H UMINTO sa pagsasalita si Marco at muling tinitigan si Emerald na nanlalaki ang mga mata.
Sa pakiramdam niya’y namamanhid ang buong katawan niya. Hindi makapaniwalang nakamata lang sa asawa na tila isa itong screen at nanonood siya ng isang eksena sa sine. Nanginginig ang mga kamay na mahigpit na napakapit sa poste ng kama.
“And... and... we... were so foolish to mourn that...that empty casket! Paano mong nagawa iyon, Marco?” s umisigaw na siya halos sa nanginginig na tinig. Tuloy-tuloy ang pag-agos ng mga luha sa mga mata.
“Calm down, sweetheart, please...” pakiusap ni Marco.
“Calm down? You expect me to calm down?” she said in a croaked voice. “All was a fraud! What is this? a Grace Kelly gossip story? The only thing that was real ay ang mga luha at damdamin ng lahat na nag-aakalang kapatid ko ang nasa loob ng sealed casket na iyon.”
“Huwag mo akong sisihin, Emerald.” n akikiusap ang tinig nito. “It was your mother’s wishes. At kahit sino sa amin ni Nathaniel o kahit ang m ommy mismo sa mga sandaling iyon ay hindi na umaasa pang may himalang mangyayari. Ang m ommy ang may sabing sa ibang bansa niya ililibing si Jewel. And had she really died, I am sure she would have told you about it.”
“Hindi ko kayang paniwalaan ito!” patuloy niya. Hindi na maintindihan kung ano ang unang dapat na maramdaman. She was angry and shocked. “At isipin mong dumating ang m ommy upang makipaglibing and she was even crying hysterically.”
“Naturally,” sang-ayon ni Marco. “Hindi naman umaasa pa ang m ommy na mabubuhay nga si Jewel kahit naipasok na niya ito ng intensive care sa Texas. The doctors there have the same prognosis. She was crying for her, to what happened to her.”
“Sa mata ng lahat ng tao, Marco, my sister’s dead,” maang pa ring wika ni Emerald sa nanginginig na tinig. “At paano mo itong ipaliliwanag sa lahat? Kay Bernard?”
“Bernard is married now, Emerald,” wala sa loob nitong sagot gayong higit sa lahat, he dreaded the time when he has to face his nephew.
“Really?” angil niya sa asawa. “Hindi na siguro kailangang ipagsigawan, that a vital part of him died when Jewel died, or shall we say when he thought she’d died,” patuya niyang sinabi habang patuloy sa paghikbi.
“At paano tatanggapin ni Jewel na mula sa mga patay ay bumalik siya sa mga buhay upang malaman lang na may asawa na si Bernard? He was her life! Naintindihan mo ba iyon?” Sumisigaw na siya. “Remember the time when she thought Bernard was out of her life, gusto niyang mamatay—gusto niyang mamatay, Marco!”
Hindi sumagot si Marco. Alam nito ang buhay ni Bernard sa piling ni Diana sa nakalipas na mahigit isang taon. For a while ay nakita nito ang kislap sa mga mata ng pamangkin. Pero nitong huli ay muling naglaho iyon. Bagaman wala na roon ang emptiness na nasa mga mata nito noong mamatay si Jewel ay hindi na rin naman bumalik sa dati pa ang kislap nito.
“And Bernard wouldn’t have married anyone kung alam nitong buhay si Jewel gaano man karupok ang sinulid na nagdudugtong sa buhay nito!” humagulhol niyang sigaw sa asawa.
“It was your mother’s decision, Emerald,” nahihirapang paliwanag nito. “Hindi gusto ng m ommy na kaawaan ng lahat si Jewel. Hindi gusto ng m ommy na manatiling nakatali si Bernard sa isang walang katiyakang paghihintay. Isa iyon sa mga dahilan kung bakit sa nakalipas na panahon ay hindi ko gustong magpunta tayo ng Texas kahit na niyayaya mo ako. I hated to see her na buhay na patay at tanging mga tubo lamang ang nagdudugtong ng buhay niya.”
