noveltoon logo noveltoon
Blackmail Bargain

Chapter 10

Ch. 11 / 42 Feb 05, 2022

Cyrah’s POV

“So ano nga? Nagdedate pa din ba kayo niyang si Bryce?” pangungulit ni Kristine.

Napakunot ang noo ko. I checked my phone at tumatawag si Bryce. Sinagot ko naman ito.

“Hey!”

“Cyrah! I was calling you last night pero hindi kita makontak. Nagalala ako,” bungad niya.

Napataas ang isa kong kilay. Sa tono ng boses niya ay daig pa niya ang boyfriend kung magalala.

“Oh! Last night. Wala kasing signal sa lugar kung nasaan ako,” pagsisinungaling ko na lang. Hindi ko din naman talaga alam ang dahilan kung bakit di niya ako makontak and besides katulad nga ng sinabi ko, hindi ko naman siya boyfriend so I don’t have to explain anything.

“I miss you,” malambing niyang bulong.

Napangiti ako sa sinabi niya sabay palipad buhok. See? Hindi lang si Ross ang hindi makaresist sa alindog ko. I can’t blame them. Haha.

“It’s been a week mula nang huli tayong magkita and it kills me. Cyrah please, magkita tayo tonight.”

Napataas ang kilay ko. Seriously? Wala na ba siyang ibang babae? Gwapo naman si Bryce, imposible na ako lang ang pwede niyang yayain.

Kahit na pagod ako mula sa reunion kagabi, pumayag ako.

Isinama ko si Kristine at buti na lang available si Simon kaya naisama niya. Sabi niya hindi naman daw siya sasama kung hindi kasama si Simon. Three is a crowd, sabi pa niya. Madami na ding tao nang dumating kami. Niyaya na ako kaagad ni Bryce na magsayaw at hindi ko naman siya tinanggihan. We danced to the beat. Kulang na lang tumalsik ang pwet ko sa pagkembot ko. Paborito ko pa naman ang music na tinutugtog. Ikinawit ko pa ang braso ko sa leeg ni Bryce habang sumasayaw at sinabayan naman niya ako.

Nang mapagod kami ay nagpaalam si Bryce na pupunta lang daw siya sa cr. Iniwan niya kami nina Kristine at Simon sa may bar counter.

"Huwag kang lilingon ha, our victim is here," bulong ni Kristine. Nakaharap kasi ako sa bartender at nakatalikod siya.

"Really? Kasama ba niya ang girlfriend niyang suso?"

Muntik ng maibuga ni Kristine ang ininom niya.

"I guess not. Sina Rex ang kasama niya.. and he's looking at you."

Agad siyang tumalikod.

"Nahuli ka ba niyang nakatingin sa kanya?" tanong ko.

"Of course not! Magaling ata ako noh!"

"May problema ba?" tanong ni Simon na katabi ang girlfriend niya.

"Wala naman. Everything is fine and.." sagot ni Kristine. Hindi na niya naituloy ang sasabihin niya ng biglang may lalaking tumabi sa akin.

"So umiinom ka na pala talaga ha?" tanong ng biktima ko. He ordered a drink. Tinapunan niya ako ng tingin.

"Simon, Kristine!" bati niya sa mga kasama ko.

Bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko ito inaasahan. Lumunok ako bago nagsalita.

"Yes, umiinom na ako ngayon. I'm glad nakarating ang balitang yon sayo", nakangiti kong sagot and took a shot for emphasis.

"Having fun? Hindi ba ayaw mo sa mga maiingay na lugar?" tanong niya. Halatang nilalabanan niya ang lakas ng music dito sa loob.

"Of course! Super! Noon yon. Lahat naman ng tao nagbabago", sagot ko.

"Yeah, I can see that", nakangiti niyang sagot.

Kahit anong pagngiti ang gawin niya, alam ko naman na may laman ang mga salitang binibitiwan niya. Pero hindi ako magpapatalo sa kanya. Para ano pa at siya dito ang biktima.

"So, who's with you?" tanong ko kahit alam ko naman talaga kung sino.

"Sina Dexter, ayun sila oh", itinuro niya at kumaway pa ang mga ito. I waved back.

"Oh! Akala ko kasama mo ang girlfriend mo?" tanong ko and light a cigarette.

"No. Hindi kasi siya mahilig sa ganito. Simple lang kasi siya, she doesn't even drink and", he paused at tumingin siya sa akin. "Smoke", patuloy niya.

Ibinuga ko ang usok malapit sa mukha niya.

"Simple huh? She must be boring", sabi ko at nakita ko ang pagkunot ng noo niya. "I mean, hindi pa siguro siya nakakapasok sa ganito that's why she has no idea how fun to be here. You know, dancing and drinking.."

"And flirting?" may himig na panghahamon niyang tanong.

"I'm sorry natagalan ako."

Napalingon ako sa nagsalita.

"Bryce, this is Ross, my highschool classmate. Ross, this is Bryce", pakilala ko sa dalawa.

Nagbatian naman sila.

