noveltoon logo noveltoon
Endlessly (Kristine Series 11)

Chapter 11

Ch. 12 / 34 May 09, 2025

Houston Airport

I SANG buwang mahigit na nanatili sa Texas ang mag-asawang Marco at Emerald. Tiniyak muna ng mga ito na nasa mabuting kalagayan si Jewel bago ipinasyang bumalik na ng Pilipinas.

Bagaman maraming mga bagay ang nakapagpapalito pa sa dalaga ay unti-unti na ang panunumbalik ng dati niyang lakas sa tulong na rin ng regular physical therapy.

“I wish I could go back home with you, guys...” wika niya habang niyakap si Emerald. “Baka mas madali akong makaalala sa Pilipinas.”

“Not now, Precious.” s i Marco. Umaasang hindi nahalata ni Jewel ang mabilis nitong pagtanggi. “You still haven’t completed your physical therapy. Isa pa, ang sabi ng doktor ay kailangang ma-monitor ka niya.”

“Yeah...” m alungkot siyang tumango. “Give my kisses to the twins, Emerald. I’m dying to see them. And oh, you haven’t told me their names yet...”

“Jade Ann at Romano,” sagot ni Emerald.

“I’m glad na ipinangalan mo sa Daddy ang lalaki mo, Emerald,” seryosong wika niya. n akadama ng warmth sa pagkabanggit sa pangalan ng ama. Pagkatapos ay ngumiti. “At talagang hindi nawala ang precious stones sa pangalan ng mga babae ng pamilya, ha?”

“You bet.” s i Marco na ngumisi.

“I’ll miss you, love...” h inaplos ni Emerald ang pisngi ng kapatid.

Hindi nito gustong iwan ang dalaga. They have plenty of things to catch up. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ito makapaniwala sa muling pagbabalik ng kapatid sa buhay nila. She would not even wonder if one morning she’d wake up finding it all but a dream.

Kung maaari ay makasama nito si Jewel nang matagal subalit kailangan din sila ng kambal at ang mga nakabinbing trabaho ni Marco sa Kristine Steel.

Bukod doon ay hindi alam ni Bernard kung bakit sila umalis ng Pilipinas na mag-asawa. Nagulat pa nga ito sa unscheduled tour nila days after their anniversary. Pero nang sabihin nilang may importanteng pinaaayos si Anna ay hindi na nagtanong si Bernard.

“Me, too. Pero huwag kayong mainip, isa sa mga araw na ito ay gugulatin ko na lang kayo. I will be at your doorstep,” at saka tumawa ang dalaga. Nakitawa rin si Emerald bagaman pilit.

Si Marco ay umiwas ng tingin. He dreaded the day na bumalik sa Pilipinas si Jewel, tuluyan mang nanauli ang alaala o hindi. Humakbang patungo sa pinagbabaan ng mga maleta ng taxi driver. Nang bigla itong mabunggo ng isang nagmamadaling babae. Bumagsak sa baldosa ang clutch bag nito.

“Opps! I am sorry...” paumanhin ni Marco bagaman ito ang bumunggo sa kanya.

Yumuko at dinampot ang bag ng babaeng foreigner na sumabog ang ilang laman sa baldosa. Iniabot ng isa-isa rito.

“This is embarrassing,” nakangiting wika ng magandang blond na pansamantalang napamaang kay Marco.

“Here...” i sang lipstick ang iniabot nito sa babaeng nakamata sa kanya. Hinagod ng tingin mula ulo hanggang paa ang lalaki at hindi itinago ang paghanga rito.

“It was my fault, I was in a hurry.” i nabot nito isa-isa mula kay Marco ang mga gamit at ipinasok sa bag. Pagkatapos ay tumingin sa labasan ng mga tao. “Oh, dear, there he is...” m abilis na ikinaway nito ang isang kamay upang mapuna ng isang pasaherong bagong dating.

Sinundan ni Marco ng tingin ang kinakawayan ng babae at nagsalubong ang mga kilay nito. Ang lalaking parating ay sandali lang napatitig sa babaeng nabunggo nito at agad natuon kay Marco ang mga mata at pagkuwa’y unti-unting binitiwan ang isang ngiti. Bumilis ang mga hakbang papalapit. Agad na inilahad ang kanang kamay kay Marco.

“I never thought I’d see you here, Attorney de Silva...” wika nito habang ang babae ay agad kumapit sa braso ng bagong dating.

“Welcome back, darling,” masuyong wika ng foreigner na tumingkayad at hinagkan sa mga labi ang binata.

