CYRAH'S POV
Eh ano naman ngayon kung nakatayo si Ross may pintuan? May magbabago ba?
"Ross pasok ka," anyaya ni Kristine.
"Hindi na. Idinaan ko lang ang mga ito," sagot ni Ross at mula sa tabi niya ay may kinuha siyang mga bag. Mga bag ko tsaka yung isa kong malaking maleta.
Nagulat ako sa nakita ko pero hindi ko na lang ipinahalata. Napabangon si Kristine at naglakad papalapit kay Ross. Sumunod ako sa kanya.
"Ross anong ibig sabihin nito?" gulat na tanong ni Kristine.
Tiningnan ko lang si Ross sa mga mata niya at katulad ni Kristine, naghihintay din ako ng sagot mula sa kanya.
"Dinala ko lang yung mga gamit ni Cyrah. I was wrong from keeping her on my side. Alam ko naman na gustong gusto na niyang umalis sa poder ko," sagot ni Ross habang nakatingin siya kay Kristine. "I'm sorry kung ano ano pa ang sinabi ko just to make you stay. I'm sorry kung pinipilit kitang magstay kahit alam kong complicated. You're free to do whatever you want now. I want you to be happy, Cyrah. I hope you find your happiness," sabi naman niya habang nakatingin sa akin. Ibinalik nya ang tingin niya kay Kristine at nagsalita ulit, "I'm sorry."
Tiningnan ko ang reaksyon ni Kristine. Mataas nga yata ang lagnat ng kaibigan ko, parang nagbabaga ang mga mata niya eh. Obvious na obvious ang tindi ng galit niya kay Ross na siyang ipinagtataka ko kasi ako ang involved dito. Ako ang ilang beses na pinapalayas. Ako ang ilang beses na sinasaktan ng lalaking nakatayo sa harapan namin, pero siya ang galit na galit! Pero kunsabagay, ganun nga talaga ang mga kaibigan. Sila pa ang mas galit kapag sinasaktan ang mga kaibigan nila.
Ibinalik ko ang tingin ko sa may pintuan pero wala na si Ross. Nakatalikod na siya at naglakad na palayo, pabalik sa kotse niya. Ano yon? Ganun na lang lahat? Pagkatapos niyang magdrama, tatalikod na lang siyang bigla at hindi man lang ako bibigyan ng pagkakataon magsalita?! Siya lang ang may karapatang mag-senti? Kahit kailan napaka-unfair talaga niyang si Ross Rodriguez!
"Sira ulo ang ex mo! Tanga siya! GGGRRRRR!! Bwisit siya!"
Hindi na ako nagulat sa mga salitang inilarawan niya kay Ross kasi alam ko na naman yon, matagal na. Ang ikinagulat ko eh bakit kailangan pa niyang sumigaw?
"What's wrong?" nag-aalalang tanong ni Symon na agad lumapit sa aming dalawa.
"Friend, anong problema mo?" tanong ko.
"Wala. Sumakit lang bigla ang ulo ko," sagot niya at inalalayan namin siya patungo sa may sofa. Bumalik naman sa pagluluto si Symon matapos iutos ni Kristine na ipasok ang mga gamit ko.
"Huwag kang magalala Cyrah, dito ka na lang muna ulit. Mali nga yata ang idea natin na pinilit kitang makisama kay Ross. I'm sorry. This is all my fault!" sisi ni Kristine sa sarili niya.
"Ano ka ba? Ok lang yon. Wag ka na ulit magkakasakit ha?"
Ngumiti siya. "Awww. Ang sweet mo naman."
"Gaga! Ang drama mo kasi eh!"
"Hindi ah! Hindi ako madrama. Letse kasi yang ex mo! Nakakainis! Natalo tayo ni Ms. Prim and Proper," pagmamaktol niya.
At talagang affected na affected siya.
Iniwan ko na muna si Kristine sa sofa at inaayos ko ang mga gamit ko. Dinala ko ang mga iyon sa kwarto ko at ibinalik sa dati.
Right. Sa dati.
Ito naman ang gusto ko diba? Ang makawala na sa poder ni Ross.
