noveltoon logo noveltoon
Endlessly (Kristine Series 11)

Chapter 26

Ch. 27 / 34 May 09, 2025

A NG MULING pagbabalik ng memorya ni Jewel ang naging hudyat upang puntahan at dalawin siya ng pamilya. At ang lahat ay maingat na huwag bumanggit ng anumang bagay tungkol sa kanila ni Bernard.

Si Bernard ay umiiwas na magtagpo sila nang may kung ilang araw na. Alam ni Jewel na hindi ito natutulog sa villa bagaman tuwina ay kasama nito ang anak sa buong maghapon.

And she thought she had used all her tear ducts dahil hindi na siya umiyak nang dalawin siya ng buong pamilya ni Don Rafael. At kahit nang dumalaw sina Julia, Margarita, at Josef.

Ganoon din si Zandro na kasama ang girlfriend na si Jenny, who insisted on coming, upang makita lamang ang kauna-unahang babaeng nagpagulo sa buhay ng jetsetter na kapatid. Nagawa niyang kontrolin ang pagpatak ng mga luha.

In fact, Jenny made her smile by her candidness. She laughed and was horrified nang ikuwento nito ang pagpang-abot ni Zandro at Lance. At inimbitahan siya nito na dalawin ang Alta Tierra and meet her two brothers and their families. She refused politely.

Pero hindi gayon nang si Nathaniel at Jasmin ang dumalaw sa kanya. Muling bumigay ang mga luha niya.

“How are you, my princess?” s i Nathaniel who reached for her at niyakap siya nang mahigpit na halos ikapugto ng hininga niya.

Wordlessly, hinayaan niyang yakapin siya nito and cried silently on his chest. He was rocking her softly, craddling her like a long lost child. His eyes misty. Si Jasmin ay tahimik na lumabas upang huwag mapahagulhol ng iyak.

Matagal bago kumawala si Jewel and forced a smile. “I wet your shirt...” s inabayan niya iyon ng singhot.

“Caramba! You can wet them all,” wika nito na tumingala upang punuin ng hangin ang dibdib.

“So, my most handsome and macho cousin still wears his hair long, ha?” Buong pagmamahal na hinagod niya ito ng tingin.

“Do I still look handsome to you after all these years?”

“You will always be, Nat. Remember you are one of my favorite persons in the whole world,” she said softly na bahagyang ikinangiti ni Nathaniel. It was her childish declaration ng pagmamahal sa kanilang dalawa ni Marco.

Makalipas ang ilang segundo’y humugot ng buntong-hininga si Jewel. “S-sino ang babaeng pinakasalan niya, Nat? Maliban sa ang pangalan niya’y—D-Diana?”

“Jewel...”

“I’m—okay,” aniya bagaman muling nabasag ang tinig. “I have learned to accept that we are really not meant for each other. Our love wasn’t meant to be.” s he tried to shrug her shoulders casually. “You know, some good things never last...” s inabi na sa kanya ni Bernard iyon noon when she asked him about his affair with Sandra Montejo, which later ay nalaman niyang sa kanya ipinatungkol ng binata. “...at k-kung wala si Lenny ay baka hindi ko alam ang gagawin ko...”

“Don’t do this to yourself, Jewel...”

Mabilis siyang humarap. “I hate him, Nathaniel! I hate him!” she cried passionately. Pagkatapos ay nag-ulap na muli ang mga mata at sa mahinang tinig ay idinugtong: “But I–I also love him. At gusto kong malaman kung ano ang nangyari noong panahong iyon. Emerald refused to talk, ganoon din si Marco at kahit ang Tiya Julia...”

Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Nathaniel bago nagsalita. “Basically, Diana is a good woman, Jewel. Sa pamilya ay kami ni Jasmin ang una niyang naging kaibigan. How things went sour ay hindi ko alam.” p agkatapos ay umiling ito nang makita ang muling pamumuo ng mga luha sa mata niya.

Patalikod na nagmura si Nathaniel.

“S-silly me. Nag—nagseselos ako na nakalapit siya sa iyo.” s inikap niyang ngumiti kasabay ng pahid ng luha.

“No one took your place in my heart!” baling ni Nathaniel sa kanya sa pagitan ng banayad at marahas na tinig. “And enough of this conversation!” dugtong nito pagkatapos sa tonong alam ni Jewel na hindi mababali. “Hindi na mahalagang hukayin pa ang nagdaan. What I want you to do now is to live back your life again, like you used to. At inuutusan kitang iyon ang gawin mo…”

Pinuno niya ng hangin ang dibdib at tumanaw sa labas ng malalaking bintanang capiz.

“I don’t know why he kept us here. Lagi niyang kasama si Lenny. Gusto niya marahil punan ang mga panahong nawala sa kanilang mag-ama.” s a nag-aalalang mga mata ay tumingala rito. “Ano sa palagay mo ang sasabihin ng—ng a-asawa niya sa pananatili namin dito, Nat?”

