noveltoon logo noveltoon
Endlessly (Kristine Series 11)

Chapter 1

Ch. 2 / 34 May 09, 2025

“H I,” BATI ni Bernard kay Diana.

Mula sa kausap ay nag-angat ng paningin si Diana. “Bernard...”

Tumayo ang kausap ni Diana nang makilala ang sumungaw sa pinto. “Good morning, Mr. Fortalejo,” bati nito na ginantihan naman ng tango ni Bernard kasabay ng magalang na pagngiti.

Muling ibinalik ng abogado ang tingin kay Diana. “Saka na lang natin uli ipagpatuloy ang pag-uusap na ito, Diana...”

“Sige, a ttorney.” t umango si Diana at sumandal. Si Bernard ay lumapit at hinagkan ang asawa sa pisngi. “Why are you here?” tanong nito sa matabang na tono.

Ngumiti si Bernard. “If Moses won’t come to the mountain, then I guess the mountain must come to Moses.” s ukat sa sinabing iyon ay biglang natilihan si Bernard.

Nawala ang ngiti sa mga labi.

Narinig na nito iyong sinabi sa kanya sometime long ago. Agad ay pinalis nito sa isip ang bagay na iyon at muling nginitian si Diana.

“We haven’t seen each other for three days now.” Naupo ito sa gilid ng mesa.

Hindi agad sumagot si Diana na nakatitig lang dito. Physically, Bernard never fails to take her breath away. He was really handsome.

The dark compelling eyes, made even darker by the thick brows and lashes. Na tila ba minamagneto kapag tumitig. And the proud nose, and lips that could mesmerize any woman, young and old.

Huminga siya nang malalim. Mabilis na inalis ang mga mata sa mukha nito. Binuksan ang isang folder sa harap at kunwa’y binabasa ang mga dokumento roon.

“Ilang gabi ka nang wala sa mansiyon...” dagdag ni Bernard na gustong mairita sa tila pagbabalewala ni Diana sa pakikipag-usap.

“Alam mo kung bakit,” aniya na binitiwan ang folder at tumingala rito. “May live-in seminar ako kahapon at kaninang umaga naman ay may mahalagang meeting ang board,” nagkibit ng mga balikat. “Nasa penthouse ako ngayong gabi, Bernard, if you want to talk to me.” a ng tinutukoy niyang penthouse ay ang tirahan ni Bernard sa itaas ng building ng Kristine Cement.

Hindi siya pumayag sa mungkahi nito noon na bumili sila ng bahay sa Maynila. For a while ay sa condo unit nito sila tumira sa mga unang buwan ng pagsasama nila. Hanggang sa madesisyunan ni Bernard na ipagawa ang penthouse sa itaas ng building ng Kristine Cement.

Nagpapalipat-lipat sila sa mansiyon niya at sa penthouse but she never allowed na permanente silang manirahan sa mansiyon na ipinamana sa kanya ng Lolo Luis niya. Mahigpit niyang iminungkahi kay Bernard ang bagay na iyon. Para sa kanya, ang mansiyon ang isang bagay na hindi pag-aari ni Bernard at iyon ang kanyang sanctuary.

At bagaman hindi maintindihan ni Bernard ang gusto niyang mangyaring manatiling pribadong bahay niya ang mansiyon, hindi ito kumontra sa gustong mangyari ni Diana.

“Why are you doing this, Diana?” nahahapong tanong ni Bernard.

Inabot ni Diana ang pakete ng sigarilyo sa harap at sinindihan. Umasim ang mukha ni Bernard sa ginawa ng asawa at umiling.

“Masama sa iyo ang sigarilyo...”

“Ano ang ibig mong sabihin sa kung bakit ko ginagawa ito?” matalim nitong sagot, sabay buga ng usok paitaas. Hindi pinansin ang huling sinabi ng asawa.

“Wala ka nang panahon sa atin. Inuubos mo ang panahon mo dito sa kompanya and you know you are mismanaging this company. You won’t even let me handle this for you.”

Tumiim ang mukha niya. “Hindi ko ipapaubaya sa iyo ang pabrika, Bernard. Kaya kong pamahalaan ang sarili kong kompanya. And how dare you accuse me of mismanaging my own company!”

