Cyrah's POV
"Ouch!"
Wala na atang mas sasakit pa kapag nabagsakan ng cellphone ang mukha mo habang nakahiga ka at ginagamit ito. Hinaplos ko ang ilong ko sa sobrang sakit. Can this day get any worse?
I'm so bored. Matapos kong lagyan ng red nail polish ang mga kuko ko sa paa at kamay, ay nilinis ko naman ang bahay. Sigurado matutuwa si Kristine pag-uwi niya. Minsan lang kasi ako sipagin na maglinis. Isinasama nga niya ako doon sa isang event kung saan inimbita siya ng kanyang college friend, sabi ko siya na lang at tinatamad talaga akong lumabas ng bahay. Tapos eto mamatay naman ata ako sa boredom dito sa loob. Sala sa init, sala sa lamig.
Natigil ako sa paghaplos ng ilong ko nang may marinig akong kaluskos sa may front door. Kinuha ko kaagad ang pamispis at dahan dahang lumabas ng kwarto. Hindi ko inaalis ang tingin ko sa pinto. Pinanood ko lang din na umikot ang doorknob at bumukas ang pinto.
Nakahinga ako ng maluwag ng makita ko si Kristine. Hindi ko maipaliwanag ang ekspresyon ng mukha niya nang makita niya na hawak ko ang pamispis na nakataas at akmang ihahampas sa kung sino man ang iluluwa ng pintuan.
"Seriously, Cyrah? Pamispis? Wala ka na bang ibang alam o makitang pangself defense? Corny ng deadly weapon mo ha," sabi niya nang hindi man lang tumatawa.
Ibinaba ko na ang hawak ko dahil mukhang kanina pa ako nagmumukhang tanga. Nagdiretso siya sa kusina. Sinundan ko siya. Binuksan niya ang ref at uminom ng tubig.
"Teka nga, bakit ang aga mo? Anong nangyari sa event?"
"Iniwan ko na yung college friend ko sa event. Sumakit bigla ang ulo ko eh."
Nagkatinginan kami ni Kristine nang may kumatok sa pinto. Ako na ang nag-volunteer na magbukas ng pinto at sa dinami dami naman ng taong pwedeng bumisita, eh bakit siya pa?
"Ross?"
"Can I come in?" tanong niya.
Pinapasok ko naman siya.
"Cyrah, sinong--," tanong ni Kristine. Hindi na niya natapos ang sasabihin niya nang makita niya kung sino ang dumating.
"Aba buhay ka pa pala?" sabi ni Kristine.
"Kristine, nandito ako para magpaliwanag."
"No, you dont have to. We don't deserve an explanation. You can actually go now. Magiging ama ka na and yet you're still here at gustong makipagusap kay Cyrah?"
"Kristine!" saway ko. Now she's acting again like siya ang nasaktan.
"Alam nyo na pala."
"Una pa sayo," sagot ni Kristine.
"Iwan mo muna kami. Kaya ko na to," pakiusap ko kay Kristine. Sinunod naman niya ako at pumasok siya sa kwarto. Naupo kami sa sofa.
"I was this close sa pagaayos ng buhay ko," simula niya with hand gestures pa. Halos pagdikitin niya ang kanyang hintuturo at hinlalaki sa kanyang kaliwang kamay. "That moment when you want to get out of my apartment, I already knew I don't want to let you go. Aside from the fact na alam ko na ang totoo. Kung kinakailangang hingin ko kay Kristine ang copy ng mga pictures at video ginawa ko pagkatapos naming magusap."
Nanigas ang panga ko. That explains it. Sinasabi ko na nga ba eh. Dapat pala hindi ko pinapasok sa kwarto si Kristine para nakita ko ang reaksyon niya habang ibinubuko ni Ross.
"Please dont get mad at her. Iisa ang intensyon namin, for us to get back together."
Seriously?! Of all people, si Kristine pa? Can someone please remind me who is my partner in crime?
"Why?" tanong ko.
Why Kristine? Why would she want us to be together again? Why did she hide it from me?
