noveltoon logo noveltoon
Blackmail Bargain

Chapter 2

Ch. 3 / 42 Feb 05, 2022

“Tangna! Ganda ng ngiti!”

Bati sa akin ni Kristine agang aga pagkapasok niya sa opisina. Hindi lang kami magkaibigan, officemates din kami.

“Syempre”, sagot ko. Umupo na ako and I turned on my computer.

“Si Ross na naman ang dahilan niyan noh?”

“Si Ross agad agad? Palagi na lang bang si Ross??”

“Aba eh itanong mo yan sa sarili mo! Eh si Ross lang naman ang dahilan ng pagngiti mo, pag galit ka, pag kinikilig ka, pag bigla bigla ka na lang nababadtrip, pag—“

“Awat na! Oo na. He’s inviting me to our highschool reunion!” nakangiti ko pa ring sagot.

“Eh ano namang bago doon? Noong isang araw mo pa naman alam yang reunion na yan at si Dexter pa mismo ang naginvite sayo diba?”

“Iba yon. This time si Ross ang naginvite sa akin.”

She rolled her eyes at ibinalik na niya ang tingin niya sa monitor ng computer at nagsimulat na ulit magtype ng kung anu ano.

“Hay naku. Admit it! Hanggang ngayon gusto mo pa rin siya!”

“Oo gusto ko siya. Gusto ko siyang patayin!”

“I’m pretty sure aattend ka?”

“I told him hindi ako pupunta.”

Tinaasan niya ako ng kilay.

“You’re kidding me right?”

Tumawa ako ng bahagya.

“Of course!”

“I got it. Alam na alam ko ang mga dramang ganyan. Late entrance, early exit!” excited niyang sabi.

“Oo, syempre. Maganda tayo eh.”

“Tayo? May lakad ako sa April”, tanggi ni Kristine.

“Kaloka ka! Buong April, may lakad ka?”

“So simula na yan ng krimen na gagawin natin?” excited niyang tanong at inilapit pa niya talaga ang upuan niya sa akin. Yung tipong krimen na krimen talaga ang gagawin namin kasi halos bulong na yung pagkakasabi niya.

“Oo at sigurado ako handang handa na ang biktima natin!”

“Ay! Bongga yan! Just tell me when at kung kinakailangan na ipablanko ko ang schedule ko buong April, I will do it for you!”

Mas excited pa talaga siya sa akin.

Yung mga officemates namin, panay ang tingin sa akin kasi buong araw daw akong nakangiti. Some are even asking kung inlove ba daw ako? Kapag nakangiti, inlove agad? Hindi ba pwedeng may krimen lang na pinaplano?

As usual, magkasabay kami ni Kristine maglunch.

“Ikaw ba eh kakain o makikipagtitigan ka na lang buong lunch break dyan sa cellphone mo?” tanong ko habang naglalagay ng ketsup sa plato ko.

“Sssh! Huwag ka magulo, I’m doing some investigation”, saway niya sa akin at talagang hindi pa rin niya talaga ako tinatapunan ng tingin.

“Investigation? Sana lang mabusog ka niyang investigation mo na yan kasi ako, gutom na gutom na ako. Bahala ka, kakain na ako.”

“OH MY GOD!”

Napakunot ang noo ko sa pagsigaw niya.

“Siguraduhin mo lang na may magandang dahilan ang pagtili mo na yan ha”, banta ko sa kanya at kumagat ako sa fried chicken na hawak ko. Hindi niya mapapawi ang gutom na nararamdaman ko. I’m sure.

“Friend, I think they are in good terms na ulit”, sabi ni Kristine at iniharap pa niya sa akin ang phone niya. Nabasa ko ang status ni Jessica, his current girlfriend. Thinking about her name makes me wanna roll my eyes.

The status says, “I miss you Love. Can’t wait to see you!” And under her status on facebook I saw a comment from Ross saying “I miss you too.”

“Oh here’s another one. Nagpost si Ross sa timeline ni Jessica. It says “Hulog ka talaga ng langit, love!”

“Oh well, that’s true!” sagot ko kay Kristine.

“What?” gulat siya eh.

“Hulog talaga siya ng langit... kasi bawal siya doon!” diin ko.

