(flashback pa rin)
Palaging ganyan si Ross. Tatabihan ako tapos kung ano anong banat ang bibitiwan sa akin. Hindi ko na nga lang pinapansin ang pagpapacute niya (kung pagpapacute nga bang matatawag yon), because I am pretty sure ginagawa niya din yon sa ibang babae. I don't feel special. Teka, why would I assume that I am special?
He never said he likes me. Pero kapag magkakasama ang barkada, sa lahat ng babae sa akin siya pinaka laging dumidikit. Yung iba naming friends, hindi maiwasang lagyan ng malisya at kapag pinapansin na nila kaming dalawa, nagiging awkward na. Hanggang sa dumating sa point na parang nasanay na sila sa closeness naming dalawa.
"Nambasted ka na naman daw?" tanong sa akin ni Ross minsan lunch break.
"So? Masama ba?" nakataas ang kilay kong tanong. Bumulong siya. Hindi ko masyadong naintindihan ang bulong niya basta may narinig akong 'tuwa' sa sinabi niya.
"Eh kasi naman. Nakakainis. Wala bang matinong manliligaw sa akin?" maktol ko.
Lumunok muna siya bago nagsalita.
"Matino naman mga nanliligaw sayo ah?"
I just rolled my eyes.
"Eh ano ba ang matino sayo?"
"Gusto ko yung mas matalino sa akin", sagot ko.
"Kapag ganyan ang standards mo, hindi ka nga magkakaboyfriend!"
Isa talaga sa gusto ko sa isang lalaki eh yung matalino. Syempre sino ba naman ang gusto ng lalaking tatanga tanga diba?
Hanggang sa makagraduate na kami ng highschool and we learned na magkakaibang University pala ang papasukan naming magkakabarkada. Yung iba hindi daw magkacollege. Public school lang naman ang highschool na pinasukan namin that's why I understand kung bakit hindi na makakapagpatuloy sa pagaaral yung iba.
Halos wala na ding communication ang barkada. Siguro busy sa kung ano ano, sa pagaaral, sa trabaho kasi sigurado yung iba, working student. Ako, isa ako sa maswerteng nakapagpatuloy ng pagaaral.
Until one day, OJT ko sa bangko, biglang nagring ang phone ko. Missed call lang pala. Unregistered number. Paguwi ko sa bahay, ngtext yung unregistered number. Tinanong ko kung sino siya.
It’s Ross.
Gusto daw niya akong ligawan. What the hell! Where did it come from?! After kong makaget over sa pagkashock, halos mautas naman ako sa kakatawa. Imagine, after almost three years wala naman kaming communication tapos out of nowhere, magtetext siya ng ganito. He can’t be serious!
Naupo ako sa couch at kinuha ang libro ko para magaral, may exam kasi kami bukas. 4th year college na ako sa kursong BS Accountancy. I’m writing some notes nang bigla na namang magtext ang taong kanina ko lang tinatawanan.
Now he’s asking for a date. Hindi ako pumayag. He insisted, kahit daw friendly date man lang. Pumayag na ako.
Sa mall na lang kami nagkita. That was Sunday. Hindi naman ako palaayos pero nang araw na yon, I don’t understand why I found myself staring at the mirror at naglalagay ng make up. Maging ang buhok ko na halos umabot na sa bewang ay tinalian ko pa. Nakailang palit pa nga din ako ng damit. This is not even a real date for Pete’s sake!
Nang makapagdecide ako sa susuotin ko, umalis na ako sa bahay. Napaaga pa nga ata ako kasi wala pa siya sa meeting place namin ng dumating ako. Kahit kalian late talaga siya palagi! Noong highschool kami, lagi siyang late sa klase hanggang ngayon ba naman?! Gah!
