County Hospital, Texas
D ALAWAMPUNG araw mula nang maka-recover si Jewel sa coma. Araw ng paglabas niya sa hospital. Kausap ni Anna, Marco at Emerald ang attending physician ng dalaga.
“How come she doesn’t remember what happened to her, doctor?” Si Anna sa manggagamot. Nakikilala siya ni Jewel pero maraming mga bagay ang dalagang hindi natatandaan.
“Partial memory loss, Mrs. Fortalejo,” sagot ng doktor. “Amnesia, and it is normal considering her circumstances. We don’t know how long will it take but it’s a slow process, you know. She may remember some things slowly...” s andaling humugot ng buntong-hininga ang doktor at iginala ang paningin sa tatlong nasa harapan. “Or maybe never...”
“Oh!” Si Anna na nanggigipuspos.
Si Emerald ay yumuko na hindi malaman kung paano pipigilin ang pag-iyak.
“Does she know that she’d been in a coma for eighteen months?” patuloy ni Anna. Ilang beses na silang nagkitang mag-ina pero hanggang sa mga sandaling ito ay hindi nito nasabi sa anak iyon.
“We haven’t told her about it. We will leave it up to you to tell her.”
“Is it possible that she will suffer a relapse, doctor?” Si Marco.
Umiling ang doctor. “We have checked her up thoroughly. Have done the necessary CT scan and series of examinations. Her brain is perfectly normal which is amazingly unbelievable, Mr. de Silva. Though she may or may not remember at all some of the things in the past.”
“How can you explain it, doctor?” Si Emerald na nate-tense sa nakatakdang pagkikita nilang magkapatid. “I mean—her recovery when no one gave us hope that she will...”
Ngumiti ang doctor. “No explanations, Mrs. de Silva. One of those miracles modern science cannot explain. Though her delivering a child to full term is already considered a miracle, still there are scientific and medical explanations to that. The baby was well nurtured since the patient’s body is perfectly normal.” i nikot ng doktor ang tingin sa tatlo at bahagyang ngumiti bago nagpatuloy.
“As to the brain, well, of all the things on earth, none is more outstanding than the human brain. Scientists have made tremendous strides in studies of the brain. And even so, what they have learned is nothing compared to what remains unknown. Our brains remain essentially mysterious. A human miracle...”
Tumango si Marco kasabay ng pagtikhim. “You see, doctor, we have an inevitable news for her that she might not take lightly. We can perhaps delay this inevitable but sooner or later she will have to know with or without our help. We fear that she may not be able to take it and may lead to a more damaging.” h uminto si Marco doon at tumitig sa doktor bago idinagdag: “You know what I mean.”
“Then I advice you have to delay telling her the news whatever it is.” Naroon ang warning sa mga mata ng doktor. “And I also advice that there be no mental stimulus until her natural resilience returns. And also, she tires easily and needs patience and understanding.”
Nagkatitigan ang tatlo. Pare-parehong may anticipation ang mga ekspresyon. Iisa halos ang nasa isip. Pagkatapos ay sabay-sabay uling tumingin sa doktor na marami pang ipinaliwanag. Tulad ng maaari nilang hayaan ang pasyenteng makaalaala ng mga bagay tungkol sa kanya sa natural na paraan at hindi ipilit para hindi ito mapuwersa at maiwasan ang matinding stress.
“Well?” nakangiting wika nito pagkatapos. Tumayo ang tatlo at kinamayan ni Marco ang doktor. “Lastly, I suggest that she takes up physical therapy for her muscles...”
“Thank you, doctor.” s i Marco.
“I WILL really miss you, Miss Fortalejo.” s i Mrs. Gibbes na sinusuklay ang buhok niya.
“Thank you for being so nice, Mrs. Gibbes,” nakangiting sagot ni Jewel. “I’ll miss you, too...”
Bumukas ang pinto at isa-isang natambad sa kanya ang ina, kapatid, at isang lalaking hindi niya kilala.
“Emerald!” Napatayo mula sa kama si Jewel. Sinabi na ni Anna na kasama si Emerald sa susundo sa kanya. Maagap na umantabay ang nurse dahil mahina pa ang mga tuhod niya.
Si Anna ay agad na nilapitan ang anak pero si Marco at Emerald ay nanatiling itinulos sa kinatatayuan. Parehong hindi makapaniwalang nasa harap nila si Jewel.
