Kristine's POV
Three weeks. It feels like years. Ang hirap din pala kapag mayaman at maraming business ang boyfriend. Puro meetings. Hay, pero okay lang. Para sa future din naman namin yun eh.
"Nasabi ko na kay Cyrah na sa apartment ka titigil for a week," sabi ko kay Simon. Kausap ko siya sa phone. Mabuti nga nakontak ko. Busy kasi sa una kong dial.
"Good. Anong sabi niya?"
"Ayun nagulat siya."
"Nagulat?" nagtataka niyang tanong.
"Eh kasi sabi ko mas okay kung tayo lang dalawa dito sa apartment. Hihihi."
Hindi kasi kami pwede sa condo niya. Kashare niya kasi doon ang pinsan niya. Mabait kasi yang boyfriend ko na yan.
"Papaalisin mo si Cyrah?!"
"Joke lang naman. Akala ko nga kakagat eh."
"Iniisip ko pa nga din kung saan ba pwedeng tumira si Ross eh."
Teka, anu daw? Si Ross? Walang titirahan?
"Bakit? Binaha ba sila?"
"Lumayas. Ewan ko ba sa taong yun. Parang bata. Kakatawag lang niya sa akin at nagpapatulong humanap ng matutuluyan."
Hmmm..
Napangiti ako sa sinabi niya.
"Ah! Alam ko na, sa pinaparentahang apartment nung classmate ko nung college. Mura lang yon. Sabi niya kasi yung mura lang daw."
"Teka, teka. Hindi kaya may balak ng makipag live in itong si Ross??" tanong ko.
Oh no! Hindi pwede! Hindi kay suso!
"I dont know. Wala naman siyang sinabi."
Natapos ang usapan namin at sinabi ko sa kanya na sabihin agad sa akin kung saan nakalipat si Ross. He even told me na on the way na pala si Ross sa condo niya at baka doon muna magpalipas ng gabi. Bukas na lang daw siguro ito lilipat.
Nadatnan ko sa kusina si Cyrah na naghahanda ng dinner.
Gumagana na naman ang aking brilliant mind!
"Ano? Nakaimpake ka na?" bungad ko kay Cyrah.
Kumunot ang noo niya.
"Impake? Bakit naman ako magiimpake?" tanong niya habang naglalagay ng plato sa mesa.
"Ineevict na kita. Maaari ka ng lumayas sa mansyon ko!" sigaw ko sa kanya.
Natigil siya sa ginagawa niya at tinitigan ako.
"Maaari ka ng umalis bukas na bukas," dagdag ko pa.
Nakatitig pa din siya sa akin at ilang segundo lang humagalpak siya ng tawa.
"May nakakatawa ba sa sinabi ko? Hindi ako nagbibiro Cyrah, pinapalayas na kita! Lumayas ka na sa pamamahay ko!"
Talagang pinapakita ko sa kanya na seryoso ako pero deep inside kanina ko pa siya gustong gayahin sa paghagalpak sa tawa.
Hawak hawak na niya ang tiyan sa kakatawa.
"Kristine, saang teleserye ka mag-o-audition?" tanong niya sa gitna ng mga tawa niya.
"Kaasar ka naman Cyrah eh! Seryoso ako!"
Tawa pa din siya ng tawa.
"At bakit mo naman ako gustong palayasin, aber?"
"Dahil masikip na ang mundo para sa ating dalawa," sagot ko na naka look up.
Mas lalo siyang tumawa. Konti na lang matatawa na din ako.
"Are you trying to say na good for two lang ang apartment na to at kailangan kong umalis dahil kay Simon?"
Lumapit na ako sa kanya at tinulungan na siya sa paghahanda.
"Kasi naman eh, makakaistorbo ka lang sa amin ni Simon!" sagot ko. Pero di naman talaga yun ang dahilan.
"Makakaistorbo? Hoy Kristine, kahit maghapon at magdamag kayo ni Simon magkulong sa kwarto mo, wala akong pakialam. Hindi mo ako kailangang palayasin dito."
"Okay. Sasabihin ko na. Syempre hindi naman talaga kitang palayasin, pero kailangan mo talaga eh."
"Bakit nga? Saan naman ako pupunta kung aalis ako?"
"Kay Ross," sagot ko.
"Ano naman ang gagawin ko sa bahay nina Ross? Gusto mo bang magkagera dun?"
"Simon told me, lumayas si Ross sa kanila and nagpapahanap ng matutuluyan. Sakto! Makakalayas ka na din!"
"Eto naman, kung makapagpalayas akala mo pusa pinapalayas. At bakit naman ako titira kasama si Ross??"
Nilapitan ko si Cyrah at binulungan.
"Keep your friends close, and your enemies, closer."
Hindi siya umimik. Nakatingin lang siya sa akin. Ano kayang iniisip ng babaeng to?
AHA!
"Natatakot ka noh?" asar ko sa kanya.