“Hindi ko rin alam. Diana stopped seeing and confiding us a long time ago. But the marriage is on the rocks bago pa man nalaman ni Bernard ang tungkol sa iyo. There were rumors about Diana filing an annulment pero hindi namin alam kung ano na ang nangyari. Nobody wants to talk about it. Not even Bernard.” a t sa nanlulumong mga mata ay tinitigan siya at huminga nang malalim.

“He may have loved you so much, princess. In fact, never stopped loving you. But he will not personally end his marriage with Diana. Hindi manggagaling kay Bernard ang pakikipaghiwalay kay Diana dahil nagbalik kang muli. Not that he won’t move heaven and earth to have you back, pero isang Fortalejo si Bernard. He had to do what is honorable even if it kills him.”

“H-hindi ko inaasahang gagawin niya iyon, Nathaniel. I would not even want him to do that...”

Tumango si Nathaniel. “But you can fight for him,” mariing sinabi nito. “He maybe expects you to fight for him. Legally, ang kasal ninyo ni Bernard ang higit na pahahalagahan ng batas.

“I—can’t do that.” n ahahapong naupo siya sa gilid ng kama. “Tulad ni Bernard, I don’t want to hurt another woman,” she said bitterly. “Dito nagtatapos ang lahat sa amin ni Bernard, Nat. Perhaps we really are not meant for each other...” g usto na muling mabasag ang tinig niya roon. She took a deep breath at tumingala.

“Natutuhan ko nang tanggapin iyan sa loob ng ilang araw. Lenny helped me through. I can love him from afar. At least, I have his son to cherish forever...” s a kabila ng pagsisikap na huwag bumukal ang mga luha ay kusang bumagsak iyon sa mga pisngi niya.

“Dammit, can’t we talk of something else?” Si Nathaniel na nahihirapang tingnan si Jewel.

She smiled thru tears. “N-naiinis na nga ako sa sarili ko, alam mo ba iyon? Hindi na maubos-ubos ang luhang ito...”

Nathaniel hunched his shoulders sa panlulumo. Hindi na nito alam kung ano ang tulong na magagawa pa para sa dalawang taong mahalaga sa buhay nito.

“How I wish Leon’s money could buy happiness, Jewel,” malungkot nitong sinabi. “Nakakulong kayong tatlo sa isang pyramid kung saan isa sa inyo ang kailangang gumawa ng paraan upang makalabas. At wala isa man sa inyo ang gustong gawin iyon. Sa inyong dalawa ni Bernard, ang pagiging honorable ang dahilan. On Diana’s part…” h uminga ito nang malalim at umiling.

“She was forever jealous of you not because she was heaven and earth in love with Bernard... but it hurts her pride so much. She’s very beautiful, you know.”

“Yeah, I saw her,” she sighed miserably. Pagkatapos ay biglang tumigas ang mukha. “But I won’t stay here like some kind of a mistress, Nathaniel. Tinitiyak ko sa iyo iyan.” i tinaas niya ang mukha bilang pagdiriin sa sinasabi.

“Ano ang ibig mong sabihin?”

“I owned part of the Fortalejo empire and I am taking my place!” Itinaas niya ang mukha bilang paghamon. Hinihintay na pasubalian ni Nathaniel ang sinabi. Isang buntong-hininga ang pinakawalan nito .

“When everybody thought that you really died, Emerald offered your share for free to Zandro. Only Zandro insisted on paying it. Ang perang ipinamana sa kanya ni Leon, bagaman hindi sapat, ay ginamit niya upang bayaran ang shares mo. And you can’t buy it back, Jewel. You can hardly afford it now. KGC is more than big. KGC is going international… dito ibinuhos ni Bernard ang buong panahon niya sa nakalipas na mahigit dalawang taon.”

Nanlumo siya. Hindi dahil sa hindi birong kayamanang nawala, kundi papaano siya babangong muli kung wala ang power na dulot ng isang KGC stockholder.

Noon, hindi mahalaga ang minana niya mula kay Leon dahil mas mahalaga si Bernard kaysa alinmang yaman sa mundo. She was that impractical and idealistic. But she was young and so much in love.

Now she’s older. She had lost her inheritance and Bernard as well. There were times na naisip niyang hindi na lang sana siya nagkamalay and Bernard would soon learn about his son.

Hindi siya masasaktang palakihin ng ibang babae si Lenny, like Diana. Hindi niya malalaman iyon.

But it hurt like hell now.

Sandali siyang nag-isip at pagkatapos ay tumingala kay Nathaniel. “I may not want to claim my rights with Bernard bilang legal niyang asawa, to avoid scandal, to avoid people getting hurt. But I will and can claim my rights sa kompanya. As a recognized granddaughter of Leon Fortalejo, as Bernard’s legal wife, at bilang representative ng nag-iisang tagapagmana ng Fortalejo empire— ang anak ko!”

Hinagod siya ng tingin ni Nathaniel sa determinasyon ng tinig niya, and then he smiled silently. Now, she’s talking.

“Welcome back, my princess.”

“HINDI mo ako maikukulong dito, Bernard!”

“Hindi ka nakakulong, Jewel,” he said wearily. “Malaya kang kumilos at ikutin ang buong Paso de Blas.”

