“Y OU WERE married!” hindi makapa-niwalang bulalas ni Marco.
“Alam mo ba ang sinasabi mo, Bernard?” Si Nathaniel, equally shocked. “Alam mo ba ang kahulugan nito?”
Hindi sumagot si Bernard. Inihilig ang ulo sa headrest. His face drained with all emotions. Tama marahil si Diana nang sabihin nitong pinakasalan niya ito para makaahon sa impiernong kinalalagyan niya noon.
At tama rin marahil ito sa pagsasabing kung hindi ito inosente noong una niyang makatagpo, he wouldn’t probably have married her. Napukaw nito ang honorable and protective instinct niya. Lamang, sa paglipas ng mga araw ay hindi sinang-ayunan ng puso niya ang katawan at isip.
He was grieving for Jewel... for what he thought had died with her too—his child.
And in fairness to Diana, he really had some deep emotions for her. It could have been love kung patuloy na naalagaan.
Yes, love. Hindi nga lang marahil katumbas ng pag-ibig na inilaan at nararamdaman niya para kay Jewel. And would honorably continue being an ideal husband kung hindi naging mapaghanap ito.
And he really tried his best na maging isang mabuting asawa para dito. Only Diana saw through him, his innermost feelings. Or maybe Diana was right, she didn’t really love him at all as she professed him to be.
What they felt for each other was physical desire. They both wanted each other at that time. Pareho silang naghahanap ng lifeline na makakapitan. At kung hindi nila natagpuan ang isa’t isa sa mga panahong iyan, who knows what would have happened.
Maaaring tuluyang nasira ang buong pagkatao niya at si Diana naman ay masadlak kay Charlie at Kenneth or would have been murdered. Tulad ng sinapit ni Don Luis at ng bayaw nitong doktor.
And things would have been all right kung hindi lang dahil may sariling personalidad at ambisyon si Diana. And she was beautiful, very beautiful. Woman’s vanity and her pride couldn’t accept the fact that despite her looks ay mananatili sa puso niya ang isang babaeng inaakalang matagal nang namayapa.
And Diana was power-hungry. At hindi niya masisi ang babae roon. Fifteen years of her life, namuhay ito sa kahirapan sa bundok. At bagaman maalwan na ang buhay habang nagdadalaga ay nanatili ito sa impluwensiya ni Charlie.
And when she thought she was free at abot-kamay na ang kapangyarihan, dumating siya sa buhay nito. And she wouldn’t want to stay under his shadow. Gusto nitong lumipad sa pamamagitan ng sariling mga pakpak.
“Alam mo ba na ngayong buhay si Jewel ay balewala ang kasal ninyo ni Diana, ha, Bernard?” Si Marco uli na nagpabalikwas kay Bernard sa malalim na pag-iisip. Hindi malaman ng nakatatandang lalaki kung ano ang iisipin. “Your marriage with her is null and void!”
Hindi sumagot si Bernard at pumikit.
“With or without your marriage being annulled, you are still married to Jewel, Bernard...” s i Nathaniel na sa pakiwari ay lalong lumaki at nadagdagan ang suliraning kinakaharap ng pinsan. “What will happen now?”
Mapait na tumawa si Bernard. “I don’t know. Fate played his tricks on me. Let us wait and see kung ano ang inilalaan nito sa akin.”
“Tayo ang gumagawa ng buhay natin, Bernard.” s i Nathaniel na tumaas ang tono. “You can’t be that fatalistic!”
“I know. Right now, I’m here to assist Mr. Fate...”
“Itinawag ng m ommy na nagpupumilit na umuwi si Jewel dito and she’s arriving next week. What now?” Si Marco na nagpalakad-lakad sa loob ng opisina, in troubled face.
Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Bernard. Puno ng kapaitan ang mukha at tinig. Though joy filled him, hindi madaling tanggapin iyon. He grieved for her, part of him died with her when he thought she died.
And things had never been the same again... until now.
Then out of the blue, narito si Marco at sinasabing buhay ang kaisa-isang babaeng pinag-ukulan niya ng walang kapantay na pag-ibig. That long ago he mourned an empty casket, that he grieved for her lost everyday of his life for more than two years, when all along she was in a county hospital in Texas, in comatose.
How can he deal with this?
Paano ang muli nilang pagkikita?
“Nada, Marco,” parang wala sa sariling sagot niya, in a voice filled with uncertainty and fear. “Ang sabi mo ay hindi siya nakakaalaala. Leave it that way.” h alos pabulong na lumabas iyon sa bibig niya. May kung ilang segundong nanatiling nakatitig sa kawalan.
Pagkatapos ay tumingala sa tiyuhin, blangko ang tingin. “Only, let me see and visit my son once in a while...” n abasag ang tinig niya sa bahaging iyon. He couldn’t believe he had a son.
