Ross' POV
It's been a week simula nang bumalik ako sa bahay. I decided na umalis na sa apartment at makipag-ayos na kay Mommy. In fact, kakagaling ko lang sa meeting with my old friends and we planned on running a business. Tatlo kaming magkakasosyo. I'm on my way home nang biglang tumawag sa akin si Kyla at pinagmamadali akong umuwi. Ayaw pa niyang sabihin kung bakit basta ang sabi niya, urgent daw. Natakot naman ako kaya agad akong nagmadali sa pagmamaneho.
"Sit down," utos sa akin ni Mommy pagkapasok ko sa kusina. Nakaupo sa dining table sina Kyla at Jessica.
And what the hell is she doing here?!
Umupo ako sa tabi ni Kyla. This is bad. I saw Kyla rolled her eyes.
"What are you doing here, Jessica?" tanong ko. Nakaupo siya sa tapat ni Kyla.
"She's here because she wants to say something to you," sagot ni Mommy.
I looked at Jessica at tiningnan niya din ako.
"I'm pregnant, Ross."
Wait. What?!
"You looked surprised my dear," sabi ni Mommy.
She can say that again.
"Jessica, can we talk in private?" yaya ko sa kanya.
Iniwan naman kami nina Mommy at Kyla. Hindi ako umaalis sa kinauupuan ko, instead siya ang lumipat at tumabi sa akin.
"Totoo ba?" tanong ko.
"Ang sakit naman ng tanong mo. Ross, babae ako. May matris ako at may kakayahan akong magbuntis. At gusto mo bang ipaalala ko pa sayo kung paano natin ito ginawa?"
I took a deep breath.
She is right. Nagulat din ako nung gabing pumayag na siya na may mangyari sa aming dalawa. She was so frigid back then.
"And don't you dare tell me now that we're done. You won't tell me na hindi mo papanagutan ang bata because I know you are not that kind of person."
Did you hear that? That is one of the reasons why I broke up with her. She's always putting words in my mouth. She always acts like she knows me so well.
"Pwede naman natin itong pag-usapan, Jessica."
I am almost convinced that she was really hurt when I saw a tear in her eye. She looked down at yung glow kanina sa mukha niya ay napalitan ng lungkot.
Okay. I admit.
She's really hurt sa mga sinabi ko. Who the hell wouldn't?
Guess I was really turning into a man I wasn't.
"It's not what you think, Jessica. Please don't get me wrong. Aayusin natin ito."
Nag-angat siya ng tingin sa akin and smile a little. I don't know. I guess I just want to say those things she wants to hear.
Pagkadating ko sa bahay matapos kong maihatid si Jessica ay nakaabang na si Mommy sa sala.
"Gusto kong magalit sayo kasi ni hindi mo man lang siya nagawang ipakilala sa amin and then one day she will just knock on our door telling she's carrying your child? Hindi kita pinalaking ganyan, Ross. Pinapasok kita sa isang magandang eskwelahan, pinalaki ng maayos at hangga't kaya namin ng Daddy mo, ibinibigay namin."
Look at my Mom, she's talking like she has this halo over her head. Alam ko kung saan papunta ang usapang ito.
"Hiwalay na kaming dalawa."
She gasped.
"You mean??"
Umupo ako sa sofa na katapat ng inuupuan niya.
"No Mom. Syempre may relasyon pa kami nung nangyari yon."
"Hiwalay man o hindi, kailangan mo siyang panagutan. Huwag mong hintayin na ang Daddy mo pa ang magsabi ng mga salitang ito sayo. Mabuti na lang at nasa Pampanga siya ngayon."
Kung si Daddy ang nagsabi noon, it will not sound that way. It will definitely sound her way. Mean. Authoritative.
"Kaya kong sustentuhan ang bata. Me and my friends are going to run a business."
Tumayo si Mommy at nanlaki ang mga mata niya.
"Naririnig mo ba ang sarili mo, Ross? Aabadunahin mo ang sarili mong anak?"
Tumayo na din ako.
"I actually don't know what to do. Magulong magulo na ang utak ko. Just when I thought that I will actually do something right with my life, nangyari naman ito. I am not blaming the baby. For me, the baby is a gift. It's just that I am not yet ready. I am afraid. I am afraid that this will be hard. I am still in shocked. Paano ako magiging isang mabuting ama kung ang sarili ko ngang buhay ay hindi ko maayos?"
Nahagip ng mata ko si Kayla na pababa ng hagdan but it looks like natigilan siya when she heard na nagtatalo kami ni Mommy.
"Natatakot ka? Sa tingin mo ba si Jessica, hindi? Kulang pa ang takot na nararamdaman mo kahit triplehin yan sa takot na nararamdaman ni Jessica ngayon. Nahihirapan ka? Isipin mo kung anong hirap ang pagdadaanan ng isang babae habang nagbubuntis siya? Idagdag pa na iniisip mong hindi siya panagutan? Kayong mga lalaki, kung umasta kayo akala ninyo pantay ang hirap ng mga babae sa inyo kapag nagbubuntis kami. Hindi madali ang responsibilidad na kakaharapin ninyong dalawa ni Jessica, but can you imagine kung gaano lalo kahirap kung wala ka sa tabi niya? Ako, masasabi kong maswerte ako dahil from day one kasama ko ang Daddy mo habang ipinagbubuntis ka and I am really thankful for that. You want to be a good father? You can start doing something right with your life by accepting the fact na magiging ama ka na and then from there you can go figure things out," matigas na sabi ni Mommy at umakyat na siya sa kwarto.