I PINARADA ni Bernard ang Land Cruiser sa harap ng mansiyon sa Corinthian.
Ilang araw na niyang pinag-iisipan kung paano makikipagkita sa anak at kung paano haharapin si Jewel.
Maaaring hindi siya nito naalala pero paano siya?
Ano ang gagawin niya?
At dalawang araw na ring gumugulo sa isipan niya ang sinabi ni Diana na kasama ni Jewel si Lance Navarro nang una nitong makita. At kahapon ng umaga ay nakita niya sa society column ang larawan ng dalawa at halos sumabog ang dibdib niya sa matinding kaba, panibugho, at pag-asam.
Hinaplos ng daliri niya ang nakangiting mukha ni Jewel sa peryodiko and pain sliced through him like a knife. At kagabi ay napagpasiyahan niyang makipagkita sa anak.
And to take a glimpse of her.
Bumaba siya ng sasakyan at pinuno ng hangin ang dibdib bago humakbang patungo sa mansiyon.
Isang katulong ang nagbukas sa kanya.
“Kayo pala, senyor. Magandang umaga po. Tuloy po kayo...” t umango lang si Bernard at inikot ang paningin sa buong kabahayan.
Hindi pa siya nakakadalawang hakbang nang isang munting tawa ang narinig niya.
“Lenny!” Si Pacita na hinahabol ang bata. “Madapa ka... halika rito at ubusin mo ang pagkain mo...”
Huminto ang batang lalaki ilang hakbang mula kay Bernard na itinulos sa pagkakatayo. Mixed emotions filled him as he saw his son. He was torn between pain and love.
Nagsalubong ang mga munting kilay na tumingala sa kanya.
“Hello...” ang bata na hinagod siya ng tingin.
“Hi...” sagot niya sa baradong lalamunan. Si Pacita ay huminto sa di-kalayuan at sinenyasan ng naunang katulong na lumabas.
Lumuhod si Bernard sa harap ng bata. “What is your name?”
“Lenny,” sagot nito na isinubo ang daliri at matiim na tinitigan ang kaharap.
“Isn’t that a girl’s name? I assume you’re a boy...” i pinako niya ang sarili upang huwag abutin ang bata at yakapin ito nang mahigpit. Halos manikip ang dibdib niya sa pagkakatitig dito.
“I am a boy.” i tinaas ng bata ang ulo na bahagyang naningkit ang itim na itim na mga mata. May kung anong init ang humaplos sa dibdib ni Bernard sa gesture na iyon.
A Fortalejo pride.
“And my name is...” h uminto ang bata doon at biglang kinakitaan ng kalituhan ng mukha. Luminga sa paligid.
Hindi malaman ni Bernard kung maaaliw o maiiyak. “Yes? What is your name?”
“My—name has a secret, sabi ng Lola Anna. It was our secret that I should not tell Mama...” halos pabulong na sagot ng bata at muling luminga sa paligid.
“Why should your name be a secret to your mother?”
“My Lola Anna said she will cry and I don’t want to make her...”
Nagsalubong sandali ang mga kilay ni Bernard. Pagkatapos ay pilit na nagpakawala ng isang ngiti.
“You can share your secret with me. I won’t tell your—mama...” halos pabulong ding sagot niya.
Bahagyang nanlaki ang mga mata ng bata. “Promise?”
“Cross my heart and hope to die.”
Sandaling nag-isip si Lenny. Tinantiya ang kaharap.
“Okay,” sagot nito makalipas ang ilang segundo at sa huling pagkakataon ay nilinga ang paligid sa pangambang marinig ng ina. “It is Leonard, you pronounced it without the ‘o’. `Di alam sabihin ni Yaya Pacita ang name ko...”
“Lenard... yes, that’s a nice name. Perhaps your Lola got your name from the famous painter, Leonard da Vinci.” h is heart started to pound faster.
