noveltoon logo noveltoon
Endlessly (Kristine Series 11)

Chapter 12

Ch. 13 / 34 May 09, 2025

T AHIMIK na pinanonood ni Jewel ang paglalaro ng anak. Pilit na kinakapa sa isip kung sino sa mga kakilala niyang lalaki sa unibersidad ang posibleng kasintahan niya.

Subalit wala siyang natatandaang napaugnay siya alinman sa mga nanliligaw sa kanya. Isa pa, natitiyak niyang hindi alinman sa mga iyon. Ang abot ng kanyang alaala ay noong nineteen years old siya. Ang sabi ng Mommy niya’y almost twenty-five na siya ngayon.

She was in a coma for eighteen months at may anak siya!

Muling binalikan sa isip ang unang araw na lumabas siya ng ospital. Nang sapilitan siyang humingi ng maraming eksplanasyon kay Marco sa kakaibang reaksiyon ng mga ito sa kanya. At hindi niya halos mapaniwalaan ang sinabi nito.

As if she was watching some movie scene.

“Memory loss!” bulalas niya sa nanlalaking mga mata at mabilis na pinakawalan ang mga palad na hawak ng bayaw at napatuwid ng upo.

Nilinga ang ina at kapatid na sa tingin niya ay pare-parehong natetensiyon. Ibinalik ang tingin kay Marco.

“Why?” wala sa loob niyang tanong at titig na titig sa bayaw. Kinakabahan sa susunod na sasabihin nito.

“You were in a coma for eighteen months and twenty days, Jewel...”

“I was in a... in a... oh, my...!” Nawalan ng kulay ang mukha ng dalaga. Nagkandautal. “This is ridi...”

“Iyan ang dahilan kaya hindi mo ako nakikilala,” agap ni Marco. “You only remember things before Emerald met me. And Jewel, hindi ka na nineteen but almost twenty-five...” n arinig ni Marco ang paghugot niya ng matalim na paghinga. Nagpatuloy ito.

“Emerald and I have been married for more than five years at may mga pamangkin kang kambal. A boy and a girl. They’re one year and eighteen months and twenty days now to be exact...”

Marahas na napalingon si Jewel kay Emerald na tumango. Napuna niya ang pagkislap ng mga mata nito sa namuong mga luha.

Gumana ang isip niya. “I–I got into coma at the—the same time you gave birth?” Muling tumango si Emerald kasabay ng pagkagat ng mga labi. Hindi magawang magsalita. “W-why? Why was I in coma for—” n ilingon niya si Marco. “Eighteen months!?”

Tumango si Marco na sinabayan ng malalim na buntong-hininga. “You had an accident, Jewel...”

Lalo nang nagdikit nang husto ang mga kilay ng dalaga. Lumalim ang gatla sa noo. Wala sa loob na tumaas ang kamay sa isang bahagi ng kaliwang ulo niya. Nakapa na niyang minsan ang pilat na iyon minsang nagsusuklay siya sa ospital. Isang pulgada ang haba at sa wari ay hindi na tinubuan ng buhok ang bahaging iyon. Dangan nga lang at natatakpan ng mahaba at makapal niyang buhok.

“A-accident? W-what are you talking about?” g umagaralgal ang tinig niya. Tumingala sa ina. “Mommy...?” She was confused and scared. Sunod-sunod ang tibok ng dibdib.

Mabilis na nilapitan ni Anna ang anak at niyakap.

“Hindi mo ba naalala ang birthplace ng Daddy, anak?” Tuluyang napaiyak si Anna sa pagkabanggit sa pangalan ni Romano. Many times she wished him alive at nasa tabi niya. Subalit higit nitong kailangan si Romano sa mga sandaling iyon para sa anak.

“Your father was from Paso de Blas, `di ba?” patuloy nito sa basag na tinig. “Emerald went there to meet your grandfather, Leon Fortalejo...”

Naguguluhang umiling lang dalaga. Pumikit sandali at pagkatapos ay tinitigan ang ina at si Marco.

“I–I seemed to remember... yes... Paso de Blas, that’s Daddy’s birthplace. But you never allowed us to...” h uminto sandali at muling umiling. “No... yes... Emerald went there and...” n apapikit siyang muli. Ginitian ng pawis sa noo. “M-may tila ulap sa isip ko, Mommy...” she sobbed at mahigpit na napayakap sa ina.

Naghahalo sa damdamin ang pagkalito at takot.

“Huwag mong pilitin ang sarili mo, Jewel.” s i Marco. “Sinabi ng doktor na unti-unti ay magbabalik sa isip mo ang lahat. Magpasalamat tayo at kahit paano ay partial lamang ang pagkalimot mo...” t umayo ito pero inabot ni Jewel ang kamay nito.

