Unti unti kong inilapit ang mukha ko sa kanya. Nakatitig ang mga mata namin sa isa’t isa. Naririnig ko ang bilis ng tibok ng puso niya.
Inilagay ko ang kamay ko sa batok niya at inilapit ko ang mukha niya sa akin. Nang ipinikit niya ang mga mata niya saka ko inilapat ang labi ko sa labi niya. Madiin.
Sinimulan ko siyang halikan. Nang maramdaman kong ibinuka na niya ang labi niya, mas naging mapusok ang mga halik ko. Habang hinahalikan niya ako, hindi ko maiwasang mapangiti. Yung ngiti na nagsasabing “wala ka pala eh!”
Itinigil ko ang paghalik sa kanya when I heard him moan at nang maramdaman kong hinahawakan na niya ang bewang ko.
Inilayo ko ang mukha ko sa kanya at tinitigan siya sa mga mata. Nakapulupot pa din ang kamay ko sa leeg niya.
Nginitian ko siya at sinabing, “I bet your girlfriend can’t give you that adrenaline rush!”
Hindi na naman siya nakapagsalita. Ikaw ba naman ang mabitin, ewan ko lang kung makapagreact ka pa! And besides hindi ko na din siya inintay na makapagsalita, sinagi ko ang braso niya at lumabas ng kwarto. Nagdiretso ako sa banyo at nagshower na din.
**
Makalipas ang ilang araw, normal na ulit kami ni Ross. Normal, meaning hindi na niya ulit ako pinapaalis sa apartment niya. Nagtataka din ako bakit hindi bumibisita dito si Jessica. Iniintay ko nga eh, kaso hindi naman dumadating. Oo, iniintay ko at hindi ako natatakot sa kanya. Kung meron mang dapat matakot dito, si Ross yon diba? Hahaha!
Lumabas ako ng kwarto at nakita kong nagluluto si Ross. Nakatayo lang ako sa may pinto ng kwarto habang pinapanood na magluto si Ross at habang kausap ko sa cellphone si Kristine.
“Yan bang boyfriend mo eh may balak pang umalis sa apartment natin? Akala ko ba papunta na ulit siya ng ibang bansa?!” singhal ko kay Kristine.
“Sorry naman friend, masisisi ko ba naman si Simon kung mas pinipili niya talaga na makasama ako?” may halong landi na sagot ni Kristine.
I rolled my eyes. Leshe!
“Pasalamat ka at nageenjoy ako sa pag-i-stay dito.”
“Pababayaan ba naman kita dyan!”
“Hoy! Kung makapagsalita ka dyan, parang ikaw ang nagsisilbi sa akin ah! Parang ikaw ang naglalaba ng damit ko dito ah! Parang ikaw ang naglilinis ng pinagkalatan ko dito ah! Kung makapagsalita ka parang ikaw ang hot na lalaking nagluluto ng breakfast ko ngayon sa kusina ah!”
“Ohhh! So hot talaga?” pang aasar ni Kristine. “Sige nga, kwentuhan mo nga ako tungkol sa HOT NA LALAKI na nagluluto ng breakfast mo ngayon?”
Hindi ko alam pero biglang bumilis ang tibok ng puso ko.
“Cyrah! Ano na?”
“Ahh.. Ehh. Ano, tatawagan na lang ulit kita,” paalam ko kay Kristine.
I just found myself na nakikipagtitigan kay Ross habang inaayos niya ang mga pinggan sa lamesa. Kasi naman, hindi ba ang dapat sa mga pinggan siya nakatingin habang nagpeprepare? Mamaya niyan mabasag pa ang mga yon. Pero hindi eh! Sa akin siya nakatingin habang inaayos ang mga pinggan. Kung kumilos siya parang memoryado na niya ang buong lamesa na yung tipong kahit nakapikit pa siya kayang kaya niya ihanda ang hapag kainan.
Eh bakit nga ba hindi eh siya naman palagi ang gumagawa nun?
Pero bakit kailangan akong titigan at ako naman eh nakikipagsabayan sa titigan sa kanya!
