noveltoon logo noveltoon
Endlessly (Kristine Series 11)

Chapter 27

Ch. 28 / 34 May 09, 2025

N AGPATAWAG ng board meeting si Bernard subalit hindi kasama si Jewel. Dalawang araw matapos niyon ay nasa Paso de Blas si Marco upang papirmahan sa hipag ang mga papeles.

“Para saan ang mga ito, Marco?” nagtatakang inisa-isa niya ang mga dokumento.

“Ibinigay sa iyo ni Bernard ang ikaapat na bahagi ng share niya sa buong Kristine Group of Companies, Jewel,” ani Marco na ngumiti at itinaas ang mga binti sa dulo ng center table.

“What?” Mabilis niyang inisa-isa ang mga dokumento sa harap niya. “B-bakit niya ginawa ito?”

“Any one could make an easy guess.” n agkibit ito ng mga balikat. “Ang kalahati ay nasa pangalan na ni Lenny. At one fourth na lang ang natitira sa kanya. Ibig sabihin ay equal ang shares ninyo ni Bernard at may pasubali siyang agad mamanahin ni Lenny ang sa kanya sa sandaling siya ay mamatay. Ganoon ding provision ang ibinigay niya para sa shares mo. And when he dies and you remarry, automatic na mauuwi kay Lenny ang shares mo.”

“Oh!” bulalas niya. Nanlalaki ang mga matang muling inisa-isa ang mga papeles. At nang matiyak ang katotohanan sa sinasabi ni Marco ay iglap na binitiwan na tila ito apoy at napaso siya.

“H-hindi ko matatanggap ito, Marco...”

Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Marco. “Precious, actually, pirmahan mo man o hindi iyan ay legal pa ring sa iyo dahil kaloob ni Bernard iyan. So, make it official, Jewel, and signed those papers...”

“Tama marahil ang para kay Lenny pero ang sa akin ay...” u miling siya at sa naguguluhang mga mata ay tumingin kay Marco. “Si—si Diana? A-ano ang sasabihin sa...”

“Hindi kailanman nakialam si Diana sa KGC, Jewel. As Bernard’s wife ay miyembro siya ng board but months ago she sold her shares and Bernard bought it back. ”

“Whatever for?”

“Kailangan niya ng pera para sa textile company na minana niya sa lolo niya. Nasa verge ng bankruptcy at foreclosure ang kompanya when she inherited it. At hindi niya gustong tumanggap ng tulong mula kay Bernard nang libre maging sa pamamagitan man ng salapi o take-over.” n apailing si Marco sa bahaging iyon.

“Foolish or otherwise, desisyon ni Diana iyon. She considered the company her very own. Hindi niya gustong makialam si Bernard. At kung tutuusin, Bernard could have effected take-over immediately and used his influence na huwag pasukin ang textile ng ibang malalaking kompanya. He made it appear na ang KGC ang nagkakainteres dito...”

Hindi agad makasagot si Jewel. Alam niyang ang mga kompanyang nalulugi ay karaniwan nang walang magagawa ang may-ari kundi ang ipasa sa ibang malalaki at kilalang kompanya. At walang choice si Diana doon.

Nagpatuloy si Marco. “And Diana never bothered to be in KGC maliban sa mga special occasion na kailangan ang presensiya niya. At karapatan mo ang mga ipinagkaloob sa iyo ni Bernard, Jewel...” n gumiti si Marco. “Not to mention his inheritance from the De Silva Farm, Precious. You’re a rich woman and Lenny is incredibly one of the richest children in the world...”

Hanggang sa makaalis si Marco ay nanatiling nakatanaw sa malayo si Jewel. Gustong abutin ng tingin niya ang lawak ng Paso de Blas bagaman imposible iyon. Hindi ito maliparang uwak at isang malaking isla na ang ikatlong bahagi ay pag-aari ng mga De Silva.

At lahat ng ito’y mamanahin ni Lenny pagdating ng takdang panahon. Huwag nang isama pa ang ibang pag-aari ng Kristine Group of Companies here and abroad. Walang taong hindi masisiyahan sa mga pagpapalang napasakanilang mag-ina. Pero hindi iyon ang nararamdaman niya. Hindi niya kailangan ang lahat ng ito.

Hindi niya nakilalang masalapi ang Daddy Romano niya at simula pagkabata’y lumaki sila ni Emerald sa isang simpleng buhay. Sa public school nag-aral ng elementarya. Nang magsimula na lamang umangat ang career ni Romano bilang abogado at doon pa lang unti-unti ring umangat ang buhay nila. Ganoon pa man, hindi sila maluho. Pinalaki sila ni Emerald ng mga magulang na magkasya at masiyahan sa kung ano ang mayroon.

