I LANG araw matapos ang pag-uusap na iyon ay sinikap ni Bernard na paluguran ang asawa. Itinalaga nito ang ibang mahahalagang gawain ng Kristine Companies kay Marco at Zandro upang magkaroon lamang ng mas mahabang panahon sa asawa.
Tahimik na lumipas ang maraming araw. For a while ay inakala nitong nagtatagumpay siyang maibalik sa dati ang lahat. Tahimik si Diana bagaman patuloy sa pagseselos and hysterics.
Hanggang isang hatinggabi ay nagising siyang wala sa tabi ang asawa.
“Diana...?” inaantok niyang usal na napabangon.
Gusto nitong matulog na lang uli pero nanaig ang pagnanais na alamin kung nasaan ang asawa. Bumangon ito at tumayo. Napunang bukas ang ilaw sa banyo. Babalik na sanang muli sa kama nang makarinig ng bahagyang ungol.
Mabilis nitong itinulak ang pinto ng banyong hindi naman nakasara nang husto.
“Diana? Ano ang...?” wika nito nang manlaki ang mga mata sa nakita. Tuluyang nagising ang diwa. “Ano iyan?”
Si Diana ay dali-daling itinapon sa wastecan ang hawak at akmang sasalubungin ang asawa na ibinalya ang pinto ng banyo papasok.
“Ano ang ginagawa mo?” Pagtataka at pagkalito ang nasa isip ni Bernard.
“N-nothing... l-let’s go back to sleep, darling...” pag-iwas ni Diana at hinawakan sa mga braso ang asawa para lumabas.
Subalit hindi mapahinuhod si Bernard. Tinabig ang kamay niya at yumuko upang damputin sa waste can ang syringe na itinapon.
“Huwag mong tingnan iyan!” awat ni Diana rito at halos maubos ang lakas sa pagpigil sa braso ng asawa.
Subalit nakuha ni Bernard ang itinapon niya.
“Diana, ano ang ginagawa mo?” gilalas nitong tanong na itinaas ang syringe. Pagkatapos ay muling niyuko ang waste basket at kinuha ang isang maliit na bote at binasa ang label. “Barbiturates! Dio ! How long have you been using this?”
“Oh, Bernard!” At tuluyang napaiyak.
Niyakap ni Bernard ang asawa. “Ano ang ginagawa mong ito, Diana?” Inakay nito si Diana at inilabas ng banyo at muling dinala sa kama.
Sa nanlulumong anyo ay tinitigan ang hapis na mukha ng asawa. “Gaano mo na katagal na ginagawa ito?”
“It... it isn’t what y-you think, Bernard…” h indi niya gustong salubungin ang mapanuring mga mata ni Bernard. “Isang sedative ang gamot na iyon...”
“I know what it is. Pero bakit kailangang gumamit ka niyon?”
“To calm myself down. Lagi akong maghihisterya sa tuwing tinititigan kita at nakakaisip ako ng kung ano-ano. I need it, Bernard!”
Sinapo ni Bernard ang ulo sa matinding panlulumo. “It is a regulated drug, Diana. Sa nakikita ko sa iyo’y maraming beses mo nang ginagamit ito. And look at you...” k asabay ng paghugot ng buntong-hininga ay umiling ang lalaki. “That drugs could kill you, don’t you know that?”
Mga hikbi ang isinagot ni Diana. Si Bernard ay nasa pagitan ng galit at pagkalito. Ilang sandaling katahimikan ang namagitan bago ito muling nagsalita.
“Whether you like it or not, sasamahan kita sa doktor bukas na bukas din. May kilala akong mahusay na psychiatrist.”
Nanlisik ang mga mata ni Diana. “Hindi ako baliw, Bernard!”
“No, you’re not,” sang-ayon nito kasabay ng pag-iling. “But you’re in for a breakdown and you need a doctor...”
SA pagsusuri ay nabanggit ni Diana ang pangalan ng family doctor niya noong buhay pa si Don Luis. At sa pamamagitan nito’y napag-alaman ni Bernard na hindi iyon ang unang pagkakataong dumanas ng breakdown ang asawa.
“She was fifteen noong una ko siyang matingnan, Mr. Fortalejo.” s i Doctor Wenceslao na nasa late fifties na nito. “Ipinasuri siya sa akin ng nasirang Don Luis dahil sa malimit niyang pagsigaw sa gabi sa kanyang pagtulog. She was affected by her parents’ death. I suggested na dalhin sa Amerika ang bata upang maiba ang environment pero si Diana mismo ang umayaw dahil hindi gustong iwan ang matanda. Hindi naman makaalis si Don Luis upang samahan siya dahil sa negosyo nitong kasalukuyang nagkaproblema dahil sa anak na si Charlie...”
“Hindi nabanggit sa akin ng asawa ko ang mga bagay na iyan, d oc.” n apapailing si Bernard. Hindi alam kung ano ang iisipin.
