“D O YOU think she will be all right?” nag-aalalang tanong ni Jewel nang pumasok na sila sa kotse ng binata matapos isakay ni Joshua sa sasakyan nito si Diana.
Sinundan pa niya ng tingin ang likuran ng kotseng naunang lumabas sa parking lot.
Tumango si Lance na nakatiim ang mga bagang. “Nagpakilala ang kasama ni Mrs. Fortalejo bilang isang doktor and family friend ”
“I–I am sorry about that...”
“Hindi ka dapat humingi ng paumanhin!” galit na baling ng binata sa kanya na ikinapanlaki ng mga matani Jewel.
“B-bakit ka nagagalit?”
Biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Lance at bumuntong-hininga.
“I am sorry,” banayad nitong sinabi at inabot ang kamay ng dalaga at pinisil. “Hindi ako sa iyo nagagalit kundi...” i binitin nito ang sinabi at umiling. Ini-start ang ignition at lumabas ng parking.
“Nagtataka lang ako kung bakit hanggang ngayon ay tila hindi alam ng mga kamag-anak mo ang existence mo. Marco should have done something about it...” h indi nito ikinaila ang bahagyang paninisi sa tinig para kay Marco.
Humugot ng malalim na paghinga si Jewel. “Don’t blame him, Lance,” she said softly. “Hindi madaling sabihin at ipaliwanag na ang isang matagal nang inakalang patay ay heto at buhay naman pala...”
Tumango si Lance nang wala sa loob. “I know that. Kung sa ibang tao ay maaaring ganoon nga, pero mga kamag-anak mo ang gusto kong sabihin, Jewel, your immediate families! Si Bernard Fortalejo ay pamangkin ni Marco de Silva sa mother side.” n ilingon nito ang dalaga na pumikit at agad na sumandal sa headrest. “What is wrong?”
Umiling si Jewel bagaman hindi nagmumulat ng mga mata. “N-nothing. I—only seemed to—to feel like...” m uling umiling ang dalaga na gustong mairita sa sarili. “This is ridiculous...”
“Please, tell me,” he urged softly. “You are perhaps remembering...”
“I–I seemed to fall into pieces everytime you speak his name...”
“Name who?” Kumunot ang noo ng binata. “Bernard?”
Humugot ng paghinga ang dalaga. “Yes. And he’s my uncle?”
Tumango si Lance. “Iyon ang nalaman ko mula kay Jenny. I asked her about the family relations. At marahil ay unti-unti kang nakakaalaala kaya marahil ganyan ang pakiramdam mo. That’s a good sign.”
“I really hope so, Lance,” she said faintly. “I felt so helpless. Ang katotohanang heto ako at buhay ay hindi na madaling ipakipag-usap, lalo na ang wala kang maalala sa ilang bahagi ng buhay mo.” Nakakaunawang tumango si Lance. “Ang unang ginawa ko nang dumating tayo ay ang kausapin ang kaibigan kong doktor at itanong ang ilang mga bagay tungkol sa pagkawala ng memorya mo.” n ilingon siya nito and gave her a reassuring smile. “It is typical that you don’t remember because of head injury. And she was amazed that after what happened to you, you recovered completely with only a partial loss of memory.”
“I know. My doctors in Texas said so. That I may or may not remember at all,” she said helplessly. “Hindi ko kayang isiping tuluyang mawala sa alaala ko ang ilang mahahalagang bahagi ng buhay ko, Lance!”
“It’s a slow business, Jewel. And don’t feel so desperate, for you to live back your life again is more than to be thank for...”
“Yeah...” bulong niya. Sa maraming pagkakataon ay ipinagpasalamat niya iyon. Muli siyang sumandal at ibinaling ang paningin sa daan.
Nilingon siya ni Lance. “Do you want us to go somewhere?”
Nagpilit siyang ngumiti. “Some other time, Lance. Gusto kong umuwi na...” t ahimik na tumango si Lance.
Walang namagitang usapan hanggang sa maihatid ni Lance si Jewel sa mansiyon.
“Thank you for taking me out, Lance…”
Tumango ang binata at ngumiti. “One of these days ay iimbitahan kita sa Alta Tierra, sa Navarro Ranch. Kayo ni Lenny...”
“I’d love that... `bye.”