Sa loob na halos tatlong taon, ngayon ko lang ulit makikita si Ross. Napaisip ako bigla. Ano na kaya ang itsura niya ngayon? Mas tumangkad ba siya? Hindi na ba siya patpatin katulad noon? Gwapo pa rin kaya siya? Lumaki na ba ang pangangatawan niya? You know, kung katulad na ba siya ng lalaking nasa harapan ko ngayon na halos bumakat na sa suot niyang damit ang mga abs. Yung lalaking ganito na kahit nagmatured na ang mukha dahil sa bagong tubong balbas eh gwapo pa rin at mas lalaking lalaki na ang dating. Katulad na ba siya ng lalaking ito na kung makatitig sa akin na para bang may sinasabi ang kanyang mga mata. Lalong lalo na ang mahahaba niyang eyelashes. Hay, infairness kamukhang kamukha ni Ross ang lalaking tinutukoy kong nasa harapan ko nga--.
“Did you enjoy it?” tanong ng lalaki sa harap ko.
“R-ross?” nauutal kong tanong. This can’t be happening!
He smirked. “I’m asking you again. Did you enjoy staring at me?”
I blinked. Making sure na hindi ako nililinlang ng mga mata ko. How did he come up with this perfect body? Eh ang payat payat niya naman noon.
“I-ikaw nga!” bulalas ko.
“So saan mo gustong mag date? I mean are we gonna watch movie first or kakain muna tayo?” tanong niya at inakbayan niya ako.
Nagulat ako nang bigla niyang ilagay ang braso niya sa balikat ko. Pakiramdam ko para akong nakuryente ng lumapat ang balat niya sa akin. I can smell his scent. Very masculine. Hindi naman ako naiilang na nakaakbay siya sa akin, nagulat lang ako. Hinayaan ko na lang siya.
“You look pretty”, sabi niya sa akin.
Ramdam ko na namula ako sa sinabi niya. It’s just a simple compliment right? Hindi naman siya ang unang nagsabi sa akin ng ganon pero bakit hindi ko mapigilang ngumiti? Tumungo ako para hindi niya makita ang pagbablush ko.
Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit pagdating kay Ross kakaiba ang lahat. Ang una date namin ay nasundan pa ng isa, dalawa.. apat.. anim until he courted me.
When we were in highschool, never had I imagined na aabot kami sa ganito. Well, yes, he’s doing some stuff na kulang na lang eh sabihin niya na gusto niya ako but still hindi siya vocal pagdating sa bagay na yon..noon.
“Pinagtitripan mo lang siguro ako noh?” sabi ko kay Ross minsang dinala niya ako sa playground. Nakaupo kami sa swing.
Nakakatawa mang isipin pero dito kami madalas magdate. Nakakatuwa din kasing panoodin ang mga batang naglalaro. Sabi ni Ross, ito daw ang favorite place niya. Kasi dito daw sa playground, he can be what ever he wants. Magkamali man siya, katulad ng mga bata, walang tatawa, walang pupuna at magagalit na nagkamali siya. Ewan ko nga ba sa lalaking to, and deep deep.
“Bakit naman kita pagtitripan?”
“Eh kasi naman, noong highschool tayo, hindi ka naman ganito. Puro ka kalokohan noon. Ang dami dami mo pang babae! Tapos ngayon..” sabi ko nang hindi nakatingin sa kanya.
“Ngayon.. hindi na ako ganun. Hindi na ako maloko. Seryoso na ako, lalong lalo na sayo. At higit sa lahat iisa na lang ang babae ko at ikaw lang yun”, sagot niya. Hindi man ako nakatingin sa kanya, alam ko na habang sinasabi niya ang mga yon ay sa akin siya nakatingin. Unti unti akong tumingin sa kanya. Papalapit ng papalapit ang mukha niya sa akin hanggang sa ga-hibla na lang ang pagitan ng mga mukha naming dalawa.
Napapikit ako. Tunog na lang ng heartbeat ko ang nararamdaman ko ng biglang..
TOINKS!
“Shoree!” sabi ng isang batang babae na sa tantiya ko ay four years old. Naglalaro sila at natamaan ako sa may ulo ng bola.
Hinawakan ni Ross ang ulo ko. “Nasaktan ka ba?”