May anak siya!
Lord, he wanted to weep again.
“Bakit mo pinahihirapan ang sarili mo, Bernard, when you can claim her again as your wife?” Si Zandro na nagsalita sa kauna-unahang pagkakataon. “Here is your chance to be happy. Kayo ni Jewel...”
Muli niyang pinuno ng hangin ang dibdib. “I was selfish, Zandro. I do not deserve any woman, let alone Jewel. Hindi ko na kayang harapin ang buhay nang inakala kong nawala siya. I used another woman, a good woman, to get out from hell...”
“Nonsense, Bernard!” desperate na sagot ni Zandro na itinaas ang mga kamay sa ere. “Diana used you, too! Pinakinabangan ninyo ang bawat isa sa maikling panahon. Hindi ikaw ang gustong lumabas sa pagsasama ninyo kundi siya.”
Lumalim ang mga gatla niya sa noo. “Maybe so. Despite her shortcomings, Diana was a good woman and she deserved my love. Only I will never have that to give dahil naipagkaloob ko na sa iisang babae. Doesn’t that make me a selfish bastard?” sarkastiko niyang sinabi para sa sarili.
Muling itinaas ni Zandro ang mga kamay sa ere in helpless frustration. Open his mouth and closed it again and hunched his shoulders.
Nanatiling tahimik si Marco, ganoon din si Nathaniel. Muling nagsalita si Bernard sa garalgal na tinig.
“If I am to suffer, then let it be. Pare-pareho kaming biktima ng mga sirkumstansiya. Ako, si Diana, at si Jewel. And I don’t want to hurt them both, lalo na si Jewel. I’d rather die than hurt her. I have done enough damage by marrying Diana in haste.” h e took another deep breath dahil kung hindi ay magsisikip ang dibdib niya.
“What now?” Si Marco sa pamangkin.
“Que sera, sera...”
“WELCOME back, Jewel.” m asuyong niyakap ni Emerald ang kapatid.
“Hello, Emerald, Marco” bati niya na hinagkan ang kapatid sa pisngi. “I told you, nandito na ako at maaga kaysa sa inaasahan ninyo.
“Stubborn as usual,” nakangiting sagot ni Marco na tinanguan si Lance.
Si Emerald ay bumaling kay Lance at pormal na ngumiti. “Nice to see you again, Mr. Navarro?”
“Likewise, Mrs. de Silva...” nakangiting sagot ni Lance.
“Call me, Emerald,” wika nito at kinuha mula sa katulong si Lenny at hinagkan at niyakap. “Hello, pet...”
“Salamat sa pagsama mo kay Jewel, Lance.” s i Marco na ginulo ang buhok ni Lenny.
Nilingon ng binata si Jewel. “Walang anuman iyon, Marco. Uuwi naman talaga ako...”
“Tara na kayo sa van...” yaya ni Marco.
Si Lance ay tumingin kay Jewel. “Magta-taxi na lang ako pauwi sa amin. Magpahinga ka and I’ll give you a call tonight...”
“Thank you,” bulong niya na ngumiti.
“Bye, handsome.” m asuyong pinisil ni Lance ang ilong ni Lenny. “Take care of your mother...” k inindatan nito si Jewel at nagpaalam sa mag-asawa.
“Bye,Tito Lance...” sagot ng bata.
SA mansiYon sa Corinthian ay inikot ni Jewel ang paningin.
“D-dito ba tayo nakatira, Emerald sa nakalipas na limang taon?”
“Hindi, Jewel. Sa dati nating bahay pero ipinagbili na ng m ommy iyon when she decided to migrate to the States matapos na ipamana ng Lolo Leon sa ating dalawa ang bahay na ito.”
Wala sa loob siyang tumango. Nagpalakad-lakad sa loob ng sala. Hinahawakan ang bawat maliliit na bagay na makita at muli ring ibinabalik. Tinitingnan ang buong paligid, as if familiarizing with herself. Baka sakaling may maalala siya sa mga kasangkapang nakikita roon. Sinabi na sa kanya ni Anna na nasa pangalan nilang dalawa ni Emerald ang bahay na ito at natira siya rito.
Nang walang pagtugon ang sariling kaisipan ay binalingan si Emerald. “Gusto kong makita ang kambal ninyo. Where are they?”
Isang ngiti ang pinakawalan ni Emerald. “Nasa nursery. Halika at ipakikilala ko kayo ni Lenny and bear with their endless chatters, ha.” n ilingon nito si Marco na tumango.
“Maiwan ko na kayo at babalik na muna ako sa opisina. May directors’ meeting ngayong hapon...”
HALOS isang linggo na mula nang dumating sila ni Lenny pero hanggang ngayon kahit kaunti ay bakante ang bahaging iyon ng isip niya.