Tumayo si Bernard mula sa pagkakaupo sa gilid ng mesa. Ipinasok ang mga kamay sa bulsa ng slacks. Ilang beses na ba silang nag-uusap tungkol sa pagnanais nitong tulungan siya sa pagpapatakbo ng kompanya?

Ang anumang magandang motibo nito ay tinatanggihan ni Diana kahit na nga ba sa kasalukuyan ay nahaharap sa isang nakaambang strike ang textile company. At ang financial status ng pabrika ay nanganganib.

Nagpalakad-lakad si Bernard sa loob ng silid na tila iniisip ang mga susunod na sasabihin. Huminto sa mismong harap niya at tinitigan siya nang matiim.

“Don’t you think it’s high time na magkaanak tayo?” wika nito sa kanya.

Sandaling nalito si Diana sa biglang pag-iba ng topic. Mabilis na iniwas ang mga mata sa asawa. Wala sa loob na pinatay ang mahaba pang sigarilyo sa ashtray.

“Wala akong magagawa kung hindi ako magdalang-tao!” sagot niya sa bahagyang mataas na tono.

Lumapit sa mesa niya si Bernard. At mula sa bulsa ng pantalon ay inilapag sa harap ng asawa ang mga bakanteng pakete ng birth control pills.

“Dumaan ako sa mansiyon bago ako nagtungo rito. And I’ve found this in your bathroom.” w alang emosyon ang tinig nito pero gumalaw ang mga muscles sa bagang.

Nanlaki ang mga mata ni Diana. Mabilis na dinaklot ang mga empty foils at marahas na inihagis sa waste basket.

“Nakialam ka sa mga gamit ko!”

Huminga nang malalim ang lalaki at muling nagsalita sa marahan subalit mariing tinig.

“Uulitin ko ang sinabi ko, I’ve found those in your bathroom this morning nang magdaan ako sa mansiyon bago ako nagtungo rito.”

Hindi agad nakasagot si Diana. Kahit papaano ay nakadama ng guilt. Tumayo at lumakad patungo sa bintana at hinawi ang venetian blinds nang wala sa loob. Tinanaw ang mga naroong delivery van na nagsasakay ng mga rolyo-rolyong tela upang i-deliver sa iba’t ibang outlet.

“Bakit inililihim mong nagpi-pills ka, Diana?” kalmanteng tanong ni Bernard sa mapanganib na tono. “Bakit pinaniwala mo akong gusto mong magkaanak dangan nga lang at hindi ka pa talaga nagbubuntis?”

Lumingon si Diana at sinalubong ang mga titig ng asawa. “Wala akong balak magdalang-tao, Bernard.”

Nagsalubong ang mga kilay ni Bernard doon. “Bakit?”

“Bakit?” ulit niya na bahagyang nanlaki ang mga mata. “Hindi pa ako handa sa ganoong responsibilidad! Ayokong lumaki ang tiyan ko, ayokong masira ang katawan ko!”

Hindi makapaniwalang napailing si Bernard. “I have never known you to be so vain.”

“Hindi kita bibigyan ng pagkakataong ayawan ako sa ganoong dahilan, Bernard!”

“Ayawan?” naguguluhang ulit nito. “Bakit kita aayawan kung ipagdadalang-tao mo ang anak ko? Alam mong gusto kong magkaanak na tayo.”

“No. I won’t allow anyone to take your attention away from me,” wika nito sa paasik na tono. “Not even my child!”

“Ano ba ang pinagsasabi mo?”

“Bakit sa akala mo ba’y hindi ko alam na `pag nagkaanak ako’y balewala na akong lalo sa iyo? Sa anak mo mabubuhos ang buo mong atensiyon!”

“Pity’s sake, Diana, ano ba ang pinagsasasabi mo?” ani Bernard na nagdikit na nang husto ang mga kilay. Sa loob ng maraming buwang pinagsamahan nila’y ngayon nito gustong isiping hindi nito talaga kilala ang asawa.

