“I LANG oras ka nang hindi kumakain.” s i Lance na hinawakan siya sa kamay.
Kagabi ay tinawagan niya ito. Wala siyang ibang makausap upang maalis ang matinding tensiyon, subalit nasa Sto. Gristo ang binata.
At maagang-maaga pa lang ay dumating ito direkta mula sa Sto. Gristo kung saan nagradyo marahil ang mga magulang.
“Ikaw ang magkakasakit sa ginagawa mo...”
“I’m fine, Lance, thank you...” aniya na pilit ngumiti. “Having you here is enough...”
Sakay ng isa pang chopper ay sama-sama silang lahat na lumuwas sa Maynila. Sila ni Lenny at Joshua sa isang chopper habang kasama ni Bernard si Diana at Nathaniel sa isa pa na nagdala dito sa ospital.
Gusto niyang sumama sa ospital, manatili sa tabi ni Bernard, at hintayin ang anumang resulta ng operasyon subalit hindi niya magawa.
Decency calls for it. Hindi tama. Wala siyang karapatan.
Mula kagabi hanggang ngayong umaga ay wala pa siyang balita. Hindi pa umuuwi si Marco at Emerald mula sa ospital. Gusto niyang tawagan ang ospital pero hindi niya kaya ang anumang isasagot ng mga ito.
Hindi pa rin siya natutulog.
Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Lance at tumayo. Humakbang patungo sa telepono. Tinawagan ang ospital at nag-inquire tungkol sa kalagayan ni Bernard. Ilang sandali pa’y ibinaba na nito ang telepono pabalik sa receiver.
Si Jewel ay nanlalaki ang mga mata sa antisipasyon sa pagkakatitig sa kanya. Sunod-sunod ang damba ng dibdib.
“Si Nathaniel ang nakausap ko, pauwi na si Marco at Emerald. Natapos ang operasyon two hours ago.” n gumiti ito. “He made it, Jewel…”
Napapikit si Jewel at huminga nang pagkalalim- lalim at umusal ng pasasalamat. She tried to hold her tears at bay.
“LIGTAS na si Bernard,” nakatawang balita ni Marco sa kanya.
“Magpahinga ka na, Jewel.” s i Emerald sa kapatid. “Tingnan mo ang mga mata mo at nangingitim na...”
Tumango siya. “I’ll do that...”
“Bakit hindi mo siya dalawin?” Si Marco sa hipag.
Umiling siya. “Sapat na sa aking malamang ligtas na siya, Marco. Anyway, naroon naman si Lenny.” i sang mapaklang ngiti ang binitiwan niya.
Habang nasa operating room si Bernard ay nasa isang pribadong silid naman ang anak at naghihintay sa kahihinatnan ng ama. Doon na rin ito natulog mula kagabi kasama si Jasmin at Nathaniel at Marco at Emerald at Zandro na marahil ay hindi rin naman natulog sa anyo ng mga ito.
Ang higit niyang ikinalulungkot ay ang pagkamatay ni Pacita.
Tumigas ang mukha niya sa bahaging iyon. Sa kasamaan ng ibang tao ay may mga inosenteng tao ang nadadamay.
“Natitiyak kong may kinalaman si Charlie sa pangyayaring ito,” ani Marco na kay Emerald nakatingin dahil hindi alam ni Jewel ang puno’t dulo ng pangyayari. “Titiyakin kong masasabit siya dito at mabubulok na siya sa bilangguan...”
ISANG linggo nang mahigit mula nang mangyari iyon. Nasa Paso de Blas na si Bernard kasama si Lenny. Si Jewel ay nanatili sa mansiyon sa Corinthian at napagpasiyahang hindi na muling babalik sa Paso de Blas.
Wala mang tanong na namagitan o hindi man nagsalita si Diana ay nakadarama siya ng kahihiyan sa pananatili niya roon. Nilibang niya ang sarili sa mga gawain sa opisina at nagkasya na lang sa mga ibinabalita ni Lenny sa telepono tungkol sa ama.
At napakarami na ring dahilan ang ibinigay niya sa anak sa mga pagtatanong nito kung bakit hindi niya dinalaw sa ospital si Bernard at kung bakit hindi siya kasamang babalik sa Villa Kristine.
PALABAS na ng Forbes Park ang kotseng sinasakyan nina Joshua at Diana nang biglang hawakan ni Diana sa balikat ang driver.
“Dalhin mo muna kami sa Kristine Cement,” utos niya na ikinapagsalubong ng mga kilay ni Joshua.
“Diana?”
“I am going to settle one last problem, darling,” nakangiti niyang sinabi rito. “Please… may oras pa naman, `di ba?”
