Cyrah’s POV
“Bakit naman ako matatakot?? Siya ang matakot!”
Ngumiti si Kristine sa akin.
“Pero infairness friend, napansin ko lang. She’s pretty naman pala,” komento ni Kristine.
“I agree naman, pero hindi naman sa pagiging bitter or what, wala talaga siyang appeal!”
“Dyan naman ako agree sayo! Sino namang lalaki ang gugustuhin na walang appeal ang isang babae? Maganda nga, wala namang dating.”
“She must be thankful sa mga whitening soap na binibili niya.”'
Sabay kaming tumawa. Kasabay noon ang pagtunog ng phone ni Kristine.
“OH! I have to go. May pupuntahan pa nga pala ako ngayon.”
“Okay. Uuwi na rin naman ako,” sagot ko.
Hinawakan ako ni Kristine sa kamay at akmang pipigilan ako.
“Wait. San ka uuwi?”
“Sa apartment ni Ross, saan pa? Eh diba ikaw ang nagtaboy sa akin sa lugar na yon?”
“What if nandun si Jessica? What if magpang abot kayo?” nagaalalang tanong ni Kristine.
“So? Eventually, mangyayari at mangyayari din naman ito. Magkakaharap at magkakaharap din naman kaming dalawa. Bakit patatagalin ko pa?” taas noo kong sagot.
“Kailangan mo ba ng back up?” natatawang tanong ni Kristine.
“Not this time. Thanks anyway!”
“You mean hindi ko mawiwitness ang ‘The Girlfriend meets the Ex-Girlfriend’ scene?!” naghihisterical na tanong ni Kristine.
“Ivi-video ko para sayo friend. I’ll ask Ross to record the scene. Bye!”
“Cyrah!!”
Okay. Hindi talaga ako natatakot na malaman ni Jessica na ex ko si Ross. Why should I? ‘The Girlfriend meets the Ex-Girlfriend’, kahit ako inaabangan ko din yan. I’m on my way to Ross’ apartment at kung nandon si Jessica, we’ll she must be ready!
I opened the door at pagbukas ko ng pinto, nadatnan ko si Ross na nakaupo sa couch. Nakatingin lang siya sa akin. Mukha siyang seryoso. See that? Kapag si Jessica ang kasama niya, mabilis siyang tumatanda. I knew it. Hindi siya maganda sa kalusugan ni Ross. She’s not even good for his heart.
“You need to pack your things,” utos ni Ross pagkasarado ko ng pinto.
Bongga! May balak pa ata kaming mag out of town, or better yet out of the country! Shit! Ilang bikini ba ang nadala ko? Lalabindalawa ata. Kulang yon!! Naiwan ko pa ata ang iba sa apartment namin ni Kristine. Di bale, bibili na lang ako.
“Ngayon na,” dugtong niya.
Agad agad? Nakapagpabook na ba siya ng flight? Ang bilis naman! Sabagay kahit naman saan, mabilis talaga si Ross, and that is the one thing I like about him. Like?? That’s gross.
“Okay,” sagot ko naman.
Eh syempre out of town ituu! Mamaya magbago pa ang isip ni Ross? Tiningnan ko pa si Ross bago ako pumasok sa kwarto at iba ang reaksyon niya. Parang nagtataka. Hindi ba dapat ako ang magtaka sa nangyayari?
Naramdaman ko na lang na sumunod na si Ross sa akin sa kwarto. Baka tutulungan ako sa pagiimpake.
“Ayun pa oh! Damit mo pa yon diba?” turo niya sa mga damit kong hindi pa nalalabhan.
Oo, damit ko yon. Pero bakit ko naman isasama yon sa out of town? Wala naman akong balak maglaba pag nagpunta kaming Palawan or Boracay.
“Lahat ng gamit mo Cyrah, pakiempake na.”
I was about to put the my favorite book sa loob ng bag ko. Yung isa sa pinakamakapal na libro na binili ko. Susubukan ko kasing magbasa sa byahe, sigurado mahaba haba yung byahe namin. pero natigil ako sa ginagawa ko dahil sa sinabi niya.
Wait.
Stop right there.
Tumayo ako at hinarap siya kung saan nakasandal siya sa may pinto?
“Huh? Lahat? Hindi ba tayo mag-a-out of town?” tanong ko.
“Who mentioned something about out of town??” kunot-noo niyang tanong.
Itinanong ko din sa sarili ko ang tanong niya.
Who the fuck mention something about out of town?!
Sinooo??!
“K-kung ganon, anong ibig sabihin nito?”
“Please, let’s not make things complicated,” seryoso niyang sagot.
“Matagal ng complicated ang lahat Ross!”
“Then, let’s not make things more complicated,” diin niya.
Naibagsak ko sa sahig ang librong hawak ko!
“SHITTT!!”
Fortunately, hindi pala sa sahig bumagsak kundi sa paa niya.
“Fuck Cyrah!”
Yeah right! Ito ata ang unang beses kong narinig ang katagang sinabi niya na wala kami sa kama.
Nakita kong bumaba ang tingin niya sa paa niya. Alam kong masakit pero wala akong pakialam! Bakit, wala din naman siyang pakialam pag ako ang nasasaktan diba? Kung pwede ko nga lang ulitin ang lahat, ginawa ko! Kung pwede ko lang pulutin ang libro at paulit ulit na ihulog yon sa paa niya, gagawin ko! Katulad ng paulit ulit niyang pananakit sa akin.
Sino nga ba kasi ang nagsabi na mag-a out of town kami?
Kelan pa ako naging assuming?
Naisip ko tuloy, kung nandito kaya si Kristine sagutin niya kaya ang tanong ko ng “matagal na”.
From now on, I will never jump into conclusion! Pwedeng magtanong Cyrah, para hindi nasasaktan.
Pwede kang magexpect, pero wag kang mag-a-assume.
Coz in the end, malaki ang posibilidad na ikaw ang masasaktan.
Okay. I know this is not about the out of town thingy!
Alam ko kung bakit ako nagkakaganito. He wants me out of his apartment.
Ayaw niya ng komplikadong buhay? Pwes, I’m sorry Ross, but I was born to make your life complicated. More complicated! Most pa nga eh!!
“If you will ask me to leave this place, you will only be disappointed so wag mo ng ituloy,” banta ko sa kanya.
Nagsimula na akong ibalik ang mga gamit ko kung saan ko sila kinuha. Langya talaga! Pahirap talaga tong si Ross! Grrr!!
“Shit Cyrah! Hanggang kailan mo ba guguluhin ang buhay ko?!”
Nilapitan ko ulit siya. Balak ko nga sanang kunin ang lampshade at itapat ulit sa paa niya, para kung sakali, mas mabigat ang ihuhulog ko.
“Guluhin?! Bakit? Maayos ba ang buhay mo? Masaya ka ba? Nararamdaman mo ba sa girlfriend mo ang nararamdaman mo kapag kasama mo ako?! She can’t even turn you on for Pete’s sake!”
Hinihintay kong sumagot si Ross pero walang salita ang lumabas sa bibig niya. Because he knows I am right.
“Kilala ka ba niya talaga? Does she knows the real Ross? Can you act normal whenever you are with her? You can’t even look her the way you look at me! Do you really have that ‘connections’ huh?!”
Connections. Perfect word.