Cyrah's POV
"I love you so much. Lagi mong tatandaan yan. Hihintayin mo ako ha. Babalik din ako. Babalik din ako sayo. I promise."
"I love you more. I will always wait for you," sagot ko and then he kissed me. Matagal. Kung pwede ko lang itigil ang oras, gagawin ko.
Nagsimula na siyang pumasok sa loob. Unti unti na din siyang nawala sa paningin ko. Long distance relationship? Kaya namin to! Because we believe that distance doesn't ruin people's relationship. You don't have to see someone every day to be in love.
Yan ang akala ko. Pero simula ng magpunta si Ross sa ibang bansa, marami na ang nagbago.
"Bakit mo ba siya kasama? At tsaka bakit hindi ka nagpaalam sa kin?" tanong ni Ross.
"Kanina pa kita kinokontak pero out of reach ang phone mo. Tapos ang dami ko na ding iniwang messages sa fb mo hindi ka naman nagrereply," sagot ko habang magkausap kami sa phone. Finally nakontak na din niya ako ngayong araw.
"Hindi ko mabuksan kanina ang phone ko," sagot niya. Ramdam ko ang inis sa boses niya.
"O? kasalanan ko??"
"Cyrah naman! You could've at least wait for my response bago ka sumama sa kanila!"
Naningkit ang mga mata ko.
"Aba naman Ross! Paano naman kung next year mo pa pala mabubuksan yang phone mo? Eh di waiting in vain ang peg ko dito?! At tsaka bakit ba galit na galit ka eh mga kaibigan ko naman ang kasama ko dito? As a matter of fact, kilala mo sila."
Nagyaya kasi bigla ang mga classmates ko. Kakatapos lang ng klase namin at nagkayayaan magbar. Kanina pa naman ako nagpapaalam kay Ross eh. Naipakilala ko na pati sila kay Ross bago siya magpunta ng ibang bansa.
"Kilala ko nga sila pero ayoko pa din na sumasama ka sa Paul na yan! Dalawang buwan pa lang ako dito sa ibang bansa pero kung ano ano na ang pinaggagawa mo dyan!"
Talong talo ng boses ni Ross ang music dito sa loob ng bar. At pati naman ang classmate kong si Paul, pagseselosan pa.
"Ayon! Eh di lumabas din! Nagseselos ka?!"
I saw Cynthia, one of my classmates, mouthed if I'm ok at tumango naman ako.
"Oo, nagseselos ako. Kaya umuwi ka na, okay?!"
"Hindi ako uuwi, okay? Wag ka ngang OA Ross! Wala akong ginagawang masama dito. Yang utak mo ang masama mag-isip!"
"Bahala ka na!"
Then he ended the call.
"Sure ka okay ka lang?" ulit na tanong ni Cynthia.
"Si Ross kasi eh," sagot ko na lang.
Pagkauwi ko ng bahay, nagmessage agad ako kay Ross. Agad naman kaming nagusap sa Skype.
"Ayan ha, maaga na akong umuwi. Inihatid naman nila ako kaya wag kang mag-alala," sabi ko kaagad sa kanya ng makita ko siya sa monitor ng laptop ko.
Five hours gap. I'm five freakin hours ahead on where he is right now.
"Ang labo ng cam mo, hindi kita masyado makita," reklamo niya.
Binuksan ko na lang ang ilaw para makita niya ako ng ayos.
"Malabo pa rin. Tsk," sabi ulit niya.
"Wait. Log out, log in ako," sagot ko.
Then everything went black.
Damn!
Nasaan ang flashlight?
Kinuha ko na lang ang phone ko ang ginamit itong ilaw. Maliwanag naman ang ilaw ng Nokia C3 kaya pwede na.
Binuksan ko ang Facebook ko gamit ang libreng internet connection. Mabuti na lang may inilagay na app ang classmate ko dito sa phone kung saan libre ang Facebook. Ang dami pa nga niyang ginawang ritwal eh bago gumana. I mean, may mga proxy proxy pa siyang sinasabi kaso di ko naman maintindihan. Ang sabi ko na lang basta mapagana at libre, ayos na.
Tumambad sa akin ang napakadaming messages ni Ross.
Ross Rodriguez: San ka na?
Ross Rodriguez: Offline?
Ross Rodriguez: Are you okay? What happened?
Ross Rodriguez: Nagwoworry na ako..
Cyrah Gonzales: I'm sorry, nawalan ng kuryente eh. Okay lang ako dito, don't worry. It's just that I'm sad kasi hindi kita makita.
Ross Rodriguez: Glad you're okay. May pasok ka pa bukas, matulog ka na. Bukas na lang tayo ulit mag-usap. Siguro naman may kuryente na dyan bukas.