Tumingin si Joshua sa relo. They have an hour to spare.
“Bilisan mo at baka paglabas natin ng EDSA ay abutan tayo ng traffic...” k ung sa driver o kay Diana sinabi iyon ay hindi na binigyan pansin ni Diana. Tahimik na sumandal sa upuan at ginagap ang palad ni Joshua.
KASALUKUYANG nakaharap sa mga papeles si Jewel nang isang marahang katok ang nagpaangat ng ulo niya. Si Andrea.
“Yes, Andrea?”
“Nasa labas si… si Diana, Jewel,” anito. Nag-angat agad ng ulo si Jewel sa narinig. “Gusto ka raw niyang makausap...”
“T-tungkol daw saan, Andrea?” Hindi ikinaila ng tinig niya ang guilt na nararamdaman.
Ngayon na ba siya kokomprontahin ni Diana sa pagtira niya sa villa?
“Gusto ka niyang makausap nang personal, Jewel.” n akita ni Jewel ang pag-aalala sa mukha ng matanda na nakadagdag lang sa alalahaning nasa dibdib niya. “Sasabihin ko bang available ka?”
Isang buntong-hininga ang pinakawalan niya bago tumango. “Please send her in.. ”
Walang kibong lumabas ang matandang sekretarya. Puno ng antisipasyon ang dibdib niya sa dahilan ng sadya ni Diana.
Ilang sandali pa’y bumukas ang pinto ng opisina at pumasok si Diana. Stunningly beautiful sa suot na signature dress na kulay-peach.
“Please, have a seat,” aniya na itinuro ang harapang silya.
“Thank you...” pormal na sagot nito pero hindi naupo. Sa halip ay inilapag ang bag sa silya. “Hindi ako magtatagal…” dagdag nito at sinuyod ng tingin si Jewel.
“Noong una tayong magkita ay nabigla ako, Jewel...” simula ni Diana. “Hindi ko akalaing ang babaeng inakala ng lahat na mahigit nang dalawang.taong patay ay makaharap ko. ”
“I can understand that...” banayad niyang sagot.
Huminga siya nang malalim at tinitigan ang napakagandang babaeng pinakasalan ng tanging lalaking minahal niya. Tulad ng dati, hindi kayang tanggapin ng dibdib niya iyon.
She tried to compose herself and be casual about it. Hindi kailangang ipakita kay Diana kung gaano kahapding malamang ito na ang nagmamay-ari kay Bernard.
Nang hindi siya kumibo ay dinampot ni Diana ang bag at kumuha roon ng sigarilyo at nagsindi. Pagkatapos magbuga ng usok paitaas ay tiningnan siya.
“Wala ka bang gustong sabihin sa akin, Jewel?” Itinaas nito ang mga kilay.
Kumunot ang noo niya. “Wala akong alam na dahilan para ipakipag-usap sa iyo.” n ang nanatiling hindi sumagot si Diana ay idinagdag niya: “Ikaw ang may gustong kausapin ako kaya ka narito, hindi ba?”
“Bakit hindi ka na umuuwi ng Paso de Blas? Doon ka nakatira, hindi ba?” ani Diana na ang mga mata’y matiim na nakatitig sa kanya. “Naroon na si Bernard, noong isang araw pa. Natitiyak kong alam mo iyon.” May bahid ng panunuya ang tinig nito. “And I admire your decency for not visiting him while at the hospital...”
Doon naningkit ang mga mata niya. “Hindi ko matiyak ang dahilan ng pakikipag-usap mong ito sa akin,” she snapped. Hindi niya gusto ang ipinahihiwatig ng tinig ni Diana. “At gusto kong sabihin sa iyong hindi ko kagustuhan ang pananatili sa villa! Kung inaakala mong may relasyon kami ni Bernard sa pananatili ko roon, then you don’t really know your husband!” aniya sa iritadong tinig.
Damn this woman for insinuating na may illicit relationship sila ni Bernard. Iisa lamang ang lalaki para sa kanya at mamamatay siyang ito lamang ang iibigin. Pero hindi nangangahulugan iyong sisirain niya ang kagandahang-asal at moralidad.
Kung iyon ang gagawin nilang dalawa ni Bernard, nadungisan ang sanctity ng damdamin nila para sa isa’t isa.
Totoong sa batas ng tao ay silang dalawa ang tunay na mag-asawa. May karapatan siya. Pero paano sa moral na batayan?
Oh, yes… to quote Nathaniel: Damned the Fortalejo honor!