Sabay kaming tumawa sa sinabi ko.

Sa susunod, sasabihan ko itong si Kristine na huwag niyang uulitin yung ginawa niya. Yung magpapakita ng mga ganung karumal dumal na bagay kapag kumakain, kasi nakakawala ng appetite.

“What should we do? Magkabati na naman pala sila”, pagaalala ni Kristine.

“Kelan ba yang post na yan?”

“Last week”, sagot ni Kristine.

Sa sinagot niyang yon, with just a snap, bumalik na ang appetite ko. I smiled and told her “Last week pa naman pala yan, eh kagabi nagtext sa akin si Ross.”

“Eh teka, bakit ganyan ka makangiti? Niyaya ka lang naman niya sa reunion diba?”

“Yes.. and more!”

Nanlaki ang mata ni Kristine.

“More??”

“OA ka! He just said..”, I paused.

“Ano? Papatayin mo ako! Spill it out!”

Mukhang ako naman ang papatayin ng babaeng ito sa tingin niya sa akin. Atat talaga.

“He just said he misses me.”

“Owwkayy.. Namimiss niya girlfriend niya, namimiss ka niya, dalawa kayong namimiss niya. Anong meron?”

“Ang galing mo talaga sa Math friend!” sabay turo ko pa sa kanya. “Kung okay man sila ngayon, sisiguraduhin kong yan na ang huling pagiging okay nila at hindi na masusundan pa kaya samantalahin na nilang dalawa yan!”

“That’s the spirit!”

***

After office hours, umuwi na din kami kaagad ni Kristine. Sa iisang apartment naman kasi kami nakatira. Mas okay yun, at least kilalang kilala ko na ang kasama ko sa bahay. Nagtake out na lang kami ng pagkain. Wala din kasi sa mood magluto.

After ko magshower, narinig ko na lang si Kristine na sumisigaw. Akala ko nga may sunog eh.

“CYRAH! MAY TUMATAWAG SAYO!!” sigaw niya.

Lumabas ako mula sa kwarto at nagpunta sa kusina kung saan siya narooon. I can hear Adam Levine singing “Beautiful Goodbye”. Naalala ko naiwan ko nga pala ang cellphone ko sa dining table noong inilapag namin and dala dala naming pagkain.

“Eto naman kung makasigaw, akala mo first time may tumawag sa akin”, sabi ko sa kanya at inabot ko ang cellphone ko na ngayon eh hawak na niya. Kasabay noon ang pagtigil ng boses ni Adam Levine.

“Ayan, nawala na. Ang bagal mo kasi friend eh.”

I checked my phone kung sino ba ang tumawag. Napataas ang kilay ko sa nabasa kong caller.

“Sino ba yon?” tanong ni Kristine. “Sino si X?”

X. X kasi ang nakasave na pangalan ni Ross sa phone ko.

“That’s Ross”, sagot ko at umupo na sa dining table. Nagsimula na kaming kumain ng dinner.

Kilay naman niya ang tumaas.

“Yah right. X as in ex boyfriend. Ex fiancé.”

Napabuntong hininga ako sa sinabi ni Kristine. She’s right. Ross is my ex boyfriend and ex fiancé. Everything was so perfect then. Minsan tinatanong ko na lang din kung ano nga ba ang nangyari?

*flashback*

“Kapag naging akin ka, matutulog ka na, kinikilig ka pa rin.”

Yan ang kauna unahang banat ni Ross sa akin.

“Utang na loob Rodriguez! Tigilan mo ako ng mga banat mong yan!” sita ko sa kanya. “Ganitong broken hearted ako”, dagdag ko pa.

Tinabihan niya ako sa bleachers kung saan ako nakaupo. Ewan ko ba dito sa lalaking to, basta basta na lang sumusulpot. Nageemote nga yung tao eh.

“Sino?! Sinong gumawa niyan?!” mayabang niyang tanong. Nakaliyad pa ang dibdib niya. Akala mo naman kung sino malaki ang katawan. Payat payat naman niya.

“Tapang mo naman! Baka nga isang sapak lang nun sayo matumba ka na kaagad. Ang payat payat mo kaya! Kung umasta ka dyan feeling mo kaya mo akong ipagtanggol?”

