noveltoon logo noveltoon
Blackmail Bargain

Chapter 22

Ch. 23 / 42 Feb 05, 2022

Cyrah’s POV

“Nandito din pala kayo!”

“Hindi. Wala, wala kami dito.”

Halos sagutin ko siya ng ganyan.

“Are you with Ross?” tanong ni Kristine.

“Nope”, tipid niyang sagot habang hindi tinatanggal ang tingin sa damit ko.

Hindi ko napigilan at natapunan ko na din ng tingin ang favorite T-shirt ko.

“Nice shirt”, sabi niya.

“Thanks”, sagot ko na lang.

“Mind joining us?” tanong ni Kristine. Asar talaga to, eh good for two lang naman ang mesang pinili namin.

“No thanks, magtetake out lang naman ako ng food.”

“I see, by the way, nakapunta ka ba sa apartment na tinutuluyan ni Ross?” tanong ulit ni Kristine. Palipat lipat lang ang tingin ko sa kanilang dalawa.

“Yup. Mali naman yung sinabi mo, sabi mo yung kanan ang bahay ni Ross?”

“Oo, yung kanan nga, pag nakaharap ka sa dalawang pinto. Nagkamali ka ba?”

“Ah eh hindi naman, mabuti nga lumabas agad si Ross at nakita ko siya. Sige maiwan ko na kayo”, paalam niya.

“Sinadya mo ba siyang lituhin?” tanong ko kay Kristine nang makalayo si Jessica. Nakapila na siya sa may counter.

“Hindi ah! Sa slow niyang yan, hindi ko na siya kailangan pang lituhin noh!”

“Kristine, tell me, may dumi ba ang damit ko?”

“Huh? Wala naman. Bakit?”

“Wag kang lilingon ha, kanina pa kasi tingin ng tingin si Jessica sa damit ko. The moment she saw me, panay na ang tingin niya, at hanggang ngayon I know, sumusulyap pa din siya.”

Kita ko naman kasi sa peripheral vision ko, nakaharap kasi ako sa may counter.

“Hindi kaya namumukhaan ka na niya? Hindi kaya alam na niya na ikaw ang ex girlfriend ni Ross?”

“Tingin mo?”

Tumaas ang isang kilay ni Kristine.

“Bakit friend, natatakot ka na ba na malaman ng susong yan na ikaw ang pinagseselosan niyang ex-girlfriend ni Ross?”

“Hindi ah! Bakit naman ako matatakot?? Siya ang matakot!”

Jessica’s POV

Woman’s instinct. Malakas ang kutob ko na tama ang hinala ko. Unang kita ko pa lang sa babaeng yun, halata ko na may gusto na siya kay Ross. Siguro nga sinundan pa niya talaga si Ross sa Resorts World nung nagdate kami. Habang umoorder ako ng pagkain para dalhin kay Ross, hindi ko mapigilang hindi tumingin ulit sa babaeng kausap ko lang kanina.

Hindi ako pwedeng magkamali. Alam ko, yung Tshirt na suot niya ang nakita ko na nilalabhan ni Ross. Anong sabi ni Ross? Sa kapatid daw niya? Kelan pa siya natutong magsinungaling?

Kumukulo ang dugo ko habang tinitingnan ko ang babaeng nakasuot ng Tshirt na may penguin na design. Nang makuha ko ang order ko, wala na sila sa table nila. Dumiretso na agad ako sa apartment na tinutuluyan ni Ross.

“Jessica!” yan ang reaksyon niya pagkabukas niya ng pinto.

“Disappointed??” tanong ko. Baka kasi ibang babae ang ineexpect niyang dadating.

“Ha? Anong ginagawa mo dito?”

Bago ko siya sinagot, pumasok na ako sa loob at iginala ang paningin ko. Naupo ako sa sofa at inilapag sa center table ang binili kong pagkain.

“Masama bang dalhan ng pagkain at bisitahin ang boyfriend? O baka naman ibang babae ang gusto mong bumibisita sayo?” I asked with sarcasm.

