“E MERALD, bakit Fortalejo ang apelyido ni Lenny?”
Nahinto sa pagsubo ng pagkain si Emerald at napatingin sa asawa na biglang inabot ang baso ng tubig at uminom.
“A-ano ba namang klaseng tanong iyan? I-isa kang Fortalejo, Jewel at—at hindi alam ng mommy kung kanino ipapangalan ang anak mo...” nauutal nitong sagot.
Tumango si Jewel bagaman hindi nasisiyahan sa sagot. Umabot ng pagkain at inilagay sa mesa. Actually, ay hindi iyon ang gusto niyang itanong. Alam niyang hindi siya isang Fortalejo bagaman taglay niya ang pangalang iyon kaya ganoon na lamang ang pagtataka niya na ang anak ay may hawig sa Daddy Romano nila. Kung sa mommy niya medyo humawig si Lenny ay hindi niya pagtatakhan iyon dahil kadugo niya ito.
Pero natatakot siyang isatinig ito. Hindi niya alam kung bakit, pero iyon ang nararamdaman niya.
“Bernard was here, Marco...” aniya na sinipat sa ilalim ng pilikmata ang bayaw.
“Ano—daw ang sadya?” Si Marco na nagkunwang balewala. Si Emerald ay nagpigil ng paghinga.
Nagkibit ng mga balikat si Jewel. “Ang sabi niya ay gusto niya akong makita.” n aglagay siya ng pagkain sa pinggan at matapos sumubo ay tumingala. “Agad siyang nakagaanan ng loob ni Lenny...”
“Likas na magiliw sa mga tao ang anak mo, Jewel.” s i Emerald. “Tingnan mo na lang kung paano niya nakagiliwan si Lance Navarro...”
“It took Lance three visits bago naging palagay ang loob ni Lenny sa kanya, Emerald,” banayad niyang protesta.
“Your son is a little bit older now,” at kunwa’y nagkibit ng mga balikat si Emerald.
Hindi na rin ipinilit ni Jewel ang topic. Si Marco ay nagbangon ng ibang mapag-uusapan at tuluyan nang nakalimutan ang tungkol doon.
DALAWANG araw mula nang manggaling si Bernard sa mansiyon ay muli itong nagbalik. Nadatnan na nito si Lance roon na pinanonood si Jewel habang tumutugtog ng piano.
Nagdikit ang mga kilay nito at malakas na tumikhim nang dalawang beses. Sabay na lumingon ang dalawa.
“Bernard...” s i Lance.
Si Jewel ay huminto sa pagtugtog. For some reasons she could not comprehend, her heart started to pound madly nang masilayan si Bernard. At iyon ang nagpapagulo sa isip niya, Lance is equally handsome and as gorgeous and younger. Mas guwapo pa ngang higit kung tutuusin with his easygoing style.
Pero bakit sa lalaking ito ay kinakabahan siya. Ito ang ikalawa nilang pagkikita and again she felt a certain sense of belonging.
“Please, sit down, Bernard...” i tinuro niya ang malapit na lounge.
Subalit hindi tumitinag ang lalaki. Nanatiling pormal ang mukha. His eyes hard and unfathomable as he stared at them both.
“May bisita ka at hindi ko na nais pang magtagal,” wika nito sa napakalamig na tinig. “Where’s Lenny?”
“K-kasama ni—ni Emerald at ng kambal,” she stammered. Kung bakit ba bigla siyang ninerbiyos sa pagtatanong na iyon na tila ba dapat ay naroon ang anak niya sa oras na iyon. “They—went shopping...”
“At bakit hindi ka nila kasama?” he growled thickly na ipinagsalubong ng mga kilay ni Lance.
“Hey, what’s this, interrogation?” Hinaluan ni Lance ng biro ang tinig bagaman gustong mairita.
“M-medyo sumakit ang ulo ko kaninang paalis sila at nagpaiwan na ako...”
“Then you should be resting.” s a pagkakataong iyon ay hindi ikinaila ni Bernard ang banayad na galit sa tono. “You don’t look like as if you had a headache, Jewel...”
“What is this, Bernard?” Si Lance bago pa makasagot si Jewel. “Jewel is sick, at natitiyak kong alam mo iyon. Normal lamang na makaramdam siya ng sakit ng ulo paminsan-minsan considering her circumstances...” pagtatanggol ni Lance sa naiiritang tinig.
