CYRAH'S POV
"Sigurado hinahanap ka na ni Ross. Umuwi ka na kaya?" pagtataboy sa akin ni Kristine.
Nandito ako ngayon sa apartment niya. Naupo ako sa couch at binuksan ko ang TV. Nakipagkita kasi ulit ako kay Bryce pagkaout namin sa work. Syempre dito ako nagpahatid sa apartment namin. Alangan naman na sa apartment ni Ross? Sasabihin ko din naman kay Bryce ang sitwasyon namin ni Ross pero hindi pa ngayon. May tamang pagkakataon para sa lahat ng bagay.
"Hayaan mo siya. Tsaka as if naman na hinihintay ako nun."
Actually kanina pa nga tunog ng tunog ang phone ko. Puro missed calls at messages ni Ross. Bahala siya! Alam naman niya siguro kung nasaan ako noh!
"Friend, alam mo hindi ko alam kung magaling lang ba talagang magtago itong si Ross o talagang saksakan ng tanga ang girlfriend niya. Imagine, niloloko na nga siya ng harap harapan, pero feel na feel pa rin niya na faithful sa kanya ang dyowa niya?! Syonga talaga!" sabi ni Kristine.
"Friend, yung katangahan ni Jessica para lang yang kalandian ni Ross, GIVEN na. Isang in-denial at isang mapagpanggap. Hindi ko kasalanan kung ipinanganak akong irresistible at hindi ako tatantanan nitong si Ross! Hahaha!"
Sabay kaming tumawa sa sinabi ko.
"Dito na lang kaya ako matulog? Sabi mo wala naman si Simon diba?"
"Wala pa pero sabi niya he'll try his best para makauwi ngayong gabi--."
Natigil si Kristine nang may kumatok sa pinto. Si Kristine na ang nagabalang magbukas ng pinto. Paglingon ko sa may pinto ay nakita ko ang lalaking walang sawang tumatawag sa akin kanina pa.
"Hanggang kailan mo ba hindi papansinin ang mga tawag at texts ko?"
Lumapit siya sa akin at tinapunan ko siya ng tingin.
"Hanggang mapagod ka. Hanggang magsawa ka at marealize mo kung ano ang mga pinaggagagawa mo."
Umupo si Kristine sa couch sa tapat ko. Nakatayo sa haparan ko si Ross.
"I already told you. Aayusin ko ang lahat Cyrah. Bakit ba ang tigas tigas ng ulo mo?"
"Ayusin mo muna kasi ang buhay mo," komento ni Kristine.
Napatingin kami ni Ross sa kanya.
Mula sa tingin niya sa TV ay ibinaling niya sa amin ni Ross ang kanyang paningin at akmang nagulat.
"What? Si Gabriel ang sinasabihan ko. Nanonood ako ng TV. Gabriel
pangalan mo?!" tanong niya kay Ross. Ibinalik naman ni Ross ang atensyon niya sa akin.
"Umuwi na tayo," utos niya.
"Hindi ako sasama sayo!" tanggi ko.
"Sasama ka ba o--?"
"Ano? Tatakutin mo na naman ako?!" matapang kong tanong.
"Ayan! Dyan ka naman magaling!" sigaw ni Kristine.
Napatingin ulit kaming dalawa ni Ross sa kanya. Tumingin din sa amin si Kristine.
"O? Bakit? Dun lang naman talaga magaling si Gabriel diba? Tingnan nyo, tingnan nyo," at itinuro pa niya ang TV. "Ayan! May bago na naman siyang babae! Napakalandi talaga! May girlfriend na nga, nambababae pa! Mga lalaki talaga! Hindi makuntento sa isa. Gusto sangkatutak. Buti na lang hindi ganun si Simon ko. Sino nga ang artistang yan Cyrah? Diba yan yung gumanap sa --?"
I just rolled my eyes. Tumayo na ako. Hindi ko kakayanin ang trip nitong si Kristine. Bahala siya. Iiwan ko siyang mag-isa. Mabilis namang sumunod sa akin si Ross. Pinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse.