"Sinabi ko sa kanya na mahal pa din kita. That was after the double date incident. Naaalala mo ba?"
I nodded.
"Ilang araw kang hindi umuwi sa apartment, kaya nang bumalik ka nagulat ako na gusto mo na kaagad umalis. Mabuti na lang nahingi ko kay Kristine ang video."
"At binlackmail mo pa talaga ako," naiinis kong paalala sa kanya.
"I'm sorry. But if that is the only way to make you stay gagawin ko. I'm sorry na naniwala ako sa mga rumors sayo noon. Im sorry nabulag ako noon. But I really loved you and I still do."
"Okay, so is this the part where I should be happy and thankful cause after all these years, mahal mo pa din pala ako? Is this the part na dapat umaapaw na ang kilig sa mga ugat ko?" I asked him sarcastically. "Ross, naririnig mo ba ang sarili mo? Niloko mo ako noon at ngayon naman si Jessica ang niloloko mo."
"Cyrah, we both know na hindi kita niloko noon. Wala na tayong relasyon nang maging kami ni Jessica."
Magkaiba yung nagkakalabuan sa naghiwalay diba?
"Naging kayo because you pushed me away. Nagkakalabuan na tayo noon, pero sa halip na tulungan mo akong ayusin ang relasyon natin, nasaan ka? Wala. Tinatakasan mo na ako. Ni hindi ka na mahagilap kung kailan pwede tayong mag-usap. Malayo ka na nga sakin literally, mas lumalayo ka pa."
"Aaminin ko na natakot ako noon. Natakot ako sa magiging future nating dalawa," malungkot niyang sagot then he looked down.
Lumakas ang kabog ng dibdib ko. Hindi ko akalaing aabot kami sa usapang ito, but no worries, girl scout ata ako. Palagi akong handa.
Tiningnan ko siya habang nakatungo siya. Kung makikita lang niya na halos magbuga na ng apoy ang mga mata ko.
"Natakot ka? Natakot ka ha? Saan? Kanino? Bakit?" tanong ko kahit na alam ko na naman noon pa ang dahilan.
Nag-angat siya ng tingin.
"Natakot ako na.. na..," mahina niyang sagot.
"Natakot ka na maging kagaya ako ng Tita ko ha?"
There. I've said it. I've finally said it to his face. Hindi niya kayang sabihin? Pwes ako na ang magsasabi.
"Cyrah, noong una oo. Aaminin ko na natakot ako na baka kagaya ka niya, but I was wrong. I was totally wrong and I'm sorry."
Bakas sa boses niya ang takot pero wala akong pakialam. Hindi ko inaalis ang tingin sa kanya. Wala din akong pakialam kung medyo nararamdaman ko ng nasisilam ang mata ko. Naglinis na ako ng bahay diba? Bakit parang madami pa ding alikabok?
"I'm sorry pinagdudahan ko ang pagmamahal mo sa akin. I know how much you love me at alam kong hanggang ngayon mahal mo pa din ako. Hindi ko niloko si Jessica but if you see it that way, wala akong magagawa. I was confused, oo but God knows how much I tried to work things out with her. Noong mga panahon na pinapaalis na kita sa apartment, I was really planning na ayusin na ang relasyon namin ni Jessica. Okay na kami. We are doing whatever we want kahit pa nga noong una ay ayaw niya. Nagulat na nga lang ako na isang araw bigla na lang siyang pumayag na gawin namin yon."
Konti na lang I will punch this guy on the face. Did I ever mention that I am interested on his boring sex life with Ms. Prim and Proper?
"I was totally convinced that everything would be alright. Pero nandyan ka. Hindi ko akalain na posible nga pala yon, ang magmahal ako ng dalawa. Ang sabi nila posible ka naman daw talagang magmahal ng dalawa pero palaging mas matimbang ang isa. At sa inyong dalawa, ikaw ang mas matimbang Cyrah. I know it's wrong kaya nga hanggat kaya ko noon, pinapaalis kita sa apartment dahil kapag nagtagal ka pa, mas lalong titindi ang pagmamahal ko sayo. Natakot ako, na baka wala ng matira kay Jessica."