“Hindi kita naiintindihan”, sagot niya at tinabihan niya ako sa sofa. Naaamoy ko ang pabango niya. Lalaking lalaki ang amoy. Minsan ko na siyang binilhan ng pabango, dalawa pa nga agad pero sabi niya sumasakit daw ang ulo niya sa pabango na binili ko. Mabango naman yun pero ayaw niya, kaya heto bumalik na naman siya sa dati niyang pabango. Nasanay na din ako at narealize ko na mas bagay nga sa kanya ang pabangong ito. Hindi masakit sa ilong. Yung isang binili ko para sa kanyang pabango ibinigay ko sa pinsan ko at hindi niya din nagustuhan. Haist.

“Ikaw din Ross, these past few days hindi na din kita naiintindahan. Ayaw mong bisitahin kita sa bahay nyo. Ayaw mong sumama ako sa mga lakad mo. Worst, ayaw mo pa ngang ipaalam kung saan ka nakatira. Baka naman nakakalimutan mo, ako ang girlfriend mo. AKO LANG!”

Binigyang diin ko ang salitang ‘ako lang’ para malaman niya na ako lang dapat ang babae sa buhay niya, at kung tama ang hinala ko, mabuti na yung maaga pa lang eh maputol na ang kalokohan niya.

Nakita kong nagsasalubong na ang kilay ni Ross. Bakit ganun? Ako na nga itong nasasaktan pero bakit parang siya pa ang galit? Hindi naman siya ganito dati. Alam ko may nagbabago. Nararamdaman ko.

“Alam mo kung ano ang problema sa relasyon natin? Masyado kang possessive. Kulang na lang ikadena mo ako sa bewang mo…”

Ano ulit? Problema sa relasyon? So may problema kami?

“…bawat kilos ko gusto mo nirereport sayo. Daig ko pa ang twitter na kailangan ipost ng ipost ang bawat galaw ko—“, dagdag ni Ross. Pero hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita.

“Possessive? Pinaparamdam ko lang ang pagmamahal ko sayo. Possessive na pala ang bagong description dun?” sabi ko sa kanya sa malungkot na tinig. Pinipigilan kong tumulo ang luha ko.

“Jessica..”, tawag niya.

“Nakakasakal ba ang pagmamahal ko? Ha, Ross?”

Hinaplos niya ang pisngi ko. Hindi siya sumagot. Doon na tumulo ang luha ko. Don’t tell me makikipagbreak siya saken? Now way!!

“Nakakasakal ba to the point na kailangan mo pang magsinungaling?”

Mababakas ang pagkalito sa mukha niya.

“Y-yung babae sa Resorts World.. siya ang may ari ng Tshirt na nilalabhan mo diba? Nakita ko siya suot ang Tshirt na yon! Bakit kailangan mo pang sabihin na sa kapatid mo yun? Para ilihim ang relasyon nyong dalawa?! Paano mo nagawa sa akin yun Ross??” garalgal kong tanong.

Nakita kong namutla siya.

“Ilang babae pa ba ang kailangang pagselosan ko? Noon, yung ex-girlfriend mo? May bago na naman ngayon?!”

Napakurap siya at mukhang nagulat. Siguro nagulat siya sa sinabi ko na pinagseselosan ko pa din ang ex-girlfriend niya. Oo, hanggang ngayon pinagseselosan ko pa din ang babaeng yon. Mabuti nga mukhang wala na akong naririnig na balita sa kanya eh.

Pinahid ko na ang luha sa mga mata ko.

“Pero dahil mahal kita, bibigyan kita ng isa pang chance. Huwag kang mag-alala, hindi naman tayo maghihiwalay basta tapusin mo na ang relasyon nyo ng babaeng yun”, utos ko sa kanya.

“Pero Jessi—“, mukhang tututol pa siya, pero agad ko siyang pinigilan.

“Shhh.. Love, mahal kita kaya tatanggapin ko ang minsan mong pagkakamali.”

Niyakap ko siya nang mahigpit.

“Mahal na mahal kita, at hindi ko hahayaan mawala ka sa akin”, bulong ko sa kanya.

Walang makakaagaw sa akin kay Ross! Wala! Hindi yung ex-girlfriend niya o kahit pa yung babaeng may Tshirt na penguin!