noveltoon logo noveltoon
Endlessly (Kristine Series 11)

Chapter 13

Ch. 14 / 34 May 09, 2025

“A SON!” ulit ni Lance sa matinding pagkabigla, napahugot ng matalim na paghinga. “You have a son?”

She took a deep breath, saka tumango. “Which I delivered thru caesarian operation, while I was... in coma...”

“I–I don’t believe this!” usal ni Lance na napailing.

Napuno ng simpatya ang mga mata niya sa pagkakatitig sa binata. Siya man noong una niyang malaman ang tungkol sa kanyang anak ay hindi siya makapaniwala.

Mapait na ngumiti at niyuko ang alak sa kopita. Nilaro ng daliri ang paligid ng bibig ng kristal. Mula sa mga pinong bula ay naglaro doon ang mga mukha ni Marco, Emerald at Anna.

Nakatitig sa kanya.

Ang mga mukha ay punong-puno ng tensiyon at pag-aalala nang muling matuon sa pinto ang paningin niya nang marinig ang pag-iyak ng bata mula sa laba s.

Ang batang tinawag na lola ang mommy niya.

“Sino ang batang iyon, Mommy?”

“Oh, lord!” Si Emerald na tuluyang napahagulhol.

Nilapitan ni Marco ang asawa. Hinawakan sa magkabilang balikat at dinala sa dibdib.

“Hush. You’re making things worst,” he said gently but reprimandingly.

“Marco?” s i Anna, nagtatanong ang mga mata.

“Tama na muna ang impormasyong nalaman mo sa...”

“Hindi!” agap niya sa determinadong tinig. “Sino ang batang iyon?”

Isang nakabibinging katahimikan ang namagitan. Si Emerald ay halos nakulong sa dibdib ang hininga at paghikbi.

“Oh, please, sagutin ninyo ako,” she frantically pleaded. “He couldn’t be one of your twins, Emerald. He’s younger, isn’t he...?”

“He is one year and twenty days and he is your son...” s i Anna sa mabilis na pagsasalita upang hindi magbago ang isip.

“My son!” Tuluyang nawalan ng kulay ang mukha niya. Wala sa loob na napadaklot sa armrest.

Si Marco ay mabilis na nilapitang muli si Jewel.

“Precious, please...”

May bumukal na mga luha sa mga mata niya. “I–I don’t want to—to believe this...” tumingala sa ina, shock in her eyes. “How? Why?”

“Jewel, anak...”

Nakulong sa lalamunan niya ang paghikbi nang wala sa loob na dumako sa tiyan niya ang mga kamay. Nanlaki ang mga mata nang matanto kung ano ang pilat na naroon.

“Caesarian operation!” bulalas niya at muling inikot ang paningin sa tatlo. Then breathlessly asked: “Nag—nag-asawa rin ba ako? K-kanino?” Pagkatapos ay bumunghalit ng tawa sa kabila ng pag-agos ng isang butil na luha sa pisngi.

“This is ridiculous! I felt so helpless and stupid. Who’s my husband, Marco? Bakit wala siya rito?” sunod-sunod niyang tanong.

Tumiim ang mukha ni Marco. Sa kaibuturan ng dibdib ay naroon ang galit sa pamangkin. Alam bang talaga ni Bernard na nagdadalang-tao si Jewel bago ito maaksidente?

Si Jewel? Alam ba niya na tatlong buwan na ang dinadala nang manganak si Emerald?

“M-Marco...?” ulit niya sa nanginginig na tinig.

“Hindi ka nag-asawa, Precious,” biglang sagot ni Marco. Huli na upang baguhin ang sinabi. Sana’y nagsinungaling na lang at sinang-ayunan ang hinala ng hipag. Baka after all ay makakabuti pa iyon.

“H-hindi ako nag-asawa!”

“At hindi namin alam kung sino ang ama ng dinadala mo,” narinig nito ang malakas na pagsinghap ni Emerald pero ipinagpatuloy ang sinasabi. “Tanging ang mga doktor ang nagpaalam sa amin na nagdadalang-tao ka. You were almost three months pregnant when the accident happened...”

“N-no...!”

“Tama na ang usapang ito, Jewel,” wika nito sa tinig na hindi mababali. “Magpahinga ka. Bukas-makalawa ay magbabalik sa isip mo ang lahat,” pagkasabi niyon ay mabilis na lumakad si Marco palabas ng bahay at patungo sa driveway. Nagiging napakahirap para dito ang lahat.

And the worst has to come yet.

Si Emerald ay nilapitan ang kapatid. Ginagap ang dalawang kamay.

“Emerald, tell me the truth,” pakiusap niya sa gumagaralgal na tinig. She was torn between shock, disbelief and weariness. “Hindi ako naniniwalang hindi ninyo kilala kung sino ang naging boyfriend ko. I have never lied to you, have I? Natitiyak kong kilala mo kung sino ang...”

