noveltoon logo noveltoon
Blackmail Bargain

Chapter 26

Ch. 27 / 42 Feb 05, 2022

JUST MY LUCK!

Hindi ko akalain na sa yaman ni Simon, his car will run out of gas. Hindi niya nacheck man lang bago umalis?! Pssh!

Mabuti na lang malapit lang ako sa gasoline station. I texted Kristine at sinabi ko na i-break na niya si Simon kasi hindi full tank ang kotse nito. She replied and I can sense na tawa lang siya ng tawa. Sinabi pa niya na impulsive daw ako kaya iyon ang napapala ko.

I was about to go matapos kong makapagpa full tank, nang bigla na lang may tumawag sa pangalan ko.

“Cyrah!”

Hinanap ko kung saan nagmumula ang boses.

No.

Not today.

May pinplano pa ako.

I don’t need him right now.

Lumapit siya sa kotse ni Simon.

“Akala ko si Simon ang may dala ng kotse na yan, mabuti na lang nakita kong ikaw. Kamusta ka na? Ilang beses kitang tinatawagan, hindi kita makontak. Nagpalit ka na ba ng number? Hindi ka na rin daw sa apartment nyo ni Kristine nakatira. Nag-away ba kayong dalawa? Saan ka lumipat?”

“Bryce, I’m really sorry hindi ko masasagot lahat ng tanong. Ano kasi..”

Paano ko ba sasabihing nagmamadali ako?

“I miss you.”

Hindi ako nakasagot. Na kina Ross at Jessica ang isip ko.

“I know this might be awkward, kasi pinapa-car wash ko pa ang kotse ko ngayon, pero gusto sana kitang yayain na kumain sa labas. Pwede ba? May gagawin ka ba? Kahit mamayang gabi pa.”

Sinabi kong hindi ko siya kailangan ngayon diba?

Binabawi ko na.

“Hop in,” utos ko sa kanya. Sumunod naman siya. Nagsimula na akong magmaneho papunta sa lugar kung saan naroon ang dalawa.

“Gusto mo ba ako na ang magdrive?” he offered nang maramdaman niya ang sobra kong bilis sa pagmamaneho.

Hindi ko siya tinapunan ng tingin.

“No thanks. Just sit down and relax”, sagot ko. Wala akong balak na pumayag na siya ang magmaneho. Kahit pa sabihin na mahihiya ang Fast and Furious sa bilis ng pagpapatakbo ko.

Napangiti ako ng bahagya nang makita ko sa may bukana pa lang ng restaurant sina Ross at Jessica. Mukhang may kinakausap .

“Dito mo talaga gustong magdate?” tanong ni Brycenang makababa kami sa kotse. “Sabagay masarap nga ang pagkain dito”, dagdag pa niya.

Lumapit ako kay Bryce at ikinawit ko ang braso ko sa braso niya. Mas lumapad ang ngiti ko.

“I’m sorry po Sir, Ma’am, pero ang available seats lang po namin ay para sa mga customer na may double date. Nakapaskil naman po sa harapan. Pasensya na po. Nagkataon po na anniversary ng restaurant namin ngayon at iyon ang theme namin ngayon taon”, paumanhin ng waiter.

Nasa likod kami nina Jessica habang nakikiusap ang boyfriend nito.

“Hindi na ba talaga pwede? Ito kasi ang paboritong restaurant ng girlfriend ko”, pakiusap ni Ross at tinapunan pa niya ng tingin si Jessica.

“Pasensya na po Sir, pero..”

“Double date then!” singit ko sa usapan nila.

Napalingon silang tatlo sa akin.

I can see that both of them were surprised. Matapos akong tapunan ng tingin ni Jessica ay si Ross naman ang binalingan niya. Bakas ang inis sa mukha niya.

“Magkakasama po kayo?” tanong ng waiter.

“Aha,” sagot ko.

“This way po.”

Hindi natitinag sa kanilang lugar ang dalawa.

“Let’s go?” yaya ko at nauna pa kaming maglakad ni Bryce para sundan ang waiter.

Naupo na kaming apat. Walang imik ang dalawa, at nahahawa na si Bryce. I’m sorry Bryce, pero ikaw ang may gustong sumama sa akin diba?

“Are you okay?” tanong ko kay Bryce.

“Of course, kasama kita. Bakit naman hindi ako magiging ok?” nakangiting sagot sa akin ni Bryce. Mas nagworry ako sa isinagot niya. Of course I know, he’s not ok. How stupid of me to ask if he’s ok!

Gah!

Ok. Back to the game.

“By the way, Bryce, nakilala mo na naman si Ross diba? Meet Jessica, his.. girlfriend.” I paused. “Girlfriend, right?” paninigurado ko.

Napalunok si Jessica.

“She’s my girlfriend,” sagot ni Ross. Inakbayan niya si Jessica. Ngumiti ako sa kanilang dalawa.

