noveltoon logo noveltoon
Endlessly (Kristine Series 11)

Chapter 22

Ch. 23 / 34 May 09, 2025

S A KABILA ng pagtutol ni Emerald na sana ay ipagpaliban na lang muna niya ang pagtungo sa Paso de Blas ay hindi nagpapigil si Jewel. Ilang sandali pa ay tumaas na ang helicopter na sumundo sa kanila ni Lenny.

Si Bernard ay nilingon ang anak at nginitian. “Hindi ka ba natatakot, Lenny?”

Mabilis na umiling ang bata. “No. I like it up here...” saka ito yumuko sa ibaba sa malawak na karagatan at tuwang-tuwang itinuro ang mga barko na maliit na lang sa paningin nila.

Si Jewel ay ipinagkrus ang mga braso sa dibdib at nag-aalalang nilinga ang labas ng chopper.

“You look worried.” s i Bernard sa kanya.

“Deja vu, Bernard. And yet I still can’t remember a thing,” naguguluhang sagot niya. Pagkatapos ay sinalubong niya ang titig nito. “I really wish my memory to come back but at the same time I’m scared.”

“Don’t be scared, Jewel,” he said softly. There will be no promises this time, dark eyes, but nothing can come between us now .

“Will you be there always?”

“Always...” and forever ; mariing pangako ni Bernard.

Isinandal niya ang sarili. She felt safer. Marami siyang gustong itanong sa lalaking ito pero hindi niya gustong tanungin sa harap ng piloto. Bukod pa sa hindi niya matiyak kung ano ang gusto niyang malaman mula rito.

“MAMA, wake up!” Sumampa sa kama si Lenny at niyugyog siya.

Nagmulat siya ng mga mata at ngumiti pagkakita sa anak. Inabot ito at hinagkan. “Good morning, pet...”

“Mama, I saw horses, lots of big horses!”

“Hmm... really?” inaantok pa niyang sabi.

“Oh, yes, Mama!” excited na sinabi ng bata.

Mula sa pinto ay sumungaw si Bernard. “We can take a ride, the three of us,” wika nito at sumandal sa hamba. Tuluyang nagising si Jewel pagkakita kay Bernard.

“G-good morning,” sagot niya at hinagod ng tingin ang binata.

He was wearing a tight faded blue jeans, showing muscled legs and white cotton t -shirt na nakapailalim sa maong. Nakabakas ang magandang pangangatawan nito.

He was so big and gorgeous and handsome.

Bumaba ang tingin niya sa boots nito. Lumang leather boots. Nagsalubong ang mga kilay niya sa pagkakatitig sa sapatos. She knew there’s something on that boots na pilit gumigitaw sa isip niya.

He smiled. “Something’s wrong with my attire?”

Mabilis siyang umiling. “N-nothing. N-nasanay lang akong makita kang naka-coat and tie. Nanibago ako.”

Nagkibit ng mga balikat si Bernard. Pagkatapos ay ito naman ang humagod ng tingin sa kanya. Manipis ang suot niyang spaghetti strap negligee na ang kabilang strap ay nahulog pa sa balikat niya dahil sa pagyugyog ni Lenny. And it showed honeyed shoulders and soft flesh.

Nanayo ang mga balahibo ni Jewel sa pagkakatitig na iyon. He was staring at her with such longing and tenderness. And yet there was something else in his eyes that made her nipples suddenly hard and aching and a certain heat flared between her legs.

Banayad siyang napasinghap sa naging reaksiyon ng katawan niya sa lalaking ito. Niyuko ang sarili sa bahagyang panlalaki ng mga mata at mabilis na itinaas hanggang leeg ang kumot niya sa amusement ni Bernard.

“Buenas dias, senyora,” sinabayan nito ng bahagyang yuko, in a teasing manner.

She swallowed hard and cleared her throat. “M-mag—magbibihis muna ako...”

“Of course,” amused na sagot ni Bernard at tinitigan ang mahigpit na pagkakahawak niya sa kumot as if it was her lifeline.

Querida, I have seen it all and carved it in my mind. Touched it, loved it. I haven’t left any part of your anatomy unloved. Those were the only things that kept me going for the last two years.

Then he gave her a smile, a smile that was sexy, wicked and—tender. Pagkatapos ay inilahad ang isang kamay para kay Lenny.

“C’mon, querido, magbibihis muna ang Mama...” m uling bumaba sa kanya ang nangingislap nitong mga mata. “We’ll wait downstairs... sa breakfast room.”