“Sundin mo si Marco, Jewel. Para sa iyo rin ito. Makasasama sa iyo ang sobrang mag-isip. We thought we’d lost you, love...” pahikbing wika ni Emerald.

“But...”

Inagapan ni Emerald ang protesta ng kapatid. “Hindi nagsisinungaling si Marco nang sabihing mga doktor na lang ang nagsabi sa aming nagdalang-tao ka. Please, nakikiusap ako, hayaan mong ang panahon ang magpabalik sa isip mo sa mga nangyari. Hindi ngayon...”

“Bakit kailangang ipaglihim ninyo ang tungkol sa ama ng anak ko?” Nasa tinig nito ang hindi paniniwala sa sinasabi ng kapatid. “Sino siya, Emerald, oh, please...” c onfusion and fear. Sama-samang lahat iyon sa mukha niya.

“D-dahil gusto naming ikaw mismo ang makaalala niyon, Jewel. If—if we tell you all these things, hindi garantiya iyon kung maalala mong lahat. Then we aren’t helping you at all...”

“What if—I don’t remember?” natatakot niyang tanong.

“Perhaps it will be for your own good. Magpahinga ka na...”

Mabilis siyang umiling. “Natulog ako ayon sa inyo nang mahigit isang taon at kalahati. I have no wish to sleep. Send me my child... I’ll talk to him. He might help me remember...”

Tumingala sa ina si Emerald. Walang kibong lumabas si Anna.

MULA sa pagkakatitig sa alak sa kopita ay nag-angat ng tingin si Jewel nang magsalita si Lance.

“I guess... I too, need a drink...” h umakbang ito palapit sa minibar at nagsalin ng alak and took them all in one swallow.

Naroon pa rin ang simpatya sa mga mata ni Jewel habang pinagmamasdan ang binata. “I really like you, too, Lance. Pero hindi ko gustong dagdagan ang suliranin ko sa kasalukuyan sa pamamagitan ng—ng pagkakaroon ng—affair sa—iyo. Gusto kong makaalala at malaman kung sino ang ama ng anak ko at kung nasaan siya...” b ahagyang nabasag ang tinig niya sa bahaging iyon.

“But surely your relatives can supply you all the missing facts, Jewel. And Marco can easily find out kung sino ang ama ng anak mo. Hindi mo ba alam kung gaano ka maimpluwensiya ang pamilya mo?” naguguluhang pahayag ni Lance.

Sandaling hindi sinagot ni Jewel ang sinabi ng binata. Matiim itong tinitigan at inarok nang husto ang narinig.

“What do you mean?” maingat niyang tanong.

“Jewel, your family is very influential, don’t you even remember that? They only have to lift a finger at malalaman mo kung ano ang gusto mong malaman.”

She inhaled deeply. “Are you talking about my brother-in-law, Lance?” naguluhang tanong niya. So, Emerald married a very influential man.

“For one,” sagot ni Lance na nagsalubong ang mga kilay sa pagkakatitig sa kanya. “Pero ang tinutukoy ko’y ang sarili mong pamilya. The Fortalejos are one of the richest families in the Philippines.” i tinaas nito ang dalawang kamay at sandaling nag-isip. “In fact, there was a gossip in one of the papers here in Houston na kabilang ang pamilya mo sa mayayaman sa buong mundo. Wala akong makitang problema...”

Sandaling hindi nakakilos si Jewel at nakatanga lang sa binata. Pagkatapos ay nahahapong naupo sa bar stool.

Maimpluwensiya ang pamilya niya?

Ang mga Fortalejo. Muli niyang sinapo ang ulo upang isipin ang sinasabi ni Lance. Naalala niyang nagtungo ng Paso de Blas si Emerald upang makaharap si Don Leon Fortalejo, ang ama ng Daddy Romano niya. Subalit minsan man ay hindi binanggit ni Anna na hindi birong tao si Don Leon.

At ngayon ay sinasabi ni Lance na maimpluwensiya ang mga Fortalejo... and one of the richest!

Hinawakan ni Lance ang dalawang kamay niya. “I do not mean to upset you, Jewel. Gusto kitang tulungan sa abot ng kakayahan ko. Just tell me how.”

Tumingala siya at pilit na ngumiti. “Salamat, Lance. I really need a friend right now. Maliban sa Mommy at kay Emerald at Marco na sa aking palagay ay estranghero pa rin, ay para akong nangangapa. More than four years of my life has passed and yet I do not remember a thing...” h indi kailangang sabihin kay Lance na hindi siya lehitimong Fortalejo.

Isang buntong-hininga ang pinakawalan ng binata. Hindi kaibigan ang gusto nitong mangyari na maging relasyon nila pero hindi nito sinalungat ang sinabi ni Jewel.

Pansamantala.