SI Lance ay hindi sa FNC tumuloy kundi sa Kristine Steel.
“This is a surprise, Lance...” s i Marco na tumayo mula sa likod ng executive desk at iniabot ang kamay sa binata. “Maupo ka. Care for coffee?”
“No, thanks. May mahalagang bagay akong sadya, Marco,” seryosong wika ng binata na naupo sa visitor’s chair sa harap ng mesa ni Marco.
Tumaas ang kilay ni Marco roon at muling nagbalik sa upuan.
“Mukhang importante ang sadya mo kung ang pagbabatayan ko ay ang anyo mo. You could have called a meeting...”
“This is personal,” agap ng binata. “And, oh, I took Jewel out for lunch this morning...”
“I see,” maiksing usal ni Marco at sumandal. More or less ay may ideya ito kung ano ang sadya ng binata ni Franco Navarro.
Sa simula pa lamang ay nahahalata na nito ang intensiyon ni Lance sa hipag. At napag-usapan na nila ni Emerald na dapat na putulin ang anumang relasyon mayroon ang dalawa. Hindi nga lang nila mapagpasyahang mag-asawa kung paano gagawin iyon. Dahil malibang mag-file ng legal separation si Bernard at Jewel ay mananatiling may-asawa ang hipag.
Mga sitwasyong nakagugulo sa kaisipan ng lahat.
Tumikhim si Lance bago nagsalita. “I really don’t know how to say this, Marco. I have met a considerable number of women in my life, pero para ipakipag-usap ang sino man sa mga ito sa mga magulang o sa kung sino man ang may responsibilidad ay hindi ko pa nasubukang gawin... until now.” m uli itong nag-alis ng bara ng lalamunan. “What I am trying to say to you is my ongoing relationship with your sister-in-law...”
“Mabuti at sa iyo na nanggaling ang mga bagay na iyan, Lawrence Navarro,” agap ni Marco sa seryosong tono. “Nasa hustong gulang na si Jewel upang malaman kung ano ang tama at mali. Pero sa katayuan niya ngayon, hindi para sa kanya ang magdesisyon kung ano ang mabuti para sa sarili.
“Nais kong ipaalala sa iyong maysakit ang hipag ko. Do not take advantage of her vulnerability at the moment. Kilala kita, Lance. At hindi ko gugustuhing magkagalit ang pamilya natin,” banayad pero may warning sa tinig ni Marco.
“My intentions are honorable, Marco,” ganti ng binata sa equally firmed voice. “At gusto kong ipakipag-usap sa iyo ay ang nangyari sa Mandarin kanina...” at ikinuwento niya ang pagtatagpo ni Jewel at Diana at ang pagkawala ng malay ng huli. “Hindi ba dapat na ginawan mo ng paraan ang mga bagay na iyon?”
Tumiim ang mukha ni Marco at umilap ang mga mata. Pagkatapos ay tumuwid ng upo.
“This is family matters, Lance. In fact, I advise you to stay away from Jewel,” mariing wika ni Marco.
Sinalubong ng tingin ni Lance ang mga mata ng abogado. “Hindi mo ako kayang manduhan, Marco. At nagmamalasakit ako kay Jewel kaya ko sinasabi sa iyo ito.”
“Salamat,” walang sinseridad nitong sagot. “Whatever your intentions with my sister-in-law, you’re in for a big trouble, Lawrence Navarro. Not to mention hearthaches, kung totoo ngang malinis ang layunin mo sa kanya. Heed my warning and stay out of her life!”
“I do not understand this!” galit na sagot ni Lance.
“Precisely. I appreciated everything that you do for Jewel at ipinapayo ko na sana’y hanggang sa pakikipagkaibigan lamang humantong ang lahat. Huwag mong dagdagan ang maraming suliranin,” pagkasabi ay tumayo si Marco. “Good day, Lance.”
Tumiim ang mga bagang ng nakababatang lalaki sa dismissal na iyon. “Malinis ang intensiyon ko kay Jewel, Marco. And I will pursue her and even willing to marry her if she will have me,” mariin niyang sinabi na ikinadikit lalo ng mga kilay ni Marco.
“I really have nothing against you personally, Navarro,” paniniyak ni Marco. ‘‘But I want you to know that Jewel will not return whatever feelings you may have for her... except friendship.” p inagdiinan nito ang huling sinabi.