Mabilis na umiling ang bata. “Not from the painter. Lola said my name was from my... Lolo Leon and my Papa because I looked like them.” Dio... dio! Ipinikit ni Bernard ang mga mata at sinikap na pagluwagin ang dibdib at pigilin ang pag-alpas ng mga luha.
“Antok ka?” nagtatakang tanong ng bata na muling isinubo ang daliri sa bibig.
Bernard smiled through misty eyes. “Come, smart guy, give me a bear hug.” i nilahad niya ang mga kamay.
Nagsalubong ang mga kilay ng bata. “Men do not hug men...”
Hindi mapigilan ni Bernard ang matawa sa kabila ng lahat. “Where in America did you hear that?” amused niyang sinabi. “Anyway, halika at kakargahin kita,” pagkasabi niyon ay inabot niya ang bata at binuhat sa katuwaan nito.
At bago napigilan ni Bernard ang sarili ay mahigpit nang niyakap ang anak at hinagkan sa ulo.
“Not so tight!” protesta ng bata bagaman nakangiti pa rin.
“Where’s your Mama?” tanong niya sa nagbabarang lalamunan.
“Sa music room.” i nilayo ng bata ang sarili sa kanya. “What is your name?”
Dalawang beses nagpakawala ng tikhim si Bernard bago sumagot. “Bernard...”
Namilog ang mga mata ng bata. “My Papa’s name!” bulalas nito. Pagkatapos ay muli siyang sinipat sa nagsasalubong na mga kilay.
“Are you my Papa? Sabi ng Lola Anna pupuntahan ako ni Papa dito...” m agkahalong excitement at pag-aalangan ang gumuhit sa mukha ng bata.
“If—I’ll tell you that I am your—your papa will you keep it a secret from your mama? Sure you can keep a secret, can’t you?”
“Sure can.” k umislap ang mga mata ng bata at saka ikinawit ang dalawang kamay sa leeg ni Bernard. “And you are my papa! Just like my twin cousins, they have Uncle Marco as their papa!”
At sa pagkakataong iyon ay hindi pumalag ang bata sa mahigpit na yakap ng ama bagkus ay gumanti ng yakap. Ang dalawang katulong na lihim na nagmamasid ay napahugot ng paghinga sa nakita at narinig.
Si Bernard ay nanakit ang lalamunan sa pagpigil na huwag umiyak. Karga ang bata ay humakbang siya patungo sa music room. Malayo pa ay naririnig na niya ang tugtog ng gitara at muli ay tila piniga ng isang malaking kamay ang dibdib niya.
Bahagyang nakabukas ang pintuan ng music room at inilagay niya ang isang daliri sa mga labi upang ipahiwatig sa bata na huwag gumawa ng ingay.
Mula roon ay nakita niya si Jewel na nakayuko at tinotono ang gitara. His heart pounded so strongly at the familiar sight that he thought his chest would burst open anytime.
“ My black diamond...”
After a while, Jewel strummed the guitar... and sang softly the old familiar John Denver song...
I’ll walk in the rain by your side...
I’ll cling to the warmth of your hand
I’ll do anything to keep you satisfied
love you more than anybody can.
And the wind will whisper your name to me
Little birds will sing along in time
Leaves will bow down when you walk by
And morning bells will chime
I’ll be there when you’re feeling down
To kiss away the tears if you cry
I’ll share with you all the happiness I’ve found
A reflection of the love in your eyes...
Huminto si Jewel at ipinagpatuloy ang pagtipa sa gitara. Si Bernard ay halos sumabog ang dibdib and before he realized it, a tear fell. Maingat na sumandal sa hamba ng pinto dahil nararamdaman nito ang panginginig ng mga tuhod.
“Mama...” s i Lenny na itinulak nang paawang ang pinto. Nangawit marahil sa pananatiling tahimik. Pagkatapos ay nagpababa. Si Bernard ay wala sa loob na binitiwan ang bata na tumakbo pabalik sa sala.
Nag-angat ng ulo si Jewel and gasped softly as she caught sight of the man...
