“S AAN ka galing, Diana?”
Bahagya pa siyang nagulat nang pagbukas ng pinto ng silid niya ay makitang naroon ang asawa at nakaupo sa settee.
“Bernard? I thought you were at Paso de Blas...”
“Well, you thought wrong,” he said in a dangerous calm. “Kanina pa ako rito. Wala ka sa pabrika at tinawagan ko na ang iba mong mga kaibigan pero walang makapagsabi kung nasaan ka...”
Inihagis nito ang clutch bag sa kama at nagsimulang maghubad ng damit. Si Bernard ay pinagmamasdan ang unti-unting pag-aalis nito ng kasuotan. Despite the weight loss, she was still very alluring.
When was the last time na nagtalik silang mag-asawa? Was it four months... five months ago? Hindi dahil may pagkukulang siya roon or that he stopped trying. Si Diana mismo ang tumatanggi.
Tumikhim ang lalaki. “Hindi mo ako sinasagot.”
“I was with my doctor,” flat niyang sagot. Dinampot ang silk robe at isinuot at itinali ang sash.
Nagsalubong ang mga kilay ni Bernard. “Sa oras na ito? Alas-dose na ng hatinggabi, Diana!”
“So what?!” hiyaw niyang bigla. “Hindi ako masamang babae, Bernard...”
Helplessly, umiling si Bernard. “I never said so. Pero nakapagtatakang galing ka sa doktor mo sa mga sandaling ito. His clinic must have been closed ages ago.”
Sinikap ni Diana na ikalma ang sarili. Dinampot ang sigarilyo sa tokador at sinindihan.
“We dined out...” balewalang sagot niya at nagbuga ng usok. Pagkatapos ay humakbang patungo sa salamin at dinampot ang brush at balewalang nagsuklay.
Naging isang linya ang mga mata ni Bernard sa sinagot niya. Pero sinikap na maging mahinahon.
“Kasama ba sa pagsusuri ang pagkain sa labas kasama ng doktor mo?”
Mula sa salamin ay ngumiti si Diana. “Nagseselos ka ba?”
“Iyon ba ang intensiyon mo ng pag-uwi-uwi ng gabi nitong mga nakaraang araw? Ang pagselosin ako?” naningkit ang mga matang tanong nito.
Nagkibit siya ng mga balikat. “No. Natitiyak kong hindi ka magseselos sa totoong kahulugan ng salita. Mag-aalala kang baka may ginagawa na akong masama na ikasisira ng pangalan mo.” h umarap si Diana rito at sumandal sa gilid ng tokador.
“I happened to enjoy my psychiatrist’s company, Bernard. He made me laugh, he made me feel so secured and important...”
“And I haven’t been doing that? Giving you securities and importance?” Naroon ang tinitimping galit sa tinig nito.
“Huwag mo akong i-technical,” angil niya. “Nagkataong magkasundo kami ng doktor ko. Marami siyang mga bagay na nauunawaan sa akin. At nang yayain niya akong mag-dinner kami ay agad akong pumayag.”
Humugot ng malalim na paghinga si Bernard. “Diana, what are you talking about? Isa kang may-asawang tao...”
“Wala kaming ginagawang masama, Bernard,” agap niya sa paangil na paraan.
“That is besides the point,” galit nitong sinabi at tumayo. “You’ve been seeing that doctor for more than two months now. At wala akong nakikitang pagbabago mo. Two nights ago ay nakita ko na naman sa banyo ang heringgilya at drugs. And you’re still hysterical. It’s high time you change doctors...”
“No!” mariing tanggi niya. “Mahusay na doktor si Joshua, Bernard, at...” i binaba niya ang tono at umiwas ng tingin.
“So it’s Joshua now, ha?” galit nitong sinabi. “Since when you’re on first name basis with your doctor?”
Hindi sumagot si Diana. Muling humitit ng sigarilyo. Ipinagkrus ang mga braso sa dibdib.
“Kakausapin ko ang doktor mo bukas...” patuloy ni Bernard na nagpipilit magpakahinahon. Sukat sa sinabi nito ay biglang nanlisik ang mga mata ni Diana.
