot niya.
Hindi man lang ako pinilit? Sabi ko na eh, hindi talaga sincere ang pagooffer niya eh. GRRR!
Hindi rin naman ako masyadong kumain aside from busog ako eh diba nga magtwo two piece ako later. Dapat sexy!
Bale dalawa pala ang kwarto nirent nila. Isa for boys, isa for girls. Honestly, ang unti lang naman namin dito eh. Fourteen lang kami, to think na ang dami namin noong highschool. 7 ang boys kasama na si Simon tapos 7 din ang girls. Hindi kasi nakarating yung iba. Ano ba namang klaseng reunion to? Oh well, hindi naman talaga ako nagpunta dito para makipagbond sa kanila. Isa lang ang goal ko, at hindi ko na uulitin pa. Ilang beses ko ng nasabi.
“Hindi pa ba kayo maliligo?” tanong ni Rex.
Nakaupo kami ni Kristine sa isang tabi, hulaan nyo na lang kung anong pinaguusapan namin.
“AKO! BET KO NG MAGSWIMMING!” sigaw ko. Sinigaw ko talaga. Parang first time. Tumayo na ako. Napatingin sa akin si Ross. Tinitingin tingin niya? Gusto niya din magswimming? Lunurin ko siya eh! Nagbubukas siya ng beer. Nagiinuman na kasi yung iba, pati si Simon ni Kristine. Eh since friends nga ata itong sina Simon at Ross ayun, nagbobonding sila. Don’t worry, mamaya may kabonding din ako.
“Ikaw Kristine?” tanong ko kay Kristine at tumayo na din siya.
“No. Ikaw na muna, susunod ako”, sagot niya at tumabi na siya kay Simon.
At dahil ayaw daw ni Kristine, which is I know bago ko pa siya tanungin, pumasok na ako sa kwarto naming mga girls para magpalit ng damit. Naka-loose na T-shirt pa ako eh at tsaka shorts. Iba pa din ang bra na suot ko, hindi pa pangswimming.
Sakto, walang tao sa room ng pumasok ako. Inilabas ko na ang bra kong pangswimming. Pumasok ako sa banyo. Hinubad ko ang damit ko, pati na rin ang bra at agad na isinuot ang tela na kinuha ko mula sa aking bag. Bigla kong naalala na itinatali nga pala sa likod, so I need Kristine’s help. Lumabas ako ng banyo. Nakatakip naman sa boobs ko ung bra pati na din ang kamay ko. Pero hindi naman kayang sakupin ng buong kamay ko kaya may part pa rin na expose. Nakashorts pa din ako. Nagulat ako nang biglang may pumasok sa pinto.
“Oh! Sorry!” sabi niya at tumalikod siya. Bigla na lang parang may bumbilya na umilaw sa may ulo ko.
“It’s okay. Ahm, Ross”, tawag ko sa kanya na may halong landi este lambing. “Can you help me with this? Madali lang naman. Itatali lang siya sa likod. I was about to ask for Kristine’s help but since nandyan ka na din naman, okay lang ba?”
Nakatalikod pa din siya.
“Please?” lambing ko at lumapit ako sa kanya.
Finally, humarap na din siya. He looked at me at lumunok. Tiningnan ko siya sa mata and then I smiled.
“Turn around”, utos niya sa mahinang boses. Anong nangyayari sa kanya? Kanina lang ang lakas lakas ng boses niya nung iwelcome ako, bakit parang nanghihina siya?
Nang hawakan niya ang pinakatali ng bra ko, hindi naiwasang lumapat ang daliri niya sa likod ko and right there, naramdaman ko ulit na parang may kuryenteng dumaloy sa buong katawan ko. Halos mapapitlag ako sa naramdaman ko.
“O-okay na”, nauutal niyang sabi.
Tiningnan ko siya at pinagpapawisan ba siya? Bukas naman ang aircon ah.
“No, ito pa”, sabi ko. Tumalikod ulit ako sa kanya at hinawi ko ang buhok ko.
