N AGSALUBONG ang mga kilay ni Bernard nang matuunan ng pansin ang nasilawan ng headlights ng pickup niya.
Tao ang nakahandusay sa may malapit sa portico.
Hindi niya pinatay ang headlights at nagmamadaling bumaba. Ganoon na lang ang pagkagimbal nang makilala kung sino ang nakahandusay sa adobe.
“Jewel!” p aluhod siyang bumaba sa tabi ng katawan ng dalaga. “Bakit? Ano ang nangyari?” nalilitong tanong ni Bernard sa kasintahan na maingat na inangat ang katawan mula sa baldosa.
Bakit narito ang kasintahan gayong nasa Maynila ito? Nahilo ba ito at nawalan ng malay dito mismo?
Nasaan ang mga katulong? Sari-saring mga katanungan ang nag-uunahan sa isip ni Bernard.
“B-Bernard...” usal ni Jewel at may ibinigay sa kanya na wala sa loob niyang tinanggap.
Nagulumihanan siya. Pagkatapos ay nagimbal nang makitang may dugo sa kamay niya.
“Dugo!” bulalas niya na ininspeksiyon ang pinagmulan nito. “Que Paso? Quien te hizo esto?” sindak niyang tanong nang makitang galing sa may tagilirang ulo ni Jewel ang umaagos na dugo.
Pagkatapos ay wala sa loob na tumingala sa verandah at muli ring agad na ibinalik ang tingin sa dalaga.
“I... love you...!” ang kahuli-hulihang sinabi ni Jewel bago ito nawalan ng hininga sa mga bisig ni Bernard.
“Jewel? Querida ...?!” usal nito na litong-lito sa mga pangyayari. “Jewel...?” Subalit nanatiling nakasubsob sa dibdib niya ang ulo nito.
Wala sa loob niyang ginagap ang pulso ng kasintahan. Wala. Muling inulit subalit talagang wala.
“Jewel...!” Nagpa-panic na dinama ng binata ang dibdib and tried to pump her chest.
“Dio... dio...!” He tried to shake her. Hindi alam ang iisipin at gagawin sa sindak.
His face was devoid of color.
“No! Jewel, no!” Nag-echo sa kadiliman ang si gaw nito nang matiyak na walang mangyayari sa ginagawa. Na talagang wala nang pintig ang puso nito.
And for a moment there, Bernard thought that he too, had died.
Sa ganoon inabutan ni Nathaniel ang dalawa. Sinundan nito si Bernard dahil sa pag-aalala sa biglaang pag-alis sa kanila. Hindi nito nauunawaan ang nangyayari kung bakit yakap-yakap ni Bernard si Jewel sa ibaba ng verandah.
And Bernard’s face was shattered and bleak.
“Why? What happened?” Si Nathaniel na napaluhod sa tabi nilang dalawa. Naguguluhan din.
“She’s... dead... dio , she’s dead!” tila wala sa sariling isip na usal ni Bernard na yakap-yakap ang kasintahan.
Si Nathaniel na naguguluhan din ay hinawakan ang nakalungayngay na braso ng dalaga at pinulsuhan. Sunod-sunod na ang pag-ahon ng kaba. Pagkatapos ay inabot ang pulso nito sa may tagilirang leeg... wala.
“No!” Hindi nakalabas sa bibig ni Nathaniel ang nag-iisang salita.
Hindi nakaya ni Bernard ang pangyayaring iyon. Matapos ibigay kay Nathaniel ang katawan ni Jewel ay patakbong pumasok sa villa. He tore the whole house down upang humanap ng ebidensiya sa kung sino ang maaaring may kagagawan.
Ang mga katulong na pinatulog ay pilit nitong niyugyog upang mangagising. Then took a horse upang habulin at hanapin sa dilim ng gabi kung sino man ang kriminal. Only to come back home na wala sa sarili.
Dumbfounded and equally shocked, mabilis na dinala ni Nathaniel ang katawan ni Jewel sa pribadong ospital sa Paso de Blas.
It was normal that she be taken to the hospital and morgue. At dahil kilalang pamilya, doctors were there for the formal and final pronouncement of her death.
Bernard was almost out of his mind at halos patayin nito ang sarili sa alak sa loob ng ilang oras sa loob ng villa habang nasa ospital si Nathaniel.
“Mr. Cervantes...” ang surgeon sa ospital na iyon ng Paso de Blas. “I... don’t know how to say this, pero dalawa kaming nagpahayag na hindi na humihinga si Miss Fortalejo nang idating ninyo kanina. Pero nang... tingnan siya uli ay may pintig pa ang puso ni Miss Fortalejo...”
Marahas na napalingon si Nathaniel. “Ano ang ibig mong sabihin? Wala na siyang pulso kanina pa!”
