N AGSALUBONG ang mga kilay ni Bernard. Hindi agad nakasagot. Muling humugot ng malalim na paghinga.
“Another issue, Diana?”
“Sagutin mo ang tanong ko...”
Tumingala sa kisame si Bernard at hinagod ng kamay ang batok. Literally and emotionally, he’s tired. Tired of this endless conversation. Nahahapo sa kasusuyo sa asawa, sa kapapaliwanag sa mga walang kuwentang akusasyon.
Bumaba ang mga mata nito kay Diana. At sa naghahamon na tono ay gumanti ng tanong: “Ikaw, Diana, why did you marry me?”
Ngumiti siya sa patuyang paraan. “Well, now I guess we have that to ponder, ano sa palagay mo?” Binuksan niya ang drawer sa mesa at inilabas ang tatlong magkahiwalay na mga dokumento at inilatag sa ibabaw ng mesa. “Nakikita mo ba ito, Bernard?”
Sandaling tinitigan ni Bernard ang asawa at pagkuwa’y dinampot isa-isa ang mga dokumento at binasa.
“Ang marriage contract natin.” m uli itong tumingin sa kanya sa nagsasalubong na mga kilay. Pagkatapos ay binasa ang dalawa pang mga papeles. “Ano ito? Medical certificates at...”
“I am using those papers as a basis, Bernard,” putol ni Diana sa sasabihin nito.
“Basis for what?” Nagdikit ang mga kilay ni Bernard.
“For filing our annulment...” walang anumang pahayag niya.
“Annulment!” Nanlaki ang mga mata nito. “Have you gone out of your mind?” Napalapit ito at hinawakan sa braso ang asawa.
“Hindi ako nagbibiro, Bernard,” kalmanteng patuloy niya. “Iyon ang dahilan kaya inabutan mo si Attorney dito. Ipinalalakad ko sa kanya ang annulment papers natin...”
“Dio!” bulalas ni Bernard na ibinagsak ang sarili sa silya sa harap ng mesa.
“Marami akong basis para mag-file ng annulment, my dear husband. At tiniyak ng abogado ko na lahat ng mga iyon ay valid,” halos paismid na sinabi ni Diana. “At ang importante sa lahat ay ang ikatlong dokumentong hawak mo...”
Pain, regrets, confusion, and anger. Lahat iyon ay sama-sama sa dibdib ni Bernard. Para itong natulala at nakatitig lang sa asawa. Hindi gustong paniwalaan ang mga sinasabi niya.
“Set me free, Bernard. I am entitled to some happiness, too,” patuloy niya.
“But... but...” u miling ito. “Diana, tell me this is just but a joke. Why would you want to annul our marriage?”
Naupo siya at inugoy-ugoy ang swivel chair. “Para sa ikatatahimik nating pareho, Bernard...”
“Ikaw lang ang nagpapagulo, Diana!” protesta nito. “Why can’t you leave my emotions alone? Kahit ako’y hindi ko kayang pigilin ito.” p inukpok nito ang sariling dibdib. “I am willing to give everything just to keep this marriage going. And I love you...”
“Do you?” mapait niyang tanong.
“Anong klaseng tanong iyan? Alam mong mahal kita,” pagdiriin niya.
“But you love her, too. You love her memories, you love to keep her in your heart. At iyon ang hindi ko kaya, Bernard. And I want you to be mine alone... only mine...”
“But I am yours! Oh, my god!” Sinapo nito ang ulo ng mga kamay. “Diana... Diana...”
“Sa loob ng isang taon nating pagsasama ay sinikap kong maunawaan at maintindihan,” patuloy ni Diana. Nagsisikip ang dibdib sa anyo ng asawa. “Maybe it won’t hurt so much if I leave you...”
“What the hell are you talking about!” sigaw nito. “I will not allow this annulment. Bullshit, Diana, but you’ve gone too far!”
Kumuha siya ng sigarilyo at nagsindi. Nagbuga ng usok paitaas. “Perhaps it was a mistake that we married. I thought I love you, Bernard. Oh, perhaps I still do... I’m not sure anymore. Everytime you touch me, I had this feeling that you only want me because of my passionate nature in bed, my wanton ways...”
“That’s not true!” agap ni Bernard sa sinasabi niya. So far, ito ang pinakamaigting nilang usapan pagdating sa mga bagay na ito. “You know that’s not true, dammit! If it was sex that I wanted, then there’s no need for me to marry you. I could have it anywhere, with anyone!”
“Many times, I’ve longed for tenderness from you everytime we made love,” patuloy ni Diana na tila hindi ito nagsalita. “Pero hindi ganoon, you always made love to me as if there’s no tomorrow. Na para bang sa pamamagitan niyon ay mawala kahit saglit sa isip mo ang anumang bagay na gusto mong kalimutan. Oh, well.” s he smiled faintly. “Not that I didn’t enjoy our loving together. You made sure of that. You’re a generous lover, my dear husband. No woman could ask for more...”
“Diana, you’re being ridiculous!”
“Remember when we first met? You told me that I was your ticket out of hell. Now, I realized you were wrong. I made your life a living hell, Bernard. And I can’t help it. Patuloy na kinakain ng panibugho ang puso ko...”
“Tell me what to do, Diana, at gagawin ko, kalimutan mo lang ang kahibangang iyan...” tila napapagod nitong sabi.
Hindi nito maisip na masisira ang buhay-may-asawa dahil nanatiling nasa puso nito si Jewel. Na hindi nito magawang palayain ang sarili mula sa mga alaala ng dalaga.
Mapait na ngumiti si Diana. “Do you know what I want you to do, Bernard? I want to take your heart out and replace it with a new heart. A new heart that only beats for me... naintindihan mo?” Saka malakas na tumawa.
“You’re mad!”