Lumabas talaga ako ng nakabra lang at nakashorts. Eh ano naman ngayon? Nasa beach naman ako so okay lang. Pakiramdam ko namumula na ang mukha ko. Sh*t! Engaged na siya but still, nakikipaghalikan pa din siya saken? Ako namang si gaga bumigay. Sh*t talaga!
“WHOA!” ang lumabas sa bibig ng mga classmates kong lalaki pagkakita sa akin. Yung mga babae naman nakatitig lang.
Bakit? Ngayon lang ba sila nakakita ng babaeng nakabra lang? Tumingin kaya sila sa dagat ang dami ng naliligo. Nakabikini pa nga yung iba.
Hinila ko agad si Kristine palayo sa kanilang lahat.
“Tense na tense ka ah. Anong problema mo?”, tanong ni Kristine.
Nasapo ko ang noo ko. Sinigurado kong hindi kami makikita ng kahit na sino sa mga classmates ko at walang makakarinig sa paguusapan namin.
“W-we k-kissed”, nauutal kong sabi.
“So?” walang kagulat gulat na tanong ni Kristine.
Hindi ako makapaniwala na normal lang sa kanya yon. I mean, hindi talaga siya nagugulat o baka naman ako lang talagang OA kung makapagreact?
“Cyrah, it’s just a kiss. Hindi ka mabubuntis dun”, natatawang sabi ni Kristine.
Syempre alam ko naman. Ako pa ba ang lecturan. Hindi niya kasi alam ang nararamdaman ko. Yung kaba ng dibdib ko. Yung kuryente, na hindi ko alam kung dahil ba sa bumbilyang umilaw. Lintek talaga!
“Hindi ba masyadong mabilis? Parte ba yon ng plano natin?” tanong ko.
“Gusto mo bang batukan kita ha! What the heck is happening to you? Mas malala pa dyan sa inaarte mo ang plano natin diba? Ano? Nahalikan ka lang ni Ross, nagka amnesia ka na?”
Nangatngat ko ang daliri ko sa sinabi niya. She’s right. Kailangan kong labanan ang lahat ng ito.
“Masisira mo ang plano natin kapag nagpatalo ka sa nararamdaman mo. Umamin ka nga. Do you still love him?”
Kinabahan ako sa tanong niya. Napakunot ang noo ko at tiningnan siya.
“Aminin mo na”, sabi niya.
“Okay. Aaminin ko na. Hanggang ngayon.. naiinggit pa din ako sa eyelashes niya”, nakangiti kong sagot.
Laglag ang balikat ni Kristine.
“Whatever! Let’s go back and please, umayos ka Cyrah!”
“Maayos naman ako ah”, sabi ko sa kanya at tiningnan niya ang katawan ko. Ngumiti siya.
“Sigurado ako, magtatagumpay tayo”, sabi ni Kristine at tiningnan niya ang mga lalaking dumadaan na tingin ng tingin sa akin.
Pagbalik namin, nakaupo na si Ross kasama nina Simon. Yung abs niya nakabalandra lang. Proud na proud ang gago! May damit pa siya kanina ah? Anyare? Nainitan?
Hindi ako makatingin sa kanya, pero ako sigurado kanina pa siya nakatingin sa akin. Umupo na din kami. Papalubog na din ang araw. Katabi ko si Crystal. Mabait naman siya sa akin noong highschool, natatandaan ko kaya sa kanya na lang ako tumabi. Si Kristine, ayun nakikipaglampungan kay Simon. Hay. Sana nagdala na lang din pala ako ng lalaki ko.
Napansin ko nakapagpalit na din pala si Mae ng damit. Ready na din siyang magswimming. Pero siguraduhin niya lang na wag siyang sasabay sa amin ni Kristine, dahil sigurado hindi na siya makakaahon ng buhay. Katabi siya ni Ross, ayun ninanamnam ata ang abs ng lalaking yon. Landi landi! May girlfriend na lumalandi pa rin! Kahit kalian talaga!!
“Ross, kelan naman ang kasal?” tanong ni Danny.
Nyeta naman! Daming daming topic, bakit yon pa? Pagusapan na lang natin kung paano mapapaunlad ang Pilipinas, o kaya kung may bagyo ba ngayong linggo? Mga ganun. Makakatulong pa tayo hindi yang ganyan.
Tahimik lang ako. Alangan namang makisawsaw ako at sabihing “Oo nga Ross, kelan ba yang kasal na yan at ng mapataniman na agad ng bomba ang reception niyo?”