“At ano ang gusto mong isipin ng mga tao sa akin? Kept woman mo?” angil niya. “Don’t do this to me, Bernard… please…”

“Hindi nila iisipin sa iyo iyon dahil hindi ako dito natutulog mula nang magbalik ang memorya mo. Tuwina’y nasa hotel ako. Naririto lang ako sa umaga upang ipasyal ang anak ko,” sagot nito. Hindi kailangang sabihin sa kanya kung gaano ito nahihirapang gawin iyon. Hanggang maaari ay gusto nitong manatili sa tabi niya.

Itinaas ni Jewel ang dalawang kamay and opened her mouth to argue with him. Then closed it again at nahahapong naupo sa sofa.

“A-ano ang sinasabi ng—ng—I mean, you are not suppose to be...”

“I have no idea,” agap nito. “Diana and I haven’t talked for weeks now.”

“Oh, Bernard, you can’t do this...”

“Ano ba ang ginagawa ko, Jewel?” he asked painfully.

Sa tingin ni Jewel sa loob ng ilang araw mula noong magbalik ang isip niya’y malaki na ang inihulog ng katawan nito. He looked older, and it pained her to see him like this.

Sa kabuuan ng pangmalas niya rito ay hindi na ito ang Bernard na kilala niya more than two years ago. He has changed physically. He looked older, so businesslike, and so powerful in his business suit.

Ngayon, nakikita niya ang pangingitim ng ilalim ng mga mata nito sa hindi pagkatulog. At ang higit na masakit ay wala siyang magawa para dito.

What is going on with his marriage? Nasaan si Diana at ilang araw na sila rito’y wala siyang nalamang tumawag man lang ito?

“I want you to be here because this is your home, yours and Lenny,” patuloy ni Bernard.

“Lenny’s but not mine,” agap niya.

“At katungkulan kong sunduin ang anak ko sa umaga at ipakilala sa mga tao at sa mga kamag- anak niya,” patuloy ni Bernard na tila hindi siya nagsalita.

“I have so many things to catch up on with him. At kung gusto ni Lenny na umuwi sa Maynila ay ibabalik ko agad. But my son wanted to stay here. It was his choice. At ngayon pa lang ay gusto ko nang ipakita sa kanya ang lupaing mamanahin at pagyayamanin niya pagdating ng araw...”

Huminga siya nang malalim. “All right. Dito kayong mag-ama at babalik ako sa Maynila...”

“No!”

“Bernard, please listen to reasons,” she pleaded. “I just can’t stay here like this. Hindi man ganoon ang intensiyon mo ay iyon ang lumalabas. Iyong para akong mistress, kept woman. Now, I want to work...sa kompanya. Management graduate ako, kung nakakalimutan mo. I had a part-time job in Texas when I graduated bago namatay ang Lolo.”

Marahas na tumaas ang mga mata ni Bernard sa kanya. “No wife of mine would work to...”

“I am not your wife anymore!” she said angrily. “Never have been except in the papers! How can you ridiculously claim two wives at the same time?” Muling namuo ang mga luha niya sa mga mata but she wouldn’t let it fall. She just couldn’t keep on crying all the time.

Matagal bago sumagot si Bernard. Muling inihilig ang ulo sa headrest ng executive chair at pumikit. Pagkahapo ang nasa mukha nito that Jewel bit her lip at iniwas ang tingin. Makalipas ang ilang sandali’y muling tumingin sa kanya.

“Alright, magpapatawag ako ng board meeting sa Kristine. I will appoint you as my executive assistant. You will work side by side with Zandro...”

She sighed in relief. “Thank you...”

“On one condition...”

Nagsalubong ang mga kilay na muli siyang nag-angat ng mga paningin dito. “A-anong kondisyon...”

“Uuwi ka rito sa Paso de Blas tuwing hapon, Jewel,” he said firmly na ikinapanlaki ng mga mata niya. “Ang helicopter na ginagamit ni Mitch ay maa-assign sa iyo.”

“But… but…”

“Mula sa Kristine Cement hanggang sa bahay nina Marco ay isang oras kung walang traffic,” paliwanag nito na para bang hindi niya alam. “The same travel time kung dito ka uuwi sa hapon. May anak ka, Jewel. Kailangan niya ang ilang oras mong hindi ginagamit sa kompanya…”

Hindi niya kayang i-argumento iyon. “W-what about you?”

“I am on indefinite leave. I have been working hard for years now. I guess I have to tone down a little. Besides, I have a son to attend to... ” t umaas ang isang sulok ng bibig nito bilang pagngiti na hindi naman umabot sa mga mata.

Wala siyang maisagot doon. Slowly, humakbang siya palabas. Malapit na siya sa pinto nang tawagin siya ni Bernard. Nilingon niya ito.

He sighed, then twisted his lips upward in a bitter smile. “I only want to tell you that if it is within my human power, I’d like to bring back the hands of time. To the time when I first made love to you...” he spoke softly.

She almost broke into tears at bago nangyari iyon ay mabilis siyang tumalikod at binuksan ang pinto at lumabas, closing the door slowly na tila ba isa itong manipis na salamin.