Nagpaalam ako kay Kristine na lalabas lang ako sandali matapos kong maayos ang mga gamit ko. Gusto daw niya akong samahan pero sinabi ko na tumigil siya at may sakit siya. Nakinig naman siya sa akin.
"Ate Cyrah?!" boses ng babae. Lumingon ako para hanapin kung sino ang taong yun.
"Kyla?! Ikaw nga!"
Lumapit siya sa table ko. Andito ako sa isang restobar. Matagal ko na din siyang hindi nakikita.
"Ang laki laki mo na! College ka na ba? Sinong kasama mo?"
Nilingon ko kung sino ang mga kasama niya. I bet hindi niya kasama ang kuya niya coz I'm sure hindi siya papayag na lumabas ng ganitong oras ang nagiisa niyang kapatid na babae.
"I'm with my friends. Andun sila," turo niya sa mga kaibigan niya sa kabilang table. "Oo Ate, college na ako," nakangiti niyang sagot. "I'm so happy nakita kita. Miss na miss na kita. Wala na akong napapagsabihan ng sikreto at problema ko."
"Pero diba may bago namang girlfriend ang Kuya mo?" tanong ko ng walang halong bitterness.
Nagiba ang anyo ng mukha niya.
"I dont like her. I met her once, nung sinama ako ni Kuya para sunduin siya sa mall. Pero hindi pa siya nadadala ni Kuya sa bahay. Masyado siyang clingy. Sobrang magkaibang magkaiba kayo. Siya yung tipo ng babae na matindi ang pangangailangan sa knight in shining armor. Ayoko ng ganun. Yun bang parang hindi niya kayang ipagtanggol ang sarili niya. Yung tipong masarap apihin," sagot niya na may halong tawa.
Now you know kung bakit kami magkasundo ng nakakabatang kapatid ni Ross.
"Ate can I ask you a favor?"
"Sure."
"Please huwag mo akong isusumbong kay Kuya na nakita mo ako dito ha. Magagalit yun kapag nalaman niya na lumabas ako ng ganitong oras."
"So alam mo na nagkikita kami?"
Nanlaki ang mga mata niya.
"Really?! Nagkikita kayo?"
If you could only see her face, abot tenga ang ngiti niya. I was about to say something pero pinigilan niya ako.
"Hindi ko alam na nagkikita kayo, sinabi ko lang yun sayo just in case na magkita kayo. Yun pala nagkikita naman na pala talaga kayo. Waaaahh!! Please! Magbalikan na kayoo!"
"Kyla, no. It's not like that. Matagal na kaming tapos ni Ross and things are getting more and more complicated."
"Ganun ba? Sayang naman. Basta Ate, yung favor ko ha?"
"Wag kang mag-alala. Katulad pa din ng dati, your secret is safe with me. Just take care of yourself at umuwi ka na din agad. Huwag kang mag-iinom, okay?"
Tumango siya. Nagpaalam na siya pabalik sa mga kaibigan niya. Umuwi na din ako pagkaalis niya.
"YOU MADE A PROMISE RIGHT?! NAGTIWALA AKO SA'YO PERO ANONG GINAWA MO?"
Pagkapasok ko pa lang ng apartment namin ni Kristine, dumadagundong na ang napakalakas niyang boses mula sa kwarto niya.
"SORRY? BAKIT? ANONG MAPAPALA KO SA SORRY MO? YAYAMAN BA AKO DYAN?!"
Ghad! Nag-aaway ata sila ni Symon. Wrong timing ata ang pagbalik ko.
"OH YES! I'M MAD! YOU KNOW WHAT DAPAT HINDI NA LANG AKO NANIWALA SA'YO EH!"
Pero bakit boses lang ni Kristine ang naririnig ko? Pinalayas na ba niya si Symon?
"TRUST?! YUN NA NGA EH, PINAGKATIWALAAN KITA NA DAPAT HINDI KO PALA GINAWA!"
Nagbukas ang pinto sa kwarto ni Kristine at iniluwa siya nito. Bakas na bakas sa mukha niya ang galit at halos madurog pa sa kanang kamay niya ang hawak niyang cellphone.
"Friend, a-anong nangyari? Nasaan si Symon?"