Bakit wala siyang maalala sa mga bagay na nangyari sa nakaraang mahigit na apat na taon? Maaalala pa ba niya iyon o tuluyan nang mawawala? Wala bang silbi ang pag-uwi niya?
Patuloy siyang nililigalig ng mga alalahaning iyon.
At si Lance ay maunawaing hinayaan siyang makapagpahinga muna at mai-adjust ang sarili. Ganoon pa man ay tumatawag ito sa kanya sa telepono sa maraming pagkakataon.
Hustong isang linggo ang nakalipas nang yakagin siya nitong kumain sila sa labas. Pinagbigyan niya ang binata. Ilang araw na rin namang naisip niyang lumabas at puntahan ang ilang lugar na maaaring makapagbabalik ng memorya niya.
“Sexy,” komento ng binata nang sumakay siya sa kotse nito.
“In blue jeans and blouse?” Tumaas ang mga kilay niya. “C’mon, Lance...”
“You are sexy and beautiful at hindi ako nagbibiro,” pagdiriin nito at pagkatapos ay ngumiti. “Where to?”
Nagkibit siya ng mga balikat. “Ikaw ang bahala...”
“Lunch at Mandarin, okay sa iyo?”
“You’re the boss.”
Hindi nagtagal ay nasa isang restaurant sila sa loob ng Mandarin Hotel. Hindi iilang pares ng mga mata ang nakatuon sa kanila, mga humahanga.
Hinila ng binata ang isang silya upang paupuin ang dalaga nang isang camera ang biglang kumislap.
“What was that?” Nagsalubong ang mga kilay ni Jewel na nilingon si Lance bago sinundan ng tingin ang lalaking nagmamadaling lumabas. Pagkatapos ay alanganing naupo.
“Society reporter,” matabang na sagot ng binata na gustong habulin ang lalaki at suntukin. “Huwag mong intindihin.” n agbuntong-hininga ito upang alisin ang bahagyang galit na bumangon sa dibdib. “What do you want?” banayad nitong tanong sa kanya nang lumapit ang maitre’d.
“Minute steak... fresh orange juice, that’s all,” nginitian niya ang maitre d’.
Si Lance ay nagbigay rin ng order nito. Ilang sandali pa ay iniwan na sila ng headwaiter.
“Now I believe you really are famous,” nakangiting sinabi niya na ipinatong ang baba sa pinagsalikop na mga kamay.
“Thanks to Erlinda Gascon,” matabang na sagot nito. Nang umangat ang kilay ni Jewel ay idinagdag: “My grandmother. She was a socialite...”
“Let me guess,” nakangiti pa ring sinabi ni Jewel. “Mula noon ay hindi na kayo hiniwalayan ng mga reporter...?”
“We all hated it. Isa sa mga dahilan kung bakit hindi gustong umalis ni Alvaro sa Alta Tierra. He hated his private life na hinahalungkat lagi ng mga taong walang magawa,” sinabayan nito ng kibit ng mga balikat.
“Wrong, Lance. Iyon ang kanilang ginagawa,” nakatawang sagot niya. “At ano sa palagay mo ang ilalagay nila sa magazine sa ating dalawa? Famous gorgeous jet-setter with nobody in faded blue jeans and...”
“You are not a nobody.” n aningkit ang mga mata nito. “And did you wish you were wearing a gown for that stolen shot?”
Nanlaki ang mga mata ni Jewel. “Ako? Wala akong pakialam kahit na ano ang sabihin nila sa suot ko. Matagal nang hindi uso ang dress code dito sa atin, `di ba?”
Ngumiti si Lance. “You’re like my sister except that she’s too impulsive and a little bit wild. But I guess not anymore since she and... oh!” Ipinitik nito ang isang daliri. “Nasabi ko na ba sa iyo na ang tiyuhin mo ay boyfriend ng kapatid ko?”
Pumormal si Jewel. “R-really?”
“Really,” sagot ni Lance. “Our families moved in the same circle, Jewel Fortalejo...”
Hindi kumibo si Jewel dahil siyang pagdating ng waiter at ibinaba ang pagkain nila. Bukod pa roon ay wala siyang alam na isagot. Mula nang dumating siya ay walang tulong na ginagawa si Emerald upang ipaalala sa kanya ang mga bagay-bagay tungkol sa pamilya.
Kung tutuusin ay gusto niyang isiping umiiwas ito sa tuwing inuungkat niya iyon at iyon ang gusto niyang hanapan ng kasagutan.
“How’s Lenny?” tanong ni Lance nang halos patapos na silang kumain. Ngumiti siya at kumislap ang mga mata.
“He’s fine. Madaling nakapag-adjust ang anak ko sa klima dito. He speaks Tagalog fluently now. Imagine, isang linggo pa lang mula ng dumating kami ng Pilipinas...” i nabot ang baso ng tubig at uminom pagkatapos ay nagpahid ng napkin sa bibig.