Tumango-tango and doktor. “Sometimes patients are being pronounced clinically dead. There are cases that for a while ay talagang nawawala ang pulso at humihinto sa pagtibok ang puso. Her heart probably stopped beating for a few minutes...”
May gahiblang pag-asang sumungaw sa dibdib ni Nathaniel. “Will... she be all right?” h alos bulong na lumabas sa bibig nito iyon.
Malungkot na umiling ang doktor. “The heart may have stopped breathing for a few minutes and her body can take it. But once the heart stops beating, it also stopped taking oxygen to the brain. At hindi kaya ng utak ng tao ang makatagal ng kahit isang minutong walang oxygen, Mr. Cervantes...”
Muling binuhusan ng malamig na tubig ang gahiblang pag-asang nadama ni Nathaniel. Tila namanhid ang buong pagkatao nito.
Nagpatuloy ang doktor. “May sugat siya sa ulo na marahil sanhi ng pagkabagsak niya. Her heart is very weak but it’s still beating. Ginawa namin ang maaari naming gawin. You can take her to Manila and do it fast...”
Nalito si Nathaniel. “She’s not going to live, is she? Magsabi ka ng totoo!” halos hiyawan ni Nathaniel ang doktor. Espesyalista ang tumingin sa pinsan. Bukod dito ay may dalawa pa itong kasama sa OR. Natitiyak ni Nathaniel na alam nito ang sinasabi.
Isang buntong-hininga na puno ng kawalang pag-asa at panlulumo ang binitiwan ng doktor. Natitiyak nito na hindi na mabubuhay pa ang dalaga. Pero pumipintig pa ang puso. Hahayaan bang hintaying huminto na lang sa pagtibok to formally pronounced her death? The Fortalejo people can afford to move mountains pagdating sa materyal na mga bagay.
Tumingin nang deretso ang doktor kay Nathaniel na halos hindi huminga.
“No. Medically speaking, I don’t think she will live. It will take a miracle for her to recover, and if she does, she will never be the same, Mr. Cervantes, that you would even wish her dead. She will have brain-damaged dahil sa paghinto ng supply ng oxygen sa utak niya sanhi ng paghinto ng tibok ng kanyang puso,” deretsong sagot ng doktor.
Napapikit si Nathaniel at napaatras sa dingding ng OR. Nagsikip ang dibdib at nawalan ng lakas ang mga binti.
“Nasa sa inyo ang pagpapasya,” patuloy ng doktor. “Hintayin nating huminto ang pagtibok ng puso niya nang tuluyan, it may take only an hour or maybe less. O gusto ninyong dalhin siya sa Maynila?”
Naningkit ang mga mata ni Nathaniel. “Dadalhin ko siya ng Maynila!” Kung para saan ay hindi matiyak ni Nathaniel.
Jewel is as good as pronounced dead.
Sa oras ding iyon ay dinala ni Nathaniel sa Maynila si Jewel sa pamamagitan ng helicopter na pag-aari ng pamilya. At lingid sa kaalaman ni Emerald ay sa mismong ospital na naroon ito, kung saan hindi pa ito natatagalang makapanganak, ay ipinasok ang kapatid. Three and a half hours matapos itong matagpuan ni Bernard.
Marco was stunned and shocked nang kausapin ni Nathaniel. Hindi makapaniwala. Umalis si Jewel nang hapong iyon upang ibalita nang personal sa mga taga-Paso de Blas ang panganganak ng asawa. She was laughing, tinutukso si Marco na hindi nito kamukha ang alinman sa kambal.
Tulad ng dapat asahan, maging ang mga naroong manggagamot ay nagsipagdeklarang hindi na mabubuhay ang dalaga. At kung patuloy siyang mabubuhay, she will remain in coma. Her brain took the blow when she stopped breathing.
Si Bernard ay unconscious sa matinding kalasingan sa loob ng villa. No one bothered maliban sa dalawang katulong na umaga na nang magising at hindi malaman kung ano ang gagawin sa binata.
Nang muling magkamalay ang binata ay muli itong nagpakalunod sa alak. No one can come near, kahit si Margarita na siyang naisipang tawagan ng mga katulong.
Ang overseas call ni Marco kay Anna ang nagpabago sa lahat. Within sixteen hours mula nang madala sa ospital sa Maynila si Jewel ay dumating si Anna. At himalang patuloy sa mahinang pagtibok ang puso ng dalaga.
At sa pagitan din ng mga oras na iyon ay dinala ni Margarita at Jasmin si Bernard sa ospital sa Palawan unconscious for two days. At nang magising ay sinasaksakan ng mga doktor ng sedative dahil nagpupumilit na lumabas at nagwawala.
Habang sa isang kilalang ospital sa Makati ay naghihisterya si Anna.
“Oh, Marco!” Humahagulhol na yumakap ito sa manugang. “What have they done to my baby?”