“Ano ang sanhi ng aksidente ko, Marco?”

“Nahulog ka mula sa isang matarik na lugar,” sagot nito sa nahahapong tono. “Please rest. Huwag mong apurahing alalahanin ang lahat. Baka makasama sa iyo. Ang mahalaga’y alam mo na ngayon kung bakit may mga bagay na hindi mo maalala...”

Nanlulumong muling sumandal ang dalaga. “No wonder Ruby seemed older... at kaya pala parang... parang walang lakas ang mga tuhod ko...”

Tinabig ni Lenny ang binuong mga Lego sets at naghiwa-hiwalay ang mga ito. Nagbalik sa kasalukuyan ang isip ni Jewel. Nanlulumong nilapi tan niya ang anak. Masuyong hinaplos ang buhok nito.

“I wish I could remember who your papa is, Lenny...” wika nito sa nagbabarang lalamunan.

“P-papa...?” sagot ng bata na tumingala sa kanya.

“Yes, your Papa.” s inikap niyang ibalik ang mga luhang nagbabadyang pumatak. Itinayo ang bata at niyakap. “Hindi kita kamukha maliban sa kulay ng balat mo and your eyes. You must have got your looks from your papa...”

“And my lolo?” ulit ng bata na kumawala at tinitigan ang ina.

“Lolo?” naguluhang ulit ni Jewel. Nang pumasok sa isip si Romano ay ngumiti. Tama ang anak, kahawig nga ito nang bahagya ng daddy niya. Siguro ay ang mommy niya ang nagsabi sa anak niyon. “Yes, darling. Kamukha ka rin ng lolo mo...”

Mula sa pinto ng nursery ay sumungaw si Anna. “May bisita ka, Jewel...”

“Sino, Mom?”

“Si Lance...”

Sandaling natilihan ang dalaga. Ito ang ikaapat pagkakataong dumalaw sa apartment si Lance. At wala siyang masabi sa binata. Polite and gentleman and exceedingly handsome. Bagaman minsan ay nagtataka siya kung bakit ang isang tulad ni Lance Navarro ay nagtitiyagang dalawin siya. Nabasa niya sa society page ng Houston Enquirer na isa itong jetsetter at pawang mga multi-millionaires ang kahalubilo.

Napag-alaman din niyang ang foreigner na sumalubong dito sa airport noon ay isang sikat na Hollywood starlet. Nalaman niya nang mapanood niya sa video two days after their meeting ang pelikula nito katambal si Charlie Sheen. Bukod doon ay ang binata ang nag-iisang Pilipinong car racer sa Texas.

“Gusto ko ang batang iyan, Jewel.” s i Anna. “Bukod sa Pilipino ay kilala natin ang pamilya.”

Ngumiti siyang pilit para sa ina. “You’re matchmaking, Mommy. Wala akong intensiyong dagdagan ang suliranin ko sa panahong ito...” pagkasabi niyo’y lumabas na siya.

Si Anna ay lumuhod sa tabi ng apo.

“Narinig ko ang sinabi mo sa mommy mo, Lenny,” bulong niya sa apo. “Yes, you looked like your lolo and also your papa. But it is our secret. Don’t tell your mama about it, ha?”

“Secret?” Namilog ang mga mata ng bata.

“Yes, secret. You will not tell anyone...”

SI Jewel ay nagbigay na sumama kay Lance na kumain sa labas. Sa isang restaurant sa Balmoral Hotel siya dinala ng binata na sa tingin niya ay walang karapatan ang mahihirap na Pilipino na kumain doon. Pagkatapos nilang kumain ay niyaya siya ni Lance na pumanhik sa suite nito.

“Wanting to show me a new painting or what?” tuya ng dalaga na sinabayan ng banayad na ngiti to hide the sarcasm.

Gustong mapahiya ng binata. “No hanky-panky, Jewel. I only want to show you where I stayed here in Houston. Bagaman may cottage ang mga Navarro sa west side ng Texas kung saan mas malapit sa planta ng FNC.” Ngumiti ito at pagkatapos ay idinagdag. “One day, I want to invite you there. It’s an old cottage by the lake.”

Sandaling tinitigan ni Jewel ang binata at pagkatapos ay nagkibit ng mga balikat. Nagpaakay patungo sa elevator. Ilang sandali pa ay huminto ito sa floor kung saan naroon ang suite ni Lance. Inilabas nito ang susi at binuksan ang silid.

“Welcome to my kingdom...” nakangising wika ni Lance na inilahad ang kamay at bahagyang yumuko.