"Hanggang sa unti unting nagbago si Jessica. Alam kong mahal ako ni Jessica, walang duda yon.."
Langya, samantalang yung pagkatao ko at pagmamahal ko pinagdudahan noon.
"...pero sabi din nila, lahat ng sobra ay masama. Nasakal ako sa pagmamahal niya. It felt like I was in love with a different person when I was abroad. Hanggang sa isang araw, nagpunta ako sa banko para makita ka dahil ilang araw ka ng hindi umuuwi sa apartment. Si Kristine lang ang nakita ko at sinabi niya sa akin ang totoo. Pakiramdam ko wala na akong tamang desisyon na ginawa sa buhay ko. Pero nang malaman ko na hindi mo naman pala ako niloko, ang gusto ko lang noon ay umuwi sa apartment at umasang doon ka ulit uuwi pero halos limang araw kang hindi umuwi at pagbalik mo, nagiimpake ka pa."
flashback
"Aalis na ako," sabi ko. Eh kasi naman kanina pa ako lagay ng lagay ng damit ko sa maleta pero hindi niya napapansin.
"Hindi naman kita pinapaalis diba?"
"Last time, pinagtatabuyan mo na ako diba?"
"Noon yon, hindi na ngayon."
Itinigil ko ang pagiimpake at tiningnan siya sa mga mata niya. Nakakakita ako ng lungkot sa mga mata niya. Imposible! Bakit naman siya malulungkot eh aalis na nga ako?
Ipinagpatuloy ko ang pagiimpake ko pero nagulat ako nang hawakan niya ang kamay ko na siyang nagpatigil sa ginagawa ko.
"You are not going anywhere."
"If you are getting worried about the pictures, I won't send it to your girlfriend. I'm done with this game. I'll delete all the files kahit pa ang mga back ups ni Kristine, ipapadelete ko na din yun sa kanya. I have to move on, Ross and I know you will let me."
"I am not worried about the pictures. I am worried about you, letting me go. I am worried about you not being next to me. You may call me selfish, pero ayokong mag-move on ka."
Hinila ko ang kamay ko na hawak pa rin niya."You are worried about me not being next to you? Ross, baka nakakalimutan mo, for the past few years ibang babae naman ang kapiling mo diba? You chose her over me, right?!"
Nagsisimula ng tumaas ang boses ko kasabay ng unti unting pamumuo ng mga luha sa mata ko. This is the part I hate the most. Yung babalik lahat ng sakit na nararamdaman mo. Yung sobrang dami ng efforts ang nagawa mo para lang mapagtakpan lahat ng sakit and then with just a snap babalik lahat.
"I did not choose her over you. Ikaw ang nagbigay sa akin ng dahilan para magkaganito ako. Ikaw ang gumawa ng dahilan para magalit ako sayo. Ikaw ang nauna Cyrah, hindi ako."
And the hardest part is kahit anong gawin mo, kahit anong sabihin mo, ikaw pa rin ang lalabas na masama. Gusto pa ata niyang palabasin na ako ang may kasalanan kung bakit ako nasasaktan ngayon.
"Kasi iyon ang sinabi nila sayo at iyon ang pinaniwalaan mo. Kasi naunahan ka ng takot. Kasi wala kang tiwala sa akin." This time malumanay na ang sagot ko.
"Hindi totoo yan. Bakit hindi mo masabi na nagbago ka naman na talaga? You are not the same Cyrah."
Sumbatan ang peg?! Sigaw ng utak ko.
"See? Lumabas na din sa bibig mo. Sila ang pinaniwalaan mo." Itinuloy ko ang pagiimpake. Nang mailagay ko ang lahat ng gamit ko sa maleta, binitbit ko na iyon at naglakad palabas ng pinto.
"It's okay Ross. You don't have to explain anything. Tanggapin na lang natin na tapos na tayo."
"Tapos na nga ba Cyrah?" tanong niya.
Hindi ko siya nilingon.