Marco was speaking with certainty na nakapagkunot ng noo ni Lance. May mga bagay siyang gustong itanong dito subalit nakikita niya at nararamdamang hindi gustong magsalita nito. At ewan niya pero hindi galit ang nakita niya sa mga mata ng nakatatandang lalaki kundi panlulumo.
Matagal nang nakaalis si Lance ay nanatiling nag-iisip si Marco. Kung tutuusin ay hinahangad nila ni Emerald na magkaroon ng panibagong buhay si Jewel sa piling ng ibang lalaki na magdudulot dito ng kaligayahan.
At wala itong masasabi kung mababaling kay Lance ang damdamin ni Jewel. Subalit hangga’t hindi naaayos ang lahat at hindi nakakaalaala si Jewel ay maaaring makadaragdag lamang sa gulo ang presensiya ni Lance Navarro.
SA penthouse sa itaas ng Kristine Cement building ay nasa silid nito si Bernard. Bukas ang television set at nakaharap ito dito pero wala roon ang pansin. At ganoon na lang ang gulat nito nang biglang bumalandra ang pinto ng silid.
“Diana!”
“Damn you, Bernard! Damn you!” Sinugod niya ang lalaki at pinagsusuntok sa dibdib sa gulat ni Bernard.
Napatayo si Bernard at mahigpit nitong pinigilan ang mga braso ng babae. “Stop it, Diana! Ano ba ang nangyayari sa iyo? Bakit ka napasugod?”
“I hate you, Bernard Fortalejo!” Nanlilisik ang mga matang hinablot niya ang mga braso sa pagkakapigil ni Bernard.
“Calma, Diana!” utos nito sa awtorisadong tinig. “Ano ang dahilan ng ipinagkakaganyan mo?”
“I do not understand this, Bernard, but Jewel is alive! She is alive!” hiyaw niya na kahit sa malamlam na liwanag ng lamp shade sa silid ay kitang-kita ang pamumula ng mukha sa matinding galit.
Hinintay niyang magsalita si Bernard subalit nang manatili itong tahimik ay nagpatuloy siya.
“Hindi ko alam kung paano at kung ano ang explanations ninyo but I saw her this afternoon with Lawrence Navarro! I saw her! Oh, my god!” Isinubsob niya ang mukha sa mga palad at umatras sa dingding.
Sandaling natilihan si Bernard pagkarinig sa pangalan ng jet-setter. Humugot ng malalim na buntong-hininga. Inabot ang remote control ng TV at ini-off ito. Pagkatapos ay isinuklay ang kamay sa buhok.
“You bastard!” muling baling ni Diana sa kanya. “How did it happen? Huwag mong sabihin sa aking kamukha at kapangalan lamang ni Jewel ang nakita kong ipinakilala ni Lance Navarro sa akin kanina!”
“I—was equally shocked as you are...” mahinahong sagot nito sa nahahapong tinig. And joy filled me, and pain, and anguish, gusto nitong idagdag.
“Alam mong buhay siya! All along ay alam mong buhay siya!” Nanlaki ang mga mata niya lalo sa matinding pagkamangha at galit.
“Not until a week ago,” he said painfully at hindi nakaila kay Diana iyon bagaman binalewala.
“Sinungaling! Siya ang dahilan kaya wala na ang resistance mo sa annulment natin!”
Tumiim ang mukha nito. “Huwag mo akong akusahan nang ganyan, Diana. You initiated the annulment and I would have stayed married to you kung hindi sa pagnanais mong makawala sa akin na tila ako may sakit!”
“Oh, yes, you’re sick, bastard!” buong pagkasuklam niyang hiyaw. “How did it happen, Bernard? At least, I am entitled to know, `di ba?”
Pinuno ni Bernard ng hangin ang dibdib. At sa marahang tinig ay pahapyaw na sinabi sa kanya ang buong pangyayari ayon sa pagkakaalam nito.
“Oh, god!” bulalas ni Diana sa matinding pagkagimbal. “Now you were really sorry that you married me!” Puno ng self-pity at galit ang tinig niya.
i sang pagkalalim-lalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Bernard. “I am sorry that we ended up like this. I am sorry that I hurt you though it wasn’t my intention...”
Gustong umiyak ni Diana sa agony sa tinig ni Bernard pero pinilit nitong huwag gawin iyon. Pinairal ang galit.