Isang buntong-hininga ang pinakawalan niya. Napaka-ironic ng buhay. Simple lang naman ang gusto niya pero tila yata sa kasimplehan ay mahirap makamtan.

“Mama...”

Nilingon niya ang anak na nakatayo sa may hamba ng pinto. “Come here, darling…”

“ Donde esta, Papa ?”

Napahugot siya ng paghinga. Pinakatitigan ang anak na tila si Leon at Bernard ang nagsasalita. Humakbang siya papalapit dito at niyuko ang bata.

“T-tinuruan ka ng papa mo ng ganyan?”

“Si, Mama,” deretsong sagot nito. “Hindi mo ba gusto?”

“S-siyempre, gusto. And you’ve learned fast and well kahit ang Tagalog mo,” aniya na hinagod ng tingin ang mukha ng pinakabatang Fortalejo. Tinaglay ni Lenny ang mga katangian ng ama at lolo.

Proud and arrogant.

Hinawakan siya ni Lenny sa kamay at inakay patungo sa veranda. Pagkatapos ay inilahad ang kamay. Itinuro ang ilang mga taong-asyenda na natanaw sa malayo.

“Ang sabi ng Papa, all these are mine. That someday, when I grow up, I will rule them…” n asa tinig nito ang pagmamalaki. “This is my heritage...”

“O-of course, darling,” nag-aalangang sang-ayon ni Jewel. Sa munting mukha ng anak ay naroon ang determinasyon ng isang Fortalejo. “…pero malayo pa iyon, Lenny. Sa ngayon, mas gugustuhin mong maglaro, mangabayo, magpunta sa park, at lahat ng mga ginagawa ng isang bata.

“Yes, I like that, too,” sang-ayon nito na tumingala sa kanya. “But I also like to watch my people work. Gusto kong matutuhan ang ginagawa nila para alam ko `pag may mali.”

Muli ay napahugot siya ng paghinga. My people! Sa nag-aalalang mga mata ay niyuko ang anak.

“Iyan ba ang sinabi ng papa mo sa iyo?”

Umiling ang bata. “No. Ako ang may gustong gawin iyon.” p agkatapos ay tumingala sa ina. Kumislap ang mga mata at ngumiti. “I know how to fish also. I caught a small fish in the lake at sabi ni Yaya Pacita ay banak daw iyon. And I can ride my pony now without the groom. Yesterday, the groom was so scared because I bolted my horse without him…” i sang munting halakhak ang pinakawalan ni Lenny.

Nakahinga nang maluwag si Jewel. Nagbago ang tono at anyo ng anak. Nawala ang authority at muli ay umiral ang pagiging bata nito.

“WELCOME back, Jewel.” s i Andrea nang pumasok siya sa opisina. Lumapit ang matanda at masuyo siyang hinagkan sa pisngi. Pinahid ang namuong luha sa mga mata.

“Hindi ka tumanda, Andrea,” natatawang sagot niya at nag-angat ng mukha nang mapuna sa sulok ng mga mata si Zandro na nakasandal sa may pinto ng opisina ni Bernard.

“Hi,” nakangiting bati niya rito.

“Hello.” h inagod siya nito ng humahangang tingin, in her white tailored blouse na may mga burda sa collar at miniskirt ang pencil cut na palda na kulay puti rin at apat na pulgadang high-heel na kulay pula. “Le chic. As if you walk out from the pages of the Vogue .”

Umikot ang mga mata niya. “Fortalejo flattery hmp.”

Natawa si Zandro na sinabayan ni Andrea. “Really, Jewel. For a change ay natutuwa ako at babae ang boss ko. I hope you are not as intimidating as Bernard...”

“Tse! Anong boss? Ako ang assistant mo, loko. And don’t you dare na pagbaliktarin ang posisyon natin, Zandro Fortalejo! I’m warning you,” banta niya bagaman kumikislap ang mga mata. Lumapit si Zandro at binigyan siya ng isang halik sa pisngi.

“I’m glad you’re here. Honest,” seryosong wika ni Zandro na pumormal. “And more than anything else, I’m happy to see you smiling.”

Tumikhim siya. Nasa mukha ni Zandro ang pinaghalong sinseridad at pag-aalala.

“And now, you’re going to make me cry,” tukso niya na ikinawit ang braso rito at lumakad papasok sa loob. “C’mon, big guy. Help me acquaint with my job.”

“With pleasure...” k inindatan muna nito si Andrea bago nagpaakay papasok sa opisina.

Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Andrea. Magkahalong lungkot at galak ang nasa puso.

PULA na ang ilaw sa intersection ng Ayala at EDSA pagdating kina Joshua at Diana kaya napilitang huminto sa pagkaliwa patungong Forbes Park si Joshua.