Cyrah Gonzales: Okay. Goodnight. I miss you and I love you :*
Ross Rodriguez: Sweet dreams. I miss you and I love you more :*
LDR?
Napakahirap.
Pero alam ko na lahat ng paghihirap namin ni Ross eh masusuklian ng saya kapag magkasama na ulit kaming dalawa. Konting tiis lang naman. Kailangan ng mahabang pasensya at tiwala sa isa't isa.
"Sino yung kasama mong babae sa Facebook?!" tanong ko kay Ross once I log in on Skype nang sumunod na linggo.
Halatang kakagising lang niya kasi nasa kama pa siya at kinukusot ang mga mata niya.
"Good morning to you too!" sagot niya.
"Pwede ba Ross, sagutin mo ang tanong ko."
"Kaibigan ng katrabaho ko yun," sagot niya ng walang kagana gana.
"Eh bakit katabi mo siya? Inakbayan mo ba yon?" naiinis kong tanong. Para kasing nakaakbay ang kamay niya eh. GRRRR!!
Umayos siya ng upo at inayos niya din ang cam ng laptop niya.
"Hindi. Okay? Magtiwala ka naman saken oh! Kagabi ko lang yon nakilala, nagkataon lang na nahagip siya ng camera. Ako nga lang ang nagpapapicture eh, sumama siya," sagot ni Ross.
Sumama yung babae sa pagpapapicture? Bakit? Balak bang magtayo ng fans club ng boyfriend ko sa bansang yon??
Nakakunot pa din ang mukha ko.
"Ah basta, burahin mo nga yon," utos ko.
"Hindi ako ang nagupload noon, ano ka ba?"
"Wala akong pakialam, basta idelete mo ang picture na yon!"
"Oo na, you're the boss!"
"Good," sagot ko at ngumiti na ako.
*
"Malayo si Ross sa piling ko. Malay ko ba kung anong pinaggagawa niya doon," sabi ko kay Cynthia nang magsumbong ako tungkol sa babaeng nakita ko na kasama ni Ross sa picture.
"Wala ka bang tiwala sa kanya?"
"Meron naman syempre, kaso syempre din hindi naman maiiwasan na mag-isip ako ng kung ano, lalo pa at may ganun. Alam ko naman na mahal na mahal ako ni Ross pero ngayon lang kasi kami nagkalayo ng ganito eh."
"Alam mo Cyrah, sa makapag-isip ka ng mga ganyang bagay, may mababago ba? Ikaw lang ang matatalo sa iniisip mo eh. Ikaw lang ang maistress. Kung may babae nga ba siya doon, may magagawa ka ba? Ikaw na ang nagsabi na malayo siya, so you have no choice but to trust him.Ngayon kung mambabae man siya doon, always remember na hindi ikaw ang nawalan, kundi siya!" sabi ni Cynthia.
I flipped my hair.
Tama naman siya sa part na yon kaya naman ngumiti na lang ako at niyaya ko siya sa canteen. Inilibre ko na lang siya. Pagkaupo namin sa loob, nagmessage bigla si Ross sa Facebook.
Ross Rodriguez: Skype tayo ngayon.
Cyrah Gonzales: How?
Ross Rodriguez: I have no time for jokes Cyrah. I'm having a bad day. Use your phone, of course.
Cyrah Gonzales: Skype sa Nokia C3? Sinong nagjojoke ngayon ha?
Eh kasi naman nakakapagskype lang naman kami pag nasa bahay ako at nagagamit ko ang laptop ko. Hanggang Facebook lang ang kaya ng powers ng phone ko!
Ross Rodriguez: Hayy..
Cyrah Gonzales: Wag mo ako ma-"Hayy.. Hayyy.." dyan at naha-highblood ako sayo. Para di ka mabwisit eh di ibili mo ako ng bagong cellphone.
Ross Rodriguez: Wala pa akong pera. Magkano ba?
Cyrah Gonzales: Kahit MyPhone lang ayos na. Basta android. 5k meron na nun! Nakakita ako sa mall kahapon.
Ross Rodriguez: Sino kasama mo nagpunta sa mall?
Cyrah Gonzales: Friends syempre. Maibibili mo ba ako? O kahit dagdagan ko na lang 2k. Ang hirap din kasi pag di kita nakikita. Mas okay kasi pag sa Skype diba? Miss na miss na din kasi kitang talaga. Dalawang buwan pa lang na nalalayo ka sa akin but it feels like years. Hay. pero alam ko naman na kakayanin natin ito diba? Mahal na mahal kita, at alam ko naman na mahal na mahal mo din ako. Ang importante naman may trust, love at communication between the two of us diba? Kaso ngayon, naghihingalo na talaga ang C3 ko. Para din naman sa ating dalawa ito. At tsaka gusto ko din kasi na naririnig ang boses mo. :)
Ross Rodriguez: *seen 02:48 pm*