Ermita
I SANG mapungay at mapanuksong ngiti ang ibinigay ng waitress sa mumurahing club na iyon sa customer na nasa sulok ng mesa.
“Hindi mo ba gusto ng ka-table, lover boy?” malambing niyang sinabi na yumuko at sadyang ipinasilip sa lalaki ang dibdib na halos wala nang tinakpan.
Naningkit ang mga mata ng lalaki sa pagkakatitig sa dibdib niya. Kahit sa mapusyaw na kulay-pulang liwanag sa loob ng club ay kitang-kita ng babae ang pagnanasa sa mga mata ng lalaki sa kabila ng tila galit nitong anyo. Dumikit pa siya nang husto.
“Hindi ako mahal at malapit lang dito ang apartment ko…”
Hindi kumibo ang lalaki bagaman bahagyang kumislap ang mga mata. Dumukot sa bulsa ng maong sa likod at inilabas ang portamoneda at humugot ng pera at inipit sa bote ng beer.
Mabilis at palihim na sinulyapan ng babae ang makapal na laman ng portamoneda ng lalaki. Nang lingunin siya ng lalaki ay agad naman niyang iniwas ang gahamang tingin sa wallet nito at nginitian ito.
Tumayo ang lalaki. Tinitigan ang babae sa paraang nagkakaintindihan sila. Lumapad ang ngisi ng babae.
Guwapo ang lalaki sa kabila ng mahabang balbas nito. Parang foreigner. Sa tingin niya rito ay natitiyak niyang galante dahil malaki pa ang sukli nito sa perang iniwan sa mesa. At malamang na mucho siya kahit hindi pumasok sa club ng dalawang araw.
Kinawit nito ang braso sa braso ng lalaki at nilingon ang waiter at inginuso ang perang inipit ng lalaki sa bote ng beer. Kumindat pa ang waiter dito at nag-thumbs-up.
Sa labas ng club ay humaplos sa mukha ng lalaki ang lamig ng gabi. Uulan pa yata. Niyuko nito ang babaeng nakaabrisete sa kanya.
“Malayo ang apartment mo?”
Isang mapanuksong ngiti ang ibinigay nito. “Sa kabilang kanto lang...”
Sa likod ng isang abandonadong building idinaan ng babae ang lalaki. Shortcut patungo sa tinitirhan nito. Ilang sandali pa ay nasa loob na sila ng isang entresuwelo.
Dumura ang lalaki pagkakita sa tinitirhan niya.
Apartment? Tinawag niyang apartment ang tila kulungan ng baboy na ito? Aba’y malaki pang di-hamak ang karsel niya dito.
“O, ano?” Ikinawit ng babae ang mga braso sa leeg niya. “Huwag mo nang tingnan ang paligid ng bahay ko. Ang kama lang naman ang importante sa iyo, `di ba?” Nilinga nito ang isang single bed na totoong may kutson pero sa tantiya ng lalaki’y sampung taon nang ginagamit ng babae at halos lumitaw na ang mga spring.
Ilang lalaki na ba ang dinala ng babae sa higaang iyon? Gustong manayo ng balahibo nito.
“Malinis ako kung iyon ang inaalala mo,” paniniyak ng babae sa pag-aalangan ng estranghero. “At kung gusto mo pang makatiyak ay may rubber ako dito...” b inuksan nito ang bag at akmang dudukot nang pigilan ng lalaki.
“Naniniwala ako sa iyo. At gusto kong umpisahan na natin.” p agkasabi niyon ay hinablot nito ang damit niya na napunit agad sa gitna at kumawala ang mayamang dibdib.
Napasinghap ang babae at nanlaki ang mga mata. Kahit paano ay biglang nakadama ng kakaiba ang lalaki sa nalantad na dibdib.
“Wala akong babae sa loob ng dalawang taong mahigit, hija...” patuloy ng lalaki na inihiga ang kalahati ng katawan ng babae sa kama at tuluyang pinunit ang halos wala namang tinatakpang kasuotan.
Ang babae ay alanganing ngumiti at alanganing matakot. Nakabitin ang tuhod nito sa kama. Bumaba sa tabi niya ang lalaki na ikinalundo nang husto ng kama. Gumiik ang mga spring.
“K-kung sabagay, mas gusto ko ang marahas na ganito. Exciting at...” b ago pa niya maituloy ang sasabihin ay nasa dibdib na niya ang isang kamay nito at mahigpit na pinaglaro doon samantalang nasa kabila ang bibig.