Humugot ng buntong-hininga si Bernard. Sumandaling nawala sa isip nito iyon. What’s the matter with him at naabutan lang nito si Lance ay gusto nang sumabog ang galit niya?
“Forgive me,” banayad nitong sinabi na ang mga mata ay nakatuon kay Jewel. “I was just concerned. Sinabi mong masakit ang ulo mo at inaasahan kong magpapahinga ka...”
“I feel better now,” marahang sagot niya bagaman bahagyang naningkit ang mga mata sa lalaki.
Nagagalit siya sa inaasal nito bagaman hindi gustong magalit sa harap ni Lance. Ano ang karapatan ng lalaking ito na mag-impose ng awtoridad sa kanya? Not even as an uncle dahil hindi sila magkadugo,
“May kailangan ka ba kaya ka naparito?” tila may yelo ang tinig niyang tanong dito.
Bernard winced silently as he saw her eyes. He knew her too much para hindi malamang nagagalit siya.
Tumango ito at pagkatapos ay nag-alis ng bara sa lalamunan. “I am inviting you and Lenny to spend a few days in Paso de Blas.”
“P-Paso de Blas?”
“Yes. Sa Hacienda Kristine. Makabubuti sa iyo ang klima doon...”
“Bago ka dumating ay napag-usapan namin ang pagbabakasyon ni Jewel sa Alta Tierra, Bernard,” agap ni Lance na nilinga ang dalaga na hindi malaman kung sino sa dalawang lalaki ang titingnan.
“Paso de Blas is your home, Jewel,” wala sa loob na sinabi ni Bernard.
“I invited her first,” giit ni Lance na nakikipag-hamunan ng titig kay Bernard.
“Oh, please!” hiyaw niya na tinutop ang ulo.
Si Lance ay mabilis siyang niyuko. Si Bernard ay pinigil ang sariling huwag lumapit. He wasn’t able to control himself. He has done enough damage.
“Jewel, what’s wrong? Do you need a doctor?” Ginagap nito ang dalawang kamay ng dalaga.
Damn you, Lance! Si Bernard na tumalikod upang hindi makita ni Jewel ang galit sa mga mata nito para kay Lance.
“I–I’m okay, Lance...” sagot niya na sinundan ng tingin si Bernard na humakbang patungo sa pinto. Hindi ito lumingon at tuloy-tuloy na lumabas.
Parang gusto niyang tumayo at habulin ito. She hated his arrogance and dictatorial manner and yet hindi niya gustong umalis ito.
Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Lance. ‘‘I’m sorry if we had upset you, Jewel. I’ve lost my control there for a minute. He was your uncle at normal lamang na mag-alala.” Wala sa loob siyang tumango. “Mabuti pa’y umalis na rin ako, Jewel. Magpahinga ka. At tungkol doon sa imbitasyon ko sa inyo ni Lenny, I am serious about it...”
Pinilit niyang ngumiti at muling tumango. Tuluyan nang nagpaalam si Lance at lumabas. Ilang sandali pa ay naiwan siyang nag-iisa. Pumasok siya sa family room upang manood na lang ng TV. Dinampot ang remote control at naupo sa lounge at ini-on ang TV set.
Kasalukuyan siyang namimili ng show sa Cable channel nang mapagtuunan niya ng pansin ang isang videotape na mula sa malayo ay nabasa niya ang nakasulat: De Silva-Fortalejo Wedding.
Isang ngiti ang sumilay sa mga labi niya. Ang wedding video nina Marco at Emerald. Inilagay niya sa channel 3 ang TV Tumayo at kinuha ang tape at ini-on ang VCR at isinalang ang tape at muling bumalik sa lounge.
“Oh!” bulalas niya sa unang flash ng screen. Si Emerald habang nagbibihis sa isang silid na hindi pamilyar sa kanya. Ang mommy nila, at siya!
“Ako ba iyan? Oh, my!” natatawa niyang kausap sa sarili. She was nineteen at ang bridesmaid ni Emerald.
Natatawang pinanonood niya ang sarili sa video sa mahigit na limang taong gulang na tape. Nasa hardin na ng Villa Kristine ang eksena nang sumungaw sa pinto ang mayordoma ng mansiyon.
“Ma’am, telepono, para sa inyo...”
Nilingon niya ang mayordoma. “Salamat, Guada. Sino raw?”