“Hindi naman”, sagot ko. Malambot naman ang bola na tumama sa akin.
Ginagawa ni Ross ang lahat masundo niya lang ako sa University noon. Kapag maluwag ang sched niya at sched ko, we spend time with each other hanggang dumating sa point na nahulog na din ako sa kanya.
“When did you realize na gusto mo ako?” tanong ko sa kanya habang nakaupo kami sa couch dito sa bahay namin. Simula ng maging kami, legal kami sa bahay.
“From the very first day that I saw you”, sagot niya habang nilalaro ng mga kamay niya ang buhok ko.
“But you never said you like me.”
“I never said it but that doesn’t mean that I don’t like you. Sikat ka kasi sa school.”
“A-ako sikat?” gulat kong tanong. Eh siya nga ang sikat.
“Sikat ka sa pambabasted ng mga manliligaw mo.”
“Aha! At ayaw mong mapabilang sa kanila kasi nahihiya kang mabasted?” sabi ko sa kanya habang nakaturo pa sa kanya ang isa kong daliri.
Hinawakan niya ang kamay kong iyon.
“Hindi naman sa ganon, pero hindi pa kasi ako nababasted eh. I mean, hindi ako mahihiya kung mabasted mo man ako. Mas natatakot ako noon na malaman na kaibigan lang ang tingin mo sa akin.”
Nabasa ko sa kanyang mga mata na seryoso siya. Ibig niyang sabihin sa loob ng tatlong taon, gusto niya pa rin ako.
“Eh bakit mo ako niligawan ngayon? San nanggaling ang lakas ng loob mo?”
“Ilang babae na din naman ang nakarelasyon ko until one night, you were in my dreams.”
Napalunok ako sa sinabi niya.
“Mukha mo ang nakikita ko. Siguro kasi namimiss kita hanggang sa nasundan pa ang mga panaginip na yon.”
“So I’m the girl of your dreams huh?” nakangiti kong tanong.
Hinaplos niya ang pisngi ko.
“Simula noon hindi ka na nawala sa isip ko. Sinabi ko sa sarili ko na kailangan kitang makita. Sinubukan ko din noon na ibaling sa iba ang nararamdaman ko pero ikaw pa rin talaga.”
I can’t believe that all those times ganun na pala ang nararamdaman niya para sa akin.
“Sabi ko wala na akong pakialam kahit mabasted mo pa ako, basta liligawan kita at gagawin ko ang lahat para mahalin mo din ako.”
“And you did it”, nakangiti kong sagot.
Unti unting naglapat ang mga labi namin. His kisses were so soft and gentle.
After we graduated college, sinabi niya sa akin na kailangan niyang umalis. Kailangan niyang magpunta abroad dahil nagkasakit ang father niya at kailangan din niyang pagaralin ang mga kapatid niya. Masakit man sa akin ang umalis siya, wala akong magagawa. Hindi ko pwedeng ipagkait sa pamilya niya ang responsibilidad ni Ross bilang anak.
“We can always use Skype, Facebook at kahit ano pang messenger diba?” sabi ni Ross habang nasa airport kami. Ngayon ang araw ng alis niya. Panay ang pahid niya sa mga luha ko. Kasama din namin ang pamilya niya.
“Mamimiss kita ng sobra!” sabi ko habang umiiyak. Bigla niya akong niyakap ng mahigpit. Sa ginagawa niyang ito, parang ayoko na talaga siyang umalis.
“I love you so much. Lagi mong tatandaan yan. Hintayin ako ha. Babalik din ako. Babalik ako sayo, I promise.”
“I love you more. I will always wait for you”, sagot ko and he kissed me. Matagal. Kung pwede ko lang itigil ang oras, gagawin ko.
Nagsimula na siyang pumasok sa loob. Unti unti na din siyang nawawala sa paningin ko. Long distance relationship? Kaya namin to! Because we believe that distance doesn’t ruin people’s relationship. You don’t have to see someone everyday to be in love.