Napasinghap ang babae sa panggigilalas. Nasasaktan siya sa karahasang iyon pero kasabay niyon ay ang pagkapukaw ng laman. Marami-rami na rin siyang naide-date pero hindi tulad ng isang ito.
Uhaw na uhaw sa tantiya niya.
“H-hindi ka ba—maghuhubad?” tanong niya sa pagitan ng singhap at panlalaki ng mga mata.
Palipat-lipat ang bibig at kamay ng lalaki sa dibdib niya. Tila sanggol na gutom na gutom.
Pero hindi sumagot ang lalaki at patuloy sa ginagawa. Hindi nagtagal ay tumayo ito at naghubad ng maong kasabay ang panloob. Nanlaki na lalo ang mga mata ng babae sa nasilayan kasabay ng kislap ng mga mata.
Ang pang-ibabang kasuotan lang nito ang inalis at muli ay nasa ibabaw na niya uli ito. Dinaklot ang buhok niya na halos mapasigaw siya sa sakit at pinadapa siya nito sa kama sa kalituhan ng isip niya. Ganoon pa man ay lihim siyang nangiti kahit nasasaktan.
So, ang customer niyang ito ay mahilig sa style. Nararamdaman niya ang kasarian nito sa likod niya.
Ngiting agad napalis dahil marahas nitong pinaghiwalay ang mga binti niya at bago pa niya maisip ang gagawin ng lalaki ay napahiyaw siya sa matinding sakit.
Hiyaw na hindi nakalabas sa bibig niya dahil isinubsob ng lalaki ang mukha niya sa unan. Nagpumiglas siya subalit malakas ang lalaki na idiniin nang husto ang mukha niya sa unan.
“Diana... Diana...!” usal nito habang marahas siyang inaangkin na tila siya hayop.
Anumang sandali ay maaaring bumagsak ang lumang kama sa lakas at dahas nito.
Nang bigla ay nawala ang anyo ng maganda at mestizang babae sa isip nito at ang humalili ay ang mga presong kasama nito sa bilangguan sa loob ng dalawang taon.
Humigpit nang humigpit ang kamay nito sa pagkakahawak sa batok ng babae at dumiin nang dumiin ang pagkakasubsob ng mukha nito sa unan, habang nagsasalimbayan sa isip ang ginawa sa kanya ng mga preso sa loob ng dalawang taon.
“Pagbutihin mo, Kenneth, kung gusto mong manatili kitang alaga at hindi masira ang maganda mong mukha,” ang pinaka-boss sa seldang iyon. Pulos tattoo ang katawan. Pinaglaro nito ang kamay sa likurang bahagi ng katawan niya . “Hmm... maputi... at akin!” Kinagat ni Kenneth ang mga labi sa kahayupang iyon sa katawan niya.
At ngayon ay galit ang nasa kabilang bahagi ng isip niya. Matinding galit habang isa-isang pumapasok sa isip ang paulit-ulit na ginawa ng pinaka-boss ng seldang kinaroroonan niya sa katawan niya.
Patuloy sa paghigpit ang pagkakahawak niya sa batok ng babae na bumaon na halos ang tila-bakal niyang daliri sa leeg nito habang palapit siya sa kasukdulan.
“Hayup... Hayup!” usal niya.
Nasa balintataw ang mukha ng pinaka-boss ng seldang ilang beses siyang pinagsamantalahan. Ilang sandali pa ay humihingal na bumagsak siya sa likod ng babae kasabay ng pagdating nito sa kasukdulan.
Ang babae ay hindi na kumikilos.
At hindi na rin humihinga!
Bureau of Prisons, Muntinglupa
“KAILAN mo gustong kumilos ako, Charlie?” tanong ni Kenneth sa kaibigan. “Ano ang maaari kong gawin sa iyo?”
Tumalim ang mga mata ni Charlie. “Kill her, Kenneth!” buong pagkasuklam nitong utos. “Marami kang utang na loob sa akin. Sa labas at lalo na dito sa loob. Matagal ka na sanang inanay sa lupa kung hindi dahil sa akin...”
Tumiim ang mukha ni Kenneth. “Hindi ko nakakalimutan iyon, Charlie. Bukod pa sa may utang akong dapat na singilin...” h alos mabasag ang mga ngipin nito sa pagtatagis.’