“Si Senior Bernard po...”
Napahugot siya ng paghinga. Mabilis na tumayo.
“Papatayin ko po ba ang VCR, Ma’am?” pahabol ng mayordoma.
“Yes, please, Guada...” sagot niya na tuloy-tuloy sa labas.
Umiling ang katulong na tinitigan ang nasa screen. Nakatuon kay Marco at sa katabi nitong best man, si Bernard. Si Bernard na sa buong video ay nakatitig sa kanya na tila ito ang ikinakasal. At siya rin ay nasa binata ang mga mata, smiling sweetly, shyly.
Ang ilan sa mga eksena ay ang kuha nila ni Bernard na halos hindi na naghiwalay at laging magkatabi sa upuan sa buong durasyon ng kasal, bagaman noong panahong iyon ay pare-parehong mga nagkakahiyaan.
Umiling ang mayordoma na katulong na ng mga de Silva mula nang lumipat ang mga ito sa mansiyon.
“Makaalala kaya si Ma’am Jewel kung tuluyan itong napanood?” bulong nito. “Sana ay hindi ka na niya gustong hanapin mamaya at ituloy ang panonood,” wika nito sa tape na inilagay sa kailaliman at tinakpan ng ilan pang mga tapes.
Sa labas ay excited na dinampot ni Jewel ang telepono. “H-hello...”
“Jewel, si Bernard ito...”
“Yes... n-nasaan ka?”
“Sa sasakyan. I’m using my cell phone. Please be ready, I’ll collect you and Lenny tonight and we will leave for Paso de Blas.”
Napahugot siya ng paghinga. “Paano kung hindi ko gustong sumama?” May banayad na hamon sa tinig niya.
“Don’t you really?” he asked softly.
Nalito siya. “I—don’t know…”
“Please, come. Kayo ni Lenny. I really want for you to come.”
“W-why?”
“You belong there, Jewel,” he spoke with certainty. “And you might be able to remember the past kung naroon ka…”
Isang buntong-hininga ang isinagot niya. Gusto niyang itanong kung ano ang ibig sabihin nito sa pagsasabing ‘you belong there.’
“Anong oras ka namin hihintayin?” ang sa halip ay lumabas sa bibig niya.
Sinabi ni Bernard ang oras at pagkatapos ay ini-off ang cell phone at nagtuloy sa Kristine Cement.
“Gagamitin ko ang isang chopper patungong Paso de Blas mamayang gabi, Andrea. Ipahanda mo.” t uloy-tuloy siya sa silid. Mabilis na tumayo si Andrea at sumunod.
“Bernard, totoo ba ang tungkol kay—J-Jewel?” Nasa mukha nito na hindi naniniwala sa kung sino man ang nagkuwento. “It’s ridiculous...!”
“Kanino mo nalaman, Andrea?” matalim nitong tanong bago naupo.
“Bernard, I have been in this company longer than you do. And I am almost a family if not by blood,” sagot ng matandang babae na nagbago ang tono at tumaas ang noo.
Matabang na ngumiti si Bernard. “This is the third week since she came back home from Texas, Andrea...” at muli ay pahapyaw itong nagkuwento sa sekretarya.
“Oh, my god!” Tinakpan nito ang bibig kasabay ng panlalaki ng mga mata. “So it’s true! Oh, Bernard, hindi ko alam ang iisipin at maramdaman ko...!”
“Aren’t you happy for me, Andrea?” tanong nito sa pagitan ng lungkot at tuwa. “ i yan ay kung lalabas kaming lahat sa suliraning ito nang hindi gaanong nasusugatan and also if she will have me...”
“She will, Bernard,” may katiyakang wika nito. “She loved you so much. You have an endless love for each other that goes beyond the boundaries of time and even death. Nawala lang ang bahagi ng memorya niya pero naroon ang pag-ibig. Stronger and deeper. At ang pag-ibig ninyo sa isa’t isa ang siyang tanging sinulid na nagdudugtong upang labanan ni Jewel ang kamatayan.” n amuo ang luha sa mga mata ng matanda.
“Thank you, Andrea.” p uno ng sinseridad ang tinig ni Bernard at kumuha ng pag-asa sa sinabi ng matandang sekretarya.
“And I am happy. More than just happy. And you have a son!”