"Bakit naman ako matatakot?" tanong niya and she crossed her arms.
"Natatakot ka na kapag nagsama kayo sa iisang bubong ni Ross eh bumalik ang feelings mo?"
Bumalik? Tse! Eh hindi naman nawawala! Hahaha.
"Hindi ako natatakot noh! Kasi wala namang babalik," sagot niya.
"O siya, layas na!"
"Hindi ako aalis dito. Period!"
"Aalis ka, kasi papatunayan mo na kaya mong i-handle ang feelings mo na yan. Sige ka! Pag di ka umalis dito ibig sabihin mahal mo pa siya!" pananakot ko.
"Hindi ko na nga siya mahal, alam mo yan!"
"Ah ewan, basta ang alam ko pag di ka umalis mahal mo pa!"
Masama na ang tingin niya sa akin. Hindi siya mananalo sa usapang to, you'll see.
"Tsaka ayaw mo ba nun? Pagkakataon mo na para gawing utusan si Ross. Gamitin mo ang mga baraha mo laban sa kanya. Dito, kailangan mo pang kumilos para malinis ang bahay, kailangan mo pang magluto para kumain, pero sa piling ni Ross, magbubuhay prinsesa ka friend!"
Napataas ang isang kilay niya.
"Diba? Ang galing ko mag-isip. Masosolo ko na si Simon, magbubuhay prinsesa ka pa!"
"Reyna!" pagtatama niya.
Ayan, sumasangayon na ang loka.
"Oo, magbubuhay reyna ka! Magagawa mo lahat ng gusto mo! You're the boss!"
Ngumiti na si Cyrah at nagsalita.
"Kristine.."
"Yes?"
"Ihanda ang maleta!"
**
Cyrah's POV
Kinaumagahan.
"Kristine! Gising na!!"
Kinatok ko kaagad si Kristine sa kwarto niya. Pinagbuksan naman niya ako agad. Kinukusot pa niya ang mata niya ng pagbuksan ako ng pinto.
"THE HECK!" sigaw niya.
"Ayos ba?" tanong ko habang nakangiti.
"Kagabi ayaw mo? Ngayon, hindi ka naman obvious na excited!"
Katabi ko kasi ang maleta ko na punong puno ng mga gamit ko at bihis na bihis ako.
"Wala lang. Tama ka kasi eh, humanda sa akin ang Ross na yan!"
"Baka naman biglang magbago ang isip ni Ross at gustuhin na niyang bumalik sa kanila?"
"Hindi yan. Sigurado ako, nagaway na naman sila na Mommy niya kaya yun umalis. Ano gusto niya? Ang makapiling ako at magisnan araw araw ang aking alindog o ang makapiling ang Mommy niyang daig pa ang pari sa kakasermon?"
"Gusto mo bang ihatid pa kita sa apartment?" alok ni Kristine.
"Hindi na. Kaya ko na. Ikaw? Kaya mo ba dito?" tanong ko.
"Oo kaya ko. Nagkataon na may pinuntahan si Simon ngayong araw pagkahatid kay Ross pero sasabihin ko na bukas dito na siya uuwi. Wag kang magalala Cyrah, kaya ko ang sarili ko."
"Aba dapat lang. Kailanganin mo. Idea mo to, matapos mo akong walang pakundangang palayasin kagabi. Wag kang eemote emote na di mo kaya magisa!"
Nagpaalam na ako sa kanya at sumakay na sa taxi. Ibinigay ni Kristine sa akin ang address ng apartment ni Ross. Siniguro pa niya kay Simon kung solo ba si Ross doon at oo daw. Inisip kasi ni Kristine na baka kasama ang girlfriend niyang mukhang suso.
Habang nasa daan iniisip ko na kung ano bang mga gagawin ko pagdating doon. Hindi ko mapigilang mapangiti. Mabuti hindi ako nakikita ng driver baka isipin niya baliw ako.
Nang makatigil sa tapat ng apartment, bumaba na ako ng taxi at kinuha ko ang mga gamit ko.
"Manong, sandali lang po ha?"
Kumatok ako sa pinto. Naka apat na katok ako bago pa may nagbukas. Bigla akong nakaramdam ng kaba. Magback out na kaya ako? Baka ako na naman mapasubo sa sitwasyon nato? Pero sino naman ang taong magiisip na magback out pag ganito ka-hot ang magigisnan mo sa umaga.
Binuksan ni Ross ang pinto at tumambad sa akin ang abs niya. Nagangat ako ng tingin at tumambad naman sa akin ang gwapo niyang mukha.
"CYRAH?!"
Napanganga siya ng makita ako. Itinikom ko ang bibig niya gamit ang kamay ko.
"O? Wag nang ngumanga. Kumuha ka ng pera, bayaran mo ang taxi na naghihintay!" utos ko sa kanya at tuluyan na akong pumasok sa loob bitbit ang mga gamit ko.