*end of flashback*
After we had dinner, Kristine did her daily routine which is checking her facebook account. She sat on the couch and got her ipad while I was busy watching t.v.
“Did you see his post on the group?” tanong ni Kristine.
“What group?” asking without any single idea.
Tininitigan niya ako.
“You mean hindi mo alam na may group kayo? I was just amazed kasi hindi naman tayo magkakaklase noong senior year pero member ako.”
“No. Wala akong alam sa group na yan.”
“Oh well, they’re just talking about that reunion thingy and yes it was Ross’ idea.”
Hinayaan ko na lang ang bagay na yon. There’s more to life than that freaking group and besides wala naman akong balak makisawsaw sa pagoorganize ng reunion na yon. I have my own drama.
“Ah sh*t! I’m sure you don’t wanna see this!” she exclaimed.
Napatayo ako at tumabi ako sa kanya.
“What? Patingin ako”, at pinipilit kong agawin ang ipad niya. Inilalayo naman niya sa akin yon.
“Buksan mo kaya yung sayo!”
At dahil alam ko naman na kahit anong pilit ko sa babaeng to eh hindi niya ibibigay sa akin ang ipad niya, binuksan ko na lang ang akin.
“Go to his profile”, utos ni Kristine.
So I typed his name on the search box. Hindi lumalabas ang name niya.
“Did he change his name? Hindi ko siya makita”, reklamo ko.
“Don’t tell me he blocked you?” may himig pang pangaasar ni Kristine. “Here is the link”, sabi niya at ibinigay niya ang link ng profile ni Ross.
Page cannot be displayed
Yan ang lumabas ng mahanap ko si Ross. What the heck? Kristine was right. Nakablock nga ako sa kanya?!
“He blocked me on facebook!” sabi ko kay Kristine.
Lumapit siya at tiningnan niya ito.
“I told you so! Akala ko ba he misses you? Anyare?”
Ang lakas talaga nito mangasar. Nagangat ako ng mukha. I decided to use my other account in facebook and when I searched his name lumabas agad. First on the list. I click his profile at ito ang nakita kong ang ayaw ipakita sa akin ni Kristine.
Ross Rodriguez is engaged to Jessica Gracia.
Nakatitig lang ako sa ipad ko. Alam ko madami ng sinasabi si Kristine pero hindi ko naman naiintindihan. Hindi maabsorb ng utak ko dahil sa nabasa ko.
Iba pala talaga kapag kumpirmado mo na. Noong sinabi ni Dexter ang tungkol sa bagay na ito, akala ko somehow biro biruan lang pero heto at naka broadcast na sa facebook.
“He’s engaged”, bulong ko.
“Wait a minute friend. I think this has something to do with his girlfriend. Hindi kaya kaya ka nakablock kay Ross kasi nahuli sya ng gf niya na naglalandian kayo? Wait lang akala ko ba nagkakatext na kayo ng kumag na yon? Bakit naman naglandian pa kayo sa facebook? Ni hindi mo man lang ba naisip na nabubuksan ng girlfriend niya ang fb niya? Isip isip din friend pag may time!” singhal ni Kristine.
Well she’s right. Ilang buwan na din nga kaming nagkakatext ni Ross at may kasamang landian. Pero nitong nakaraang isang buwan eh nawalan kami ng communication. I don’t know why. Baka tama ulit si Kristine na baka nag lielow si Ross dahil baka nakakahalata na ang gf niya. Pero hindi makatarungan yon para iblock niya ako sa facebook at pagkatapos bigla bigla ko na lang malalaman na engaged na siya?!
Ang pakana niyang Reunion ang pinakamalaking pagkakamaling ginawa niya because that will be my stepping stone para ipakita sa kanya ang maaaring mawala sa kanya kapag ipinagpatuloy niya ang pagtrato sa akin ng ganito! Hindi pa nga siya nakakabayad sa mga utang niya sa akin, heto’t dinadagdagan pa niya.
Oras na ng paninigil Ross Rodriguez!