“Lawrence Navarro...” usal ni Marco na ngumiti at inabot ang nakalahad na kamay ng binata. “You were on that plane?”

“Yeah. And this is Michelle or have you met?” yuko nito sa magandang babaeng nakapulupot sa braso na agad na nagpaliwanag kung paano sila nagkabungguan ni Marco. Nagpatuloy sa pagpapakilala si Lance. “Michelle, this is Marco de Silva, a friend and business associate...”

Inilahad ng babae ang kamay and flashed a very seductive smile. “I’m pleased to meet you. Are all Filipinos as gorgeous as you two...?”

Ngumisi si Marco. “I’m also pleased to meet you, Michelle...”

Hindi sinasadyang lumampas sa ulo ni Marco ang tingin ni Lance. And it was then that he saw her. A silent whistle echoed in his mind habang hinahagod ng tingin si Jewel.

Tall and slim. But elegantly and sensually built. Legs that went on forever. A honey-colored skin... no... no... lighter than honey. And the long and silky hair is midnight black.

The most exotic creature he had ever seen.

A soft jaw accentuated her perfect face, her eyes large and very dark and thickly lashed. Her lips richly defined, in copper colored lipstick.

Natuon ang paningin nito sa dibdib ng dalaga at nagpakawala ito ng marahang pagsinghap. She was wearing a knitted blouse and an unpadded bra that outlined her breasts.

The kind that men want to die for.

Tumikhim si Marco at ang babaeng nakakapit sa braso ni Lance ay nagsalubong ang mga kilay na tumingala sa binata.

“Is that your wife, a ttorney?” ani Lance na sapilitang ibinalik ang tingin kay Marco.

“Oh, yes...” n ilingon nito si Emerald at Jewel na humakbang palapit. “Sweetheart, kilala mo si Lance Navarro, `di ba?”

Emerald smiled sweetly. “Of course. I met him once sa anniversary ng Kristine a year ago. Hello, Mr. Navarro...”

Lance gave that famous irresistible smile. “Nice meeting you again, Mrs. de Silva...” pagkatapos ay itinuon ang paningin kay Jewel.

Nakamata lang si Jewel but couldn’t help admiring the very striking man in front of her. With shaggy hair that almost touched his broad shoulders. Nagsalubong ang mga kilay niya roon at pipikit sana kung hindi nagsalita si Emerald.

“And this is my younger sister, Jewel. Jewel, si Lance Navarro, anak ng isa sa mga associates ng kompanya...”

Pilit na ngumiti si Jewel. Mabilis na inilahad ni Lance ang kamay sa kanya na alanganing tinanggap ng dalaga kasabay ng paglingon sa kapatid.

“M-may naalala akong katulad ng buhok niya, Emerald. Hindi lang lumilinaw sa isip ko...” wala sa loob niyang sinabi.

Tumikhim si Marco. Si Nathaniel ang pumapasok na pilit sa isip ni Jewel. At bago pa ito nakaisip ng sasabihin ay muling nagsalita si Lance.

“Ikinagagalak kong naatraso ng kalahating oras ang paglipad ng eroplano ko mula Pilipinas...” he said huskily na hindi binibitiwan ang kamay ng dalaga. Halos nakalimutan ang babaeng nakapulupot sa braso nito kung hindi pa ito tumikhim. “And, oh, this is Michelle...”

Muling tumikhim si Marco nang marinig ang pagtawag ng mga pasahero sa ere.

“Kung hindi ka nagmamadali, Lance, puwede bang humingi ng pabor?”

“Anytime, Marco...” sagot nito na hindi inaalis ang tingin kay Jewel. Banayad na hinila ng dalaga ang kamay.

“Could you, please, take my sister-in-law home?”

“Marco...” protesta ni Jewel. “Maaari naman akong...”

“Of course,” agap ni Lance na hindi binigyan ng tsansa si Jewel na tumanggi. “You brought my car, Michelle?” wika nito sa magandang foreigner na bahagyang sumimangot.

“It’s in the parking, darling...” sagot nito, pouting her lips.

Sa amusement ni Jewel, ang paraan ng pagkakakapit nito kay Lance ay tila gustong ipahiwatig sa lahat na property nito ang binata.

Hinawakan ni Emerald ang braso ng kapatid. “Papasok na kami sa loob at tinatawag na ang mga pasahero. Mag-iingat ka at tumawag ka kung may problema...” at niyakap nito ang kapatid na kung hindi dahil sa mga nakapaligid ay gusto na namang umiyak.

