Jessica’s POV
“Love, I have an idea. Bakit hindi na lang tayo magsama sa apartment mo?” suggest ko kay Ross. Sinundo niya ako mula sa work. Diretso lang ang tingin niya sa daan habang nagmamaneho.
He looked at me with a total shock on his face.
“Jessica.. you know we can’t do that. Ano na lang ang sasabihin ng pamilya mo?”
“Right. I’m sorry. Palagi na lang kasi akong nag-aalala sayo na mag-isa ka lang sa apartment. Paano kung biglang may mangyaring masama sayo? Malayo ako sayo.”
“I understand pero hindi pa tayo kasal,” sagot ni Ross.
Hinarap ko siya at ngumiti ako sa kanya.
“Exactly! Eh di magpakasal na tayo!”
He hit the brake.
“Ouch!”
“Are you okay?” tanong niya at hinawakan niya ang braso ko.
“I’m fine. Ikaw? Okay ka lang ba?”
Tumango lang siya at nagdrive na ulit.
“Tama naman ako diba? Noong nasa abroad ka, napapag-usapan na naman natin ang kasal diba? Bakit hindi na lang natin madaliin tutal dun din naman tayo tutuloy?”
His phone rang.
“Hello.. Okay, I’ll be there soon,” sagot niya.
Napakunot ang noo ko. Sino naman ang kausap niya? Sino naman ang taong mas mahalaga kesa saken at mas pupuntuhan pa niya iyon kesa sa pagstay ng konting oras sa bahay namin?
“Magkita na lang tayo bukas,” paalam niya ng tumatapat na kami sa bahay ko.
“Just like that? Hindi mo man lang ba sasabihin sa akin kung sino ang kausap mo kanina?”
“It’s Kyla. Emergency,” tipid niyang sagot.
“Wala ka na bang ibang maisip na dahilan saken kapag kailangan mo akong takasan?!”
Binuksan ko ang pinto at bumaba ako sa kotse niya. I am freaking out. Sino ba naman ang matutuwa sa inaasal niya. Pinagmumukha niya akong tanga.
Bumaba na din siya ng kotse.
“Takasan? Pagtakas talaga ang tawag mo sa ginagawa ko?”
Nagsisimula na din tumaas ang boses niya.
“Ano ba ang dapat kong itawag Ross?”
“Wala Jessica. Hindi mo kailangang bigyan ng description ang lahat ng bagay o ang lahat ng ikinikilos ko.”
“See? Mula ng dumating ka dito, ganyan ka na. Unti unti kang nagbabago. Siya na naman ba ang dahilan? Yung ex-girlfriend mo na naman ba? O baka naman yung bagong babae mo? Ano ba talaga ang problema mo, Ross?”
Nilapitan niya ako at kitang kita ko ang galit at pagkalito sa mga mata niya.
“Aalis na ako at kung tatawagin mo pa din na pagtakas ang gagawin ko, hindi kita masisisi. Baka kasi yun naman talaga ang gusto kong gawin, noon pa.”
Sumakay na siya sa kotse niya at wala akong nagawa kundi unti unti itong panoorin na maglaho sa paningin ko.
Hindi ako papayag na mawala sa akin si Ross. Hindi ko akalain na mabibitawan niya sa akin ang mga salitang yon. Hindi ba niya naisip na nasaktan niya ako sa mga sinabi niya? Hindi ka iiyak, Jessica. Nagawa kong mabura sa buhay niya noon yung girlfriend niya. Kayang kaya kong burahin ulit kung sino man ang magtangkang umagaw sa akin kay Ross.
**
“You know what, lasing ka na. Naka-ilang bote ka na ba?”
“Tinawagan kita para samahan akong mag-inom, hindi para pigilan ako,” sabi ko kay Janine, kaibigan ko.
“I know, pero ano na lang ang sasabihin ni Ross kapag nalaman niya na nagkakaganyan ka.”
“Hindi naman niya malalaman diba?”
“Break na ba kayo?” tanong niya.
Tinawanan ko siya.
“Alam mo naman na hindi kami maghihiwalay diba?”
Hindi ko na rin alam kung naka-ilang bote na ako ng alak. Nahihilo na din akong talaga.
“Para sa pagbura ko sa babae sa buhay ni Ross.. CHEERS!”
“Babae?” tanong niya, pero hindi ko na nasagot pa kasi nawalan na ako ng malay.
**
“Magdedeposit ba tayo?” tanong sa akin ni Janine kinaumagahan nang maginom kami. Papasok kami sa isang banko. Banko kung saan nagtatrabaho ang babae ni Ross.
“Hindi tayo magdedeposit dito. Wala akong balak ilagay ang pera ko kung saan may ahas na nagtatrabaho.”
“Kung may ahas dito, eh umalis na tayo. Mamaya matuklaw pa tayo!”
“That’s her,” turo ko sa babaeng nakauniform at nakalugay na kulot ang babang bahagi ng buhok.
“May taste talaga yang boyfriend mo.”
I rolled my eyes on her.
“Hindi ko sinabing bigyan mo siya ng compliment.”
“Okay. What now?---Wait.”
Hinila niya ako at umupo kami sa isa sa mga available na silya.
“You don’t find her pretty, right?” tanong ko sa kanya. Di hamak naman na mas maganda ako sa babaeng yun. Eh ni hindi nga siya maputi eh.
“I think I know her, hindi ko lang maalala kung saan ko siya nakita,” sabi ni Janine at hindi inaalis ang tingin sa babae.
It’s getting weird. Imposible.
“Janine, imposibleng nakita mo na siya. Ilang linggo ko pa lang siyang nakikita o nakikilala at ngayon ko lang siya naituro sayo. Alam ko maliit ang mundo pero imposible talaga na kilala mo siya.”
“Oh my God! No way!” bulalas niya.
Napalingon sa amin ang mga tao.
“Mag-iiskandalo ka ba? Lumabas na nga tayo!” yaya ko sa kanya.
“Kailangan talaga nating lumabas, dahil kung hindi, baka ikaw ang gumawa ng iskandalo,” sagot niya at naglakad na kami palabas.
“Anong sinabi mo?”
“I know her Jessica and you know her too.”
“Of course I know her! Siya ang bagong kinahuhumalingan ni Ross!”
“No, there’s more than that.”
“Just get to the point, will you?!”
Ghad! Ano ba talaga ang gusto niyang sabihin. Ang init init kaya dito sa labas. Sayang ang lotion na ginagamit ko!
“It’s her. Yung babae sa loob at ang ex-girlfriend ni Ross ay iisa!”
“No way! Imposible!”
“Sigurado ako Jessica, siya yon. Iisa sila. How come you didn’t notice?”
Mawawalan ata ako ng malay.