noveltoon logo noveltoon
Endlessly (Kristine Series 11)

Chapter 20

Ch. 21 / 34 May 09, 2025

M ATAGAL nang nakalabas si Bernard ay nanatiling nakatitig sa may pinto si Jewel.

Bernard.

Marahil ay dati na silang magkakilala. Natitiyak niya iyon. Nararamdaman niya. Bukod doon ay hindi siya dadalawin nito kung hindi siya kakilala.

Pamangkin ito ni Marco so he must be family. At sabi nga ni Lance ay pamangkin siya nito. Well, hindi naman alam ni Lance ang tunay na kaugnayan niya sa mga Fortalejo.

Ang ipinagtataka niya ay ang epekto ng presensiya nito sa kanya kahit na nang banggitin nito ang pangalan. Hindi ito ang unang pagkakataong nakadarama siya ng kakaiba sa tuwing maririnig ang pangalang iyon. Was his name somehow connected with something very important?

Isang buntong-hininga ang pinakawalan niya at tumitig sa kawalan. Sana nga ay muli silang magkita. Gusto niya itong makitang muli.

Why Jewel? He’s married, a ng bulong ng isang bahagi ng isip niya.

And the thought of it, made her feel like weeping. Na nagdagdag lang lalo ng kalituhan sa isip niya.

SI Bernard ay nanatiling nakaupo sa harap ng manibela. Hindi makuhang paandarin ang Land Cruiser palayo.

He was torn between turning the ignition and run his car out of the place fast and going back to the house and take her in his arms and tell her that she was his life, she was his, she was his wife!

Ibinagsak niya ang ulo sa headrest and closed his eyes. Nagsalimbayan doon ang maraming alaala na kay tagal niyang inalagaan sa dibdib. Bahagi niyon ay unti-unting lumilinaw na muli...

“Hey, akala ko ba ay magkakarera tayo patungo sa kubo?” ani Jewel na nakatawa habang hawak ang renda ni Snowhite at nakahandang patakbuhin.

He smiled tenderly. “How am I gonna do that when all I want is to look at you...”

She rolled her eyes and made a face. “As if.”

“As if what? I really hate that expression na natutuhan mo sa America,” ani Bernard na hindi malaman kung maiirita o maaaliw.

She laughed huskily. “As if you really loved me...” tukso niya.

Ngumisi si Bernard. “Parang hindi ko alam iyang style na iyan. Gusto mo lang marinig parating sabihin ko sa iyo kung mahal kita...”

Pumormal si Jewel. “Do you really love me, Bernard?”

“Te amo...”

“For how long?”

“Endlessly...”

She contentedly smiled at him at pagkatapos ay tinapik si Snowhite. “I’ll race you hanggang kubo, cowboy and if you win, I’ll have a surprise for you.” s ukat doon ay mabilis na pinatakbo ni Jewel ang kabayo.

His cup runneth over with love for this woman habang sinusundan nito ng tanaw ang dalaga na ang mahabang buhok ay nilalaro ng hangin.

How many times did he watch her sleep and memorize her face after a thorough and sweet love making? How many times did he make her scream everytime she reached her climax that it always made him feel like on top of the world?

Ngumiti ang binata at muling sinundan ng tanaw ang dalaga. Binigyan nito ng partida ng may kung ilang metro at saka hinabol.

Naabutan niya si Jewel sa may parang at hinapit niya ang baywang nito.

“H-hey!” hiyaw ng dalaga. “B-Bernard, mahuhulog ako!”

Malakas na tumawa ang binata. “Sa palagay mo ba’y hahayaan kong masaktan kahit ang hibla ng buhok mo, ha, dark eyes? Kasinggaan ka lang ng dahon.”

Bumitaw ang binata at bumaba ng kabayo at inabot ang dalaga pababa. Hindi pa halos sumayad sa damuhan ang mga paa ng dalaga ay hinapit na siya ni Bernard at hinagkan nang mariin sa mga labi.

Mabilis siyang kumawala. “W-wait…”

“You promised me this... and l’m claiming it…” h is eyes turned dark in passion habang hinahabol nito ang mga labi niyang iniiwas.

“Hindi iyon ang ibig kong... hmmp...” n ahuli ni Bernard ang mga labi niya and kissed her again. Muli siyang umiwas.

“No kidding, Bernard. Hindi ito ang ibig kong sabihin...” t umaas ang mga kilay ng binata , in amusement.