“Damned traffic!” usal ni Diana na binuksan ang bag at kumuha ng sigarilyo at sinindihan.

Nginitian siya ni Joshua. “Napaka-impatient mo. Ilang sandali lang iyan at green na naman.”

Nagbuga siya ng usok at wala sa loob na lumingon sa kanan niya kasabay ng panlalaki ng mga mata. Tinted ang salamin ng kotse ni Joshua at natitiyak niyang hindi siya nakikita ng driver ng katabing sasakyan pero hindi niya maiwasang isiksik ang sarili sa sandalan ng kotse at bahagyang dumausdos.

“What’s wrong?” nagtatakang tanong ni Joshua sa malakas niyang pagsinghap.

“Ang—ang driver ng kotse sa kanan. Kilala ko siya!” Pinakasiksik pa niyang lalo ang sarili pero hindi hinihiwalayan ng tingin ang driver.

“Hindi ko napagtuunan ng pansin ang sinabi sa akin ng abogado ko na acquitted si Kenneth,” kinakabahan niyang sinabi. Kahit paano ay nabuhay na muli ang terror na naramdaman niya noong bihag siya nito at ni Charlie. Nakadama siya ng chill at niyakap ang sarili.

Magtatanong pa sana si Joshua pero nagberde na ang arrow pakaliwa patungong Forbes Park. Mabilis na pinaandar nito ang sasakyan. At sa sindak ni Diana ay ganoon din ang ginawa ni Kenneth.

“Josh, paunahin mo siya! No! Baka makita niya ako sa rearview mirror...”

“Hey, what’s the matter with you?” nagtatakang tanong uli ni Joshua na nagmenor. “Sino ba ang lalaking iyon?”

“I’ll tell you about him pero huwag muna tayong dumeretso sa mansiyon. Sa ibang daan ka dumaan at gusto kong malaman kung bakit pumasok sa subdivision si Kenneth...”

Nagtataka ma’y sumunod si Joshua. Pinaikot sa ibang kalye ang sasakyan. Hindi nagtagal ay tinutumbok na nila ang kalye patungo sa mansiyon ni Diana bagaman sa kabilang bahagi ng daan.

“Oh, Josh!” bulalas niya nang mapunang nakahinto sa may di-kalayuan ng mansiyon ang kotseng sinasakyan ni Kenneth. “Turn right, please!” Hindi na niya hinintay na kabigin ng binata ang manibela at siya na rin mismo ang kumabig dito.

“Diana, ano ba! Maaksidente tayo!” warning ni Joshua na inapakan ang preno at inihinto ang sasakyan sa tabi. “Now tell me, sino ba ang lalaking iyon at putlang-putla ka?”

Hindi siya sumagot at dinampot ang CP sa tabi at idinayal ang bahay. Si Joshua ang umiiling na ipinagtataka ang mga ikinilos niya. Ilang ring bago may sumagot.

“Hello, Rosa...”

“Ay, Ma’am, kayo pala. Nasaan ho kayo?” Ang kabilang linya.

“Kadadating lang namin galing San Antonio, Rosa. At makinig ka, sumilip ka sandali sa bintana at huwag kang pakikita. May makikita kang kotseng nakaparada sa kabilang kalye at nakasandal sa tagiliran nito ang isang lalaking…”

“Eh, Ma’am,” agap ng katulong. “…ilang araw na nga po naming nakikita iyan diyan,” sagot agad ng katulong na ikinasinghap niyang muli. “Dalawang lalaki ang naghahalili naming nakikita. At mayroon pong tawag nang tawag dito na ayaw magpakilala at basta kaibigan lang daw ninyo. Sabi ko nga po ay nasa probinsiya kayo...”

Napapikit si Diana. Sige pa rin ang pagtambol ng dibdib. “Huwag mong sasabihing nagkausap tayo, Rosa. Tandaan mo,” maawtoridad niyang bilin. “Kung may tatawag ay sabihin mong wala pa rin ako at magtatagal ako nang isang buwan pa sa probinsiya. Naintindihan mo?”

“Opo, Ma’am.”

Ini-off niya ang CP at sumandal at pumikit. Si Joshua ay kinakikitaan na ng galit ang mukha sa hindi niya pagsagot sa mga tanong nito,

“Am I entitled to a little explanation?” h indi itinago ng binata ang banayad na galit sa tinig.

Ginagap niya ang kamay ng binata na para bang kumukuha ng sekyuridad mula roon. At pahapyaw na ipinaliwanag kung sino si Kenneth at pati na ang pagkakakulong nito nang mahigit dalawang taon habang ongoing ang kaso sa korte.