“Kumain ka na,” utos niya.
Pakiramdam ko nung nagsalita siya saka pa lang ako bumalik sa katinuan ko. Umupo na ako sa hapag kainan. Nagulat ako nang bigla niyang lagyan ng pagkain ang pinggan ko. Oo, pinagsisilbihan niya ako pero ngayon lang niya ako ipinaglagay ng pagkain sa pinggan ko.
Tiningnan ko ng masama si Ross.
“What?!” tanong niya.
Gusto ko sana siyang sagutin ng, “Mas bumait ka ngayon. Yung totoo? Hindi kaya may lason yang ulam na niluto mo at gusto mo talaga na ako ang unang tumikim para patay agad?!”
Nginitian ko na lang siya at umiling.
Naisip ko kasi baka ito ang epekto ng halik ko sa kanya nung isang araw. Madiin. Mapusok. Makamandag.
“Break na ba kayo ng girlfriend mo?” walang anu-ano’y tanong ko.
“Bakit mo naman natanong? Ititigil mo na bang ang laro mong ito kung break na kami?”
“Laro? Ano ako bata?!”
“Sa inaasal mong yan Cyrah, oo. Para kang bata.”
“Hindi ako bata.”
Umiling lang siya at sumubo na siya ng pagkain nya.
Oo, inintay ko talagang siya ang maunang kumain. Mamaya niyan tama ang una kong hula, eh di deadbols ako!
“Hinahamon mo ba ako ha Ross?”
“Hindi pa kami break,” sagot niya. Iniwasan niya ang tanong ko.
“Hindi pa?”
Tiningnan ako ni Ross.
“Kelan ba kasi ang expiration date nyo?” bulong ko.
“Forever,” sagot niya. “Naeexpired ba yon?”
“Depende,” sagot ko.
“Depende saan?”
“Depende sa akin,” sagot ko at nginitian ko siya.
**
Kinabukasan, niyaya na naman ako ni Kristine na umalis. Paglabas ko ng kwarto, wala naman si Ross sa paligid. Isinara ko na lang ang pinto. May susi naman siya.
“Saan na naman ba kasi tayo pupunta?” tanong ko.
“Basta! Masarap ang kakainin natin. Im sure hindi mo makakalimutan ang pagkain na yon!” sagot ni Kristine.
Kulangin isang oras din ang byahe namin. Siguraduhin lang ni Kristine na masarap talaga ang pagkain dito. Nadiscover daw nila ni Simon ang kainan na ito nang maisipan nilang mamasyal. Sinabi daw niya agad na dadalihin niya talaga ako dito.
“Ano to?” tanong ko kay Kristine nang dumating ang order naming pagkain.
“Binagoongan,” sagot niya.
“Asan ang bagoong dito eh alamang naman to? May mangga pa ba na kasunod?”
Inamoy ko ang pagkain. Amoy masarap naman siya. Karne na mukhang iginisa sa alamang na may kasamang talong.
“Kumain ka na lang. Ang dami mo pang sinasabi eh!”
Tama si Kristine. Masarap nga ang pang ulam. Nakadalawang kanin pa nga ako. Busog na busog talaga ako. Worth it naman pala kahit na kulangin isang oras ang byahe namin.
“Ang OA naman neto!” bulalas ko habang chinecheck ko ang phone ko. Pauwi na kami ni Kristine nang maisipan kong icheck ito.
“12 missed calls from Ross,” sagot ko.
“Namimiss ka na agad niya?” pang asar ni Kristine.
Gabi na din nang makarating ako sa apartment ni Ross. Dala dala ko ang take out kong binagoongan habang naglalakad papasok sa apartment. Madilim ang anyo ni Ross nang madatnan ko siya sa sala.
“Saan ka galing?” tanong agad niya.
Galit ba siya? Ipinag-take out ko na nga siya ng pagkain tapos galit pa siya?! Ugali talaga ng lalaking to!
“Kumain,” tipid kong sagot at ipinatong ko sa mesa ang dala kong pagkain. Tinapunan niya lang ng tingin yon.
