Cyrah's POV
"What the hell are you doing here?"
Nakatayo lang ako sa may sala ng apartment ni Ross habang sinasabi niya ang mga katagang yan. Inililibot ko lang ang aking paningin sa buong bahay. Oo nga pala, binayaran naman niya ang pamasahe ko sa taxi. Mahiya naman siya driver noh! Tapos ayan, pagkabayad niya sa taxi driver umeecho na sa bahay ang boses niya.
"Magkano naman daw ang rent mo dito?" tanong ko. Layo sa tanong niya noh?
Hinawakan niya ako sa braso.
"Cyrah, tinatanong kita. Anong ginagawa mo dito?!" ulit niya.
Kumawala ako sa pagkakahawak niya. Tiningnan ko ang sofa at umupo ako doon.
"Hmm.. Mukha namang malinis dito. Mabuti, hindi ako magkakasakit," sabi ko. Buti may mga furnitures na. Mahal siguro renta dito. Eh ano naman, hindi naman ako ang magbabayad. Hahaha!
"Umalis ka na. Hindi ako tumatanggap ng bisita," pagtataboy ni Ross sa akin.
"Okay yan, hindi nga tayo tatanggap ng bisita. Ayoko din ng istorbo eh," sabi ko at inihilig ko ang ulo ko sa sandalan ng sofa.
"Cyrah, wala akong panahon sa mga trip mo so please umalis ka na. Madami akong iniisip at wag ka ng dumagdag pa."
Tinitigan ko siya sa mata. Unti unti kong binago ang reaksyon ng mukha ko. Unti unti kong pinipilit na mabasa ng luha ang mga mata ko. Pansin kong nagbabago na din ang ekspresyon ng mukha niya. Kaya naman sinamantala ko ang pagkakataon at mas tinitigan ang mata niya.
Huminga muna ako ng malalim bago ako nagsalita.
"Pati ba naman ikaw Ross? Ipagtatabuyan mo din ako?" tanong ko sa paawang boses. "Alam kong hindi ako mabait. Wala man akong halo sa ulo ko pero hindi naman yata tama na itrato ako ng ganito ng lahat ng tao."
Ramdam kong nababasa na ng luha ang mga mata ko. Ipush mo yan Cyrah! Sigaw ng utak ko.
"Alam mo bang pinalayas ako ni Kristine kagabi?" malungkot pa din at nakakaawa ang boses ko.
Gulat na gulat siya. Syempre, sino nga naman ba ang magaakala na papalayasin ako ni Kristine? Eh maging ako nga hindi naniniwala sa mga sinasabi ko eh. Tumungo ako para mas nakakaawa.
"Ayoko na lang pagusapan ang mga nangyari.. pero," I paused. Sinilip ko ng konti ang reaksyon niya at agad na tumungo ulit nang makitang nakatingin pa din siya sa akin.
"Alam mo naman na walang akong pamilya dito sa Manila diba? Noong nalaman ko na lumayas ka sa inyo, sabi ko 'Aba, mabait pa rin sa akin ang Diyos dahil alam kong hindi mo ako matitiis at kukupkupin mo ako.. pero mukhang nagkamali ata ako?" sabi ko sabay silip ulit ng konti sa gwapong mukha ni Ross.
Nakita kong napasabunot siya sa buhok niya. Tuluyan na akong nag-angat ng mukha kasabay noon ang pagtulo ng aking luha. Nahahasa ang pagiging artista ko. Mabilis kasi akong lumuha talaga. Actually ang mga luhang yan ay wala namang kaeffort effort. Piece of cake kumbaga. Namimiss ko na din magdrama. At alam kong ngayon lang ako magdadrama dahil sa mga susunod na minuto ay wala naman siyang ibang choice kundi sundin ako!
"Salamat na lang sa binayad mo sa taxi.." dagdag ko pa pero hindi pa din ako tumatayo. Wala naman akong balak tumayo at wala akong balak umalis sa bahay na to! Dadanak muna ang dugo bago niya ako mapaalis at sa reaksyon ni Ross ngayon, alam kong ako na naman ang magwawagi! "Babayaran kita sa susunod," sabi ko sabay pikit at tumulo ang luha sa kanan kong mata.
"Okay. You can stay here--," sabi niya at di ko na siya pinatapos.
Tumayo agad ako at pinahid ang luha ko.
"Okaaaay! Dali mo naman palang kausap eh!" masigla kong sabi. "So saan ang kwarto ko?" Lumapit ako sa dalawang pinto. Dalawa. Isang kwarto at isang banyo. "Iisa ang kwarto? So that only means na sa kwarto ako at sa sala ka," sabi ko.
"What?!" bulalas niya.
"O? Nanghinayang ka naman agad. Oo, alam ko, gusto mo akong makatabi. Sige papayag na ako. Makikishare ka na sa akin sa kwarto."