“Do it, Bernard, and you’ll be sorry,” banta niya sa nagngangalit na mga ngipin.
Walang salitang agad namutawi kay Bernard. Matiim na tinitigan si Diana. Pagkatapos ay marahang humakbang patungo sa kanya. Mula sa likod ay niyakap ang asawa at hinagkan sa ibabaw ng ulo.
“Ano ang nangyayari sa atin, Diana?” banayad nitong tanong. Pumikit si Diana at isinandal ang ulo sa dibdib ni Bernard. May luhang namuo sa mga mata.
She swallowed hard. “Kung sakali, Bernard, hindi mo iindahin ang pagkawala ko tulad ng pagdurusa mo sa pagkawala ni Jewel...” aniya sa gumagaralgal na tinig.
Umungol si Bernard at hinapit ang asawa. “Babalik na naman ba tayo sa usapang iyan? Hindi ba tayo maaaring mag-usap nang hindi doon nauuwi? Where’s the love you promised me?” he asked gently.
Naguguluhang umiling si Diana. Kumawala. Muling humitit ng sigarilyo. “I don’t know anymore. I still care for you, Bernard, but at the same time hated you. Then, naiisip ko, perhaps I didn’t really love you at all, the way it should be...”
“Ano bang kalokohan ang sinasabi mong ito?” Wari ni Bernard ay lumalim ang gatla sa noo nito.
“When we married, I thought I could never be bothered with Jewel’s memories. But I was wrong.” s he took a deep breath at humarap sa asawa. “Pinukaw nito ang sakit ko na buong akala ko’y matagal nang gumaling. I’ve tried to overcome these feelings, Bernard, believed me, pero hindi ko magawa. Kahit na marahil hindi kita nakikitang nakatitig sa kawalan sa kalagitnaan ng gabi ay ganito pa rin ang kalalabasan...”
“Pero bakit?” naguguluhang tanong nito. “Bakit hindi mo alisin sa isip mo ang tungkol kay Jewel?”
Mapait na ngumiti si Diana. “I can see her everywhere, Bernard. Sa mansiyon sa Corinthian, naroon ang lifesize portrait niya. Sa Villa Kristine, naroon ang mga alaala niya. Hindi marahil sinasadya ng katulong doon na sabihing malimit gamitin ni Jewel ang piano at ang gitara sa music room. Sa de Silva Farm, at kahit sa hotel sa opisina ni Nathaniel ay naroon ang nakangiting larawan niya kasama si Nathaniel at si Jasmin. And I can’t ask them to take it, `di ba? They will hate me!”
Hindi alam ni Bernard ang isasagot doon. Tumingala sa kisame at hinagod ang batok na tila hapong-hapo.
“At ikaw mismo, Bernard.” n ilapitan nito ang asawa at itinuon ang hintuturo sa dibdib nito. “Nariyan siya! You didn’t even lie about your feelings for her.”
“I’ll give half of what I owned, Diana, huwag lang masira ang pagsasama nating ito,” marahas nitong baling sa asawa.
She smiled bitterly. “Why, Bernard? Because you can’t accept failure? The high and mighty Bernard Fortalejo couldn’t keep his own marriage going? Another skeleton sa closet ng mga Fortalejo, ganoon ba? At hindi mo matanggap na sa pagsisikap mong makaahon sa impiyernong kinalalagyan mo nang mamatay si Jewel ay lalo kang ibinaon doon?”
“Esto es una locura, Diana! And I am talking about this marriage! Wala bang halaga sa iyo ito? Ang pagsasama nating dalawa? The things you promised to my father whom you claimed to have seen and talked?”
Isang malakas na tawa ang pinakawalan ni Diana. Pagak na tawa.
“You know what? When I discussed that thing with Joshua, he almost told me it was one of my hallucinations para higit na mapalapit sa iyo. And to make myself believed na para talaga ako sa iyo... na kaya kong palitan sa puso mo si Jewel. Sabi niya, subconsciously ay nahamon ang kakayahan kong kaya kitang paibigin at kalimutan ang babaeng minamahal mo.
