noveltoon logo noveltoon
Blackmail Bargain

Chapter 8

Ch. 9 / 42 Feb 05, 2022

Naglakad ako papuntang banyo at kumatok sa pinto.

“LABAS!” sigaw ko.

Nagbukas ang pinto at iniluwa si Kristine.

“Eto naman kung makapagpalabas akala mo pusa ang pinapalabas”, reklamo niya.

“Pasensya ka na friend ha, eh kasi naman nanggigil na ako eh. You know how much I’d love to win this bargain”, paumanhin ko kay Kristine habang nakatingin sa walang malay at hubad na si Ross.

Umupo si Kristine sa kama at pinagmasdan si Ross.

“Ang hot friend!” komento niya habang ineeksamin ang abs.

Nilapitan ko siya.

“Inggit ka?”

She crossed her arms.

“Nope. Why should I? I have my Simon”, sagot niya. Oo nga naman. “At tsaka paano naman ako maiinggit sayo, eh hindi naman yan sayo!” dagdag pa niya tukoy kay Ross.

“Wow! Daig mo pa ang abortionist kung makapanlaglag ah!”

Tumawa siya.

“Sigurado ka ba na okay yung gamot na pinili mo na pampatulog dyan sa gagong yan ha?” tanong ko.

“Oo naman! Sigurado bukas na ang gising niyan!” sagot niya ng may halong tawa.

Natapik ko ang noo ko.

“Ano ka ba naman friend?! Diba ang bilin ko sayo yung gamot na wala ng gisingan? Yung tipong RIP na!”

Tiningnan niya ako ng masama.

“Eto naman kung makapagsalita feeling totoo ang gustong mangyari. Baliw ka ba? Kung balak mong patayin ang lalaking yan, aba ikaw na lang! Magpapakasal pa kami ni Simon noh! At tsaka kapag tinuluyan mo ang ex jowa mo na yan eh paano ka pa makakapaghiganti?”

Umupo din ako sa kama.

“I know. It’s just that.. never mind. Let’s start na!”

Tumayo na si Kristine.

“Nhaks excited makascore sa ex!”

“TSE!”

Kinuha niya ang bag niya na kasama niya kanina na nakatago sa banyo.

“May mga nakuhanan ka na ba? Pakita nga”, sabi ko sa kanya habang hawak niya ang kanyang camera.

“Oo. Ayan oh!”

Kinuha ko ang camera and looked at the pictures. Napapangiti ako habang tinitingnan ko ang mga ito.

“Galing! Dapat naging photographer ka na lang”, sabi ko kay Kristine.

“I know right. Galing kong kumuha noh? Scandal na scandal ang dating. Tingnan mo ang itsura ng ex mo. Sarap na sarap sa ginagawa niya sayo oh!”

Ang picture na tinutukoy ni Kristine ay noong halikan ni Ross ang dibdib ko. Marami pang iba tulad ng noong naghahalikan kami.

“Diba sabi ko naman sayo, hindi niya maresist ang alindog ko”, sabi ko ng may halong tawa.

“Siguro porn star yan sa ibang bansa. Siguro yun talaga ang trabaho niya. Landi oh! Ibenta ko kaya ang mga pictures na to?”

Tiningnan ko ng masama si Kristine.

“Oh bakit?” tanong niya.

“Huwag naman yung kasama ako sa picture friend. Nakakahiya naman sa pamilya ko.”

“Baliw! Oh siya, aura na sa kama. I’ll be the director and you’ll be the actress”, utos ni Kristine.

“Yay! First time ko gagawa ng suspense/thriller”, excited kong sabi habang humihiga sa kama. Kawawang Ross, papatayin na hindi pa alam. Bwahahahaha!

“PORN ito! P-O-R-N!” diin ni Kristine.

“Ha? Akala ko pa naman ako yung killer dito!”

“Hubad na!” utos ni Kristine.

“Sino? Ako o siya?” turo ko kay Ross.

“Both.”

Hinubad ko ang bra ko. Although may taklob naman na kumot kapag kinuhanan ni Kristine, kailangan ko pa rin tanggalin kasi makikita yung tali sa may bandang leeg ko. Isinunod ko ang shorts ko kaya panty na lang ngayon ang natitirang saplot ko. Ang sunod kong ginawa ay hinubad ko ang suot na shorts ni Ross. Napapalunok ako habang ginagawa ito.