“Isa siyang tunay na Fortalejo, Andrea.” p uno ng pagmamalaki ang tinig niya. “He has Leon’s features and arrogance... her mother’s skin and my eyes. And he knows I am his father.”
“Oh!” she exclaimed. “Bring that young master here, Bernard. Gusto ko siyang makita.”
Natawa si Bernard sa excitement na nasa mukha ni Andrea. “Soon, darling. Pansamantala, habang nasa Paso de Blas ako, Zandro will take over...”
Pagkalabas ni Andrea ay tinawagan niya si Marco sa Kristine Steel.
“Hindi mo magagawa iyan!” hiyaw ni Marco sa kabilang linya.
“I already have invited her and Lenny at pumayag siya, Marco.”
“Naloloko ka na ba, Bernard?” galit nitong sinabi. “Paano kung makaalala si Jewel pagdating doon?”
“Hindi ba at iyon ang gusto nating mangyari, Marco? Ang gumaling siya? Bakit kailangang iantala ninyo ang pagpunta niya roon?”
“Dahil hindi ko siya gustong masaktan!” sigaw nito na bahagyang inilayo ni Bernard ang telepono sa tainga. “Ano sa palagay mo ang magiging damdamin niya kung malaman niyang may asawa ka na?!”
Matagal bago sumagot si Bernard. Hindi niya nalilimutan ang bahaging iyon. Pagkatapos ay bumuntong-hininga.
“Why are we delaying the inevitable, Marco? Sooner or later ay magbabalik ang memorya ni Jewel. At gusto kong naroon ako when the time comes...”
“Mas gugustuhin kong hindi, Bernard, if only to spare her from getting hurt!”
“Callate, Marco!” galit niyang sagot. “Sapat na ang ginawa mong utos sa mga tao sa Paso de Blas na huwag makipagkita kay Jewel. That was fine with me. Ayoko siyang biglain. But nothing can stop me from taking her home!”
“Home? You’re mad, Bernard!” hiyaw ni Marco sa kabilang linya.
“Perhaps...” balewalang sagot nito.
“At ano ang gusto mong mangyari?” patuloy ni Marco sa malakas na tinig. “Totoong valid at legal ang kasal ninyo ni Jewel, I checked it out with Judge Adriano. And l ord, you married her under the name of Fortalejo na legal pa rin dahil ang pagkilala sa iyo ni Leon bilang legal niyang anak ay nauna nang nahayag sa testamento nito...” u miling ito na gulong-gulo ang isip.
“Ako ang dapat na mamroblema, Marco, hindi ikaw...”
“Dammit, paano si Diana? Morally, may obligasyon ka sa kanya! Ano ang gagawin mo? You didn’t even want to talk to me about the legal aspects…”
“Let it be...”
Napapikit si Marco sa kabilang linya. Tumiim ang mga bagang. “You couldn’t be that selfish!”
“You have done your part in ruining my life, our lives... kayo ni Nathaniel at ng Mommy,” sagot ni Bernard sa mariing tinig. “Don’t you think I would have not done everything within my power kung nalaman kong buhay si Jewel?” may kapaitan nitong tanong.
“How could you have done something when you almost killed yourself!” akusa nito. “Besides, there was nothing to be done. Kung hindi dumating ang Mommy ay alam mong hindi siya madadala ng Texas, Bernard. Hindi dahil hindi natin gustong gawin iyon, aminin man natin o hindi, we have resigned ourselves that she will die. And she died in your arms!
“Tanging ang hatred ng m ommy kay Leon Fortalejo at sa pera nito ang nagpangyaring magpasya nang ganoon. Alam nating lahat iyon! So do not point an accusing finger on us. Ginawa namin ang nararapat!”
Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Bernard. “Not that I blame you. Perhaps you all meant well. Lalo na ang m ommy. Perhaps she was right. And they were all in the past now and arguments about it wouldn’t do any good. Now, let me handle this, Marco... my way…”
“Hindi mo alam ang ginagawa mo, Bernard,” ani Marco in a helpless voice. “Ano ang kahihinatnan kung sakali?”
“She is my wife and Lenny is my son. Akin ang karapatan.”
“What about Diana? The annulment? Ano na ang nangyari doon?” desperadong tanong ni Marco. “Why don’t you want to discuss it with me?”
“Leave it, Marco. Ipaubaya mo sa akin ang lahat Simula sa oras na ito.” i binalik nito sa receiver ang telepono at sumandal sa swivel chair.