Dumating ang waiter at iniabot ang menu.

Umorder na silang dalawa. Sumunod na umorder si Bryce.

“Hindi ka ba oorder?” tanong ni Ross.

“No. Alam na naman ni Bryce ang paborito ko,” nakangiti kong sagot at isiniksik ko ang sarili ko kay Bryce. Hinaplos naman ni Bryce ang pisngi ko.

“Gaano na kayo katagal?”

Sa wakas, nagsalita ang babaeng snail.

“Wala kaming relasyon ni Bryce, pero matagal na din kaming magkakilala,” sagot ko at ibinaling ko ang tingin ko kay Bryce.

“Why? Are you afraid of commitments?” lakas loob na tanong ni Jessica.

Tumawa ako ng bahagya.

“Of course not. Why should I? It’s just that masaya naman kami sa ganito and besides marami akong kilala na nasa isang relasyon nga pero unti unti na naman nawawala ang love sa isa’t isa. Nanlalamig kumbaga. Yung tipong may relationship nga, pero committed nga ba?” at tinapunan ko ng tingin si Ross.

“So ayaw mo bang magpatali, ganun ba?” tanong pa ulit niya.

“Makikipagcommit ako kung gusto ko. I can do that of course. Kung tutuusin, anytime kayang kaya ko nga eh,” tinapunan ko ulit ng tingin si Ross ngunit mabilis lang. ibinaling ko kaagad kay Bryce ang tingin ko at nginitian siya.

Napansin ata ni Jessica ang pagtingin ko kay Ross kaya naman nag-iba ang timpla ng mukha niya. Please remind me, sino ba ang nagumpisa na magtanong ng tungkol sa commitment na yan?

Bigla namang dumating na ang order naming pagkain.

Tahimik naman kaming apat na kumain. Our attention was caught by a woman in early thirties. Nagsasalita siya gamit ang microphone.

“I need your attention everyone! Today is our restaurant’s anniversary kaya naman may inihanda kaming programs and exciting games para sa inyo. I hope everyone will join.”

“Sounds exciting!” sabi ni Bryce.

Nilapitan kami ng host. Itinanong kung tapos na ba kaming kumain and invited to join the game.

“Game ako!” excited na sabi ni Bryce.

“I’m in!” sagot ni Jessica. “How about you Cyrah?”

Ako pa talaga ang tinanong? Kailan ba ako may inurungan?

Tumayo ako at pumunta na din sa gitna kung saan gaganapin ang laro. Nakita kong sumunod na din si Ross. Walong babae at walong lalaki ang sumali.

“We will call this game as “Grab a Man”. Ibablindfold namin lahat ng babae. The men will walk around in circle. There is no talking allowed. You must “feel around” to find your mate. When I say “Go”, the women will grab a man. Sounds exciting diba? When you feel na yung kaharap mo na ang partner mo, just grab him. We have a lot of exciting prizes for you! Are you ready?” tanong ng host.

“Yakapin at hawakan mo na ang kamay ko, bilis,” bulong ni Byrce sa akin.

“Huh?” tanong ko.

“Para alam mo na agad na ako yun kung sakaling hawakan mo ako. Para alam mo na ang sukat ng katawan ko,” sagot niya habang tumatawa.

Seryoso ba siya??

Pumunta na kaming mga babae sa isang tabi at isa isa ng nilagyan ng blind folds. Habang nilalagyan ako ng blindfold, iniisip ko kung mas makakabuti ba kung si Ross ang makukuha ko or hindi. I mean, kung si Ross ang makakapartner ko, sigurado maiinis si Jessica at gusto ko ‘yon. Kaso baka naman mag-assume si Ross. Ah basta! Bahala na. Bakit ba si Ross ang iniisip ko eh si Bryce naman ang ka-date ko. Dapat pala pinatulan ko na yung sinabi ni Bryce kanina.

Dinala na ulit kami sa gitna habang inaalalayan sa paglalakad. A nice song from Kesha is playing habang inaayos ang pwesto namin.

Nagsimula ng maglakad ang mga lalaki pagkatapos ng hudyat ng host.

“What you got, boy, is hard to find

I think about it all the time

I'm all strung out, my heart is fried

I just can't get you off my mind

Because your love, your love, your love is my drug

Your love, your love, your love..”

Kumakanta ako sa isip habang nararamdaman ko nag naglalakad pa din sila sa harapan ko.

“GO! For the third time, I said GO!”

“Your love, your love, your love

Your love is my drug, your love..”

Third time?

Oh sh*t!

I grab a hand when I realized na patatlo na pala. Noon ko lang din narealize na wala na pala akong naririnig na tugtog at itinuloy na lang ng utak ko ang kanta. Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay niya. Kung sino man ito bahala na. Ang nais ko lang nang mga oras na ‘yon ay umuwi at ituloy ang naudlot na pagkanta ni Kesha.