“Sinong kasama mo? Hindi ka ba marunong magcheck ng phone mo?! Ano, props mo lang ba ang phone mo?”
Tumataas na ang boses niya. Teka, teka! Sinisindak ata ako nito ah!
“Eh ano naman ngayon sayo kung sino ang kasama ko?!” taas noo kong sagot. Nakakainis. Nageffort akong magtake out ng food for him tapos sisigawan lang ako! Hindi ba niya naisip na napakaswerte niya kasi naging thoughtful ako sa kanya ngayong araw!
Tumayo na siya at lumapit sa akin.
“Ilang beses kitang tinatawagan para alamin kung nasaan ka. Hindi ka man lang nagpapaalam. Hindi ka man lang nagtext!”
“Uhmm.. Dapat ba kitang itext?? Kasi sa pagkakatanda ko, I am not committed to anyone.”
“I don’t give a damn if you are committed or not to anyone or anything. But my point is dito ka nakatira sa apartment ko, so meaning responsibilidad kita! Ako ang masisisi kapag may masamang nangyari sayo. You keep on telling me na hindi ka na bata? Then stop acting like one!”
Pagkasigaw niya sa akin, pumasok na siya sa kwarto.
Pagkatapos ng eksenang iyon, I realized something.
Narealize ko na dapat pala dalawa na talaga ng kwarto dito. Eh syempre kung mageemote si Ross sa isang kwarto, saan ako mageemote diba? Alangan naman sa kusina? Kasama ng itinake out kong pagkain? Inilagay ko na lang ito sa ref kasi mukhang hindi naman din ata kakainin ni Ross.
Nang maitago ko ang pagkain, nakita ko si Ross na lumabas ng kwarto na may dalang unan. Yes! Ipinaubaya niya na ako ang magemote sa kwarto.
Akala ko makakatulog agad ako pero naiisip ko ang mga salitang binitiwan ni Ross. Sumosobra na ba ako? Kasalanan ko ba na wala akong load kanina kaya di ako makareply. Naubusan din ng load si Kristine at hindi ko naman naaabutan ang tawag niya. Missed calls nga eh. Missed, meaning hindi ko naabutan.
Masakit na masakit na at hindi hindi ko na kayang itago pa. Kahit anong gawin ko, kahit anong posisyon pa, masakit talaga. Nanlalamig na ang buong katawan ko. Pawis na pawis at pakiramdam ko ano mang oras lalabas na ito. Bumangon ako at nakita ko ang oras. Alas otso ng umaga. Dali dali akong pumasok sa banyo at inilabas ang lahat ng sama ng loob ko. Sana pati sama ng loob kay Ross sumama na!
Ang sabi ni Kristine, hindi ko daw makakalimutan ang pagkain na kinain namin kahapon. Tama nga siya. Pinagpapawisan na ako ng malamig. Hinahabol ko na din ang hininga ko. Mahigit sampung minuto na ata ako dito sa loob.
“Love, ayokong kumain sa labas. Dito na lang, ipagluluto kita.”
Natigil ako sa pagcoconcentrate ko sa ginagawa ko nang may marinig akong boses ng babae.
“Sa labas na lang,” sagot ni Ross.
What the! Andito ang ang babaeng suso!
Shit! I need to see her! Magkaharap na ang dapat magharap!
Dali dali kong binuksan ang gripo pero..
What the heck!!
Pinukpok ko ng tabo ang gripo pero wala pa din lumalabas na tubig.
“Not now,” bulalas ko.
Kung bakit ba naman kasi hindi ko agad naisipan na magipon agad ng tubig pagkapasok ko ng banyo! Paulit ulit kong sinusubukan na buksan ang gripo pero wala pa rin.
Shit shit shit!
“Basta sa favorite restaurant ko ha,” narinig kong sagot ng babae.
Wait! Aalis na ba sila? Teka!!
Kailangan na naming magkita. Bakit pa sila aalis at kakain sa labas eh meron naman akong itinagong binagoongan sa ref. Yun na lang ang kainin nila diba?