Wala sa loob siyang tumango. Mahigpit pa ring hawak ang kumot sa may bandang leeg. Isang salute ang ibinigay sa kanya ni Bernard na hindi maalis ang ngiti sa mga labi bago lumabas karga ang anak.

“Hurry up, Mama,” sigaw ni Lenny bago ito nawala sa paningin niya.

Ilang sandali nang nakaalis ang mag-ama ay nakatitig pa rin siya sa kisame. Ni hindi niya matiyak kung bakit siya ngumingiti. Sa kauna-unahang pagkakataon mula nang lumabas siya ng hospital ay masaya siya.

Yes, she really felt happy.

Kagabi, pagdating nila ay nakita niya ang pagkamangha, pagkagulat at kagalakan sa mga mukha ng mga katulong. Ibinigay sa kanya ni Bernard ang silid na ito at sinabing kanya iyon. She tried to familiarize herself at sinikap alalahanin ang mga bagay na maaaring makapagpaalala sa kanya, pero blangko ang isip niya.

Ganoon man, hindi niya maikakailang may bahagi ng dibdib niya ang nakadama ng kaligayahan. She could feel that she’s finally home.

Mula sa pinto ay sumungaw si Agring, may dalang umuusok na kape sa isang tray. “Magandang umaga, Ma’am Jewel…”

“Good morning. Ano ang pangalan mo?” Sinabayan niya iyon ng bangon.

“Agring po.” Inilapag nito ang tray sa may antigong mesang bilog.

“Matagal ka na rito, Agring?” Dinampot niya ang brush sa may tokador at nag-brush ng buhok.

“Dito na po kami sa asyenda nagkaisip at tumanda, Ma’am.”

“Kilala mo ako, kung gayon?” Nahinto sa ere ang brush at mula sa salamin ay tiningnan niya ang matanda na biglang umilap ang mga mata.

“O-opo...”

“Kung tatanungin kita, sasagutin mo ba ako?”

Umiling ang matanda. “Depende po. S-sinabi po ni Senyor Bernard na sa kanya ninyo itanong ang nais ninyong malaman...”

Isang buntong-hininga ang pinakawalan niya at ibinaba ang brush sa tokador. “Tumira ba akong talaga dito, Agring?”

“Opo, ma’am...”

“Si Bernard?”

“Dalawang taon na pong mahigit na hindi...” maingat na sagot ng katulong.

“Ibig mong sabihin ay ngayon lang muling nagbalik dito si Bernard?”

“Pumupunta po... siya rito paminsan-minsan...” h umakbang ang katulong patungo sa pinto. “Naghihintay po sila sa inyo sa kainan…”

Tumango si Jewel. Alam na umiiwas ang katulong at hindi niya maintindihan kung bakit kailangang si Bernard ang sumagot sa mga tanong niya.

“Ma’am...?” s i Agring bago lumabas. Nilingon niya ito. “Gusto ko pong sabihin sa inyong ikinagagalak naming lahat ang muli ninyong pagbabalik. At kung hindi nga po ipinagbilin ni Senyor Bernard sa amin bago kayo pumarito ay malamang na naritong lahat ang mga tagaasyenda upang makita kayo at makigalak sa pagdating ninyo...” p uno ng sinseridad ang tinig ng katulong.

Pinigil ang sariling idagdag na sa kauna-unahang pagkakataon ay nakita nitong muling kumislap ang mga mata ni Bernard at naka-plaster ang ngiti sa mga labi. Narinig pa nga nitong humalakhak ng tawa ang panginoon ng buong Hacienda Kristine sa pakikipaglaro sa anak.

Ngumiti siya. “Salamat, Agring...”

Pagkabihis niya ay lumabas ng silid si Jewel. Hinagod ng tingin ang buong villa mula sa sitting room sa labas ng mga pasilyo.

Hindi kasinlaki ng mansiyon sa Corinthian. Pero iba ang dating ng buong villa.

Classic.

Habang pababa ay hinahaplos niya ang balustre ng hagdan na nangingintab, feeling it. Sa tagiliran ng hagdan sa dingding ay mga life-size portraits. Tiningala niya ang isang k astilang babae na may hawak na pamaypay sa dibdib. Napahugot siya ng banayad na paghinga.

Kahawig ni Emerald ang nasa painting.

Bumaba pa siya ng dalawang baitang. Isang malaking painting ng isang matandang k astila. The handsome face is so familiar that she closed her eyes tightly. Warmth filled her.

Despiertate, nieta mia ...