“Fast learner ang mga bata, Jewel,” nakatawang sagot ni Lance sa enthusiasm niya.
“At tuwang-tuwa dahil nakakalaro ang twins nina Marco at Emerald. Why those twins are little darlings...!”
“Well, I’m glad at nag-e-enjoy si Lenny dito.” n agpahid ito ng napkin sa bibig. “If it isn’t too soon ay gusto ko kayong anyayahang mag-ina na magbakasyon sa Alta Tierra, Jewel...”
“Alta Tierra?” wala sa loob na ulit ni Jewel habang ang mga mata ay nakatitig sa dalawang pares na kapapasok lang.
“Sa Rancho Navarro. It is one of the many islands in Quezon. We can go there through the company helicopter and we can swim almost everyday,” sagot ni Lance na sinundan ng tingin ang hinahayon ng mga mata niya.
“Do you know her?” tanong ng binata na tinantiya ang kaharap. Si Diana ang pumasok bagaman hindi nito kilala ang escort.
“Bakit ko siya makikilala?” natatawang sagot niya. Nilaro ng tinidor ang natirang pagkain. “I was just attracted to her. She’s so beautiful though she’s too slim. A model perhaps...?”
Nagsalubong ang mga kilay ni Lance. “You must have known her, Jewel. That woman is your uncle’s wife at inaasahan kong makikilala mo siya...”
Napalis ang ngiti sa mga labi niya. “T-tiyuhin ko ang kasama niya?” Itinuon niya ang tingin sa lalaking kasama nito na hinawakan sa siko ang babae upang sundan ang maitre d’ sa itinuturong bakanteng mesa na malapit sa kanila.
“No. Hindi ko kilala ang kasama niya pero hindi iyon ang uncle mo...”
“I see.” t umango-tango siya. “Sa palagay mo ay kilala niya ako?”
“I couldn’t be so sure,” sagot ng binata na nag-isip. May ilang sandaling nag-isip. “Marahil ay hindi nga. You were probably in a coma when your Uncle Bernard married her...”
“My—my uncle what?” ulit ng dalaga na wala sa loob na naibaba ang table napkin.
“Si Bernard. Bernard Fortalejo. Kilala ko siya, he was my father’s business associate bukod pa sa kapatid niya si Zandro, ang fiancé ng bunsong kapatid ko. The one I was telling you about...” kaswal na paliwanag ni Lance. Hindi agad napuna ang tila pagkawala ng kulay sa mukha ni Jewel.
Hindi siya makapagsalita. May kung anong bahagi sa isip niya ang gustong makaalala. Pero ti!a natatakpan ito ng maitim na ulap.
Mabilis na ginagap ni Lance ang palad niya nang humugot siya ng malalim na paghinga.
“Nanlalamig ka. What’s wrong?”
Umiling siya. “W-wala, Lance. S-sinisikap ko lang na alalahanin ang sinasabi mo... but I can’t...”
Tumango ang binata. “Huwag mong pilitin ang sarili mo, Jewel, unti-unti ay maaalala mo ang lahat,” assurance ng binata.
Hihingin na sana nito ang bill nang makitang sa mismong tabi ng mesa nila dinala ng maitre d’ ang mga bagong dating.
“Hello, Mrs. Fortalejo...” bati ng binata na tumayo at inilahad ang kamay
“Lawrence Navarro,” acknowledged ni Diana na malapad na ngumiti nang dalhin ni Lance sa bibig ang kamay nito. “It’s nice to see you here. I thought naglalagi ka sa Houston...” i binaling nito ang paningin kay Jewel in a mixture of curiosity and politeness.
Si Jewel ay wala sa loob na tumingala rito at hindi napigilan ni Diana ang mapasinghap at panlakihan ng mga mata kasabay ng paghawak nang mahigpit sa braso ni Joshua.
“Oh, my god!”
“Something’s wrong, Diana?” nagsasalubong ang mga kilay na sinabi ni Joshua, pinaglipat-lipat ang tingin sa dalawang babae.
Nangunot ang noo ni Lance. Hindi nito maunawaan kung bakit ilang buwan na ang nakalipas mula nang maka-recover sa coma si Jewel ay hindi pa rin kinakausap ni Marco ang immediate families nito upang ipaalam kung ano talaga ang totoong nangyari. Di sana’y naiiwasan ang ganitong uncomfortable meetings.
“I’m sure you knew your husband’s niece, Mrs. Fortalejo,” ani Lance matapos mag-alis ng bara ng lalamunan. “...Jewel Fortalejo...”
“J-J-Jewel... F-Fort...” b ago pa natapos ang sasabihin ni Diana ay bumagsak ito sa mga bisig ni Joshua at tuluyang nawalan ng malay.
“Diana!”