"Halos dalawang linggo na rin ng huli kong makita yung ex mo. Ano na kayang nangyari don?" tanong ni Kristine sa akin habang nagluluto ako ng tanghalian.
Dalawang linggo? Ganun na ba katagal yon?
"Ewan ko. Ano naman ba kasing klaseng tanong yan Kristine?"
"Hmp! If I know namimiss mo lang siya," pang-aasar niya.
"Ako ba nakaalala sa kanya?!" tanong ko habang nakaturo sa may dibdib ko ang syansi na hawak ko.
"Aba alangan naman ako ang makamiss sa gagong yun?! Baka sipain ko lang yun sa ano niya nang magtanda siya!"
"Laki talaga ng galit mo dun noh?"
"Obvious ba? Manloloko kasi. Paasa. Insensitive pa," sagot ni Kristine.
Napataas ang isa kong kilay.
"Wow! Ex ka din??"
"Gaga!"
Natatawa talaga ako.
"Eh bakit mo ako ipinush noon na tumira sa apartment kasama siya??"
"Iba noon. Iba ngayon. Aba malay ko ba na nagmasteral pala yang ex mo sa pagsira ng tiwala ng tao."
"Alam mo friend konting konti na lang iisipin ko na talaga na ex ka din niya," pagbibiro ko pero seryoso ang pagkakasabi ko.
Kitang kita sa mukha ni Kristine ang pagkainis. Sasagot na sana siya nang biglang may kumatok sa pinto.
"Baka yung ex mo na," sabi niya at tumayo siya para buksan ang pinto.
Pinatay ko naman ang apoy sa niluluto ko at sinundan ko si Kristine ng marinig kong medyo lumalakas ang boses niya.
"Liar," narinig kong sabi ni Jessica kay Kristine.
Kristine crossed her arms and said, "Happy now?"
Binuksan na niyang tuluyan ang pinto at pumasok naman kaagad si Jessica.
"I need to talk to you," sabi niya kaagad sa akin.
I don't, sigaw ng utak ko.
And seriously? Saan kumuha ng lakas ng loob ang babaeng ito na sugudin ako sa sarili kong bahay ng magisa.
"Okay then. I'll try my best to be nice so for starters, sit down," sabi ko then I smiled. Sumunod naman siya.
Aba dapat lang na sumunod siya dahil teritoryo ko to.
Umupo din ako sa katapat na couch at tinabihan ako ni Kristine.
"Walang armas, walang back up. Alam na this," bulong ni Kristine sa akin.
"Ang galing mo din noh? All this time hindi ko akalain na ikaw pala ang ex ni Ross na iniwan niya noon habang nasa ibang bansa siya," sabi ni Jessica.
"Hindi ko din kasi akalain na malubay pala ang lalaking yon at mabilis madagit ng iba at mas hindi ko akalain na may problema pala ang mga mata mo. Hindi ko kasalanan kung hindi mo agad ako nakilala. Masyado ka atang nagandahan sa akin and I can't blame you for that," sagot ko then I flipped my hair.
"No, it's not like that. Ross was right, manloloko ka nga palang talaga."
"Manloloko ka din pala friend?" Kristine asked me sarcastically. "Welcome to the club!" dagdag niya.
"Actually wala naman na akong pakialam kahit sambahin mo pa ang boyfriend mong yon eh," sabi ko kay Jessica.
Napansin ko ang pag-iba ng anyo niya. Kumunot ng bahagya ang noo niya pero agad siyang nakabawi at itinaas niya ang kaliwa niyang kilay.
"Alam mo naman pala na boyfriend ko siya so dapat alam mo din na off limits na siya. Bakit ba hindi mo pa siya tantanan? Cyrah, maraming lalaki dyan. Don't be a homewrecker. Don't you know when to stop?!"
"San singsing mo?" singit ni Kristine.
Tumingin naman si Jessica sa daliri niya.
"Anong ibig mong sabihin?"
"Asawa mo na ba siya? Eh kung makapagsalita ka akala mo naitali mo na siya ah. May off limits off limits ka pang nalalaman? Alam mo bumili ka ng kadena tapos itali mo ang gagong yun sa bewang mo ng hindi makawala, okay?" banat ni Kristine.
"And why are you still here?" tanong ni Jessica kay Kristine.
"Oh why? San ba ako dapat pumunta? Sa kusina at kumuha ng kutsilyo?! Just so you know my dear, pamamahay ko din ito so please learn how to choose your words carefully," mataray na sagot ni Kristine.
"I want to talk to her in private. Yung tahimik," pakiusap ni Jessica kay Kristine.
"Nah ah ah," matigas na sagot ni Kristine. "Eh gusto mo pala siyang makausap in private at tahimik eh di sana hindi ka nagpunta dito. Sana niyaya mo siya sa sementeryo kung saan nandoon ang puso mong patay. Patay na patay kay Ross Rodriguez! I'm sorry Jessica, pero hindi ko maaaring iwan si Cyrah dito mag-isa. It's not because natatakot ako sa maaari mong gawin sa kanya pag solo na lang kayo. Trust me darling, it's the other way around. So I'm pretty sure tatanawin mo pang isang napakalaking utang na loob sa akin ang pagstay ko dito sa tabi niya," mahabang litanya ni Kristine sabay ngiti.
At mukhang natakot nga ang gaga kasi hindi na siya bumanat pa ng kung ano para umalis si Kristine sa tabi ko.
"Simple lang naman ang solusyon sa problemang ito. Layuan mo si Ross, Cyrah. Layuan mo ang boyfriend ko," utos ni Jessica habang nakatingin siya sa mga mata ko.
"I'm trying my best to avoid him to give you a goddamn favor but I'm sorry I cant blame my Mom that she gave birth to a goddess that no man can ever resist!" sagot ko with full of conviction.
"Palibhasa kasi nilalandi mo siya kaya hindi ka niya tigilan," akusa ni Jessica.
Isang beses pa akong akusahan ng babaeng ito and I swear mararanasan niyang lumipad. Lumipad palabas ng apartment namin ni Kristine.
"So hindi mo naintindihan sa wikang Ingles ang sinabi ko?" tanong ko kay Jessica.
"Anong akala mo sa akin, tanga?" tanong din niya.
"Oo!" sagot ni Kristine.
Naging matalim ang tingin ni Jessica kay Kristine.
"Look Jessica, hindi ko na problema kung hindi mo masolusyunan ang problema ninyong magsyota okay? Masaya ako sa buhay ko, sana ikaw din."
"Magiging masaya lang ako kung mawawala ka sa buhay naming dalawa. Kung walang ahas na tulad mo na aagaw sa kanya."
I am trying to be nice. Trust me, I am.
"Hindi ako ahas, makamandag lang talaga ang ganda ko. Tsaka bakit ba hindi ka tumingin sa salamin nang malaman mo kung bakit nagkakaganun ang boyfriend mo. Ay, oo nga pala hindi nga pala nakikita sa salamin ang ugali ng isang tao," sagot ko at tumawa ako ng bahagya.
Hindi nakaimik si Jessica at nanatili siyang tahimik. Para bang unti unti pa niyang isinasaksak sa utak niya ang mga sinabi ko.
"Did you hear that sound?" tanong ko sa kanya.
Kumunot ang noo ni Jessica. Nanatili siyang tahimik and it looks like she is trying to figure out what is the sound that I am talking about.
Hindi pa din siya nagsasalita kaya sumagot na ako.
"That's the sound when you shut the f*ck up, and I love it!"