“Mula nang pakasalan mo ako, Bernard, ay kalahati lang ng pagkatao mo ang naaabot ko at ibinibigay mo sa akin. At `pag nagkaanak pa ako’y baka tuluyan nang mawala ang kalahating iyon!”

“You don’t know what you’re talking!”

“Hindi ba?” patuyang sagot niya. “Hindi ba at kalahati ng puso at pagkatao mo’y angkin pa rin ni Jewel hanggang ngayon?”

Humugot ng malalim na paghinga si Bernard and suddenly gone weary. “Are we going into that again?”

“Dahil iyon ang totoo!” asik niya na humarap dito. “Hanggang ngayon ay nakadambana pa sa puso mo ang dati mong kasintahan. All our days, I’ve been trying to compete with a dead woman!”

“Which you didn’t have to,” wika nito sa nakatiim na mga bagang. “Tulad nga ng sinabi mo, she’s dead.”

Halos mahigit isang taon na mula nang mangyari ang trahedya pero hindi nito makuhang pag-usapan ang bagay na iyon nang maluwag sa loob.

Naroon pa rin ang sakit, it cuts soul deep. h indi nababawasan, na tila ba kahapon lang nangyari ang trahedya.

Lalong nanalim ang mga mata ni Diana. “At iyon ang ikinasasakit ng loob ko, Bernard! Hanggang ngayon ay hindi mo siya kinalimutan. Ang buong akala ko ay magagawa kong tuluyang maangkin ang pagmamahal mo nang unti-unti pero nagkamali ako.”

“Hindi ako nagsinungaling sa iyo, hindi ba?” wika nito na tumingala sa kisame at hinilot ang batok. Makalipas ang ilang saglit ay muli siyang tiningnan.

“Hindi kita pinaniwalang kalilimutan ko si Jewel sa dibdib ko. Sinabi ko sa iyo sa mismong araw bago tayo ikasal, sa boat, na may bahagi ng puso kong mananatiling kanya.. . magpakailanman,” he whispered the last word.

“Magpakailanman?” ulit ni Diana. Doon muling kumawala ang emosyon at nagsimulang umiyak.

“Diana, please. These are all unnecessary.” n ilapitan nito ang asawa at hinawakan sa magkabilang balikat at kinabig sa dibdib. “You’re my wife and there’s no need to be jealous of a dead woman.”

Tumingala si Diana. “Kailan mo siya kalilimutan, Bernard? Kailan siya tuluyang mawawala sa dibdib mo? Kailan kita maaangking lubusan?”

Napailing si Bernard. “What else do you want from me?” naguguluhang tanong nito. “You’re my wife. At hindi ako nagkukulang sa iyo. Kung tutuusin ay ikaw ang maraming pagkukulang.” t umiim ang mukha ni Diana sa sinabing iyon ng asawa. It was an outright accusation. “And I never had an affair since I married you. I have tried my best to show you that I love you...”

“With your body, yes! At gusto kong isiping katawan ko lang ang mahalaga sa iyo considering the satisfaction I gave you in bed. Love me, Bernard... with all of your heart. Hindi kalahati.”

Nagkaroon ng lambong sa mukha ng lalaki. Nag-ulap ang mga mata. “Kung ikatatahimik mo ay sasabihin kong oo, Diana. I will...”

“Liar!” agap ng babae sa naniningkit na mga mata. “Why, Bernard? Why can’t you forget her?”

Ask my foolish heart! bulong nito sa sarili kasabay ng buntong-hininga.

“Diana, ano ba ang pagkukulang ko sa iyo?” nahahapong tanong ni Bernard. “Sabihin mo at pupunan ko.”

“Sa akala mo ba ay hindi ko alam na sa gitna ng gabi ay bumabangon ka at nagtutungo sa den at nanatili doon nang may kung ilang oras at nakatitig sa kisame? Kahit sa penthouse, Bernard, lumalabas ka sa balkonahe at tinatanaw ang kadiliman,” patuloy niya. “At sinasaktan mo ako roon! Kung buhay man lang sana ang kalaban ko then I could fight her back.” s ukat sa huling sinabi niya’y marahas siyang nilingon ni Bernard.