“And I am sorry for you!” angil niya. “What now? In no time at all, you will be back in each other’s arms, ganoon ba? Ganoon ba?” Pagkatapos ay nanlilisik ang mga matang humarap uli dito. “You gave me your word, Bernard! You promised me! Do not turn your back on it.”
“Why are you doing this, Diana?” nanlulumong wika ni Bernard. “I know you’ve been seeing Joshua for quite sometime now at alam mo ba kung ano ang sinasabi ng ibang tao sa akin? Alam mo ba na pinagtatawanan ako ng mga taong nakakakita sa inyo?”
Bahagyang nanlaki ang mga mata niya. “W-wala akong... kaming... ginagawang masama. At hindi mo maaaring bawiin ang salita mo dahil lang sa akusasyong iyan...” depensa niya na agad nakadama ng guilt.
In one way or another ay tama si Bernard. Pero kung sa mga sandaling ito magbabalik sa isa’t isa si Bernard at Jewel ay mapapahiya siya. Hindi niya mapapayagan iyon.
“And yet I kept silent... for you. Because I gave you my word!” patuloy ni Bernard.
“I–I haven’t done anything wrong, Bernard. Believe me...” b iglang bumaba ang tinig niya. Gustong mapiga ng puso sa nakikitang paghihirap sa anyo ng lalaki.
“Perhaps.” n agkibit ito ng mga balikat. “What do you want me to do, Diana?”
Hindi nakakibo si Diana. Nasaktan siya nang makita si Jewel at matiyak na buhay nga ito. Tinawagan niya si Emerald nang magkamalay siya sa klinika ni Joshua upang kumpirmahin pero wala ito. Umalis ang magkapatid ayon sa katulong. At sa pamamagitan ng katulong ay nalaman niyang nagbalik si Jewel mula sa Texas.
Ang pride niya ang nasaktan nang husto, hindi ang puso niya. Iyon din ang sinabi sa kanya ni Joshua. Hindi niya matanggap na narito ang babaeng sa buong panahong nakilala niya si Bernard ay hindi na naalis sa puso at isipan nito.
And she wanted to hate her! Really hate her. She thought she was pretty in the photographs. But they didn’t give her justice. She was amazingly and exotically beautiful. At ayon sa mga katulong noon ay black diamond ang tawag ni Bernard dito.
And he was right. Only, Jewel didn’t look hard as a diamond. She looked so fragile and vulnerable that anyone would want to cherish and protect her.
At naalala niyang kahit ang guwapong pilotong si Mitch ay umibig dito. And for once in her life ay nakadama siya ng insekyuridad sa sariling katangian.
Tikhim ni Bernard ang nagpaangat ng paningin niya rito.
“If it makes you feel better, gusto ko ring malaman mong—may bahagi ng buhay ni Jewel na hindi niya naaalala. Ayon kay Marco, she doesn’t even remember me,” he said bitterly, painfully.
Napatanga si Diana sa narinig.
“A-ano ang ibig mong sabihin?”
“She’s suffering from partial amnesia, Diana. And I haven’t seen her yet...” dagdag nito kasabay ng pagbuntong-hininga.
Ilang sandaling katahimikan ang namagitan. Pagkatapos ay muling nagsalita si Bernard.
“And Diana...” n ilingon siya nito at tinitigan na para bang hinihintay kung ano ang magiging ekspresyon ng mukha niya. “... We have a son...” h alos hindi lumabas sa bibig ni Bernard ang mga salita. Pero ang bulong nito ay sapat na upang manlaki ang mga mata niya at muling manggilalas. Walang salitang gustong mamutawi sa bibig. “While in coma, she delivered the son I thought died with her.”
May kung ilang sandaling nanggigilalas na nakatitig si Diana rito. Hindi niya alam kung ano ang dapat na isipin at maramdaman.
All those times, Bernard was grieving for two people—Jewel’s supposed death and... his son.
His son!
“I am holding you to your promise, Bernard...” nagawa niyang sabihin at humakbang siya nang marahan paatras. “Nag—naghihintay si—si Joshua sa akin sa ibaba...” h indi na niya hinintay na magsalita si Bernard.
Halos takbuhin niya ang pinto ng silid nito palabas at pababa ng penthouse.