“You can fool me,” pagkatapos ay ngumisi ito. Pinaglandas ang daliri mula sa mga labi niya pababa hanggang sa leeg at patungo sa dibdib.

Gustong manindig ng mga balahibo niya sa tila bulaklak ng kugon na humahaplos. Para sa isang ranchero at malaking taong tulad ni Bernard, mahirap paniwalaang ganoon kabanayad ang kamay nito pagdating sa kanya.

“Bernard...” g usto na niyang matangay sa ginagawa ng kasintahan.

“I can see your pulse beats faster as I touch you, querida, and how your breasts willing responded to my touch...” wika nito as he gently touched one erect nipple.

“Honest, Bernard,” giit niya habang pilit na inaalis sa ginagawa ng binata ang isip. “It’s... something else...” seryosong dagdag niya.

Bumalik sa mga mata ni Jewel ang paningin ni Bernard kasabay ng pagsasalubong ng mga kilay. “What is it?”

Tumalikod ang dalaga at nagpayakap dito mula sa likod. Pinagsalikop niya ang mga kamay sa mga kamay nito. Si Bernard ay hinagkan ang likod ng ulo niya.

“De que se trata? What is it about, mi alma?” banayad nitong tanong. Naramdaman nito ang paghigpit ng pagkakahawak ni Jewel sa mga braso nito as if seeking reassurance from him.

“I–I am—six weeks p-pregnant, Bernard...” h alos bulong na lumabas sa bibig ng dalaga iyon. Itinuon ang mga mata sa mga nanginginaing stallions.

“Que?” marahas nitong tanong kasabay ng pagbaling nito sa dalaga paharap. “Ano ang sinabi mo?”

“Six weeks. Six weeks na ang nasa tiyan ko.” m ay bahagyang insekyuridad sa tinig niya habang inaaninag sa mukha ni Bernard ang magiging reaksiyon nito. “N-nagpa-check up ako sa Maynila nang hindi mo alam...”

Si Bernard ay matagal na hindi nakapagsalita at nanatiling nakatitig sa magandang mukha ng dalaga. May kung ilang sandaling walang maririnig kundi ang paglalaro ng mabining hangin sa mga dahon ng mga malalaking puno sa paligid at huni ng mga ibon. Ganoon din sa buhok ni Jewel at mga damit nila.

“S-say something, Bernard, please…” alanganing wika niya sa kinakabahang tinig.

“I’ll marry you now!”

“What?”

“Narinig mo ako, dark eyes,” wika nito na kumislap ang mga mata. “Magpapakasal tayo. Hihigitan natin ang kasal nina Marco at Emerald at ni Jasmin at Nathaniel! Iimbitahin natin ang buong Paso de Blas at hanggang sa kabisera sa Palawan!”

“Oh!” She sighed in relief. “Ang buong akala ko’y hindi mo magugustuhan ang ibabalita ko dahil hanggang ngayon ay nilalakad pa rin ninyo ni Marco ang pagpapalit ng pangalan mo...”

“Silly you.” d inampian nito ng halik sa mga labi si Jewel. “I wanted to give you my name bilang isang Fortalejo pero magagawa natin iyon pagdating ng araw. Ang mahalaga ay makasal tayong dalawa ngayon, Fortalejo man o de Silva. And you will be mine forever and forever and forever...” at saka itinaas nito ang dalaga mula sa lupa at inikot ng inikot.

“Bernard! Ibaba mo ako!” hiyaw niya sa magkasamang tawa at nerbiyos. Hinahagkan ni Bernard ang tiyan niya.

Sa kaibuturan ng puso ay naroon ang matinding kaligayahan. She wanted to be his wife more than anything else in this world.

Ibinaba siya ni Bernard and kissed her hungrily as if that was the first time they had kissed. For Jewel, his kiss was everything. It was pure heaven. She returned his kisses, his caresses and moulded her body against him.

They kissed forever, At kung hindi pa naramdaman ni Jewel ang pagpatak ng ulan sa braso niya ay hindi niya gustong kumawala.

“Umaambon , Bernard...”

Ngumiti si Bernard. His eyes still smoky with desire. “We haven’t made love yet under the rain, Jewel...”

Nakangiting mabilis na umiling si Jewel. “Oh, no! Don’t you dare! Kaya nating takbuhin ang kubo, Bernard, bago lumakas ang ulan...”

“I don’t want to run, querida,” pigil ni Bernard and wiped the droplets of rain from her face. “I want to walk in the rain by your side.” m ahigpit nitong hinawakan ang kamay niya at banayad na lumakad sa gitna ng mahinang ulan.