Bigla siyang nagmulat ng mga mata. Naririnig niya sa isip ang mga katagang iyon subalit hanggang doon lang at nag-ulap na muli ang kaisipan niya.

Ang nieta ay apo sa tagalog.

It couldn’t be. Hindi siya related sa mga Fortalejo by blood. That must have been referred to Emerald.

Dalawang hakbang pababa pa uli at ngumiti siya sa nasilayan niya. Si Romano noong kabataan nito. Masuyo niyang hinaplos ang painting.

“I missed you so much, Daddy,” bulong niya na biglang nag-init ang sulok ng mga mata. “I wish you were here for me. Lenny Iooks like you...” p agkasabi niya niyon ay biglang bumalik ang mga mata niya sa matandang k astila at muling ibinalik ang mga mata sa painting ni Romano.

Sumiksik sa isip ang anyo ng anak.

Nagsalubong ang mga kilay na napailing siya. Walang unusual sa pagkakahawig ni Lenny sa mga ito. Kung siya nga ay walang magsasabing hindi siya tunay na Fortalejo.

Nagpatuloy siya sa mabagal na pagbaba at natapat siya sa painting ni Margarita na hindi niya matandaan. Hanggang sa life-size painting ni Bernard.

She smiled.

Hindi kamukha ni Bernard ang daddy niya at ng matandang k astila, except for the proud nose and arrogance of his features. Maliban doon, ang nasa painting ay larawan ng kasiglahan at puno ng buhay. Ang Bernard na nagdala sa kanya rito ay may lungkot ang mga mata.

Si Bernard na nasa ibaba ay tahimik siyang pinanonood. Nakahapit na maong at puting blouse and rubber shoes. Braided her hair and she looked like the nineteen-year-old teenager he fell in love with at first sight.

Noong araw na dalhin siya ni Alfon sa de Silva Farm. She was so vibrant and beautiful that he fell in love with her at once.

At gusto nitong sabihing ang kasunod na larawang isasabit doon ay ang kay Lenny at ang sa kanya.

Humugot ng malalim na paghinga si Bernard. Ibinigay niya kay Diana, bilang regalo noong kasal nila ang isang life-size portrait nito na pina-rush sa isang kilalang photographer. At isinabit sa tabi ng painting ni Donya Esmeralda.

Subalit three months pagkatapos ng kasal ay inalis ni Diana ang larawan nito roon at dinala sa mansiyon nito. Ang katwiran ni Diana, tanging ang life-size portrait nito ang hindi oil painting at out of place.

Perhaps it was, come to think of it. Ang larawan nitong nakasabit sa tabi ni Romano ay hindi naman katagalan at nailagay lang doon after Leon died. Pero painted in oil ng isang kilalang pintor. Ipinagawa iyon ni Julia para sa kanya matapos malaman ng matandang babae na isa siyang Fortalejo.

Call it hunch or whatever on Diana’s part, but he’s only too glad that she did it.

Perhaps he really made a mistake.

A grave mistake.

PAGKATAPOS nilang mag-almusal na tatlo ay lumabas sila sa kuwadra. Si Lenny ay isinakay ni Bernard sa isang maliit na kabayo at inalalayan ng isang stable boy.

“Huwag mo siyang hihiwalayan,” utos ni Bernard dito.

“Opo, Senyor...”

“Marunong ba akong mangabayo?” tanong ni Jewel kay Bernard.

“Oh, yeah. Pero hindi kita papayagang mangabayong mag-isa.” a t bago pa siya makakilos ay naitaas na siya nito sa likod ni Snowhite. Kung hindi niya tinakpan ang bibig ay baka napasigaw siya. On instinct, humawak siya sa renda.

Pagkatapos ay sumakay si Bernard sa likod ni Firewind. Nilingon nito si Lenny na tuwang-tuwa. Inaakay ng groom ang kabayo habang hawak ang bata.

“Let’s go, Jewel.” b anayad nitong tinapik si Snowhite at ganoon din si Firewind.

“W-what about Lenny?”

“He will be fine,” paniniyak ni Bernard na sinulyapan ang anak. “Huwag mo siyang alalahanin. Mahusay ang groom na naka-assign sa kanya. Before he reaches the age of four, he will be a fine horseman.”

Sa simula’y halos naglalakad lang ang mga kabayo subalit nang medyo magtagal ay unti-unting pinatatakbo ni Jewel nang marahan si Snowhite.

“Not so fast, querida. Matagal kang walang practice,” ani Bernard. Marahas na lumingon si Jewel.

“Bakit mo ako tinatawag ng ganyan?”