At isa siyang Fortalejo. Acquired and legal, being married to a Fortalejo na hanggang ngayon ay iniisip pa niya kung papaano mapapawalang-bisa.
“Hindi ba?” Isang mahinang tawa ang pinakawalan ni Diana at amuse siyang tinitigan. “So, you have hidden claws. And I thought sabi nilang lahat, you are so vulnerable. That you aroused every man’s protective instinct...” n aroon pa rin ang banayad na panunuya sa tinig ni Diana.
And she cursed herself for that. How could she act like a real bitch?
“What do you want, Mrs. Fortalejo?” Itinaas niya ang mukha kasabay ng paniningkit ng mga mata.
Nawala ang ngiti sa mga labi ni Diana. Puff her cigarette and blew the smoke softly.
“Call me, Diana...”
“I’d prefer formalities,” giit niya sa tinig na kasinlamig ng yelo.
Pinatay ni Diana ang mahaba pang sigarilyo sa ashtray na nasa mesa. Pagkatapos ay naupo sa may gilid ng mesa at tumingla sa kisame.
“Mrs. Fortalejo… Mrs. Fortalejo,” paismid na usal ni Diana, in an ironic tone. Patuyang ngumiti at pagkatapos ay bumaba ang tingin sa kanya. “Oh, I used that name oftentimes, lalo na sa mga business dealing ko. It really helped, you know…”
“Y-you married a very affluent man...” a no ba ang maaari niyang isagot doon?
“Yet… a Fortalejo that never was…” patuloy ni Diana na parang hindi siya nagsalita.
Nagsalubong ang mga kilay ni Jewel. “Ano— ang ibig mong sabihin?”
“Ngayon ako naniniwalang walang sinabi sa iyo si Bernard?” wika nito na nang makita ang kalituhan sa isip niya’y humagalpak ng tawa. “And to think I doubted his words...”
Lalong nagdikit ang mga kilay ni Jewel na pinanood ang pagtawa ng magandang babae sa harap niya. Kahit papaano’y hindi niya mapigilan ang paghanga.
Diana is perfection.
Amuse na muling bumaba ang tingin ni Diana sa kanya. “You’re right, I guess I don’t really know my ex-husband. I haven’t known the gentlest side of him or perhaps I never did try or he never showed it to me. Ang pagkakakilala ko sa kanya’y wala siyang emosyon, Jewel...”
“That is not true!” protesta niya.
“Oh, he was polite, thoughtful, and caring. A very good provider. Pero lahat ng iyon ay naibibigay ng ibang tao, Jewel. May bahagi ni Bernard na hindi ko maabot. And even if I stayed married to him for a thousand years, mananatiling hindi maabot…”
Napahugot ng matalim na paghinga si Jewel sa huling sinabi nito. Open her mouth to speak only to close it again. Kinatatakutan niya ang susunod na mga sasabihin nito.
“Alam mo ba na pinakasalan ako ni Bernard bilang De Silva?” balewalang deklara nito na nagpahugot sa kanya ng matalim na paghinga. Sinundan ni Diana iyon ng kibit ng mga balikat. Muling dumukot ng sigarilyo at nagsindi.
Si Jewel ay halos magdikit na ang mga kilay. Hindi agad makahagilap ng sasabihin.
“But... but...”
“Bumaba ang legal niyang pagpapalit ng pangalan four months after the wedding.” m uli siyang tinitigan nito. “And he never bothered to change my name to his.” k ung may pait sa tinig nito’y hindi matiyak ni Jewel. Nalilito siya sa tinutungo ng usapan.
“W-why?”
She puffed again from her cigarette and blew the smoke ceilingward. Muling nagkibit ng mga balikat.
“Hindi ko alam. Siguro ay alam mo.” n ilingon siya sandali at muli ring iniwas ang tingin. “I never bothered to argue with it. Petty thing para sa akin. He was legally a De Silva when he married me. His intention was honest, kaya lang ay kinalimutan niya o sinadyang kalimutan nang legal na mabago ang pangalan niya.”
Muli ay walang nasabi si Jewel. Nanatiling nakatingala sa kausap. Kung saan patungo ang usapan ay hindi niya matiyak.
“Y-you are still his—w-wife,” aniya sa nagsisikip na lalamunan. Hindi niya kailanman mababanggit ang salitang iyon nang hindi tila sinusugatan ang puso niya. “You can talk to—to your lawyers about it to rectify the...”
“Oh, yes,” agap ni Diana. “I already have talked to my lawyer regarding that matter. Everything was rectified...” n akita nito ang biglang pag-ulap ng mga mata ni Jewel sa sinabi at ang pagkislap ng mga mata sa namumuong luha. Mabilis na iniwas ni Diana ang paningin sa mukha niya.