Ang marinig na buhay siya ay iba kaysa makaharap mo ang isang taong sa loob ng isang taon at kalahati ay inakala mong hindi na muling magbabalik.
“Hey!” nakatawang wika niya. “Bakit para kayong mga natuka ng ahas diyan?”
Si Emerald ay napakapit sa braso ng asawa ay unti-unting inihahakbang palapit ni Marco. Ang mga luha ay nag-uunahan sa pagdaloy.
“J-Jewel...” bulong nito na itinaas ang isang kamay at hinaplos ang mukha ng kapatid. As if wanting to be sure that she wasn’t just dreaming. “Is—it really you?”
“Gosh, Emerald, who could it be?” Kinuha nito ang kamay ng kapatid at inihaplos sa sariling katawan. “Here, touch me. O, `ayan. I’m okay. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit dito pa ninyo ako dinala sa Texas gayong puwede naman sa Maynila,” pagkatapos ay itinuon kay Marco ang tingin, sizing him up. Then she smiled. “And who is this gorgeous, Emerald?”
“Precious...” s i Marco sa gumagaralgal na tinig at sa marahas na paraan ay inabot ang hipag at mahigpit na niyakap. “Welcome back...!”
“H-hey...!” pagkalito at pagkamanghang nausal ni Jewel. Nasa mga labi ang alanganing ngiti.
Bakit siya niyayakap ng estrangherong ito? Hindi pa siya nakababawi sa pagkabigla sa mga reaksiyon ay niyakap din siya nang mahigpit ni Emerald.
“Hey, Emerald... w-what’s wrong with you all?” nagsalubong ang mga kilay na sabi niya at nilingon ang ina. “Saan ba ako nanggaling at tila nagbalik ako mula sa mga patay kung yakapin ninyo? Kahit ang Mama noong una akong dalawin...” she said with humour, unknowingly uttered the near truth.
Nagkatinginan ang tatlo. Si Marco ay tumaas ang isang sulok ng bibig sa sinabi niya. Tumikhim si Anna na nagpahid ng mga mata at sinikap na huwag patangay uli sa mga luha.
“Tara na kayo, mga bata. Sa bahay na tayo mag-usap,” wika nito sa awtorisadong tono bilang ina kasabay ng paghila sa wheelchair na gagamitin ni Jewel palabas.
Bagaman gustong tumanggi ni Jewel na maupo sa silyang de-gulong ay hindi na siya kumibo. Nararamdamang hindi kakayanin ng mga binti niya ang lumakad. Nasa isip ang maraming mga katanungan.
SA WAGON ay tahimik ang lahat maliban kay Jewel.
“Siguro naman ay ipakikilala mo ako sa guwapong driver natin, Emerald?” tukso ni Jewel na sinulyapan ang likod ng ulo ni Marco.
Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Emerald at nilingon si Marco na ang concentration ay nasa pagda-drive. Pagkatapos ay nilingon ang kapatid sa likod.
“Marco is my husband, Jewel. We’ve been married for...”
“Husband!” she exclaimed. Pagkatapos ay tila nanlulumong sumandal sa sandalan. Tinutop ang ulo ng dalawang kamay. “Husband...” naguguluhang usal niya at itinaas ang paningin sa likod ni Marco na tumikhim. “W-when did you marry? Nagtanan ba kayo?” Pinaglipat-lipat niya ang tingin sa dalawa.
Hindi malaman ng tatlo kung paano sasagutin iyon. At bago pa may makaisip ay muling nagtanong si Jewel.
“Gaano ba ako katagal sa ospital at hindi ko nalamang nag-asawa ka, Emerald? And how come I don’t remember being sick and hospitalized at all? At ano ba ang naging sakit ko at kailangan n’yo pang dalhin dito sa Texas, Mommy?” Pagkatapos ay dinama niya ang tiyan. “May kinalaman ba rito ang nakita kong pilat just below my navel? What is it, appendicitis?”
Napatuwid ng upo si Anna at itinuon ang mga mata sa rearview mirror kung saan nakasalubong ang mga mata ni Marco. Si Emerald ay tumikhim at lumingon sa labas ng sasakyan.
Ilang sandali ang lumipas bago sumagot si Anna.
“Y-you don’t really remember?”
“What is there to remember?” naguguluhang tanong niya. Hindi maipaliwanag ang kabang sumibol sa dibdib.