Narinig ko ang malakas na buntong hininga niya.
“Are you okay?” tanong ko at nilingon ko siya.
“Y-yes”, sagot at bumuntong hininga ulit siya. Tuluyan na akong tumalikod sa kanya at walang pagsidlan ng ngiti ko.
Nagpapatali lang ako sa kanya ng kung ano, ganyan na ang reaksyon niya. What more kapag..
“Turn around”, utos niya.
WHAT??
“Cyrah, turn around”, halos mapatalon ako ng bumulong siya mismo sa tenga ko. I can feel his breath, literally. Napapikit ako at mukhang ako naman ang magpapakawala ng buntong hininga.
Humarap ako sa kanya. Hinila niya ako papalapit sa kanya. Nanlaki ang mga mata ko.
“Come closer, para madali kong maitali yan”,sabi niya.
Hinawakan niya ang tali sa may bandang batok ko. Sobrang lapit na namin sa isat isa. Nakatitig siya sa mata ko at ganun din ako sa kanya. Naramdaman ko ang daliri niya sa batok ko. Tinutulungan ko na lang ang sarili ko na pigilan magreact. Idea ko ‘to diba? Pero bakit parang ako ang naiisahan? Lintik na bumbilya yan, umilaw pa!
“Huwag kang malikot”, sabi niya.
Hindi naman ah. Hindi nga ako gumagalaw. Hindi na nga ako humihinga dahil sa ginagawa niya at sa sobrang lapit namin sa isa’t isa. O baka naman kanina pa nagrereact ang katawan ko pero hindi lang ako aware? Naku, Cyrah! Umayos ka!
“Lumapit ka pa nga, nahihirapan akong itali eh”, utos ni Ross.
Ano?? Hindi pa niya naitatali? Kanina pa yan ah! Langya! Ako ang matatali nito. At dahil hindi ako gumagalaw, siya mismo ang kumabig sa akin palapit. Nauntog naman ang mukha ko sa dibdib niya. Hindi naman siguro ako magkakapasa, ang tigas kasi eh. Ang bango niya! Sh*t!
Sige, Ross, damihan mo ang buhol ha. Yung hanggang dulo, para hindi matanggal.
“Tapos na.”
Tapos na?? Badtrip!
Lumayo na ako sa kanya, but I can still smell his scent.
“Thank you”, sabi ko.
“Wait”, hinawakan niya ang batok ko at sinilip ang buhol sa likod ko.
Nakatitig lang ako sa kanya. More like, nakatitig ako sa labi niya. Hindi niya pa rin inaalis ang kamay niya sa batok ko.
Nag-iwas ako ng tingin sa kanya nang bigla niya akong titigan. Pero hinawakan niya ang baba ko and lower his face. Napapikit ako, hindi ko alam kung anong sunod na mangyayari. De joke lang. Alam ko naman, it’s just that, I’m afraid. Hindi ko kayang makita.
I was right. He pressed his lips against mine. Halos manlambot ang mga tuhod ko sa ginawa niya. He kissed me that way for five seconds until his tongue seek for an entrance inside my mouth. I opened my mouth. This is too fast. Habang hinahalikan niya ako, iniisip ko ba kung parte pa ba ito ng plano? But I can’t seem to find the answer. Masyado akong nadadala sa mga halik niya, lalo na ng hilahin na naman niya ako papalapit sa kanya.
I ended the kiss. Kailangang bumalik ang matino kong pagiisip. Pero paano babalik kung bigla niya akong niyakap ng mahigpit? Nasisinghot ko na naman ang mabango niyang amoy. Hindi pa rin pala siya nagpapalit ng pabango. I can still remember when I bought him that perfume. Sh*t Cyrah! There is no room for reminiscing! Wake up!
“I miss you. I really do”, bulong niya. Ramdam ko na seryoso siya.
No! This is wrong! I need a back up plan!
Itinulak ko siya at lumabas ako ng kwarto.
KRISTINE! I need Kristine!