noveltoon logo noveltoon
Endlessly (Kristine Series 11)

Chapter 14

Ch. 15 / 34 May 09, 2025

“S ABIHIN mo sa akin ang totoo, Mommy, please,” pakiusap ni Jewel sa ina.

Sinabi sa kanya ni Lance ang tungkol sa pamilya Fortalejo. Kung gaano kayaman at ka maimpluwensiya ang pamilya ng Daddy Romano. Lance even quoted the Fortalejos being one of the richest in the world.

“They only have to lift a finger, Jewel , at walang kahirap-hirap na malalaman mo kung ano ang gusto mong malaman.”

“Jewel, hija...”

“Mommy.” b umalik sa ina ang isip niya. “…kung totoo ang sinasabi ni Lance na madali para kay Marco na alamin ang mga bagay tungkol sa akin, bakit hindi niya gawin? Bakit hindi ninyo iutos? Baka sa pamamagitan niyon ay makaalala ako,” pakiusap niya sa ina.

“Dahil hindi kailangang iutos! Dahil alam naming lahat kung sino, Jewel!’’ gustong isigaw ni Anna.

Pero sa halip ay tumayo at lumakad patungo sa may tabing-bintana. Iniyakap sa katawan ang sariling mga braso. Pagkatapos ay muling tinitigan ang anak.

“Jewel, sinabi ng doktor mo na masama sa iyo ang mental stress. Bakit hindi mo na lang hayaang kusang magbalik sa isip mo ang mga bagay-bagay...” pag-iwas nito.

“Mom, mas lalong sumasakit ang ulo ko sa pagpipilit na mag-isip. Sa palagay ba ninyo’y gusto ko ang kalagayan kong ito? Mas nahihirapan ako kung hindi ninyo sabihin sa akin ang totoo. In fact, I really wanted to go back home at isasama ko si Lenny...”

“No!” maagap na tutol ni Anna na napakagat-labi. Unti-unting nag-init ang sulok ng mga mata. Lalong tumining ang hinala ni Jewel sa reaksiyon ng ina.

“Mommy, ano ba talaga ang problema? Please tell me, kaya ko anuman ang sasabihin ninyo...”

“J-Jewel, anak...” nag-aalalang simula ni Anna. Hindi matiyak kung tama ang sasabihin subalit nagpipilit ang dalaga. “Nang—nang mangyari ang aksidente; everybody thought that... that...”

“Ano, Mommy?”

“That you died.”

“What?” Nagsalubong ang mga kilay niya sa narinig.

“Maliban sa akin at kay Ruby, at nitong huli ay si Emerald, dalawang tao lamang ang nakaalam na buhay ka...” at unti-unting ipinaliwanag sa anak ang buong pangyayari mula sa pagkahulog sa verandah at ang pagkakaalam ng lahat na namatay siya at ang lihim na pagdadala sa kanya sa Texas at ang muling pagbabalik ni Anna sa Pilipinas to attend her burial.

Walang kinaligtaan si Anna, maliban lamang sa bahagi ni Bernard, na sa mismong mga bisig nito siya nalagutan ng hininga only to recover later. At higit sa lahat ay ipinaliwanag nito sa anak kung bakit ganoon ang ginawa nito.

“Oh, my g od!” hindi makapaniwalang bulalas niya.

“Iyon ang buong katotohanan, anak, kaya hanggang ngayon ay hindi namin alam kung paano ka muling pababalikin sa Pilipinas,” umiiyak nang sinasabi ni Anna.

“Dead...” bulong niyang nanggigilalas. “Everybody thought that I am dead...”

“You’re almost dead, Jewel. But I just couldn’t give you up and your child that no one seemed to know na dinadala mo. Hindi ko pa rin alam hanggang ngayon kung tama ang ginawa ko na hindi ipaalam sa kanila na buhay kitang dinala dito...” t ahimik na humagulhol si Anna na para bang nararamdaman pa ang terror nang nakaraan.

“It was hopeless... hindi ko alam kung paano ko naisip na iuwi ka rito. Had it not been for Leon’s rotten money and connections, ay hindi ako magkakalakas ng loob, though I would have done anything.... everything, for you. And you were miraculously breathing, Jewel, fighting death. I just couldn’t give you up and Lenny.”

Si Jewel ay walang salitang lumabas sa bibig. Hindi matiyak kung ano ang iisipin.

She was stunned.

Lahat ng tao ay nag-aakalang siya ay patay na. Halos dalawang taon nang patay.

Napatingala siya sa ina. Alam niyang higit pa sa tunay na anak ang turing ni Anna sa kanya, though she wasn’t her biological mother.

But more than ever, ngayon niya gustong isigaw sa mundo na ito ang kanyang ina. Her own mother, si Stella, ay isang beses pa lang dumalaw mula nang lumabas siya ng ospital. Nasa ibang States ito kasama ang asawa. Si Ruby ay sariling desisyon na manatili kay Anna.