“Ibig ko.”

“M-may asawa ka, hindi ba?”

Humugot ng matalim na paghinga si Bernard. Pagkatapos ay tinitigan si Jewel. His eyes full of sorrow.

“Yes. I am married,” deretsong wika nito at makahulugang tumitig sa mga mata niya.

Gustong sipain ni Bernard ang sarili sa pait na nahuli sa mga mata ni Jewel bago ito nagbawi ng tingin. Higit itong nasasaktan. Totoong hindi ito natatandaan ni Jewel pero may ibang ibinubulong ang damdamin.

Call it instinct.

“Bakit mo ako sinasamahan dito, Bernard? Ano ang sinasabi ng asawa mo sa ginagawa mong ito?” she asked in half-whisper.

What is the matter with her? Bakit nasasaktan siya sa isinagot nito? It really cut like a knife. At nagpagulong lalo sa isip niya ang nadarama.

Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Bernard. “Maaari ba akong humiling?”

“Ano iyon?” Lumingon siya rito kasabay ng pagsalubong ng mga kilay.

“Maaari bang sa panahong ititigil natin dito sa asyenda ay kalimutan mo ang anumang bagay tungkol sa akin, maliban sa nakikita mo ngayon?” n akikiusap ang tinig nito.

“Why should I do that?” nag-aalalang tanong niya. Hindi naiintindihan kung bakit hiniling ng lalaki iyon.

“Dahil iyon ang ibig ko, Jewel, Please...”

“H-how long will we stay here?”

Forever . “Until you recover your memory.”

“What if I don’t, Bernard?” Muli niyang iniwas ang paningin at itinuon sa walang katapusang berdeng mga halaman at mga naglalakihang puno. “I promise that you will.”

Malungkot siyang ngumiti. “Naniniwala ako sa iyo.” g usto sana niyang sagutin nito ang tanong niya kung ano ang sinasabi ng asawa nito sa pagsama sa kanya rito. Pero minabuting hindi na lang. Marahil ay alam ng lahat na pamangkin siya nito.

May isang oras ding silang nag-ikot sa buong asyenda. Minabuti ni Bernard na dalhin siya sa hindi mataong bahagi. Ninais din sana nito na dalhin siya sa de Silva Farm subalit hindi na nito ginawa.

Hindi nito gustong magkaroon ng confrontation sa pagitan nilang dalawa ni Julia. Tinawagan na nito kahapon ang matandang babae na sana ay hayaan ito sa ginagawa.

“Ano ang dakong iyon?” ani Jewel na itinuro ang mataas na talampas sa labas ng asyenda. “It looks familiar...” aniya sa pabulong na paraan.

“Ang pinakamataas na dako ng buong isla. Natatanaw doon ang buong Paso de Blas,” sagot ni Bernard.

Nagsalubong ang mga kilay niya. Nanatiling nakatitig doon.

“Now, my black diamond, iniaalay ko sa iyo ang pangalan ko. Gusto mo bang maging Mrs. Bernard de Silva Fortalejo?”

“With all my heart.

“At tulad ni Leon, ikaw lamang ang pag-aalayan ko ng pangalang iyon...”

Nag-uunahan ang mga tinig na iyon sa isip niya. Parang sirang tape at hindi niya maunawaan. Napapikit siya nang mahigpit.

“Are you alright?” nag-aalalang tanong ni Bernard na inilapit ang stallion sa kanya.

“No, I am not...” sagot niya sa nahahapong tinig at bumaling ng tingin dito. “Maraming mga bagay ang nag-uunahan sa isip ko sa maraming pagkakataon at isa na ang mga sandaling ito...” h umugot siya ng malalim na paghinga. “At nararamdaman kong may kinalaman ka rito, Bernard...” n aghihinalang tinitigan niya nang deretso ang mga mata nito.

Umiwas ng tingin si Bernard.

“Tayo nang umuwi, Jewel, humahapon na at uulan pa yata,” anyaya ni Bernard na inabot ang renda ng kabayo niya.

“Bernard...” n ilingon siya nito. Umiling siya kasabay ng banayad na pagtapik sa kabayo. “Nothing... nalimutan ko ang itatanong ko...”

Black Diamond. Iyon ang gusto niyang itanong dito. Kung narinig na nito ang salitang iyon at kung kanino tumutukoy. Pero minabuting hindi na.

May pakiramdam siyang hindi niya gusto ang kasagutan. Gusto niyang magbalik na ang memorya subalit may kung anong bahagi ng dibdib ang natatakot kapag nangyari iyon.