“Friend mukhang hirap na hirap ka dyan ah. Gusto mo ako na?” tanong ni Kristine na walang ibang choice kundi ang manood.

“Sssh. Kita mong nagcoconcentrate ang tao eh”, sagot habang nakatingin pa din sa shorts ni Ross.

“Kaloka! Maghuhubad lang ng shorts kailangan pa ng concentration?” bulong ni Kristine.

Pagkatapos ng napakatinding konsestrasyon, nahubad ko na din ang dapat mahubad.

“Yung natitirang tela ba kailangan din hubarin?” tanong ko.

“Uhmmm. Gusto mo ba?”

“Naku wag na pala!” bawi ko. “Baka mapalabas kita ng wala sa oras”, bulong ko naman.

Humiga ako at hinila palapit sa akin si Ross. Pucha! Ang bigat ng walangyang to! Tinakluban ko ng puting kumot ang may bahagi ng dibdib ko hanggang sa may panty ko at nagshare ng konting kumot kay Ross.

Niyakap ko siya at inilagay ko ang mga braso niya sa katawan ko para magmukhang nakayakap din siya sa akin. Humilig ako sa dibdib niya. Pumikit ako at nagsimula ng kumuha ng pictures si Kristine.

Iba’t ibang anggulo ang kinukuhanan niya. Meron pang nakasiksik ang mukha ko sa leeg ni Ross habang yakap niya ako.

“Friend, ayusin mo ang pagkuha ha!”

This time nakapatong si Ross sa ibabaw ko at kunwari hinahalikan niya ang leeg ko. at kahit mabigat siya, tinitiis ko na lang. Kailangan eh.

“Bilis naman! Ang bigat ng gagong to!” sabi ko habang nakapikit at busy siya sa pagkuha. Kailangan kong pumikit kasi kunwari nasasarapan ako sa mga halik niya at ninanamnam ko iyon. Hindi pala kunwari na nasasarapan ako sa mga halik niya kasi masarap talaga.

“Oo na! Huwag ka ngang magsalita! Ayan, nakanganga ka tuloy sa isang ito.”

Napamulat ako sa sinabi niya.

“Ha?!”

Napabangon ako at itinulak ko si Ross mula sa ibabaw ko kaya naman napauntog siya sa headbord ng kama.

“Naku! Erase mo yan at baka mabaliktad ang mundo!”

“Oo na. Eto na, wala na.”

Nang matapos ang pictorial namin ni Ross, nagbihis na ako.

“Let’s go?” yaya ni Kristine.

“Si Simon mo?”

“Natext ko na. Sinabi ko na masama ang pakiramdam ko kaya kailangan na nating umuwi.”

Inayos na niya ang mga gamit niya.

“Eh yung mga kasama nga pala natin?” tanong niya.

“Hayaan mo na sila. Malalaki na sila. And besides hindi naman talaga sila ang ipinunta natin dito diba?”

“Tama! THIS!” at itinaas ni Kristine ang camera na hawak niya.

“Hintayin mo ako sa labas”, utos ko sa kanya.

“Bakit?” pagtataka niya.

“Basta.”

“Kay! If I know hahalayin mo lang yang ex mo!”

Lumabas na siya ng kwarto. Pinagmasdan ko si Ross at napadako ang tingin ko between his legs.

“I just really need to do this”, bulong ko.

Pumikit ako at hinawakan ko ang brief niya. Nanginginig man ang mga kamay ko, unti unti ko yung ibinaba.

“Wag kang sisilip Cyrah! No!” sita ko sa sarili ko.

Nang maramdaman kong nasa may tuhod na niya ang brief saka ko iminulat ang mga mata ko at diretso ang tingin ko sa mga paa niya. Inihagis ko sa sahig ang brief niya matapos kong mahubad.

Ngayon kailangan ko lang takpan ng kumot ang bahaging yon ng katawan niya. Sh*t! Asan na ba kumot na yon? Wala akong makitang kumot dito sa may paanan niya.

Kapain ko na lang kaya?

Pucha naman! Baka iba ang makapa ko nito!

Nakatalikod ako kay Ross habang nagiisip.

“YUNG POUCH FRIE--!”

Agad akong tumalikod kay Kristine na bigla na lang pumasok sa pinto. Sh*t! Wala akong choice kundi takluban ng kahit na ano ang body part na yun ni Ross.

Ang kahit na ano na tinutukoy ko ay ang dalawa kong kamay.

“Huy ano yan? Anong ginagawa mo??” tanong ni Kristine.