“Goodbye, Precious. Hindi ako mapalagay na mag-taxi kang mag-isa, lalo at malapit na ang gabi...” bulong ni Marco sa kanya. Hindi nakasama si Anna kahit na gusto nito dahil hindi pumayag si Jewel dahil masama ang pakiramdam ng ina. “At kilala ko si Lance Navarro.”

Tumango si Jewel. Naunawaan ang bayaw. “I’ll be fine. Huwag kayong mag-aalala...” reassurance ng dalaga. Inihatid nito ng tanaw ang dalawa matapos magpaalam kay Lance at Michelle.

“Shall we go?” nakangiting wika ni Lance sa dalaga. “Ain’t this my lucky day? I’m in a company of two beautiful ladies...”

“Are you really coming with us?” s i Michelle kay Jewel na nagsalubong ang mga kilay. Inisip nitong pag-alis ni Marco at Emerald ay tatanggi ang dalagang makisabay sa kanila.

At bago pa makasagot si Jewel na magta-taxi na lang siya ay maagap nang nagsalita si Lance.

“You heard Marco’s request that I take her home, Michelle,” sagot ni Lance sa tinig na walang pasubali.

“Take her home then! I’m taking a cab,” padabog na sagot ng foreigner at mabilis na humakbang palayo at tumawag ng taxi.

Hindi malaman ni Jewel ang gagawin. Sinundan ng tanaw ang magandang blond na sumakay ng taxi. Pagkatapos ay hinarap si Lance.

“I–I am sorry about that. Hindi mo dapat na...”

“Oh, don’t worry about her.” n agkibit ng mga balikat ang binata. Dinampot ang attache case at hinawakan siya nito sa siko at lumakad na patungo sa pinagparadahan ng kotse. Atubiling sumunod ang dalaga.

Matapos ituro ang address ng apartment na tinitirhan nilang mag-iina ay inihilig na ni Jewel ang ulo sa headrest. Enjoying the comfort of the luxury of his car and mindless of the handsome man beside her.

Si Lance ay pasulyap-sulyap sa kanya. Sa kauna-unahang pagkakataon ay hindi alam kung ano ang sasabihin dahil sa kauna-unahang pagkakataon din ay may babaeng hindi nagpasimula ng usapan. In fact, hindi interesadong makipag-usap sa kanya, only she’s too polite to show it.

“Hindi ko alam na may kapatid si Mrs. de Silva,” pasimula ng binata. “Although you are both stunningly...”

“Beautiful,” dugtong ni Jewel sa sasabihin nito at nilingon ang binata at tipid na ngumiti. “Though she’s as fair as I am dark....”

He almost blushed. And when was the last time he’d really felt red? When he was twelve? Napatikhim ito.

“I guess you’ve heard that a million times already...”

Tumango si Jewel na nakangiti pa rin. “Yeah. At natutuwa ako at may mga taong gusto ang pagiging morena ko or else I would have felt insecure beside Emerald. She’s really very pretty. At higit pa siyang gumanda mula nang maging mother ng kambal...” aniya na muling nilingon ang binata. Wala kahit na bahagyang bahid ng panaghili ang tinig, sa halip ay pagmamalaki ang naroon.

“And so are you,” he said softly, almost breathlessly.

“Thank you,” sagot ng dalaga at muling itinuon ang mga mata sa dinadaanan at hindi na muling kumibo.

Ilang sandali pa’y nasa tapat na ng apartment nila si Jewel. Hindi na nito hinintay na bumaba si Lance at maagap na binuksan ang pinto sa tabi niya.

“You could have allowed me the simple courtesy of opening your car door.” m ay bahagyang galit sa tinig ni Lance na hinawakan siya sa braso.

“I’m sorry, no offense meant,” paumanhin niya. “And thank you for taking me home, Mr. Navarro,” magalang niyang sinabi bago bumaba. “I am sorry kung hindi kita mapapatuloy...” i yon ang pinakamahabang biyaheng ginawa niya mula nang lumabas siya ng ospital at nakadarama siya ng pagkahapo.

“My pleasure, Jewel,” sagot ni Lance na nagsalubong ang mga kilay. She looked tired and a little bit pale. And he really wanted for her to invite him in pero hindi ito nagpilit. “Are you alright?”

Isang ngiti ang pinakawalan ng dalaga sa concern mula sa tinig ng binata.

“Of course. Just a little bit tired. A little rest would do the trick. Goodbye, Mr. Navarro...”

“Call me Lance, Jewel. And I am seeing you again,” he promised at saka pinihit ang ignition ng Jaguar.