She dinged to his hand. Just stared and smiled at each other once in a while and walked through the rain as though it would last forever.

Basa na sila nang makarating sa kubo. Wala pa ring gustong magsalita. Their eyes remained fixed at each other habang isa-isa nilang inaalis ang mga basang kasuotan.

She amazingly stared at his body so wonderfully built. All hard muscles... everywhere!

Inabot siya ni Bernard and held her close. Then he cupped one perfect breast and stared into her dark eyes.

“You are so perfectly beautiful!” he whispered as his eyes roamed her body “If it were possible to worship a human being, then I would have worshipped you, mi alma. Te quiero mucho… more than anybody can...”

“I will always love you, Bernard. Always...” she said in a sob.

Bernard pulled her closer, sweeping her into a powerful embrace. Her body against his body was pure magic. And they loved as the rain outside played music na hindi naman nila naririnig.

Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Bernard sa alaalang iyon.

Sa palagay mo ba’y hahayaan kong masaktan kahit ang hibla ng buhok mo, ha, dark eyes?

He hated himself sa bahaging iyon ng alaala. He promised himself to protect her, to cherish her, to love her. Pero hindi niya natupad ang pangakong iyon.

Isang busina ang nagpabalikwas kay Bernard mula sa pagkakahilig sa headrest.

Nagmulat siya ng mga mata. Sasakyan ni Lance ang pumarada sa may harap niya. Unti-unting naningkit ang mga mata niya pagkakita sa binata.

Ibinaba ni Bernard ang salamin ng sasakyan at nilingon siya ni Lance na ngumiti.

“Pare,” acknowledged nito sa kanya. “Galing ka ba sa loob?”

Tumango siya. At bago pa niya naitanong kung ano ang kailangan nito sa mansiyon ay lumabas mula sa malaking pinto si Pacita kasama si Lenny.

“Tito Lance!” hiyaw ng bata at mabilis na tumakbo patungo rito. Si Lance ay agad na binawi ang tingin mula kay Bernard at nakatawang sinalubong ang bata.

“Hello, handsome!” Niyuko nito ang bata at itinaas sa ere na ikinahagikgik ni Lenny. “Where’s your mother?”

Si Bernard ay halos mahati ang dibdib sa galit at panibugho sa affection na ipinakita ni Lenny sa binata. Gusto niyang isigaw sa lalaking ito na anak niya ang karga nito.

Napansin siya ni Lenny na mabilis na nagpababa. “Put me down, Tito Lance! I want you to meet my... my...” ang bata na hindi malaman ang sasabihin. Nang sumayad ang paa sa baldosa ay agad na tumakbo palapit kay Bernard.

Binuksan niya ang pinto dahil mataas ang Land Cruiser. Tumingala si Lenny at sa pabulong na tinig ay nagsalita:

“He’s my Tito Lance…” n ilingon nito si Lance. “What shall I call you?”

“So you already have met your Tito Bernard, Lenny.” s i Lance mula sa di-kalayuan bago pa makasagot si Bernard.

“He’s not my Tito,” pormal na sagot ng bata. “He’s my...”

“You can call me Bernard, Lenny. I wouldn’t mind,” he said painfully. Pati ang anak niya ay naguguluhan. If it is within his power para maayos ang lahat nang ganoon kadali, ginawa na niya, if only for his son.

“But I want to call you Papa...” protesta ng bata na nagkalambong ang magandang mga mata.

“Si, mi querido,” masuyong bulong ni Bernard na inabot ang anak pataas sa kanya at kinandong. “You can call me Papa, `pag tayo lang dalawa...”

Umaliwalas ang mukha ng bata. “It is our secret...”

“Si, nuestro secreto. Our secret.”

“What is ‘si’? and que... que ...?” nagkandabulol nitong tanong.

Itinaas niya ang mukha ng bata at nagbuntong- hininga. “One day, you will learn to speak your Lolo Leon’s tongue. You are my son, the heir to the Fortalejo empire...” mariing pahayag niya.

Tumango at ngumiti si Lenny na tila naiintindihan ang sinasabi ng ama.

“Now, be a good boy and go back to your mama and take care of her for me, will you?”

“Balik ka?”

“That you can be sure of.” h inagkan niya ang bata sa noo at ibinaba. Agad itong tumakbo pabalik kay Lance.

Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Bernard bago isinara ang pinto ng sasakyan at pinatakbo ang sasakyan paalis.