“Oo nga pala Ross, iba na nga pala ang girlfriend mo? Taga san nga ba yon? Mahirap ba ang long distance relationship?” sabat ni Mae.
Binigyan diin pa niya ang salitang “iba”. Ramdam na ramdam ko at nakatingin pa siya sa akin nung sinabi niya yon. Pigilan nyo ko! Bibig niya ang una kong papataniman ng bomba pag nagkataon. Alam ko nagtataka kayo bakit ganito ang galit ko kay Mae. Malaki kasi ang role na ginampanan niya kung bakit kami naghiwalay ni Ross.
“Wala namang mahirap kung tapat kayo sa isa’t isa”, sagot ni Ross.
Aba! At sa kanya pa talaga nanggaling yon?! Sabi ko na nga ba eh, sari saring kaepalan lang ang maririnig ko sa lalaking ito eh. Matapos niya akong halikan kanina tapos ganito ang maririnig ko. Trust?! He’s talking about trust?! Isang TRUST lang ata ang alam niya eh! Yung may flavor!
“Sabagay. Tama ka dyan, pare. Importante talaga ang trust and communication”, sabi ni Rex.
“I totally agree!” sabat ko.
Lahat sila nakatingin sa akin. Even Kristine.
“Talaga lang Cyrah huh?” sabi ni Mae with matching taas ng kilay pa.
Ano ba talagang gustong palabasin ng babaeng ito?
“Yes. I mean it. Hindi madali ang LDR, kaya dapat malaki ang tiwala mo sa partner mo”, sagot ko na nakatingin kay Mae.
“Syempre dapat katiwa-tiwala rin ang partner mo, dahil kung alam mong hindi naman siya tapat sayo, paano ka pa magtitiwala?” Si Ross ang nagsalita.
Damn! He’s getting on my nerves!
Inilipat ko ang tingin ko sa kanya.
“Well I guess that only mean one thing. Hindi sapat ang tiwala niya sa partner niya.”
“Paano ka magtitiwala kung alam mong ang mga ginagawa niya ay hindi katiwa-tiwala? Magpapatuloy ka pa rin ba sa pagmumukhang tanga?”
“May mga tao lang talagang makikitid ang utak. Mahilig magisip ng kung ano ano. They’re jumping into conclusions”, sagot habang nagsusukatan na kami ng tingin. Ramdam na rin siguro ng mga kasama namin ang tension. “Yung mga taong wala namang ebidensya, pero ipinagpapatuloy ang pagmamagaling!” This time kay Mae na ako nakatingin.
Biglang tumayo si Rex at itinaas ang dalawang kamay. “Teka, teka. May specific person ba tayong pinaguusapan dito?” tanong ni Rex.
Iniwas ko na ang tingin ko kay Ross. Grabe! Lahat yata ng dugo ko umakyat na sa ulo ko.
“Oo nga. Ikaw Cyrah, may pinatatamaan ka ba?” tanong ni Mae.
Umarte akong nagulat sa tanong niya.
“Bakit? May natatamaan ba?” sabay taas ng kaliwa kong kilay.
Mula sa aking peripheral vision ay nakita kong pinipigil ni Kristine ang kanyang ngiti. Ramdam ko naman nag uusok na ang ilong nitong si Mae. Dapat lang yan sa kanya. Atribida siya!
Tumayo si Kristine at inilahad ang palad niya sa akin.
“Halika na Cyrah. Maligo na tayo. Wala ng araw.”
Sumama na lang ako kay Kristine kesa makita ko ang pagmumuka ng dalawang yon. Nagpaalam siya kay Simon. Pumasok muna kami sa kwarto para makapagpalit siya ng damit panligo pagkatapos, nagdiretso na kami sa dagat.
“Hindi ko kinaya ang mga eksena niyo kanina”, sabi ni Kristine habang naliligo kami.
“Ako din. Hindi ko din kinaya. Hindi ko kinaya ang pagmumukha at lakas ng apog ng dalawang yon! Grabe ha! Kay Ross pa talaga nanggaling ang salitang tiwala. Ang kapal talaga! Tanungin ko kaya siya kung anong dictionary ang gamit niya at baka iba ang meaning doon ng tiwala?!”
“Oh siya, relax na at ang puso mo, hindi pa ata buo yan”, may himig na pangaasar ni Kristine.
“Buo na. Nilagyan ko ng Mighty Bond, este Monster Bond pala para mas strong.”
Hindi rin nagtagal, biglang dumating si Simon. Magaling din pipili itong si Kristine, gwapo na hanep pa ang katawan. Oo nga pala, naging modelo nga pala itong si Simon ng isang magazine. But wait there’s more! May kasama si Simon, modelo din! Modelo ng mga lalaking manloloko. Bwisit!