Hindi siya kumibo pero nagbigay ng pinong ngiti. Pumasok. Inikot ang paningin sa bachelor’s suite at sa mamahaling gamit na naroon. Pagkatapos ay lumakad patungo sa glass panel na siyang naghihiwalay sa living room at balkonahe.

Si Lance ay tumuloy sa bar at nagsalin ng dalawang champagne sa baso. Pagkatapos ay sumunod sa dalaga sa terasa. Huminto ang binata sa bukana ng glass panel at pinagmasdan si Jewel na pinanonood ang mga nagkikislapang neon lights sa ibaba ng siyudad na tila mga bituin.

Inililipad ng hangin ang mahabang buhok. Her makeup just so right to accentuate her best assets. She was so pretty and alluring sa suot na puting damit in soft silk na humapit sa katawan sa pag-ihip ng hangin.

The full sensual lips, that everytime she twisted them into a mysterious smile, he felt like taking her roughly in his arms. The soft jaw na lalo lang nag-accentuate sa ganda ng dalaga. And the very expressive dark eyes.

She was like a night goddess as she stood there before him. If only he could make this woman his. This dark woman who had been haunting his thoughts since he met her more than three weeks ago and caused him some sleepless nights.

This aloof woman who is as mysterious as her looks.

“You are very beautiful, don’t you know that?” he whispered huskily makalipas ang ilang sandaling pagmamasid sa dalaga.

Bahagyang napapitlag si Jewel at nilingon ang binata. Nagpakawala ng simpleng ngiti kasabay ng pagtaas ng dalawang kilay ng bahagya.

“Ang gandang tingnan ng buong Houston mula rito, Lance. It looked so peace and quite...” k inuha ang glass champagne na iniaabot ng binata and sipped slowly.

Isang banayad na tawa ang pinakawalan ni Lance na sumandal sa balustre ng terrace. Itinaas ang dalawang kamay sa amusement.

“I don’t know whether to feel insulted or what, Jewel. You’re here with me and I am paying you a compliment and yet you were thinking of the whole city of Houston...”

Tumikhim ang dalaga at muling itinuon ang mga mata sa ibaba. “I am sorry kung hindi ako katulad ng ibang mga babaeng nakasama mo na, Lance,” aniya sa bahagyang pagkabahalang tinig.

Tumango si Lance na sumeryoso ang mukha. Sipped his champagne. Pagkatapos ay wala sa loob na inabot ang buhok ni Jewel and softly tucked it behind her ears, may bahagyang agam-agam na naramdaman because he expected her to cringe from his touch, which is so silly of him.

Paanong ang babaeng ito ay nagpapadama sa kanya ng insecurity?

“You looked like a dream,” bulong nito na sinabayan ng buntong-hininga nang makita ang amusement sa mga mata ng dalaga. Pagkatapos ay itinaas ang mga kamay sa hopeless gesture. “Hindi ko alam kung saan magsisimula ng sasabihin, Jewel, sa paraang hindi ako magmumukhang makata. I have never been this speechless lalo na sa mga....”

“Babae?” dugtong niya na ikiniling ang ulo, sipped again from her glass, bago nagpatuloy. “Because your women do the talking, don’t they, Lance?” amused na dugtong ng dalaga.

Somehow, she’s flattered. Nakita niya sa magazine ang larawan ni Lance na pinagigitnaan ni Monina Ryder at Nicollette Sheridan. At sinabi pa sa gossip column na ilang beses na nakita si Nicollette sa cottage ng mga Navarro.

Inilagay ni Lance ang isang kamay sa baba niya at itinaas ang mukha niya. “I like you, Jewel. I really do. I hope we could be more than just friends...” k inuha nito mula sa kamay niya ang champagne glass at ibinaba sa ibabaw ng railings ng balcony.

Ang sumunod na namalayan ni Jewel ay ang pagbaba ng mga labi ni Lance sa mga labi niya and gave her a soft and gentle kiss. Ang isang kamay nito ay nasa likod ng ulo niya habang ang isa ay nakayakap sa likod niya caressing her back.

Hindi ipinilit ni Lance ang mga halik na iyon but she received them anyway. Mula sa banayad ay naging mapangahas at mapag-angkin ang halik nito. His tongue coaxing her mouth to open which she instinctively did.

She returned his kisses hesitantly. May init na gumapang sa katawan ng dalaga when his tongue thrust erotically inside the softness of her mouth. Pamilyar na init na nagpangyari upang kumawala siya at itukod ang dalawang palad sa dibdib nito.

“P-please...” aniya na bahagyang naghabol ng hininga at tiningala ang binata.