"Cyrah, aayusin ko ang lahat. Just give me enough time," sabi niya habang nagmamaneho siya.
"Paano ka naman nakakasiguro na may aayusin ka pa nga?"
"Alam kong meron pa. Hindi ako nawawalan ng pag-asa. Lahat ng nangyayari may dahilan," sabi niya sabay ngiti.
Ayan na naman siya sa pagpapaka deep niya. Huli ko atang narinig na nagpakadeep siya eh nung kami pa. Nagsisimula na naman siyang ikonekta ang mga bagay bagay.
"Alam mo Ross hindi lahat ng bagay ay kontrolado mo. Hindi porque gusto mong mangyari eh mangyayari nga. May mga bagay na kapag ipinipilit lalong hindi napapasayo," sagot ko sa kanya.
Nakakainis. Pati ako nagiging deep na din. Lakas makahawa neto ah!
"Alam kong hindi lang ako ang may gusto nun. Kaya nga aayusin ko ang lahat diba?"
"Higit sa lahat may mga bagay na hindi na dapat inaayos kasi matagal ng sira. Mas mahirap pating ayusin lalo na kung ikaw mismo ang sumira."
Ibinaling ko ang tingin ko sa may bintana ng kotse. Ayoko ng makipagusap ng ganito kay Ross. Nagiging madrama ako bigla. Parang hindi bagay sa beauty ko.
"Ah basta sa ngayon, sapat na muna sa akin na nandyan ka," at bigla niyang hinawakan ang kaliwa kong kamay. Napalingon naman ako bigla sa kanya dahil sa ginawa niya.
Tiningnan ko siya sa mukha. Tinapunan niya lang ako ng tingin at ngumiti pagkatapos ay itunuon na ulit niya ang atensyon sa pagmamaneho. Hinila ko naman bigla ang kaliwa kong kamay.
Alam nyo yung pakiramdam na nakakapagod na din? Idagdag pa na ganito ang sitwasyon namin ni Ross.
"What the?!"
Bigla na lang siyang napamura. Ano namang kamura mura dun? Para may nakaparada lang naman na kotse sa harap ng bahay niya eh at isang babae na nakasandal sa kotse. Iniatras ng kaunti ni Ross ang kotse niya.
"Anong ginagawa ni Janine dito?" bulong niya.
Napataas ang kilay ko. Sino namang Janine? Sinasabi ko na nga ba eh madami talaga itong babae. May girlfriend na nga, nilalandi pa ako tapos may Janine naman ngayon.
Akma kong bubuksan ang pintuan para bumaba nang pigilan niya ako.
"Wait. Hindi ka pwedeng bumaba," pigil niya sa akin.
"Ross, naiihi ako. Gusto mo bang dito ako maglamutak? Kung hindi mo idederetso ang kotse, maglalakad na lang ako papunta sa apartment mo!"
"Pigilan mo na lang ng kaunti Cyrah, please?"
Nagulat ako sa itsura niya. Bakit parang takot na takot siya eh para iihi lang naman ako.
"Ross mas pipiliin mo talaga na dito ako maihi sa loob ng kotse mo? Bakit ba takot na takot ka?!"
"Bestfriend ni Jessica si Janine," sagot niya sa mahinang boses.
Isang malaking "OOOOOHHHHH!!" ang lumabas sa bibig ko.
"That explains why!" sabi ko habang nakangiti na abot hanggang tenga. "Eh ano pang hinihintay natin? Ipakilala mo na ako sa kanya go!"
"Cyrah ano ba?! Hindi ako nakikipagbiruan sayo,"
"Bakit? Sino bang may sabi na nakikipagbiruan ako?!" balik kong tanong sa kanya at tuluyan ko ng binuksan ang pinto at lumabas sa kotse.
Kung di man matuloy tuloy ang "The Girlfriend Meets The Ex-Girlfriend", eh di "The Girlfriend's Bestfriend Meets The Ex-Girlfriend" muna!