“I guess I believed my doctor. Una na, minsan ay naririnig kong tila kinakausap ako ng itay ko. And I probably have done that unconsciously dahil inaamin kong pinaniwala kitang gusto ko sa Paso de Blas. And at that time, I really need you, Bernard... wala akong masulingan. I was so afraid of the future...”
“I don’t believe this...!” usal ni Bernard.
Anuman ang ipinaniwala ni Diana sa kanya ay hindi na mahalaga. Nakaraan na iyon. Ngayon ang mahalaga.
He was literally and emotionally tired sa paulit-ulit na usapang ito. At nakapagpadagdag pang lalo sa kaguluhan ng isip nito ay ang psychiatrist ni Diana na sa loob lamang ng mahigit dalawang buwan ay tila walang sasabihing hindi paniniwalaan ng asawa.
“At gusto kong sabihin sa iyong itinuloy ko ang pagpa-file ng annulment natin, Bernard...”
“No! No lo voy a consentir!”
“I am sorry pero iyon lamang ang alam kong paraan para kapwa tayo matahimik,” kalmanteng sagot niya. Pinatay sa ashtray ang sigarilyo at muli sanang magsisindi kung hindi kinuha ni Bernard ang pakete ng sigarilyo at inihagis sa waste basket. Nagkibit siya ng mga balikat.
“And don’t let us talk of love, Bernard. Dapat ang pag-ibig ay makapagpadama ng sekyuridad sa damdamin ng isang tao pero hindi ganoon ang nararamdaman ko. Whenever you said you love me, I hated you more. How can you love me when deep inside your heart you still light huge torches for Jewel?”
“Why can’t you leave her alone!” wika nito sa mataas na boses. “Bakit hindi na tayo nag-uusap na hindi mo inuungkat ang pangalan niya? Why do this marriage has to suffer because you are making an issue out of a dead woman?” Helplessly ay muling naupo sa settee si Bernard. “You’re sick, Diana!” Hindi nito gustong sabihin iyon pero umabot na sa sukdulan ang pagsisikap nitong kausapin nang mahinahon ang asawa.
Tumango si Diana, itinago ang sakit ng damdamin. “Gagamitin ko ang pera at pangalan mo para mapadali ang annulment, Bernard.”
“Tu estas mas loco que un chivo!” marahas na baling ni Bernard sa kanya. “You are out of your mind!”
“Set me free, Bernard,” mahinahon niyang salita. “Hindi na tayo maligaya. Sinasayang natin ang bawat araw na nagdaraan sa buhay natin...”
“Have you found someone else?” Tila patalim ang tinig nito sa pandinig ni Diana. “Wala na ba akong mukhang ihaharap sa kapwa ko? I could kill you for that, alam mo ba iyon?” Mahigpit na ikinuyom ni Bernard ang mga kamay na naglabasan ang mga ugat sa matinding pag-iigting.
Niyakap ng mga braso ni Diana ang sarili. Kahit paano ay gustong manayo ng balahibo niya sa galit sa tinig ni Bernard. Ganoon pa man ay sinikap na salubungin ang mga titig ng asawa.
“Doon sa unang tanong mo, yes and no. Yes, in a way na nakadarama ako ng sekyuridad `pag kasama ko si Joshua. No, dahil wala kaming unawaang malinaw pagdating sa personal na damdamin. We haven’t even talked about it. So, it follows na wala akong ginagawang masama upang dungisan ang mahal mong pangalan,” sarkastikong wika niya. “At sana’y pag-usapan natin ang paghihiwalay nang walang samaan ng loob, Bernard...”
Hindi makapaniwalang nakatitig si Bernard sa asawa. Nasa pagitan ng galit at pagkamangha at pagtutol ang sama-samang rumehistro sa mukha.
He wanted to shake her, to wring her neck, pero para ano? n asa mukha ni Diana ang determinasyon.