Nagsimula na silang maglakad papalapit sa amin ni Kristine. Syempre si Simon hinapit agad sa bewang si Kristine at unti unti silang papalayo sa akin este sa amin ni Ross. Sobrang lapit na ni Ross sa akin. Nasaan na ba ang iba naming kasama? Pakiramdam ko tuloy nasa isang isla kami. Langya! Naisip ko pa yon? Tingnan ko si Kristine at base sa facial expression niya, para na rin niyang sinasabi na, “Go Cyrah! Kaya mo yan! This is it!” Kumbaga, simulan ko na ang dapat simulan!
Nawala bigla si Kristine sa paningin dahil katawan ng lalaki ang pumalit. Inangat ko ang tingin ko at ang gwapong mukha ni Ross ang nakita ko.
“I’m sorry”, sabi niya.
Naaamoy ko ang alak sa kanya. Lasing na ba siya?
“For what?” tanong ko.
“Basta sorry.”
“Tama bang magsorry kung hindi naman alam ang dahilan?”
“Okay. Sorry for everything.”
So ganun na lang yon? For everything. Ibig sabihin lahat ng atraso niya gusto niya burahin ko instant? Sineswerte siya!
Naalala ko si Kristine and our plan.
“Hindi pa ba sila maliligo?” pagiiba ko ng topic. Ayokong patulan ang sorry niya.
Bigla na lang niya akong hinawakan sa bewang. Hindi kita kasi nasa hanggang dibdib ko ang tubig.
“Cyrah”, malambing niyang tawag. Idinidikit na niya din ang katawan niya sa akin. Sh*t! You can handle this Cyrah!
Naramdaman ko ang pagdampi ng labi niya sa tenga ko. Napapikit ako ng bigla na lang niyang halikan ang leeg ko. Ramdam ko din na lumalapat na ang dibdib ko sa katawan niya. Okay lang yan Cyrah, okay lang yan. Parte ng plano yan! Paalala ko sa sarili ko.
Hinawakan niya ang kamay ko at umahon kami sa tubig. Lumingon ako para hanapin si Kristine at sana lang nakita niya na umahon na kami ni Ross.
Mabilis kaming nakapasok sa kwarto ng mga lalaki. Walang tao, busy sila sa pagiinom. Inilock niya ang pinto at isinandal ako doon. He cupped my face and gently kissed my lips. Pero hindi nagtagal naging malalim at mapusok ang mga halik niya. Naglakbay na din ang dalawa niyang kamay sa aking katawan. Mula sa likod ko hanggang sa tiyan, pataas sa may dibdib. Sumasabay na din ako sa mga halik niya. Nakapulupot ang braso ko sa leeg niya.
That’s right Cyrah, paala ko ulit sa sarili ko. You’re doing it well. That’s part of the plan.
Dahan dahan ko siyang itinutulak paatras sa kama. Hanggang sa nang makarating kami, itinulak ko siya at napaupo siya. I sit on his lap. Naglandas ang mga kamay ko sa dibdib niya at hanep talaga sa abs. I kissed his neck down to his body.
“I miss this”, sabi niya sa gitna ng mga halik ko.
Bumibilis ang tibok ng puso ko habang siya naman ang humalik sa dibdib ko.
“I miss you”, sabi niya ulit.
Hindi ko na alam kung anong temperature ko sa init na nararamdaman ko ngayon. Hindi ako nagsasalita. Kailangang gumana ng utak ko at hindi ng init ng katawan. Aaminin ko, na malaking parte sa katawan ko ngayon ang nageenjoy sa kalagayan ko pero hindi ito tama. I just have to go with the flow. Dahil kailangan. Dahil parte ito ng plano.
“I miss us”, dagdag niya.
He started to massage my breast and God knows how hard it is to hold back my moans. Hindi ako pwedeng magpadala sa kami-“miss” niya kaya nang maramdaman kong sinusubukan na niyang tanggalin ang tali ng bra ko na siya din ang nagbuhol kanina, pinigilan ko siya.
“Bakit?” tanong ng namumungay niyang mata.
“I.. I have to pee”, dahilan ko. Eh bakit ba? Eh sa nakakapaihi naman talaga ang mga ginagawa niya sa akin ah.
“Seriously? Ngayon na talaga?”
“Err.. yes.”
Tumayo ako at palabas na sa pinto.
“Lalabas ka pa? May CR naman dito?” at itinuro pa niya ang CR sa kwarto.
Nakagat ko ang labi ko.
PATAY!