“At acquitted siya, Josh,” pagwawakas niya. “Hindi siya isinabit ni Charlie. At nakapagtataka kung bakit ginawa ni Charlie iyon, Kahit ang abogado ko’y hindi mapaniwalaan ang nangyari bukod pa sa nagawa nitong iba ang iturong siyang kriminal. Marahil ay may binabalak na masama si Charlie at kung sila nga naman ni Kenneth ang makukulong ay wala itong magagawa...” wika niya sa nanginginig at takot na tinig.

“Calm down, Diana,” he said gently at hinaplos ang palad niya. “Baka naman hindi lang gusto ni Charlie na madamay si Kenneth. Anyway, siya naman yata ang gumawa lahat ng krimen so...”

“Kalokohan iyon!” mariing pasubali niya. “Kilala kong higit si Charlie. Natitiyak kong may balak siya. Anuman iyon ay hindi ko alam...”

“Bakit hindi natin ipaalam sa pulisya at itanong kung bakit nagmamanman ito?”

Umiling siya. “Walang silbi iyon. Wala naman sa tapat ng bahay ko si Kenneth. Isa pa, he could easily deny na nagmamanman siya. Maaari din niyang sabihing gusto niya akong makausap or whatever...”

“Baka naman nga gusto ka niyang makausap…” patuloy ni Joshua sa pananaw na positibo.

“Hindi iyon ang nararamdaman ko. My instinct seldom fails me. At may pera si Charlie na magagamit niya sa labas. One third ng ari-arian ng Lolo ay kanya. Legal iyong ipinamana ng Lolo at kahit pa mapatunayang pinatay niya ito’y hindi dahilan iyon upang mapawalang-bisa ang mana niya,” giit niya na muling pumikit at nag-isip. Pagkatapos ay muli ring humarap kay Joshua. “Let’s go to your pad. Doon na muna ako at pag-iisipan ko kung ano ang mabuting gawin.”

“You’re the boss,” ani Joshua na nagkibit ng mga balikat.

Inihilig niya ang ulo sa headrest. Hindi siya naniniwalang may mabuting layunin si Kenneth sa pag-aabang sa kanya. Ang katuwaang makapagtatayo siya ng textile branch sa San Antonio matapos ang ilang araw na pakikipagnegosasyon ay agad na natakpan ng matinding kaba at agam-agam.

“Kailangan ko ng tao para protection, Josh,” aniya makalipas ang ilang sandali. Nagsalubong ang mga kilay ni Joshua. “At kailangan ko ng private detective para subaybayan ang mga kilos ni Kenneth, ngayon mismo.”

“You aren’t serious, are you?”

Hindi sumagot si Diana. Nakatanaw sa malayo at nasa mukha ang pinaghalong takot at determinasyong alamin kung ano ang gusto ni Kenneth sa muli nitong paglaya.

Si Kenneth ay isa-isang ipinasok sa maliit na maleta ang mga gamit. Ayon sa katulong na nakausap niya tatlong araw na ang nakakaraan ay magtatagal sa probinsiya si Diana.

Isang buwan!

Hah! Hindi siya makapaghihintay nang ganoon katagal. Wala pang dalawang oras ang Palawan mula Maynila. Pagdating niya roon ay aalamin niya kung gaano pa kalayo ang pagtungo sa... saan na nga ba iyon?

Inabot niya ang isang puting papel na pinagsulatan niya ng mga detalye ayon sa instructions ni Charlie at mapa.

Paso de Blas.

Isang isla na tila buntot ng Palawan. May port pero pribado. Whoever owns the place must be filthy rich.

Isang Fortalejo.

Hindi nga ba at kahit ang boss ni Charlie na kilala sa pagkakaroon ng maraming koneksiyon sa mataas na dako ay hindi gustong makasagupa kung sino man ang Fortalejo na ito.

At pinakasalan nito si Diana.

Damn him! Kung hindi dahil sa Fortalejo na ito ay hindi sana nabulilyaso ang mga plano nila at hindi siya nakulong nang dalawang taon!

Kung siya ang masusunod at hindi makaabala ay pati ang Fortalejo na ito ay magbabayad sa kanya. Inangkin na nito si Diana ay naipakulong pa siya.

Oh, well, ayon sa information na nakuha niya ay pribado ang isla at bagaman may isang bayan ay malayo sa karamihan ang villa. Sana’y maging madali para sa kanya ang pagtunton kay Diana.

Ang walanghiyang babaeng iyon na sinabik siya nang husto noong magkasintahan pa sila! Niyuko nito ang sarili. Naiisip pa lang niya si Diana ay nag-iiba na ang pakiramdam niya. May babae siyang binayaran noong unang gabi pagkalaya niya pero si Diana ang nasa isip niya.

At kapag nagawa na niya ang gusto kay Diana at ang gustong mangyari ni Charlie at naibigay na nito ang milyones na pangako sa kanya ay adios Pilipinas!