"You must be her boyfriend?" tanong ni Ross kay Bryce.

"How I wish Pare!" sagot naman ni Bryce.

Paano niya nagagawa yon? He's acting so cool sa harap ng ibang tao where in fact alam naman naming dalawa kung ano ang gusto niyang palabasin?

THE NERVE!

"So this girl is available huh?" nakangiti pa ring tanong ni Ross kay Bryce. Lumapit siya sa akin at bumulong. "ALWAYS available huh?"

Naniningkit na ang mga mata ko.

"OUCH!" sigaw ni Ross.

"Pare okay ka lang?" tanong ni Bryce. Kristine and Simon was alarmed too._

Naangat ni Ross ang isa niyang paa at kulang na lang ay magtatalon siya sa sakit. Tama lang yan sa kanya. Inapakan ko lang naman ang paa niya gamit ang 5 inches red stiletto ko.

"I'm sorry, I was just trying to move. Naiinitan kasi ako eh", paumanhin ko sa kanya kahit hindi naman sincere. Yan ang napapala ng mga lalaking mayayabang!

Binuksan ko ang isang butones ng damit ko and it caused to expose my cleavage.

"Epekto na rin siguro ng alak", dagdag ko at inayos palikod ang mahaba kong buhok.

Tiningnan ko si Ross at huling huli ko ang mga mata niya kung saan nakatingin.

PERVERT!

"Ah, Cyrah sayaw ulit tayo?" yaya ni Bryce.

Isa pa ito! Nakakita lang ata ng cleavage, sasayaw daw ulit. Mga lalaki talaga.

Well, mabait naman si Bryce kumpara sa Ross na to. Tatlong buwan na din kaming lumalabas but I'm not sure if I will consider that as a date. Siguro siya tinatawag niyang date yon.

For me, he's just a friend at madami sila. Madami akong kakaibigang lalaki at kung tatawagin kong date ang bawat labas namin, eh sobra naman.

Minsan, grupo din naman kami kung lumabas at madalas kasama sina Kristine at Simon.

"Nah, I'm tired na eh. Nahihilo na din ako", tanggi ko kay Bryce. "Nararamdaman ko na ang epekto ng yosi at alak", dagdag ko habang matalim ang tingin kay Ross.

"Iinom inom hindi naman pala kaya", bulong niya habang tumatawa.

"Maiwan ko na muna kayo. May mga kasama din kasi ako", paalam niya at umalis na siya.

Nang makaalis siya, para akong nabunutan ng tinik. I realized na nagiiba ang timpla ng katawan ko kapag kaharap ko siya. Nagiging matigas ako. Yung tipong dapat kong ipakita sa kanya na hindi ako magpapatalo at mukhang ganun din siya.

Ang lakas ng loob na magbitaw ng kung anu ano, samantalang sarap na sarap naman sa paghalik sa akin kagabi. Kulang na lang sambahin ako.

Ganito ang gusto niya? Kapag kami lang, hot siya at kapag may iba magiging cold? Magkasakit sana siya sa pagiiba ng temperatura!

"One of the boys?" tanong ni Bryce ng makaalis si Ross.

"Huh?"

"You don't have to deny it Cyrah. Attracted din siya sayo just like me and believe me, its unevitable", pagpapacute niya.

"No. He's not attracted to me! Magkaklase lang kami way way back. And that man is engaged", sagot ko at inistraight ang alak na nasa baso. I ordered another one nang maubos na ito. Tumingala ako ng maramdamang unti unting nababasa ang mga mata ko.

"Who cares if he's engaged? That doesn't mean na hindi na siya pwedeng magkagusto sayo", diin ni Bryce.

Tiningnan ko siya at nagtaka.

"Why are you saying that?"

"Because I am threatened."

"Threatened? You can't be threatened to a man who's engaged!"

"I know, but by the way you look at him, I should be", seryoso niyang sagot.

Kumunot ako at sinagot siya ng maiksing tawa.

Mabilis namang lumapit sa akin si Kristine at lumayo kami ng konti sa dalawang lalaki.

"Yung suso!" sigaw ni Kristine sa akin habang mahigpit ang kapit niya sa braso ko.

"Ano??!"

"Si Jessica, she's here!"

Sinundan ko ang tinitingnan ni Kristine and for the first time I saw her. Yun nga lang medyo malayo. Hmmm.. Maputi siya, maputi at higit sa lahat, maputi. Tumabi siya kay Ross.

"Mukha nga siyang simple", komento ni Kristine.

"Ms. Prim and Proper huh?" komento ko naman. "Mukha lang simple, but I am pretty sure may sungay din yan at hindi ako titigil hanggat hindi ko napapalabas sa ulo niya yun!"

Nakangiti si Kristine sa akin.

"Let's go. This is not the right time para magkaharap kami", yaya ko.

"You mean hindi pa ngayon yung 'The Girlfriend meets the Ex-Girlfriend'?" tanong ni Kristine.

"Nope. Not yet."

"Well then, aabangan ko yan!"