Damn, she should hate this woman! bulong ni Diana sa sarili. Pero hindi iyon ang nasa dibdib nito. She was strong and soft and the same time. The dark eyes were rebellious one moment and submissive the next.
No wonder men adored and loved her. And it would be foolish to plant hatred when it wouldn’t even last a minute. Besides, walang dahilan. In fact, Jewel suffered more than she did. Her sufferings were her own doing, hindi katulad ng babaeng ito.
Nakausap nito si Lance Navarro kahapon at marami itong nalaman tungkol kay Jewel. In more ways than one, gusto nitong humanga sa kanya. Lance was exceedingly handsome, offered his name, love and security. Only a fool would reject Lance’s offer.
But Jewel wasn’t a fool. She was in love. In love with one man… only one man…
She was never captivated by Lance’s looks. At ni hindi matiyak ni Diana kung kaya nitong magmahal sa paraan at uri ng pagmamahal ni Jewel.
Love is a means to an end...
“Hindi ko nauunawaan ang dahilan ng pakikipag-usap mong ito sa akin, M-Mrs. Fortalejo...” s i Jewel na bumasag sa katahimikan at pag-iisip ni Diana. “Kung ang tungkol sa damdamin ko kay...”
“Nagawan ng paraan ng abogado ko ang gusot namin ni Bernard, Jewel,” ani Diana na tila hindi siya nagsalita. “In fact, two months bago ka nagbalik sa Pilipinas, bago pa man nalaman ni Bernard na buhay ka ay natapos na ang annulment papers namin…”
Marahas na nagtaas ng paningin si Jewel. Halos okupahin ng mga mata ang mukha sa panggigilalas.
“A-ano ang—sinabi mo?”
“Ginamit ko ang De Silva bilang pangunahing dahilan sa pagpa-file ng annulment. I also used my medical records to attest na wala ako sa tamang kaisipan para magpasyang pakasal sa kanya noong mga panahong iyon...”
“Oh, my god!”
“At natitiyak kong hindi mo alam ito dahil sinabi sa akin ni Lance kahapon ang pangyayari nang magbalik ang memorya mo.” h uminga nang pagkalalim-lalim si Diana. “He loved you, Jewel, love you all the time. I couldn’t believe that one man can love with so much intensity for one woman. Somehow, ay gusto kong mainggit sa iyo...” p agkatapos ay banayad itong tumawa.
“But we have our own individual ways of how to run and make our lives happy. You are his life and he is yours...”
Ni hindi namalayan ni Jewel ang pag-uunahan ng mga luha sa pisngi niya.
“D-Diana...”
“Come back to Villa Kristine, Jewel,” muling agap ni Diana sa kung anumang sasabihin niya.
“It has always been your home. He tactfully never allowed any other woman to taint your memories in that place. And I honestly wish you all the happiness in the whole world.” p uno ng sinseridad ang tinig nito.
“W-what about—you?” nag-aalangan niyang sinabi. Pinahid ng likod ng palad ang mga luha.
Stupidly smiling and crying at the same time.
“I am happy right now with Joshua kung ikakapanatag ng loob mo. He may not be the pefect man for me but I am happy and emotionally secured with him. Iyon naman ang mahalaga, `di ba?” Hindi makuhang sumagot ni Jewel. “I live my life as it comes… I am happy today and let tomorrow take care of itself…”
Nagpilit na ngumiti si Jewel. Tumayo at inilahad ang kamay kay Diana. “Goodbye, Diana. I honestly wish we could be friends in the days to come—when—when we will be comfortable enough with each other…”
“Perhaps...” she answered non-commitally.
May ilang segundo nang nakalabas si Diana ay nanatili pa ring nakatayo si Jewel at nakatitig sa may pinto.
Hope springs eternal. She wanted to shout for joy.
TATLONG oras matapos ang pag-uusap na iyon ay makikita sa ere ang eroplanong lumipad patungong Los Angeles.
Tinitigan ni Joshua ang magandang mukha ni Diana. Nakapikit ito at tahimik na nakasandal sa headrest. Ginagap nito ang palad niya at dinala. sa mga labi.
“Are you alright?” tanong ng binata.
Nagmulat ng mga mata si Diana. Kinalag ang seat belt. Tumango at ngumiti.
“Better than alright...”
“No hard feelings, no bitterness?” paniniyak ng guwapong doktor na hinawakan ang baba niya at itinaas.
“Honest, darling. I feel better,” paniniyak ni Diana.