“If she were alive, then I would have not married you,” wala sa loob nitong sagot na lalong ikinagalit ni Diana. At bago pa siya makapagbuka ng bibig ay nagpatuloy si Bernard. “Diana, it doesn’t mean that you’re a lesser woman than her. Hindi iyon ang ibig kong sabihin. You know there would be no chance for me to have an affair with you kung buhay si Jewel.”

She inhaled sharply. “Yeah. And you married me to keep you from insanity.”

“Diana, you’re being ridiculous,” patuloy ni Bernard. Nilapitan ang asawa at inakbayan. “Come, umalis tayo dito at umuwi tayo ng Paso de Blas. Biyernes na rin lang ngayon.”

Kumawala si Diana. “Umuwi kang mag-isa mo pero mananatili ako dito sa Maynila. I hated it there!”

Tumiim ang anyo ni Bernard. “Hindi iyan ang sinabi mo sa akin noon, Diana. You said you love the country side...”

“I lied.” b alewalang nagkibit siya ng mga balikat. “I wanted to please you, then! Paano ko magugustuhan ang gubat gayong sa ganoong lugar ako ipinanganak at nagkaisip?! Bukod doon, paano mong naisip na makapaninirahan ako sa villa nang matagal? Sa akala mo ba’y hindi ko nahahalata na kahit minsan ay hindi mo gustong abutan tayo ng gabi sa villa?”

“Diana, please...” g usto nitong itigil na ang pag-uusap na iyon.

Matabang na tumawa si Diana. “Oh, yes, Bernard. You married me and yet not once did we spend a night at the villa. I am your wife, and yet I don’t think you wanted to share that house with me. You made it a point na sa Kristine h otel tayo matutulog. That was fine with me.” n agkibit siyang muli ng mga balikat at umismid. “Naroon lahat ang mga alaala ni Jewel sa iyo sa bawat sulok. Even the air that we breathe reminded you of her. And I hated the thoughts that she lived there... and you slept with her there!”

“Dammit, Diana!” Gustong maubos ang pagtitimpi ni Bernard.

Tumawa nang malakas si Diana. “Sentimental you, my dear husband...” tuya niya.

Huminga nang malalim si Bernard and tried to calm himself down. Nagkibit ng mga balikat at sinikap na pairalin ang diplomasya.

“Dito tayo sa Maynila kung ganoon. Tara sa mansiyon and start making that baby...” tukso nito and gave her a blinding smile.

Natilihan si Diana sa sudden change of mood nito at tinitigan ang asawa.

What is the matter with her? She promised to love him and bear with him. Pero bakit hindi niya magawang ipanatag ang loob gayong kung tutuusin ay totoo ang sinasabi ni Bernard?

Bakit habang tumatagal ang pagsasama nila’y lalo lamang nagiging magulo? Bakit kailangan niyang pagselosan ang isang babaeng matagal nang wala?

Nagseselos nga ba siya o ang pride niya ang hindi kayang tumanggap ng kaagaw? Na sa kabila ng mga pisikal niyang katangian ay hindi pa rin niya magawang alisin sa isip ni Bernard si Jewel?

“O, hindi ka na kumibo diyan,” nakangiting ulit ni Bernard. Inabot ang kamay sa asawa. “You’ve been neglecting your wifely duties for months now, darling...”

Bahagya niyang ipinilig ang ulo na tila nagising mula sa mahabang pagtulog. Itinaas ang mukha sa patuyang paraan.

“What you mean is my bedroom duties?” Tumaas ang mga kilay niya kasabay ng pag-iling. “Iyon naman ang silbi ko sa pagsasama natin, `di ba?”

Nawala ang ngiti ni Bernard kasabay ng pagtatagis ng mga ngipin. Hindi gustong magsalita at baka kung ano lang ang masabi.

Nagpatuloy si Diana. “Go home, Bernard. Marami akong gagawin...”

Humugot ng malalim na paghinga si Bernard. “Suit yourself. Pero nasa mansiyon ako mamaya.” t umalikod ito upang umalis nang tawagin ni Diana.

Lumingon ito.

“Why did you marry me, Bernard?”