"Ako pa ang makikishare? Cyrah, apartment ko 'to."
"Alam ko. Inaagaw ko ba? Hindi kita kokontrahin dyan. Alam kong ikaw lang ang magbabayad dito at wala naman akong balak makishare sa pagbabayad, huwag kang magalala. Ang akin lang ayokong dyan ka sa sala matutulog kaya pinapayagan na kitang tumabi sa akin sa kwarto. Ayokong lalamigin ka sa sala dahil kapag nagkasakit ka eh mawawalan ako ng tagaluto at tagalaba!"
Napanganga lang siya at hindi ko siya hinayaang magsalit. Pumunta ako sa kusina at binuksan ang ref.
"Walang pagkain? Naku, Ross hindi pwede to. Maggrocery ka ha. Ayoko ng nagugutom ako!"
Kumukunot na ang noo niya.
"Stop talking and acting like you're the boss here!" sabi niya.
Abah! Abah! Walang manners. Humanda ka!
"Eh bakit? Sino ba ang boss dito?" tanong ko at inilabas ko ang phone ko. "Ross, sa tingin mo? Dapat ko na bang palitan ang screen protector ng phone ko?"
Iniharap ko sa kanya ang phone ko na ang wallpaper eh yung kami pa ring dalawa.
"Mas maganda kung papalitan mo ang wallpaper ng phone mo," sagot niya.
"O sige, papalitan ko ang wallpaper ng phone ko pero may paglalagyan ang wallpaper na yon."
Taas baba ang kilay ko sa kanya.
"Sh*t! Cyrah! Hindi ka naman talaga pinalayas ni Kristine diba?! Tell me!" sigaw niya.
"Hoy Ross, I may be mean sometimes but I'm not a liar! Pinalayas niya ako! Kahit itanong mo pa sa kanya or kay Simon!"
Eh pinalayas naman talaga ako ni Kristine diba?
Hindi na siya nagsalita at pumasok na siya sa kwarto. Hindi naman totoong walang pagkain sa ref, sinabi ko lang yon. Meron namang konti. Naisip kong magluto ng pagkain dahil nagugutom na ako pero naisip ko din na hindi ako nagpunta dito para magluto. Kinuha ko na lang ang maleta ko at dinala sa kwarto. Pagpasok ko nagbibihis si Ross.
"Damn! Cyrah! Kumatok ka naman!" sigaw niya.
"Damn! Ross! Maglock ka naman!" gaya ko sa kanya. Arte arte kala mo naman hindi ko pa nakikita kung anong meron siya.
Inayos ko na ang gamit ko sa loob.
He spent his whole day sa harap ng laptop niya. Hindi ko alam kung anong ginagawa niya, busy din naman ako sa panonood ng tv. Nang mabore ako I decided na magshower na lang. Sanay kasi ako na hindi nagdadala ng damit sa banyo at sa kwarto ako nagbibihis kaya nang lumabas ako eh nakatapis lang ako ng tuwalya. Nakita ko si Ross na may kausap sa phone pagkalabas ko ng banyo.
"Sasabihin ko din sayo kung saan ako tumutuloy ngayon.. Yes Love."
I found out na si Ms. Prim and Proper pala ang kausap niya. Nakatalikod siya kaya hindi niya siguro alam na nasa likod niya ako.
"No. Ako na lang ang bibisita sayo. Bukas na bukas. Promise."
Ano ba Ross? Imbitahin mo yang suso mong girlfriend nang magkaalamanan na! Siya lang ang iaaccept nating bisita!
Nakita kong ibinaba na niya ang phone niya pero agad ding inilagay sa tenga niya.
"Hello Dex. Oo eh. Umalis muna ako sa bahay, masyadong mainit doon... Si Jessica? Pare, hirap na hirap nga akong mahalikan yun eh, anong nagiinit na sinasabi mo dyan? Ang sabi ko mainit sa bahay!"
Napapataas ang kilay ko sa mga sinasabi nitong si Ross. Does it mean na hindi pa sila, you know? And what? Hindi siya nag-iinit? Tsk. Tsk. Kawawang Ross, palaging malamig ang gabi.
"Hindi ko alam. Daig pa niya si Maria Clara pero hindi ko naman siya pinipilit pagdating sa bagay na yon. Hindi naman ako ganung klase ng lalaki.. Sige, bye."
Unti unti akong lumapit sa kanya at bumulong.
"Ayan kasi, kumakain na ng fried chicken, mas pinili mo pa ang sardinas. Nasa kama na, lumipat pa sa sahig. Tsk. Tsk. Nagshower ako kasi mainit. Ikaw? Hindi ka ba nagiinit?" sinigurado kong tatama ang hangin mula sa bibig ko sa kanyang tenga.