Si Bernard ay halos hindi huminga sa pagkakatitig sa babaeng siyang lahat sa buhay nito. The woman he’d thought was gone forever.
And there she was, standing before him. The dark beauty, so lovely na ang mukha ay nakaukit na sa puso nito at damdamin. Hundreds of emotions come running through him.
Si Jewel ay nakadama ng nerbiyos na hindi malaman kung paano hahawakan nang mahigpit ang gitara. She could feel a sense of familiarity... a sense of belonging... of having known this man before...
And as their eyes met across the room, time stood still. And the world is falling away until there were just the two of them staring at each other. At hindi niya magawang kumilos kahit pa mangahulugan iyon ng buhay niya.
She was transfixed. He was mesmerized.
Pagkatapos ay nagsalubong ang mga kilay niya as she stared at the man’s eyes. Ipinagtaka niya ang ibinabadya ng mga matang iyon. Strong and the almost overpowering sense of possession. Parang isang paniniyak, that she was his, and it puzzled her so much.
And the possessive gaze that he gave her was overpowering na sa pakiramdam niya ay nagising siya mula sa isang masamang panaginip only to find herself being cherished by this man.
Wala sa loob, she opened her mouth to speak pero hindi mahagilap sa isip kung ano ang sasabihin. Nervously, she wet her lips with her tongue.
Bernard had an urge to cross the room and place his lips on her lips and take her in his arms. The urge was so powerful na hindi nito napigilan ang paghakbang papasok only to willed himself to stop after two steps. Dahil kung hindi ay natitiyak nitong ikukulong nito sa mga bisig si Jewel.
She gave a hesitant and blinding smile sa biglang paghinto nito sa paglapit sa kanya. At napahugot ng paghinga si Bernard. Sa maraming pagkakataon ay ilang beses ba nitong nakita ang ngiting iyon na nakaukit na sa kanyang alaala? The kind of smile that brought sunshine to the darkest room.
Si Jewel ay pinaglandas ang mga mata sa mukha ni Bernard. A face that is more than handsome. It was an arrogant face, hard and cruel and yet there was a certain tenderness about him that showed in his eyes. Those compelling thickly lashed eyes na tila siya nilulunod sa tuwing bumabalik ang mga mata niya roon.
Bumaba ang mga mata niya sa mga labi nito and she took her breath softly. Sensually curved lips with a hint of cruelty. Habang tinititigan niya ito, ang pagnanais na damhin iyon ng sariling mga labi was almost unbearable.
She has this strange feelings that she knew what those lips would feel like against her lips, how warm and firm they would be. As if those lips had knowingly moved on hers...
Mula sa labas ay tumili si Lenny na marahil ay nilalaro ng yaya and broke the magic spell between his parents.
“H-hi…” s i Jewel na inilapag ang gitara sa sofa. “B-bisita ka ba ni Marco?”
“Pamangkin niya ako,” sagot ni Bernard na nag-alis ng bara ng lalamunan.
Sorrow, agony, and joy all showed in his eyes na bahagyang ikinapagdikit ng mga kilay ni Jewel. And Bernard had the longing to cross the gap between them and take her in his arms and weep to his heart’s content. The longing was so strong na kailangang humawak ito nang mahigpit sa doorknob upang pigilin ang sarili.
“N-nasa office pa siya...”
“I know. I only came to—to—see you.”
“Oh,” she said softly at ngumiti. “M-magkakilala ba tayo dati?” nag-aalangang tanong niya at pagkatapos ay mabilis na umiling. “That’s stupid. Kung pamangkin ka ni—Marco, then, tiyak na kilala mo ako... s-sinabi ba sa iyo ni Marco na—na—m-may sakit ako? I mean...”
“Yes to both questions,” banayad na sagot ni Bernard.
“And?” dugtong niya sa maliit na tinig.
“And what?”
“K-kasama ka ba doon sa mga um-attend ng— ng f-funeral ko and—and were you as shocked as Emerald and Marco to find me resurrected?”