“Hingin mo ang lahat ng mga kailangan mo kay Attorney Amparo. May utos ako sa kanya at susunod siya sa bawat naisin mo. At huwag kang magkakamaling traydurin ako, Kenneth,” banta nito na tumitig sa mga mata niya. “Iniisip mo pa lang ay...” i tinaas nito ang isang kamay at itinuro ang hintuturo sa ulo niya. “Bang!”
Isang tango lang ang isinagot niya. Tumayo. “Dadalawin kita uli `pag tapos ko na ang ipinagagawa mo...” at tumalikod na siya.
“Pumunta ka sa dating contact natin. Hindi ka tatanggihan niyon!” pahabol ni Charlie rito.
Pumasok si Kenneth sa naghihintay na kotse sa labas. “Saan, Kenneth?”
“Sa dating bahay namin, Attorney,” sagot nito na ipinanatag ang sarili sa pagkakasandal habang tumatakbo ang sasakyan. Sinulyapan sa tagiliran ang headline ng isang panghapong diyaryo.
Isang waitress ang natagpuang patay sa inuupahang kuwarto nito sa may Ermita... hinihinalang namatay sa sakal ang babae. Ayon sa eksaminasyon ng mga mediko-legal, she was raped and sodomized. Ayon sa mga kasamahan, isang balbas-saradong mestisuhin ang kasama ng babae ng huli itong makita...
Napahawak sa baba niya si Kenneth. Makinis na iyon. Inahit niya ang sarili kaninang madaling-araw. Hindi niya intensiyong patayin ang babae. Hindi niya inaasahang mamamatay ito. Nadala siya ng matinding emosyon at galit. Iyon ang unang babaeng nahawakan niya makalipas ang dalawang taong pagkabilanggo.
Dalawang taong mahigit! Dalawang taong nakulong siya habang patuloy ang kaso nilang dalawa ni Charlie. At pinagsamantalahan siya ng hayup na boss na iyon ng selda. At kung hindi sa perang paminsan-minsan ay ibinibigay rito ni Charlie ay malamang na hindi lang iyon ang inabot niya. Baka lahat ng mga preso roon ay nagpakasawa sa kanya.
Acquitted siya.
Hindi siya isinabit ni Charlie sa mga naging akusasyon dito nang matiyak nito mula kay Attorney Amparo na mapapasakanya ang mana mula kay Don Luis. Kasalukuyang ikinakaso ang pagtanggi ni Charlie na ito ang pumatay kay Don Luis.
Inamin ng isang tauhan nito ang krimen at sinabing hindi naman binalak patayin ni Charlie ang matandang Don Luis kundi hihingan lang ng pera. Hinugot ng matanda ang baril mula sa drawer nito kaya napilitang magtanggol sa sarili ang nasabing kasama ni Charlie. Walang matibay na ebidensiya ang nagtuturong may kinalaman ito sa pagkamatay ni Dr. dela Paz.
At sa pamamagitan ni Attorney Amparo ay nagkakakuwarta si Charlie sa kulungan. Walang dahilan upang hindi mauwi kay Charlie ang manang legal na inihabilin ni Don Luis dito. Sa pamamagitan din ng pera mula sa abogado ay nagawang bayaran ni Charlie ang tauhan para umamin at huwag itong idamay. Lalo at negative si Charlie sa powder burns.
Isang ngiti ang sumilay sa mga labi niya. Perang nakatulong upang maka-survive sila ni Charlie sa kalupitan ng mga inmates.
At ngayon, heto at malaya siya. Hindi niya gustong bumalik sa loob. Gagawin niya ang lahat huwag lang bumalik sa loob. Pero papaano niya gagawing mabuhay nang disente dito sa labas? Sino’ng tatanggap ng trabahong disente sa kanya gayong may record siya bilang dispalkador bukod pa sa record niya sa city jail?
Kailangan pa rin niya si Charlie hangga’t narito siya sa Pilipinas. Abogado ni Charlie ang kasama niya. Ipinangako ni Charlie sa kanya ang limang milyon sa sandaling masilayan nito sa peryodiko ang walang-buhay na katawan ni Diana!
Si Diana.
Hmm. Totoong hindi niya naging problema ang pangangailangan ng laman sa kulungan pero nami-miss niya ang tunay na babae. Magandang babae. Makinis at mabango. Hindi katulad ng babae kagabi na gusto niyang maduwal sa masangsang at mumurahing pabango nito.
At gustong manayo ang mga balahibo niya sa anyo ni Diana na lumulutang sa kaisipan niya.
Ang seksi at magandang si Diana.
Two birds in one stone. Five million and a nice and slow tumble in bed with Diana!