noveltoon logo noveltoon
Endlessly (Kristine Series 11)

Chapter 9

Ch. 10 / 34 May 09, 2025

N AWALAN ng kulay ang mukha ni Emerald. Pinanlamigan ng katawan. Was she having a dream or a nightmare?

Shock is an understatement sa nararamdaman niya sa mga sandaling iyon.

“A—c-c-child?” Halos walang tinig na lumabas sa bibig niya. “T-they—have a child...!”

“Isang batang lalaki na isang taong gulang nang mahigit ngayon...”

“M-may... katapusan ba ang... lahat ng ito?” she whispered, another batch of tears blurred her vision.

Tumayo si Marco at lumakad patungo sa may bintana. Hinawi ang makapal na kurtina at pinanood ang ilang katulong na naroon pa at patapos na sa paglilinis sa buong lawn.

“Sa palagay mo ba’y madali para sa akin ang pagtatapat na ito? I would rather be in a courtroom battle, Emerald. Paano sa palagay mo masasabi ko ang lahat ng ito kay Bernard at sa iba pa? Natitiyak kong hindi uuwi ng Pilipinas ang Mommy para akuin ang paliwanag.” n ilingon nito ang asawang nakamaang pa rin. “Ako at si Nathaniel. Sa aming dalawa nakasalalay ang lahat ng ito...”

“W-was the... the baby... n-normal?” b ulong iyong lumabas sa bibig niya. Namamanhid ang katawan niya at tila lumulutang siya sa hangin. Kinakabahan sa magiging sagot ng asawa.

Tumango si Marco. “Yes. Tiniyak ng m ommy sa akin.” n apasulyap ito kay Emerald when she sighed deeply in relief. “Jewel was three months pregnant when the accident happened. Isa iyon sa mga dahilan kung bakit hindi sumuko ang Mommy. We never thought that the baby would live. Even the doctors said that nature would take its course and that the child would die eventually. Perhaps along with the mother or even ahead...”

“But... but the child c-came to full term... oh, god! o h, god!” she almost shouted in amazement and disbelief. Pagkatapos ay muling humagulhol ng iyak.

“The child was not affected when Jewel’s heart stopped beating for a few minutes. Doctors said it had enough supply of oxygen at walang diperensiya ang katawan ni Jewel except that she was in coma. The baby was nurtured in Texas thru modern medicines and facilities...”

Muli ang katahimikan sa pagitan ng mag-asawa maliban sa marahang pag-iyak ni Emerald. Buhay ang kapatid niya na sa mismong mga mata niya ay inilibing sa family mausoleum bagaman naka-seal ang casket which at that time didn’t bother her.

Hindi niya gustong makita ang mukha ni Jewel sa ganoong kalagayan. Gusto niyang nakapreserba sa alaala ang mukha ng kapatid na tumatawa at buhay. Hindi ang mukhang nasa loob ng casket.

Now, on top of all that, may anak ito! Paano ba tinatanggap ang mga ganitong pangyayari?

Nagpatuloy si Marco. “Prior to that, there was a court battle between the hospital and us, ang Mommy at ako. Naalala mong nagtungo ako roon nang hindi ka kasama?” Tumango si Emerald nang wala sa loob.

“The hospital wanted to induce the child dahil naniniwala silang hindi darating sa full term ang bata at makakasama lang lalo sa kalagayan ng ina. It will traumatize her more, ayon sa kanila. Inilaban ng Mommy na manatili ang bata. Let nature take its course at ipaubaya sa Diyos ang lahat...”

“And?” susog ni Emerald nang huminto ang asawa.

“And we won...”

Emerald gasped, muling humugot ng tissue and dried her tears. Makalipas ang mahabang sandali ay muling tumingin sa asawa.

“I–I am glad you won that case...” aniya sa mas kalmanteng tinig. Sa sama-samang emosyon ay may sumingit na pagmamalaki sa asawa.

“NO!” Si Nathaniel, in a shocked voice.

“We are leaving the next day, Nathaniel. Sinasabi ko sa iyo ang katotohanang ito upang ihanda ang sarili kung paano mo ako tutulungang ipaliwanag sa lahat,” ani Marco na nakatitig sa nakatulalang mukha ng lalaki. “At kung ako sa iyo, gawin mo habang nasa Texas kaming mag-asawa.”

“Vaya por Dios!” m uling bulalas nito, dumbfounded. “Ano ang dapat kong maramdaman, Marco? Should I shout for joy or cry because of the consequences we have to face?”

“Glad you feel that way, Nathaniel,” matabang na sinabi ni Marco bagaman seryoso ang mukha. “Pag-alis namin ay umpisahan mong pag-isipan kung paano sasabihin sa Tiya Margarita at Tiyo Josef ang lahat. Ganoon din kay Jasmin...”

“Don’t you think Bernard wouldn’t kill us for this?” mangha pa ring tanong nito. Pagkatapos ay nagpalakad-lakad sa loob ng opisina sa hotel. “Are we really having this conversation, Marco, or am I having a nightmare?” Si Marco na nakasandal sa may bintana ay hindi kumibo. Si Nathaniel ay wala sa loob na sinulyapan ang larawan ng asawa at ni Jewel sa likod ng desk niya.