Hindi agad makasagot si Bernard. Shock was an understatement. Paano nito sasabihin sa kanya that he, too, would have wanted to die when she died. Na kung paano nabago ang buhay nito nang huminto siya sa paghinga sa mga bisig nito ay ganoon din muling nabago sa paghaharap nilang muli ngayon.
How can you ever know that you brought sunshine back with you, dark eyes ?
“Now I really believe that there’s life after death,” biro nito na sinabayan ng banayad na tawa.
Gumanti ng tawa si Jewel. A musical and husky laugh na sa loob ng dalawang taon ay hindi naalis sa alaala ni Bernard. So vibrant, so alive na kahit ang mga ibon at ang parang ay nakikigalak sa tuwing tumatawa siya.
Nathaniel aptly named her Princess. At tulad ng kantang inawit lang niya: leaves will bow down when you walk by... and morning bells will chime...
“You can say that again...” aniya, still smiling.
Biglang pumormal si Bernard. His chest tightened. “Welcome back, dark eyes,” to my arms, to my heart, to my life.
Hindi nakuhang mapansin ni Jewel ang emosyong nakapaloob sa sinabing iyon ni Bernard. Marahas ang pag-angat niya ng mukha.
“D-dark eyes. Ikaw ang ikalawang taong tumawag sa akin niyan...”
Nagsalubong ang mga kilay ni Bernard. He gave her that name. “Tinawag ka ba ni Marco o ni Emerald ng ganoon?”
Ngumiti si Jewel. “No. It was Lance who called me that...”
Naningkit ang mga mata ni Bernard at banayad na nagtagis ang mga bagang. “I—see...” matabang nitong sinabi.
“I’m s-sorry,” bawi niya. Nag-alala sa galit na nakita sa mukha ng lalaki. “Ni hindi ako nakatitiyak kung k-kilala mo nga siya. Maliban sa sinabi sa akin ni Lance na magkakilala ang pamilya Fortalejo at mga Navarro...”
Tumango si Bernard. “Kilala ko si Lawrence Navarro. How did you meet? Does he come here often?” May bahid ng talim ang tanong nito na muli ay nagpadikit sa mga kilay ni Jewel.
Isang buntong-hininga ang pinakawalan niya. “I met him in Texas,” maiksing impormasyon niya.
May pakiramdam siyang hindi niya gustong sagutin ang huling tanong nito. Gusto niyang mairita sa tonong ginagamit nito pagdating kay Lance. Pero sinikap niyang ngumiti.
“I’m sorry but I forgot my manners, please have a seat...” i nilahad niya ang kamay at itinuro ang isang settee.
“Hindi ako magtatagal,” sagot ni Bernard. Dahil kung magtatagal pa ay baka hindi nito magawang pigilin ang sariling emosyon.
Right now, all he wanted to do is to crush her in his arms. To assure himself that she wasn’t just a figment of his imaginations. That she was there to stay forever.
“I only came to visit you and my—Lenny...”
Bumalik ang ngiti sa mukha niya. “You must really be family dahil nakagaanan ka agad ng loob ng anak ko.”
Tumango ito and cleared his throat. “I’ll see you around. Both of you...” m ay pangako sa likod ng tinig nito bago tumalikod upang lumabas nang magsalita si Jewel.
“Hindi mo sinasabi sa akin ang pangalan mo...” Huminto si Bernard at lumingon. Malungkot na tinitigan siya. “Bernard.”
“Bernard,” banayad niyang pag-ulit sa pabulong na paraan at tiningala ang lalaki makalipas ang ilang sandali sa nalilitong mga mata.
“H-how is your—wife?” Hindi niya maintindihan kung bakit tila may hapding gumuhit sa dibdib niya sa tanong na iyon.
Nagsalubong ang mga kilay ni Bernard. “Wife?”
“Y-yes. She—she fainted when she saw me.”
Matagal bago nakasagot si Bernard. Tumaas ang dibdib sa paghugot ng buntong-hininga. “She’s fine. Good day, dark eyes...” at tuluyan na itong tumalikod.