“Huwag mo akong titigan nang ganyan...” patuloy ni Diana. “I don’t believe you really had loved me truly.” a kmang kokontrahin ng lalaki ang sinasabi niya pero muli siyang nagsalita.
“If you did, sana’y naging madali para sa iyo na kalimutan si Jewel. Alright...” s he sighed. “She’d been a part of you, a wonderful part of your youth and it is normal that such memories will be kept somewhere in your heart. Memories, Bernard.” t umaas ang tinig niya sa bahaging iyon. Si Bernard ay nanatiling nakatitig sa kanya.
“Memories that once in a while we do remember.” i sinandal niya ang ulo sa dingding at tumingala. “Pero hindi ganoon ang nararamdaman mo para kay Jewel. Hindi siya isang alaala lamang. She is with you all the time! You treasured her in your heart and I doubt if you will ever forget her in a million years...”
“Diana...” he tried to protest.
“Yes!” hiyaw niya para huwag bigyan ng puwang ang sasabihin nito. “And I pity you. Dahil katawan mo lang ang bumalik sa daigdig ng mga buhay. But your heart died with her!”
“If you are so wise to analyze my feelings, what then did we feel for each other?” galit na tanong nito sa patuyang paraan.
“I’m glad you used past tense, Bernard.” s he smiled without humour. “Mas nakagagaan sa konsiyensiya ko. At sa tanong mo kung ano ang nararamdaman natin para sa isa’t isa?” She mockingly raised her brow. “Want. It was physical want. You wanted me to keep your sanity. You wanted me to help you escape from endless misery and self-destruction.
“Tumatanggi ang isip mo sa gustong mangyari ng puso mong manatiling nakakulong sa dalamhati. The fact that I never had a man in my life when you first met me and the danger that I faced with Charlie, aroused your protective and honorable instinct.”
“You loved me, Diana,” mabuway nitong sinabi sa pagsisikap nitong isalba ang anumang nalalabi para sa kanila.
But it seemed that she has all the answers at hindi na nito matiyak kung alin ang tama at mali.
“And that added to the burden you had in your mind then, Bernard. Na kailangan mo akong panagutan at pakasalan because you have sensed that I loved you... apart from telling you that I did...”
“Isn’t this ironic,” he mocked. “Ikaw itong psychiatric patient pero mukhang naaanalisa mong lahat ang mga bagay na ito.”
“Isn’t it always like that?” m atabang siyang ngumiti. “Life is full of ironies, Bernard. And if I loved you?” Nilinga niya ang asawa and sighed deeply. Ilang beses na niyang itinanong sa sarili iyon and she came up with the same answer.
Tumingala siya at tumitig dito nang deretso. “Perhaps I did or perhaps I have thought of you as my knight in shining armour. I wanted you, too, during those times, `di ba? You are so gorgeously handsome and so big and so arrogant and I have never met a man like you in my whole life. I was swept off my feet, so to speak. But that love was short-lived o baka hindi talaga pag-ibig. Or else, I would have sticked it out with you.
“Pero hindi ganoon ang nararamdaman ko. Gusto kong isiping hindi naman talaga ako nagseselos sa alaala ni Jewel, though that triggered this annulment and endless quarrels. It was my pride, Bernard. My pride wouldn’t allow me to stand by you while you are keeping another woman’s memories in your heart. I believe that love covers a multitude of sins. At dahil hindi ko kayang manatiling makisama sa iyo, then I probably do not love you as much as I first thought...”
“I am sick and tired of this conversation,” ani Bernard in helpless resignation. “Lahat ng sagot ay ibinigay mo na. Anuman ang sasabihin ko’y balewala. Anuman ang gawin ko’y walang kabuluhan. Gawin mo kung ano ang sa palagay mo’y makabubuti para sa iyo,” pagkasabi niyo’y lumabas ng silid si Bernard.
Matagal nang nakalabas si Bernard ay nanatili siyang nakatayo at nakatitig sa pintong nilabasan nito.
Kinapa ang sariling damdamin. Ano ba talaga ang nararamdaman niya? Ito ba talaga ang gusto niya?