“And... and... they have a child! Dio! Hindi ko naiintindihan ito. Hindi ba alam ni Bernard na nagdadalang-tao si Jewel bago ang aksidente? How did the child survive from the accident? From her comatose mother? Oh!”

“She was three months pregnant when it happened and it was a miracle na hindi nalaglag o naapektuhan ang bata. Marahil ay inalalayan ni Jewel ang pagbagsak niya noon. The doctors in Texas said she had a broken arm at nangyari marahil na bumagsak ang ulo niya sa adobe sa ibaba that caused the damage. Kung bakit hindi sila nagpakasal bago ang pangyayaring iyon ay hindi ko maintindihan...” u miling ito.

“Three months! Dios mio! p aanong naitago ni Jewel kay Bernard iyon?”

“I had a feeling that Bernard knew about it.” n agkibit ito ng mga balikat. “Hindi ko alam kung ano ang iisipin,” nagbuntong-hininga at humakbang patungo sa pinto. “Aalis na ako, Nathaniel. Nasa rooftop ang chopper at sadyang hinihintay ako. I only came to tell you these personally...”

“I’m scared, Marco...”

“I can understand that.” m ay simpatya sa tinig ng lalaki. “I feel the same, too.”

“NATITIYAK mo bang tama ang ginagawa mong ito, Diana?” Si Dr. Joshua Romulo, matiim na tinitigan ang magandang pasyente.

Tumango si Diana. “Pasya ko ito, Josh. Walang anumang nag-utos na gawin ko ito kundi ang sarili ko.”

“But will you be happy about this?” nag-aalalang tanong ng doktor at ginagap ang kamay niya at ikinulong sa mga palad nito.

“To tell you frankly, hindi ko alam. Pero nararamdaman kong tama ang ginagawa kong ito. Hindi ko alam kung magiging maligaya ako sa pagtatapos ng pagsasama namin ni Bernard pero ang alam ko’y hindi ako naging maligaya sa mga panahong pinagsamahan namin,” wika nito na agad ding umiling at itinama ang sinabi. “Oh, we were happy. I was happy during the first three or four months of our marriage. Perhaps it wasn’t his fault...”

“What do you mean?”

“Bukod sa galit at pagseselos ko kay Jewel ay...”

“Which is unfounded,” agap ni Dr. Romulo. Nasa mukha ang simpatya sa kanya. “Sa nakikita ko’y mabuting asawa si Bernard, Diana. And you can get over with your fears and insecurities about this dead woman. Gagaling ka, Diana. Sikapin mo at tutulungan kita, alang-alang sa pagsasama ninyong dalawa...” h e didn’t want to tell her that.

May bahagi ng damdaming nasasaktan sa sinabi nito. Sa loob ng maikling panahong nakasama nito ang pasyente ay nahulog nang nahulog ang loob nito sa kanya. But his profession and obligation to his patient must come first.

Bumuntong-hininga si Diana. “Hindi lang iyon, Josh,” patuloy niya. “I wanted to be my own person. Ayokong manatili sa anino ni Bernard Fortalejo bilang asawa niya. I cannot submit myself to a man completely. I want to run my life as I see it fit, tulad ng kung paano ako gayon before I met him. I want to have my own identity bilang si Diana Montero hindi bilang asawa ni Bernard de Silva Fortalejo...”

“And Bernard does not allow you that?”

“No. I am free to do as I please. But people patronize me because I am his wife and I hated it, Joshua,” aniya sa pagtatagis ng mga bagang.

“And I thought ang ex-girlfriend niya lang ang problema mo...”

“For one,” sang-ayon niya. “Look at me, Josh. Hindi pa ba ako sapat at sa panahong pinagsamahan namin ni Bernard ay hindi niya magawang kalimutan si Jewel?”

Hindi kumibo si Joshua. Sa bahaging iyon ay wala siyang masabi. Diana is beautiful, sophisticated and classy. Sira-ulo lang ang lalaking hindi iibig sa kanya, malibang ang lalaking iyon ay naibigay na sa iba ang pag-ibig.

“Hindi mo na ako sinagot...” ani Diana rito.

Isang buntong-hininga ang pinakawalan ng doktor. Dinala sa bibig ang mga kamay niyang hawak nito at hinagkan.

“You’re beautiful, Diana. Ang pinakamagandang babaeng nakilala ko sa buong buhay ko...” puno ng damdaming wika ng binata. “Pero bakit gumagawa ka ng problema? Sabi mo nga ay hindi gusto ni Bernard ang annulment na ito. Bakit ipinagpipilitan mo?”

Pinakawalan niya ang mga kamay at mahigpit na napadaklot sa mantel ng mesa. “Are you on my side or not?” naningkit ang mga matang tanong niya rito.

“Relax, Diana.” m uling ginagap ng binata ang mga kamay niya at inalis mula sa pagkakadaklot sa mantel. “I’m on your side, right or wrong...” s inenyasan ni Joshua ang maitre d’ upang humingi ng isang shot na brandy para sa kanya.

Isa sa mga epektibong pangkalma kay Diana is not to argue with her. Nagagawa nitong sang-ayunan kaagad ang mga bagay na gusto ni Diana, only to reason out with her tactfully later.

Isang maluwag na paghinga ang inilabas ni Diana at sumandal. “Bear with me, Josh, please...”

Ngumiti si Joshua at tumango. “Count on me, young lady...”