Mabilis na nilapitan ni Anna ang anak at niyakap. “I love you, Jewel. Kayo ni Emerald at ngayon ay si Ruby na parang ako na rin ang ina. Ibibigay ko ang sarili kong buhay para sa inyo.” t uluyan na itong napahagulhol. Pagkatapos ay hinawakan sa mukha ang dalaga. “You don’t have to go back home, hija. You can start a new life here with Lenny...”

Umiling siya. “No, Mom. Ayokong basta na lang ibaon sa limot ang bahaging iyon ng buhay ko. In fact, I do not remember the things you have told me. Hindi ko maalala sa isip ko ang mga nangyari at hindi ko rin maisip ang sinasabi ninyong pinsan kong si Nathaniel…” h inawakan niya ang ulo at pumikit. Subalit hanggang sa manakit ito ay walang maalala ang dalaga.

Hinawakan ni Anna sa mga balikat ang anak nang makitang napapangiwi ito.

“Utang-na-loob, Jewel, huwag mong pilitin ang sarili mo. Ang sabi ng doktor ay magbabalik na unti-unti sa iyo ang lahat.”

“Yeah,” mahinang sagot ng dalaga na nagpakawala ng malalim na buntong-hininga. “Pero gusto kong sabihin ninyo sa akin kung sino ang ama ng anak ko, Mommy, please...”

Mabilis na kumawala si Anna. “Don’t ask me that, Jewel, hayaan mong ikaw na mismo ang makaalala, anak...”

“Tell me, Mommy,” pahikbi niyang giit. “Ano ang dahilan at hindi ninyo gustong sabihin sa akin? Isa ba siyang kriminal? Siya ba ang dahilan kung bakit naaksidente ako? Did he rape me? Oh, Mom, please, linawin ninyo ang maraming mga katanungan sa isip ko...”

Suminghot si Anna. Pinahid ng likod ng palad ang mga luha. “Kung ikapapanatag ng isip mo’y hindi niya ginawa ang alinman sa mga sinabi mo, Jewel,” wika nito na pinuno ng hangin ang dibdib. “Hanggang doon lang ang masasabi ko. Huwag mong pilitin ang sarili mo at baka makasama. Unti-unti ay magbabalik sa iyo ang lahat...” p apaano nito sasabihin sa anak na ang lalaking iniibig at ama ni Lenny ay may asawang iba?

Si Jewel ay pinagmamasdan ang ina. Alam nitong may lihim sa likod ng ama ni Lenny. Sadyang inililihim ng ina, at ni Marco at Emerald.

Kung ano man iyon ay nakahanda siyang tuklasin. Itinaas niya ang mukha. “Kung ganoon ay wala akong pagpipilian kundi ang bumalik ng Pilipinas, Mommy,” matatag niyang sinabi. “And I’ll take my son with me...”

“I’M GOING back home two weeks from now, Lance,” pahayag ni Jewel sa binata minsang dumalaw ito. “My doctor gave me the go-signal...”

“I am coming with you,” tahimik nitong sagot habang nakatitig sa kanya.

“But—what about your responsibilities here?”

Nagkibit ito ng mga balikat. “What are executives for kung hindi ko ma-i-delegate sa kanila ang ibang gawain? Isa pa, may dalawang linggo pa naman para maiayos ko ang mga bagay sa planta.”

“Hindi mo kailangang samahan ako,” sawata niya rito. “Pamilya ko ang uuwian ko roon. Naroon si Emerald at Marco... at ang mga pinsan at tiyahin ko.” h alos hindi na marinig ang huling sinabi niya dahil sa walang katiyakan kung maaalala niya ang mga ito.

Isa pa, paano niya pakikiharapan ang mga taong sabi ng Mommy niya’y matagal nang nag-aakalang patay na siya at nailibing na?

“Ang sabi mo sa akin, maliban sa kapatid at bayaw mo ay alam ng lahat na matagal ka nang patay, hindi ba?” may simpatyang wika ni Lance na halos hindi tanguan ng dalaga.

Kahit ito ay hindi makapaniwala sa nalaman. Ang pagkakaalam ng lahat ng mga tao ay may dalawang taon nang patay ang dalagang ito at nailibing mismo sa paningin ng lahat.

At hindi rin niya masisi ang ina ni Jewel upang ganoon ang gawin. No one expected her to recover. And the fact that she did recover without real brain damage was indeed a miracle. And Lenny’s coming to full term, though medically possible, still, was a miracle.

“Natitiyak kong alam mong hindi magiging madali para sa iyo ang lahat at kahit sa mga daratnan mo,” wika uli nito. Pagkatapos ay hinawakan sa dalawang kamay ang dalaga. “And I want to be there for you, Jewel...”

“I–I want you to be there for me, too, Lance,” halos bulong niyang sagot. Kailangan niya ng maraming suporta sa muli niyang pagharap sa mundo.

Si Lance ay nag-isip nang malalim. With the Navarro’s connections and influence, madali para dito ang malaman kung sino ang ama ni Lenny. Pero natitiyak nitong may malaking dahilan kung bakit hindi ipinaaalam ni Marco sa hipag kung sino ang ama ng bata.

Ano man iyon ay aalamin nito pagbabalik sa Pilipinas.