Mahabang katahimikan ang namagitan. Tanging mga hagulhol ni Emerald ang maririnig at ang banayad na tunog ng airconditioner sa silid. Makalipas ang ilang sandali ay nag-angat ng tingin si Emerald.
“And when Bernard met Diana and told you all about his plan to marry her, ano ang ginawa mo? n inyo ni Nathaniel gayong alam ninyong buhay si Jewel?” p agalit siyang tumayo. Dinampot ang k leenex tissue and blow her nose.
Humugot ng malalim na paghinga si Marco. “Kinausap namin ang Mommy, Emerald. Even before Bernard planned to marry Diana. Ipinaubaya namin ang decision sa kanya. Our hands were tied up. We gave our word na manatiling lihim ang lahat. I paid some few people na bagaman walang alam ay tiniyak kong mawawala sa Paso de Blas...”
Nanlaki ang mga mata ni Emerald. “Oh, god! You were like Leon!”
Napangiwi si Marco sa akusasyon. Ilang sandali ang pinalipas bago nagpatuloy. “At sa mga panahong iyon ay hindi nagbabago ang kalagayan ni Jewel. Ibinigay ni Mommy ang decision na hayaang bumalik sa daigdig ng mga buhay si Bernard. At kahit sino sa atin ay nagnanais na iyon ang mangyari sa kanya...”
“But she hated him when she attended their wedding! Alam ko iyon dahil nakita ko ang poot sa mga mata niya sa tuwing tinititigan niya si Bernard at Diana!”
“I noticed that, too.” t umango ito. Sunod-sunod ang ginawang paghitit-buga ng sigarilyo. “At inamin ng Mommy iyon. But only for a while. It was normal na magselos ang m ommy sa babaeng pinakasalan ni Bernard. Pero alam mong hindi makitid ang isip ng m ommy, Emerald. Siya ang may kagustuhan ng nangyari and she cannot undo it para lang pigilin sa pagpapakasal si Bernard...”
Suminghot si Emerald. “And I even thought I like that woman. For a while she made him happy. Pero tingnan mo kung ano ang ginagawa.”
Hindi kumibo si Marco. Si Diana ay nakipagpaligsahan kay Bernard ng power. Walang hindi pinagselosan. At ang huling nalaman nito mula sa pamangkin ay ang pagnanais ni Diana na mag-file ng annulment. Ganoon man, may bahagi ng dibdib nito na umuunawa sa kalagayan ni Diana.
“Please don’t be hard on her,” pakiusap nito. “ h igit sa lahat ay dapat mo siyang maintindihan. I talked to her attending physician. Nang mahukay ang medical records niya, napatunayang kinse años pa lang siya’y nag-suffer na ng nervous breakdown si Diana...”
Itinaas ni Emerald ang dalawang kamay. “Oh, I don’t want to talk about her! Paano ngayon, Marco? Paano ngayon?”
“Hindi ko rin alam, sweetheart. Hindi ko rin alam,” he said drawing his breath. “I am worried for both Bernard and Jewel and Diana...”
Ilang segundo ang lumipas na maliban sa marahang pag-iyak ni Emerald ay nanatiling tahimik sa pagitan nilang dalawa. Nag-angat ng luhaang mukha si Emerald nang muling magsalita si Marco.
“Sweetheart,” wika nito na nag-alis ng bara ng lalamunan. “There’s something else that you need to know...”
She shook her head wildly. “Don’t tell me! No. Oh, please. Nagkamalay ang kapatid ko pero wala na sa hustong katinuan! Oh, god!” pahisterya niyang sinabi.
“Hindi iyon, Emerald. Tiniyak ng Mommy na walang problema sa pag-iisip ni Jewel,” patuloy ni Marco sa gumagaralgal na tinig. Hindi inaalis ang tingin sa mukha ng asawa.
And softly, in a hesitant voice said: “The day Bernard married Diana, Jewel delivered their child thru caesarian operation—and while in coma!”