Cyrah's POV
I held my breath. Uulitin naman siguro ang paghagis kasi hindi naman talaga kasali si Ross. Lahat ng atensyon namin ay nasa kanya. Pabilis na ng pabilis ang pintig na puso ko at mas lalong bumilis ng magsalita ang host at lapitan si Ross.
"Can we invite you here in front Mr.--?" putol ng host.
"Ross Rodriguez," sigaw ni Kristine. Nabaling ang tingin ko sa kanya. Tumingin din siya sa akin at ngumiti. Hindi naman niya ito plano diba? Imposible namang inutusan ni Kristine yung wedding garter na doon pumatak sa lap ni Ross.
"Mr. Ross Rodriguez," pagpapatuloy ng host.
"No. Ahm, hindi ako kasali," tanggi niya. Pero biglang nagbago ang reaksyon niya. "Alright," at pansin ko ang pagtaas at pagbaba ng balikat niya.
Gusto kong iiwas ang tingin ko habang naglalakad siya papalapit sa akin pero mukhang may sariling utak ang mga ito ayaw sumunod sa akin. Hawak hawak niya sa isang kamay ang wedding garter.
"Is this part of your plan?" bulong niya sa akin.
Nanlaki ang mga mata ko sa tanong niya.
"How dare you!" sagot ko ng pabulong at nakangiti. Siguro hindi naman mapapansin ng mga tao na nagbabangayan na naman kami. "If this is part of my plan eh di sana hindi garter ang ipinahagis ko sa groom kundi yung mesa, kung alam ko lang din naman na sa'yo babagsak," dagdag ko habang pinapanatili sa labi ang aking ngiti.
Natigil ang iringan namin nang lumapit sa akin ang host at inutusan akong umupo sa upuan na dala niya.
At dahil masunurin ako, umupo naman ako. Naku! Ross Rodriguez, kung pwede ko lang ihampas sayo ang upuan na ito nagawa ko na!
Next thing I know nasa harapan ko na si Ross at iniangat ang isa kong paa. Nakatitig lang siya sa mga mata ko habang ginagawa niya iyon. Sipain ko na lang kaya siya?
Unti unti ko ng nararamdaman ang kamay niya sa binti ko dahilan ung bakit mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko.
"HIGHER! HIGHER! HIGHER!" sigaw ng mga tao.
Umaakyat na ang garter kasama ng mga kamay niya sa may parteng tuhod ko. Kung masunurin ako, mas masunurin pala itong si Ross. Nang sinabi ng mga tao na "HIGHER", sumunod nga siya.
"HIGHER!"
Kilalang kilala ko ang boses na yon. Hinding hindi ako pwedeng magkamali.
That voice belongs to Kristine.
Humanda ka sa akin mamaya Kristine! Ikaw ang nagluklok sa akin sa sitwasyong ito eh! At inilulubog mo pa ako.
Nararamdaman ko na ang mga kamay ni Ross sa legs ko and lihim akong napapalunok. Halo halong emosyon na ang nararamdaman ko. Kinakabahan ako at the same time excited.
Cyrah, excited saan?
Bigla na lang niya akong binigyan na pilyong ngiti. Nakakaloko talaga siya. Naghihiyawan na din ang mga tao. Hindi ko namalayan na nakatindig na pala si Ross at tapos na ang ginagawa niya. Nakakabitin naman. Tss.
Akala ko tapos na doon, pero hindi pa nga pala.
"This time, sabay na magkikiss ang bride at groom and kayong dalawa," tukoy ng host sa amin ni Ross.
Nagharap kaming dalawa at super close talaga. Hindi na naman ata ako makahinga.
"At the count of three ha," sabi ng host at sabay sabay nagbilang ang mga tao.
"ONE, TWO THREE!"
I felt his lips on mine. Hindi ko napigilang mapapikit nang maramdaman ko ang malalambot niyang labi. This time wala akong hiyawan na naririnig, kundi ang mabilis na tibok ng puso ko lang.
"Whoa! Tinalo nyo pang dalawa ang newlyweds natin!" komento ng host.
Yun ang nakapagpabalik sa aking katinuan. Tumingin ako sa paligid at lahat sila, maging ang groom at bride nakatitig sa amin. Ibig bang sabihin kanina pa sila tapos magkiss? Namula ata ang mukha ko.
Tiningnan ko si Ross at nakatitig lang siya sa akin. Nauna na akong bumalik sa table ko. Sinundan ako ni Kristine.
"Nakakakilig kayo, infairness. Parang may shooting lang ng isang romantic movie," sabi ni Kristine at ramdam ko na kinikilig siya.
"Sinadya nyo ni Simon yon noh?"
"Alin?"
"Na yayain akong sumali pati si Ross."
"Hindi ah! Bakit? Sumali ba si Ross? Hindi naman diba? Tadhana nga naman.."
"Kristine, wag mo akong banatan ng mga tadhana tadhana na yan. Alam mo kung ano ang tadhana ko. Pinagplanuhan na natin yan," sabi ko.
"Oo naman. Plantsado na lahat. Pero hindi ko na kasalanan kung makialam ang 'tadhana'," nakangiti niyang sagot.
Napakunot noo ako.
"O, ayan. Nandyan na ang tadhana mo," bulong niya.
Naglalakad sina Ross at Simon palapit sa table namin. Umupo silang dalawa. Tumabi si Simon kay Kristine samantalang medyo malayo naman agwat sa akin ni Ross.
I can still feel his lips on mine. Hindi ko siya magawang tingnan because I'm afraid my eyes will land on his lips at baka magblush lang ako.
Hanggang sa magalisan na ang mga tao, tahimik pa din ako. Tipid lang ang isinasagot ko kay Kristine kapag tinatanong niya ako.
"Ihahatid ka naman ni Ross diba?"
"Huh?" sabi ko.
"Ross, ihahatid mo si Cyrah pauwi diba?" baling ni Kristine kay Ross. Naglalakad na kami papunta kung saan nakapark ang kotse.
"Oo, pero hindi pa yata kami uuwi," sagot ni Ross kay Kristine pero sa akin siya nakatingin. Napasandal ako sa may pinto ng kotse niya.
Ngumiti si Kristine.
"Ah ganon ba? ENJOY ha!" at pumasok na sa loob ng kotse ni Simon si Kristine.
So pumapayag na ba ang lalaking ito na hindi muna kami umuwi? Hindi ba kanina sobra ang pagtutol niya? Parang ako naman yata ngayon ang may gustong tumutol. Nakaalis na ang kotse ni Simon pero nananatili pa din akong nakasandal sa kotse ni Ross. Lumapit siya sa akin at isanandal ang kanang kamay niya sa kotse. Sobrang lapit na namin sa isa’t isa. Bumibilis na naman ang tibok ng puso ko. Dahan dahan niyang inilalapit ang mukha niya sa mukha ko.
Hahalikan na naman ba niya ako? Hindi pa yata ako handa sa isa pang kissing scene.