Si Lance ay natilihan. He wanted to go slowly, to really court her. But he couldn’t resist the urge to kiss her. And the gods help him, but he wanted to go on kissing her forever...

“I want you, oh, how I really want you...!” he said in a passionate voice. At akmang muling hahapitin ang dalaga subalit tuluyang kumawala si Jewel.

“Lance, please...”

“You’ve kissed me back, Jewel.” m ay bahagyang galit sa tinig ng binata sa nakitang tila pagtanggi niya. “Don’t tell me...”

“I am not telling you that I didn’t like it, Lance,” agap niya na mahigpit na napahawak sa marble railings. “I am not also denying that you are one of the most attractive men I’ve ever met in my whole life. But...”

“No buts,” agap ng binata as he reached for her. “You like me and I like you. I am sorry if I am going too fast for you. Pero wala pang babaeng nakapagpabagabag sa akin nang ganito kundi ikaw, Jewel. I wouldn’t even be surprised if I am falling in love with you...” determinadong pahayag nito.

Bahagyang nanlaki ang mga matang umiling siya at umiwas ng tingin. “H-hindi mo alam ang sinasabi mo,” marahang sagot niya. Itinuon ang mga mata sa matataas na building sa paligid at ang siyudad sa ibaba na naiilawan ng mga neon lights na iba’t ibang kulay. “You don’t even know me...”

“Ano pa ba ang kailangang malaman? Kilala ko ang pamilya mo at ang pamilya ko’y kilala ninyo. I am not use to this but if you want me to woo you, really court you, then I am going to do it if only to make you mine, dark eyes!” he declared passionately.

She gasped kasabay ng bahagyang panlalaki ng mga mata.

Dark eyes!

Parang gusto niyang pagpawisan sa kabila ng hangin sa balkonahe. May narinig na ba siyang tumawag sa kanya ng ganoon? Itinaas niya ang dalawang kamay at sinapo ang ulo.

Biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Lance sa ginawi niya at nag-aalalang hinawakan siya sa mga balikat.

“What’s wrong?”

“Everything is wrong, Lance. Everything...!” Banayad niyang tinabig ang mga kamay nito at pumasok sa loob. “Gusto ko nang umuwi, please...”

“May sinabi ba akong masama, Jewel?” habol ng binata na hinawakan siya sa braso at pinigilan.

“Just take me home, please...” pakiusap niya na dinampot ang evening bag sa may sofa.

“Hindi ako ang unang lalaking nagpahayag ng damdamin sa iyo, Jewel, natitiyak ko iyon. So, why the evasion?” Pinaghalong pagdaramdam at bahagyang galit ang nasa tinig nito.

He wasn’t use to pursuing women at hindi nito alam ang gagawin sa ikinilos ng dalaga. She wasn’t playing hard to get, natitiyak nito iyon. He can easily identify those kind of women no matter how hard they tried to hide it and play demure.

At hindi ganoon si Jewel. Sa una pa lang ay napupuna na niya ang kakaibang mga ikinikilos ng dalaga. She’s warm, she’s sweet, intelligent and candid pero may mga pagkakataong nahuhuli niya itong nag-iisip at nakatingin sa malayo.

Huminto sa paghakbang si Jewel at humarap dito. “Lance, listen,” aniya sa kalmanteng tinig. “I am sick...”

“Sick?” agap ni Lance na bahagyang nagulat.

“Partial amnesia.” t umalikod ang dalaga at humakbang patungo sa minibar at kumuha ng baso at nagsalin na rin mismo ng alak.

She took one swallow. Pagkatapos ay muling hinarap ang binata na nagsasalubong ang mga kilay at nakasunod ng tingin sa kanya.

“May mga bahagi ng buhay ko ang hindi ko maalala. Particularly the last five or four years of my life.”

“Amnesia?” naguguluhang ulit ng binata. “Have you had an accident?”

“That’s what they told me. And I was in a coma for one and a half years....”

“Coma!” bulalas ng binata. “Are you joking?”

“I wish I am,” she said wearily. “Eighteen months, Lance. Eighteen months akong tila patay at walang nag-aakalang muli akong magigising pa,” pagkatapos ay banayad na tumawa, without humour. “Para akong si Sleeping Beauty. Only, I didn’t sleep for one hundred years and wasn’t awakened by my prince,” she smiled in self-mockery. “And in my case, hinahanap ko ang prince charming ko...”

Lalong nagdikit ang mga kilay ni Lance sa sinabi niya. Kalituhan ang nasa mukha. “Ano ang ibig mong sabihin?”

“I woke up from a long and endless sleep to have found out that I have a son...”

“A son!”