“Diana tried to fight her nightmares, at siya na mismo ang nagpupunta sa akin. Gusto niyang maka-recover... hanggang sa mabalitaan ko ang nangyari sa lolo niya at sa bayaw nitong si Don Ramon who was then my associate being a neurosurgeon...”
Nang manatiling walang kibo si Bernard ay nagpatuloy ang matandang doktor.
“Kailangan ni Diana ang katahimikan ng isip, Mr. Fortalejo. Kilala ko ang batang iyan, isang survivor. Pero hindi niya kayang tagalan ang anumang bagay na gumugulo sa puso’t isip niya. Kailangan niya ng sekyuridad sa anumang paraan. May palagay akong hanggang sa mga sandaling ito’y hindi pa niya nakakalimutan ang nangyari sa mga magulang niya. At ang pagkamatay ng lolo niya sa mismong mga mata niya...”
Wala pa ring maisagot si Bernard doon. Wala siyang alam sa pangkalusugang kondisyon ni Diana. Totoong nalaman nito ang tungkol sa sinapit ng mga magulang, ganoon din ang dalawang matandang mga lolo nito. Subalit ang tungkol sa nervous breakdown ng asawa ay wala siyang nalaman.
Inilihim ni Diana ang bahaging iyon ng pagkatao nito. O, mas akma sigurong sabihing hindi nito kilala ang asawa.
“At tama ang pasya ninyo, Mr. Fortalejo na patingnan si Diana. Sa mga sinasabi ninyo’y kailangang may titingin sa kanyang doktor...” patuloy ng matanda na ikinatingin ni Bernard dito.
“Mas makabubuti siguro, Doktor Wenceslao, kung kayo ang titingin kay Diana. Kilala niya kayo at pinagkakatiwalaan,” wika nito.
Ilang segundo ang pinalipas ng matanda bago sumagot. “I’m bound for the States, hijo. Doon na maninirahan kasama ng aking mga anak at apo. But don’t worry, I know someone who can take my place. He’s very good, he was my student at sa ibang bansa siya nag-practice. He came back only last month. I’ll give you an appointment with him.” i sang calling card ang kinuha ng matandang doktor sa desk nito at ibinigay kay Bernard.
“Joshua Romulo...” usal ng binata sa pangalang nakalagay sa card. Pagkatapos ay tumayo at inilahad ang kamay sa matandang doktor. “Thank you, doktor. Sana’y ipaalam ninyo sa akin kung kailan kami maaaring makipagkita sa psychiatrist na ito.”
Tumango ang doktor at inabot din ang calling card na ibinigay ng binata.
“I’ll give you a call, Mr. Fortalejo...”
“BAKIT hindi si Dr. Wenceslao ang pinilit mong tumingin sa akin?” angil ni Diana sa asawa nang samahan siya nito kinabukasan sa appointment niya sa bagong doktor.
Iniliko ni Bernard sa isang kalye ang kotse bago sumagot. “He recommended this young doctor, Diana,” sagot nito habang ipinapasok ang sasakyan sa isang parking lot sa isang hospital building.
Padabog na binuksan niya ang pinto ng sasakyan. Inakay siya ni Bernard papasok sa ospital. Itinanong sa security guard ang clinic ni Dr. Joshua Romulo. Isang pasilyo ang itinuro nito na bawat pinto ay may mga pangalan ng iba’t ibang doktor na may mga clinic doon.
Ilang sandali pa’y kaharap na nilang dalawa si Dr. Joshua Romulo. “I’m pleased to meet you, Mr. Fortalejo... Mrs. Fortalejo...” nakangiting inilahad nito ang kamay kay Bernard muna. Pagkatapos ay kay Diana.
“Call me Diana, d octor...” ani Diana nang tanggapin ang kamay ng doctor na ngumiti at bumalik sa upuan nito.
Tinitigan niya ang doktor. Nasa mid-thirties nito. Not as tall and as handsome as Bernard but handsome nonetheless at simpatiko. Lean and well-muscled. May dimple sa magkabilang pisngi at isang mababaw na cleft chin. And like all doctors, immaculately clean.
And she feels heaven sa puting suot nito.
“Itinawag kayo sa akin ng Tito Claro at nai-forward na sa akin ang medical records ninyo, Mrs. Fo... Diana.” n akangiting sinulyapan nito si Diana na bagot na bagot ang anyo. “Now, do you want us to start the...”
“Will you leave us alone, Bernard, please,” aniya sa asawa.
Nagsalubong ang mga kilay nito. “Why should I do that?”
Tumikhim ang doktor na agad tumingin kay Bernard. “If you don’t mind, Mr. Fortalejo, please,” magalang nitong wika. “Makakabuti marahil sa pasyente na kausapin ko siya nang sarilinan. m aaari kayong maghintay sa reception...”
Isang buntong-hininga ang pinakawalan nito at tumango. Pagkatapos ay tumayo.
“Sa kotse ako maghihintay...” at tuluyang lumabas.