Or was it fear?
“Let’s talk about these when we reached home,” ang banayad subalit awtorisadong tinig ni Marco.
Bahagyang natawa si Jewel sa tono nito.
“Macho cowboy, ha?” Pagkatapos ay pumikit nang may ilang sandali. “I–I seemed to remember saying that before...”
Walang nagsalita sa tatlo bagaman pawang pag-aalala ang nasa mga mukha. Si Emerald ay napakagat ng mga labi at namuo ang mga luhang nilingon ang asawa na inabot ang kamay nito at pinisil.
“Relax...” i yon ang nabasa nito sa bibig ni Marco bagaman hindi lumilingon dito.
Muli nitong ibinalik ang mga mata sa daan. Hanggang ngayon ay hindi ito makapaniwalang buhay ang kapatid. For months, she grieved for her dear little sister.
Ngayon, natitiyak niyang muli ang pamimighati niya sa maaaring kahihinatnan ng muling pagkabuhay ng kapatid.
But million times she would prefer Jewel alive than dead no matter what the circumstances!
Ilang sandali pa’y nasa bahay na sila at hindi pa naipaparada nang husto ni Marco ang sasakyan ay patakbong sumalubong si Ruby.
Bumaba ng wagon si Jewel na inalalayan ni Anna. Sinabi ng ospital na baka hindi pa gaanong malakas ang mga binti nito dahil sa tagal ng hindi pagkakagamit. Hinayaan ng dalagang hawakan siya ng ina dahil kahit paano ay nararamdaman nito ang tila panlalambot ng mga tuhod.
“Jewel!” Si Ruby na niyakap nang mahigpit ang kapatid na nagsalubong ang mga kilay.
“R-Ruby...?” nalilito niyang sinabi. Pagkatapos ay bahagyang inilayo at sinipat. “Hey, is it really you? B-bakit tila lumaki at tumaas ka, ha?”
“None other than your lovely little sister but not so little anymore...” masuyong wika ni Ruby na hinaluan ng biro ang sinabi bagaman namuo ang mga luha. “Am I so glad to see you back again, Jewel...”
Hindi nakuhang mag-entertain muli ng pagtataka si Jewel. Napangiwi at napakapit nang mahigpit sa ina.
“Bakit, hija?” agad na nag-alala si Anna. Mabilis na lumapit ang mag-asawa.
“W-wala, Mommy. I just—feel so tired...”
“Bubuhatin ko siya papasok sa bahay, Mommy.” s i Marco sa biyenan at agad binuhat ang dalaga sa pagkabigla ni Jewel.
Hindi malaman ni Jewel kung matatawa o maiilang.
“Thank you, M-Marco... that’s your name, `di ba?” Tumango si Marco and stared into her face tenderly.
“Sa atin-atin lang ito, ha...” bulong niya sa bayaw. “Pero talagang walang lakas ang mga tuhod ko at may palagay akong hindi ako makapapasok ng bahay nang hindi mabubuwal, but don’t tell Mom and Emerald. Mga great worriers ang dalawang iyan...” b ahagya niyang nilingon ang kapatid at ina na ilang hakbang ang layo mula sa kanila.
Marco grinned in a conspiratory manner at bumulong din.
“You bet, I won’t tell them.”
Nakadama ng warmth si Jewel. “Why do I have this feeling that I have known you for a long time?”
“Ow?” nakangising sagot ni Marco na ikinatango ni Jewel nang wala sa loob. “Then perhaps we’ve met a long time ago...” dagdag nito.
Bagaman nakangiti ay nabasa ni Jewel sa mga mata nito ang pag-aalala na lalo lang nagdaragdag sa mga kaguluhan ng isip niya.
“How long have you been married to Emerald? One week? Nagtanan ba kayo habang nasa ospital ako? Ba’t ngayon ko lang nalaman na nagkakilala kayo?” tuloy-tuloy niyang tanong at pagkatapos ay idinagdag: “We don’t keep secrets from each other.”
“Question and answer time?”
“Yes,” mariing sagot niya, to emphasize her feelings. “At naguguluhan ako sa mga titigan ninyong tatlo nina Mommy at Emerald. Para bang may itinatago kayo sa akin...”
Hindi sumagot si Marco at maingat na inilapag ang hipag sa isang lounging chair.
Naupo sa carpet si Ruby sa tabi ng kapatid.