Actually, hindi naman ako nakipagbreak or anything. Broken hearted ako kasi may girlfriend na yung crush ko. Ang sakit kaya. Yung kapag makikita ko silang magkasamang dalawa. Buti na nga lang 4th year highschool na kami ngayon, ilang buwan ko na lang silang makikita. Konting panahon na lang madudurog ang puso ko. Pero kahit na, nakakainis pa rin.

“Kung bakit naman kasi pinapahirapan mo pa ang sarili mo, eh meron namang dalawang paraan para makalimutan mo yang taong nagpaluha sayo”, payo niya sa akin. With hand gesture pa yun.

Nagliwanag ang mukha ko sa sinabi niya. Akalain mo ayos din naman palang kausap tong isang to, may silbi din naman pala.

“Talaga? Ano naman?”

“Una, alisin mo siya sa puso mo”, sabi niya.

“Mahirap yon noh! Ano naman ang pangalawa?” tanong ko habang nakahalumbaba. Nakapatong yung siko ko sa tuhod ko.

“Yung pangalawa, mas madali ito. Pangalawa, ipalit mo ako!”

Pagkasabi nya noon, hinagip ko ang buhok niya at sinabunutan ko siya.

“Aray! Aray! Cyrah naman! Bitiwan mo nga ako. Masakit!”

“Puro ka kasi kalokohan! Kaya ayaw kitang kausap eh! Hindi ka marunong magseryoso!” pagkasabi ko noon, saka ko lang binitawan ang buhok niya.

Inayos niya ang buhok. “Sobra ka naman! Wala namang hindi totoo sa sinabi ko. Sundin mo lang yon, tapos na ang problema mo.”

“More like madadagdagan!” I rolled my eyes on him. “Yuck! Ano to?” tingin ko sa kamay ko. “Ang lagkit lagkit!”

“Ayan kasi! Ang hilig mong manakit ng tao, napapala mo! Buti nga sayo!” sabi ni Ross saken.

It was his styling gel, mula sa buhok niya.

“Pa-gel gel pa kasi. Hindi naman bagay sayo! Hmp!”

“Talaga? Hindi ba bagay sa akin ang may gel sa buhok?”

Mukhang seryoso siya sa tanong niya. Actually, bagay naman. Kahit naman ano, bagay sa kanya. Isa si Ross sa masasabi kong pinakagwapo sa campus namin. Maraming babae rin ang nagpapacute dyan at marami din ang pinapatulan niyan. Ilang beses ko na din yan na nahuli sa mga tagong lugar sa campus kapag dadaaan ako with my friends. He’s making out with different girls. Tapos babanatan niya ako kanina ng mga ganun niya? Adik pala siya eh! Kilalang kilala ko siya at kilalang kilala ko din ang tipo niya.

Matangkad siya na payat. Still malakas pa din ang appeal niya.. err sa mga babae niya. Narinig ko lang yon nung minsan dumaan ako sa canteen. Topic na naman siya ng mga babae. Siguro kung may hahangaan ako sa kanya physically, eh ang eye lashes niya. Inggit talaga ako! Minsan nga gusto ko ng makipagpalit sa kanya. Ang haba talaga kaya mas gumanda ang mga mata niya. Minsan nga naiilang na ako kapag tinititigan niya ako. Parang may kung ano. Basta, hindi ko maexplain.

Kabarkada ko siya. Actually almost naman buong section namin, magkakabarkada. Mapababae, lalaki, beki, solid kami. At ngayong matatapos na ang school year, nakakalungkot.

“Hindi. Hindi bagay sayo! Walang bagay sayo!” sagot ko sa kanya. Eh kasi naman, kahit naman ata anong gawin niya sa sarili niya, gwapo pa rin siya. Nakakainis.

“May alam akong bagay sa akin”, sabi niya.

Tumayo na ako. “Walang bagay sayo”, diin ko.

Tumayo na din siya at nagulat ako ng biglang lumapit yung mukha niya sa akin. Sa tangkad niya, kinailangan pa niyang tumungo.

“Ikaw. Bagay ka sa akin”, I can feel his breath while I’m holding mine.

Bwisit na lalaki to, pwede namang magsalita ng hindi ganito kalapit sa mukha ko diba?