"Hindi ka aalis Cyrah."
This time nilingon ko siya at binigyan ng mapait na ngiti.
"Aalis ako Ross, and you know there is nothing that can stop me."
"Bakit mo pa sinasabi sa akin ang lahat ng yan?" tanong ko. May forever nga ata, eh mukhang wala atang ending ang pagkekwento ng lalaking ito eh. Hindi naman Thursday pero tumo-throwback. Kaloka!
"It just feels like I need to tell you the truth. Hindi ako matatahimik hangga't hindi ko nasasabi sayo ang nararamdaman ko."
"Ayos ka din noh? Ngayon mo talaga sinabi kung kailan huli na ang lahat. Kung kailan bonggang bongga na ang twist and turns sa mga buhay natin. So ano? Tapos ka na bang magthrowback? Makakaalis ka na," taboy ko sa kanya. Hindi ko na ata kakayanin pa ang iba pa niyang sasabihin.
Sinabi ko na sa kanya noon eh, nasa kama na siya eh lumipat pa siya sa banig. Tsk.
"Cyrah, gusto ko lang malaman mo na mahal pa din kita. Na kung pwede lang akong pumili ikaw ang pipiliin ko. Tawagin mo na akong gago, tatanggapin ko."
Pero sa totoo lang, buong buhay ko, ngayon ko lang nakita si Ross na ganito kaseryoso. Para bang bibitayin na siya bukas kung makapagconfess siya.
Did I just wipe a tear on my cheek?
"Gago ka nga. Gago ka talaga. Hindi ka pa nakuntento noon na saktan ako. Talagang nagpunta ka pa dito para pahirapan ang damdamin ko. Alam mo, okay na ako eh. I was this close sa pagmomove on," sabi ko at ginaya ko ang hand gestures na ginawa niya kanina. "But it's too late, Ross. Yung natitirang chance para sa ating dalawa ay iniwala mo. Gusto kitang murahin. Gusto kitang sisihin. Gusto kitang saktan, yung sakit na mamanhid ka. Yung tipong sa sobrang manhid ay hindi mo na mararamdaman na sinasaktan ka pa pala, dahil immune ka na. Gusto kitang sigawan. Ang dami kong gustong gawin pero kahit gawin ko pa ang lahat ng yon, wala namang mababago. Nandyan na yan. Nangyari na. Tapos na. Wala ka ng ibang magagawa kundi tanggapin ang lahat. Consequences ito ng pagiging selfish mo."
"I love you," ang tanging nasabi niya.
I wiped a tear on my right cheek.
"Kahit pa ilang milyong beses mong sabihin na mahal mo ako, wala ng magbabago. Ang unfair diba? Matagal na naman tayong tapos pero hanggang ngayon nahihirapan pa din tayong dalawa? I guess this will be our closure. Let us just move on with our lives," dagdag ko pa at ngumiti ng bahagya.
"Hanggang ngayon, pinapahanga mo pa din ako. How did you that? Nagagawa mong pagaanin ang sitwasyon when we both know that this is really hard."
"Ganun talaga, Ross. Sa dami ng pinagdaanan ko, madami na akong natutunan."
"I don't want to move on. I can't. It's unfair. Ang sabi mo, you were this close sa pagmomove on," with hand gestures again. "Pero paano naman ako? How can I move on? I don't even know where to start because I don't want to. All I want is you, Cyrah."
"Ano ka ba, Ross? It's unfair? In case you haven't heard, life is unfair. I am trying to make this easy. Don't make this hard for both of us. Umalis ka na lang, because this conversation? This is nonsense."
Tumayo na ako at binuksan ko ang pinto. Inilayo ko ang tingin ko sa kanya habang hinihintay siyang lumabas ng pinto.
"Kung hindi ko ba siya nabuntis, may pag-asa pa ba para sa ating dalawa?" tanong niya ng makalabas siya ng pinto.
"I'm sorry, Ross but I don't answer hypothetical questions."
Then I slammed the door.
"KRISSSTTIINNEEEE!!"