Kung meron mang isang bagay akong kaiinisan kay Kristine, yun ay noong ipakilala niya sa akin ang isang pagkain na itago na lang natin sa pangalang… binagoongan!
Nagbukas ang gripo. Unti unting lumabas ang tubig. Pero kasabay noon ang unti unti ding pagtahimik sa apartment. Paglabas ko ng banyo, wala ng tao. Sigurado nagmadali si Ross na mailabas si Jessica para hindi niya ako makita. May narinig akong tunog ng sasakyan. Dali-dali akong tumakbo para buksan ang saradong pinto. Nandito pa sila! Hindi pa sila nakakalayo!
Pakiramdam ko tuloy, para akong may huhulihin na magnanakaw sa ginagawa ko. Hinawakan ko ang doorknob at nagsimulang pihitin iyon. Napipihit ko naman pero hindi ko mabuksan ang pinto and then I got it!
Ini-lock ni Ross ang pinto mula sa labas!
Shit ka Ross! May araw ka rin sa akin!
Syempre wala naman akong balak sumigaw dito. At ano naman ang isisigaw ko? “ROSS, BUKSAN MO ANG PINTO! JESSICA, ANDITO AKO SA LOOB! OO! MAGKASAMA KAMI SA IISANG BAHAY, AKO ANG EX NIYA AT GAGAWIN KO ANG LAHAT PARA LANG MAPAGHIWALAY KAYO KAYA AKOx ANDITO! KAYA BUKSAN NYO NA ITO NG MAGKAHARAP NA TAYO!!”
Shit! Ma-effort yun! Ayoko nga. Una, magmumukha lang akong tanga. Pangalawa, magmumukha akong preso na kailangang ikulong ni Ross dito sa loob at higit sa lahat, mapapaos lang ako. Kaya wag na lang!
At dahil wala naman akong choice, naupo na lang ako sa sofa at nanood ng TV. Kinuha ko ang phone ko at itinext si Ross.
Sinusubukan mo ba talaga ako?! Never underestimate the things that I can do!
Wala akong nareceive na reply mula kay Ross. Tumunog ang phone ko at sinagot ko ito.
“So kelan mo ako balak dalhin ulit sa restaurant na kinainan natin kahapon?” I asked Kristine sarcastically.
“I told you! Gugustuhin mo talagang bumalik doon! Don’t worry my friend, I’m with Simon and we are on our way to your apartment. We’re gonna save you!!”
Bakas sa boses niya ang sobrang kasiyahan that made me roll my eyes.
“Oo! Gusto ko talaga, maipakain kay Ross! Papunta kayo dito?!”
Nagsimula akong ikwento sa kanya ang nangyari. Sa halip na manghinayang sa pagkakataon na dapat magkikita na kami ni Jessica ay tinawanan lang ako ni Kristine.
“Kasalanan mo to eh!” sisi ko sa kanya.
“Hindi ko kasalanan yan Cyrah. Sisihin mo si Ross kung hindi siya nagbabayad ng tubig! Hahaha! At tama ba ang narinig ko sa sinabi mo? Ikinulong ka ni Ross sa bahay?”
Humagalpak na naman siya ng tawa! She really knows how to annoy me. Hindi na lang ako nagsalita.
“Huwag kang mag-alala friend, who knows next time hindi ka na sa bahay ikukulong.. kundi sa puso niya!”
“Try mo magpaka cheesy minsan!” sagot ko na lang.
Tumayo ako at naisipan kong itapon na lang sa basurahan ang tinake out kong binagoongan. Wala na akong balak pang kainin yon. Magaling sana kung kainin ni Ross, diba? Kinuha ko iyon sa ref at..
“Hoy Cyrah! Naririnig mo ba ako? Sabi ko anong balak mo dyan sa loob? Uupo ka na lang ba dyan at hahayaan magpakasaya si Ross at Jessica?”
Pagkakuha ko ng pagkain sa ref, napaisip ako kung saan ko nga ba ito itatapon? Eh di sa labas. At saan ako dumadaan pag nagtatapon? Eh di sa pinto sa likod.
Genuis Cyrah! You’re a genius!
Err.. but not genius enough. Sana kanina ko pa yon naisip.
“I’m gonna teach that jerk a lesson! Kung ikinulong niya ako, sana sinigurado niyang hindi ako makakatakas! Malayo pa ba kayo?”
“Malapit na,” sagot niya.
I ended the call at nagpalit ng damit. Pagkalipas ng limang minuto pagkapalit ko ng damit, dumating na sina Kristine. Eto na yata ang pinaka awkward na way ng pagpapatuloy sa loob ng bahay sa bisita. Ang padaanin sila sa likod.
“I can’t believe Ross did this to you!” natatawang sabi ni Simon sa akin habang inililibot niya ang paningin niya sa loob ng bahay.
“Isa’t kalahating gago din kasi yang kaibigan mo eh!”
“Anyway, buti naman ready ka na! Isasama ka namin sa--.”
Hindi na naituloy ni Kristine ang sinasabi niya nang mapansin niya na mukhang hindi ako interesado sa sasabihin niya.
“Okay tell me, anong binabalak mo?” pag-iiba ni Kristine.
“I need your car,” sabi ko habang nakatingin ako kay Simon.
Nanlaki ang mata ni Kristine.
“No way!”
“Kelan ka pa tumutol sa plano ko?” tanong ko kay Kristine.
“Five seconds ago,” sagot niya.
“Please? Pretty please? And I swear Simon, tatanawin kong malaking utang na loob to sayo.”
“And what do you think are we supposed to do sa isang apartment na nakakandado?” tanong ni Kristine.
I winked.
“Well, you can do whatever you want.”
“Ghad! Cyrah! You’re insane!”
Kinuha ni Kristine ang susi ng kotse mula sa kamay ni Simon at iniabot sa akin.
“Pinapayagan kita not because ‘we can do whatever we want’. Hell no! Kundi dahil, you know I am part of this plan. Basta siguraduhin mo lang na magwawagi ka! Just call me when you need a back up.”
“Yay! Thanks. See yah!”
“What plan?” narinig ko pang tanong ni Simon kay Kristine pagkalabas ko ng bahay.
Agad akong sumakay ng kotse at nagsimulang magdrive. Favorite restaurant? Think straight Cyrah. Kailangan mong alalahanin kung ano ang nakita mo sa Facebook profile ni Ross na favorite restaurant ni Jessica.
Think Cyrah.
Yellow’s??
Nah.
Hallow’s?
Aha!!
Mellow’s!!
I turned left ng maalala ang name ng restaurant. Yeah, this way.
Get ready Ross! Your girlfriend... will meet your EX girlfriend!