“You’ve grown so tall and pretty, Ruby,” aniya na nagsalubong ang mga kilay sa pagkakayuko sa kapatid. Hinaplos ang buhok ng kapatid na nag-riot ang kulot. “I–I couldn’t believe my eyes. Ikaw ba talaga iyan?”
“Surprised to see me grow to be tall and pretty?” nakangiting wika nito.
“N-not just pretty... you’re beautiful... a classic example of an American brunette...” pagkatapos ay nagsalubong ang mga kilay niya nang mapunang sa pinakapuno ng buhok ng kapatid ay mamula-mula.
“I dyed my hair...” agap ni Ruby na ngumisi.
“Dyed?”
“Yes. I hate the color of my hair... it isn’t all dark. May reddish or brownish streak.” l umabi ito at hinagod ng tingin ang kapatid. “I really love your hair, Jewel, and also your skin...”
“And here am I na kinaiingitan ang kulay ng balat ninyo ni Emerald,” natatawang wika niya at nilingon si Emerald na nakatayo sa di-kalayuan at pinanonood sila.
Nasa mukha ang anxiety.
“Ano ang gusto mong kainin, hija?” Si Anna bago pa muling nakapagsalita si Ruby.
“I am not hungry, Mommy,” baling niya sa ina. Pumormal ang mukha. “Gusto kong sagutin ninyo ang maraming tanong na gumugulo sa isip ko,” naiirita niyang sinabi na tiningala ang tatlo. Pagkatapos ay natuon ang tingin sa may pinto patungo sa garden. Nagsalubong ang mga kilay. “Who’s that?”
Sabay-sabay na lumingon ang tatlo sa hinayon ng mga mata niya. Sabay ring napahugot ng hininga si Anna at Emerald.
“Lola...” ang batang karga-karga ng yaya na pilit na kumakawala nang makita si Anna.
“Lola?” bulalas ni Jewel na napatuwid ng upo.
Muling itinuon ang tingin sa batang lalaking nagpupumiglas mula sa pagkakakarga ng yaya at malapit nang umiyak.
Si Anna ay tumingin kay Marco. Pagkatapos ay nilinga ang yaya. “Ipasyal mo uli sa labas ang bata, Pacita...” s umunod ang inutusan at muling lumabas at sa pagkakataong iyon ay umiyak ang bata. “Ruby, darling, how about fixing us a drink, please?”
“Yes, a untie...” m abilis na tumayo ang dalagita.
Pinisil ni Marco ang palad ng asawa at pagkatapos ay naupo malapit kay Jewel. Si Emerald ay lumakad sa pinakadulong silya. Hindi malaman kung ano ang mararamdaman. She was so tense. Si Anna ay naghalukipkip at tumayo sa may tapat ng bintana na nakatanaw sa garden.
“What is this all about?” naiirita nang wika ni Jewel na pinaglipat-lipat ang tingin sa tatlo. “Do I have a terminal disease na hindi ninyo masabi sa akin at kanina pa kayo ganyan!”
Ginagap ni Marco ang palad ng dalaga at ikinulong sa mga palad nito. “You are perfectly alright, Jewel...” assurance ni Marco, although it was a half-truth.
“Bakit kung ganoon may pakiramdam akong tila may tensiyon na namamagitan sa inyong tatlo?”
Huminga nang malalim si Marco. Hinawakan nang mahigpit ang mga palad niya. “Don’t you really recognize me, Precious?” he asked softly.
Nagsasalubong ang mga kilay na umiling si Jewel. “Ngayon lang kita nakita, Marco,” paniniyak niya.
“Not with your eyes but with your heart, Jewel...” n akikiusap ang tinig nito na lalong ikinalito ni Jewel.
“Sinabi ko nang parang matagal na tayong magkakilala. Iyon ang totoong nararamdaman ko. Pero natitiyak kong ngayon lang tayo nagkita...” s inulyapan nito si Emerald na umiwas ng tingin.
Pinuno ni Marco ng hangin ang dibdib bago muling nagsalita. “Alam mo bang matagal kang nagkasakit?”
“How long? Bakit hindi ko alam kung kailan ako ipinasok sa ospital? Bakit hindi ko alam kung ano ang naging sakit ko dahil walang gustong magsalita sa inyo?” Bumangong muli ang kaba sa dibdib niya.
“Because you are sufferring from partial memory loss, Precious...”