Nagulat ako ng nakatayo at tuwid na tuwid yung kay Ross. Grabe, kahit walang malay malandi pa rin pala talaga siya!

“P-pwede lumabas ka muna? Diba sabi ko sayo hintayin mo na lang ako sa labas”, utos ko sa kanya habang nangingig pa ang mga kamay ko sa hawak ko. Nahawakan ko na naman ito dati pero i-iba eh, it feels like this is the first time. Lintek na yan! Hindi pa masakop ng kamay ko, bakit ba kasi nakatayo? GRRR!

“Okay ka lang dyan?” makulit na tanong ni Kristine. “Ano bang ginagawa mo?” ulit niyang tanong. So hindi nga niya nakikita?

“Basta. Lumabas ka na please. Susunod na talaga ako.”

“Hmp. Bahala ka na nga. Basta bilisan mo na dyan sa ginagawa mo at yung pouch na naiwan kunin mo.”

Pagkasabi niya noon ay narinig kong nagsara na ang pinto.

Agad kong inalis ang kamay ko sa hawak ko. Napatingin tuloy ako doon. Napalunok ako at kinuha ang kumot na nasa tabi niya. Itinaklob ko yon sa katawan niya. Nang makuha ko ang pouch ay lumabas na din ako at inilock ko ang pinto.

“Ano na? Ano ngang ginawa mo?” pangungulit ni Kristine.

“Hindi mo talaga nakita?” tanong ko habang hinihintay namin si Simon.

“Ang alin ba? Nakatalikod ka ang likod mo ang nakikita ko kanina.”

“E-eh kasi hinubad ko yung brief niya—“

Nanlaki ang mga mata ni Kristine.

“HUWATT? So may pagnanasa ka pa rin talaga?”

“Gaga! Hindi! Eh syempre para kapanipaniwala yung mga ginawa natin.”

She nodded.

“Nagulat ako noong pumasok ka, kaya..”

“Kaya?”

“Kaya natakluban ko ng kamay ko yung ano niya.”

Nagsimula na siyang tumawa ng malakas.

“Anong naramdaman mo?”

Tiningnan ko siya ng masama.

“Wala! Ano namang mararamdaman ko?”

Pero ang totoo, kinabahan ako ng bonggang bongga. Paano na lang kung palpak pala ang nabiling gamot ni Kristine at biglang nagising si Ross? Eh di manyak na manyak ako sa mata ng gagong yon sa posisyon na magigisnan niya.

“Magshare ka naman!”

“Tse! Tumigil ka, isusumbong kita kay Simon, ayan na siya oh!”

Malalim na ang gabi nang makauwi kami. At dahil parehas kaming pagod sa mga ginawa namin, bagsak kami parehas sa kama ni Kristine. Mabuti na lang walang pasok kinabukasan. Mas makakapagpahinga kami ng ayos pero parang wala sa utak ko ang magpahinga, ngayon pa lang excited na akong tawagan si Ross.

“Next week mo na siya tawagan. Huwag naman agad agad. Magpamiss ka naman!” payo ni Kristine habang nagbebreakfast kami.

Nakangiti lang ako habang pinagmamasdan ang mga pictures namin ni Ross.

“Hindi ka ba excited sa mga mangyayari?” tanong ko. Nakatuon pa din ang atensyon ko sa pictures.

“Excited syempre. Ayan ka na naman, impulsive ka na naman. Basta makinig ka na lang sa akin. Teka, kung makangiti ka dyan wagas ah, kinikilig ka ba?”

Napakunot ang noo ko sa tanong niya. Inihagis ko sa mesa ang camera niya.

“HOY NAMAN! MAHAL YAN!” sita ni Kristine.

“Sama! Ang sama ng kuha! Walang chemistry”, sagot ko and I drink my coffee.

Kinuha naman ni Kristine ang camera niya.

“Mukha mo! Matapos mong purihin ang mga shots ko kagabi. Kinikilig ka lang kasi!”

“Kinikilig? Mas kinikilig pa nga ako kapag umiihi eh!” depensa ko.

“ Sige, sabi mo eh, pero sa sasabihin ko kikiligin ka!”

“Ano naman?”

“Tumawag si Bryce sa phone, hinahanap ka. Hindi ka daw niya makontak sa cellphone mo eh. Nagdedate pa rin ba kayo nun?”

WHAT THE HECK!

No Bryce!

Not now!