May pakiramdam siyang sa kauna-unahang pagkakataon sa buhay niya’y nakagawa siya ng isang mahalagang bagay sa kapwa niya.
Tinitigan niya si Joshua. “What do you think of her? Nakita mo naman si Jewel, `di ba? Do you find her beautiful?”
“You are beautiful,” he whispered in a voice filled with meanings. “The most beautiful woman I’ve ever met,” he kissed her temple tenderly.
“I kind of like her, Josh. My anti-thesis. Strong and yet vulnerable when it comes to Bernard. She’s beautiful inside out...”
“Must we talk about her?” masuyo nitong sinabi.
“I want to talk about her bago ko tuluyang buksan ang panibagong kabanata ng buhay ko.” s he smiled at humilig sa balikat nito. “Alam mo bang nalaman ko mula kay Marco na pinakasalan nang lihim ni Bernard si Jewel before her accident happened?”
Nagsalubong ang mga kilay ni Joshua. “Really? Then that made her his legal wife. Walang kabuluhan ang kasal mo sa kanya kahit na hindi kayo nagpa-annul...”
Dumeretso ng upo si Diana. Hinawi ang munting kurtina sa porthole ng eroplano.
“Precisely, darling. One of the things that I admired about her. Alam niya iyon at magagawa niyang igiit ang karapatan niya kay Bernard, lalo na at nandiyan si Lenny. Pero ni hindi nga siya nagpahiwatig sa akin ng tungkol doon kahit na nang mag-usap kami kanina. I expected her to tell me about it.” n agkibit siya ng mga balikat. “She didn’t want to hurt me...” b anayad niyang inusal ang huling sinabi and felt warmth deep inside.
“She was willing to sacrifice… everything,” dagdag niya at hinagod ng tingin si Joshua. “Ano ang tawag mo doon?”
Huminga nang malalim ang binata. Squeezed her hand tightly. “Greatness. Pero ganoon ka rin, Diana...”
Natawa si Diana. “Don’t patronize me, Josh. I know my faults. Most of the time, bitchy ako... if provoked...”
Ikinawit niya ang braso sa braso ng binata at muling humilig sa balikat nito.
“My marriage was annulled for more than four months now, Josh, and yet you never did once ask me to bed contrary to what some people thought including my ex-husband.” s he winced. “Correction, a husband that never was... ” s he laughed huskily.
He swallowed hard and kissed the top of her head. “I hate rejections, Diana. Just as I hate half-hearted na pagsang-ayon. Bukod pa sa hindi ko gustong samantalahin ang kaguluhan ng isip mo. I want you to come to me in your own good time...” h e entwined his fingers with hers.
“You’ve made that kind of mistake before... kayo ni Bernard. Not that Bernard took advantage of your predicament. Napagkamalan ka niyang masamang babae. And when he found out that you’re a decent woman, honor dictated na kailangang panagutan ka niya. Anyway, I don’t like history to repeat itself...”
“And you made it a point that you will only bed a woman when she did the invitation?” tukso niya.
“From one particular woman only. I’ve invited women to share my bed before. But I am inviting you to share not just my bed, Diana, but my name, too,” seryosong wika nito na nilingon siya.
Ngumiti siya. “No, Josh. I hate committments at this point in time of my life. Pero anong malay mo, baka sa malapit na hinaharap, kung hindi magbabago ang isip mo...”
“Never, Diana,” he promised solemnly.
“Never is a long, long time, darling...”
“Then, never would I leave you...”
Isang buntong-hininga ang pinakawalan niya at masuyong hinagkan ang balikat ng binata. Pagkatapos ay tumingin dito.
“Alam mo nagtataka ako kung bakit hindi mo man lang pinansin ang panunukso ko sa iyo kanina sa condo mo. I hinted that I was ready and willing to share your bed... ” p inaglandas niya ang daliri sa hita ng binata. “Muntik na akong mawalan ng tiwala sa sarili...”
“Stop it, lady, at nasa publiko tayo,” masuyong saway ni Joshua na kinindatan ang matandang babae sa kabilang aisle nila na ngumiti. “I’m sorry, pero hindi kita gustong imbitahin sa kama ko kanina. We had this flight to catch and we haven’t done our packing yet. Besides, there’s one thing I really hate doing…” nakangiting sinabi nito.
“And what is that?” Tumaas ang mga kilay ni Diana.
“Quickie, darling...” bulong ng binata na tumawa.
“Really?” h er voice in seductive whisper, her eyes in anticipation of the things to come.
“Really,” paniniyak ni Joshua na kinindatan siya. “I am a very patient man, darling. I want it nice and slow, long and thorough.. ”
“Oh!”