ILANG sandali pa’y nasa sariling hotel suite na rin niya si Lance. Matapos iparada ang sasakyan ay tuloy-tuloy ang binata sa elevator, hindi napupuna ang humahangang mga mata mula sa ilang babaeng kasabay sa elevator.

Sa 9th floor ay nagtuloy ito sa sariling unit. Sinusian ang pinto at pagkatapos ay inihagis ang susi sa center table at nagtuloy sa minibar at kumuha ng alak at lumakad patungo sa sariling silid. Pinangalahati ang laman ng kopita.

Napapagod siyang talaga mula sa maraming isang oras na biyahe at gusto niyang magpahinga. Perhaps after a good shower. Inilapag niya ang brandy glass sa mesa at nag-alis lahat ng kasuotan at pagkatapos ay pumasok sa banyo at naligo.

Ibinubuhol niya ang tuwalya sa may baywang habang ang isa ay ipinupunas sa buhok. Sa paglabas ng shower room ay bahagya siyang nahinto sa may pinto nang makitang may nakahiga sa ibabaw ng kama niya.

Nakapailalim sa kumot ang katawan. At sa nasulyapang mga damit ng dalaga sa settee, natitiyak niyang hubad ito sa ilalim ng kumot niya.

“How did you get in?” aniya na itinaas ang mga kilay, in half-amusement and half-irritation.

Ibinagsak sa sahig ang tuwalyang ipinampatuyo ng buhok.

She gave him a seductive smile. “Have you forgotten, darling, that you gave me an extra key?”

He smiled lazily at the naked woman. “I thought you went home...” aniya at humakbang patungo sa tokador at nag-brush ng buhok.

Mula sa salamin ay nakita niyang bumangon mula sa kama si Michelle. Parang diyosa ang malasutlang balat at tila korona sa liwanag ng ilaw ang blonde nitong buhok. Lumakad ang dalaga palapit sa kanya at mula sa likod ay niyakap siya. Her breasts on his back.

“Forgive me, Lance. I was jealous with that Filipina friend of yours. I know how you preferred dark women and that fella is a real looker.” s he erotically traced his back with her lips. Pagkatapos ay bumaba ang mga kamay sa buhol ng tuwalya ng binata at tinanggal ito at ibinagsak sa sahig.

Banayad na kumawala si Lance at lumakad patungo sa kama at nahiga. Inilagay ang mga kamay sa ilalim ng ulo and closed his eyes uncaring of his naked body na buong paghangang hinagod ng tingin ng dalaga.

She joined him in bed and cover his body with her body and allowed her breasts to fall on his broad chest habang ang isang kamay ay humagod sa katawan ni Lance pababa... to his groin while kissing his lips.

Si Lance ay gumanti ng halik pero hindi inalis ang mga braso mula sa pagkakaunan. At hindi niya kailangang gawin iyon. Michelle was on top astriding him. She kissed and touched him everywhere. The blue eyes ablazed with passion.

He smiled silently. Ang mga mata ng dalaga ay parang apoy sa kalan. Asul na nagliliyab. Sinikap niyang i-concentrate ang atensiyon sa ginagawa ng babae.

“What is wrong with you, Lance?” naguguluhang tanong ni Michelle makalipas ang ilang sandali. She was so hot and frustrated and Lance was only half-aroused.

He smiled sheepishly. “Sorry, honey. I guess I’m tired from the...”

“Tired?” agap nito na umalis mula sa kama at humakbang patungo sa pinag-iwanan ng tuwalya. Dinampot at itinapis sa katawan. “We made love the whole night the last time you arrived from the Philippines! Something’s wrong with you...”

Nagkibit ng mga balikat ang binata. Pulled the bed linen at tinakpan ang ibabang bahagi ng katawan.

“There’s nothing wrong with me. Just tired, Michelle. You can believe that.”

Hindi siya nagsisinungaling. Sadya siyang pagod pero hindi rin nagsisinungaling si Michelle na sabihing maraming beses na siyang napuyat at napagod pero hindi pa nangyaring hindi nag-react ang katawan niya sa ginagawa nito.

“Damn you, Lance!” galit nitong sigaw na kinuha ang damit sa sofa at nagbihis. Dinampot ang handbag at nagdadabog na lumabas ng unit at ibinagsak ang pinto.

Umiling si Lance at itinaob ang sarili sa higaan at muling ipinikit ang mga mata. At sa kabila ng pagnanais na makapagpahinga ay may isang anyo ang pilit na nagsusumiksik sa isip.

A dark an exotic beauty.