“Mommy, please calm down...” alo ni Marco sa biyenan habang ang sariling dibdib ay gustong sumabog. Si Nathaniel na bagaman nanatiling nakatayo ay halos hindi rin makausap.
Tumigas ang mukha ni Anna. “Ano ang gagawin natin dito, Marco? Ang hintaying lumabas ang mga doktor at sabihing dapat na nating ilibing ang anak ko?” Puno ng kapaitan at galit ang tinig nito.
Hindi sumagot si Marco. Ano ang dapat sabihin? Anytime, Jewel would stop breathing. At kung tatanggalin lang ng mga doktor ang mga tubong nakakabit dito ay natitiyak niyang hihinto na ang gahiblang tibok ng puso ng hipag.
Sinulid na lang ang pagitan sa buhay at kamatayan. At kahit na patuloy sa mahinang pagtibok ang puso ay para na ring patay ang dalaga.
She will never recover from her coma.
“Do something, Marco!” frantic na hiyaw ni Anna. “Damn the Fortalejo money kung hindi ko madadala sa ibang bansa ngayon ang anak ko!”
“Mommy...” wika nito sa baradong lalamunan. “Money is never a question here, pero ano ang magagawa niyon? Mabubuhay ba si Jewel pagdating doon?”
“Perhaps not,” sagot nito sa nanginginig na tinig. Patuloy sa pag-agos ang mga luha. “Pero hindi ko isu-surrender nang ganoon lang ang buhay ng anak ko, Marco. Up to this very moment, my daughter is fighting death and we will both do it!” Agony, anger, determination, sama-sama lahat iyon sa tinig at mukha ni Anna.
“I may be foolish to do this. I know she’s almost dead pero hindi Diyos ang mga doktor. They are not infallible. At para saan ang kayamanan ng mga Fortalejo kung hindi ko pakikinabangan para sa anak ko!” Tuluyan na itong naghisterya.
Si Marco ay hindi malaman kung paano pupunuin ng hangin ang sariling dibdib.
“Ang perang iyan ay hindi pinakinabangan ng asawa ko! Hayaan mong gamitin ng anak ko, oh, please, please...” patuloy ni Anna na humahagulhol habang binugbog ang dibdib ng manugang.
“Mommy...”
“Sa ibang bansa ko siya ililibing, Marco,” matatag nitong sinabi sa pagitan ng mga luha. “Naroon ang tunay niyang ina! Naroon ang kapatid niya. I hated to bury her here! Kung hindi niya nakilala si Leon, kung hindi siya nagpunta ng Paso de Blas... kung hindi... kung hindi...” at tinutop ng mga palad ang mukha at humagulhol.
“Mommy, please...” g umagaralgal ang tinig ni Marco na tumulo na ang mga luha.
Tumingala si Anna na nanalim ang mga mata. “Ilibing ninyo siya rito kung gusto ninyo! I’ll even be back for the funeral!”
Si Nathaniel ay marahas na nag-angat ng ulo sa narinig.
“You can do it, Marco!” n asa tinig ni Anna ang determinasyon.
“Paano ko ipaliliwanag ang gagawin ninyo?” naguguluhang tanong ni Marco, from grief to confusion then to grief again. “Kay Emerald? Kay Bernard? Sa lahat?”
“Patay na ang anak ko, hindi ba? Hindi ba? She stopped breathing hours ago at iyon ang alam ni Bernard... ng lahat!” Hindi masagot ni Marco iyon na gustong sumabog ang ulo sa sinasabi ng mother-in-law.
“At kung sakaling maghimala at magkamalay siya, tiniyak ng mga doktor na hindi na mananauli sa dati ang isip niya. At hindi ako papayag na pagtawanan at kaawaan ang anak ko!” Galit at dalamhati ang nasa mukha ni Anna.
Marco tried to speak to protest his mother-in-law pero walang salitang lumabas sa bibig.
His throat tightened.
“Mas nanaisin ko pang paniwalaan nilang patay na ang anak ko kaysa pagtawanan at kaawaan. Seal the casket, Marco! Hindi mo kailangang sabihin sa kanila na walang laman iyon. Gamitin mo ang pera para mapatahimik ang dapat patahimikin. Murder them if you want!” halos wala na sa sariling sabi nito sa matinding dalamhati. “Ako ang ina ni Jewel at karapatan ko kung anuman ang gusto kong gawin sa casket ng anak ko! Let them mourn for my daughter!” At humagulhol na naman ito ng iyak. Si Marco ay hindi mapigil ang pagpatak ng mga luha.
Si Nathaniel na nasa di-kalayuan ng pribadong silid sa ospital na iyon ay nakamata lang sa kanila. Para itong nakalutang sa hangin. Gusto ring sumabog ang dibdib sa dalamhati habang umaagos ang luha sa mga pisngi. Walang masabi bagaman namamangha sa gustong mangyari ni Anna.
Sa buong buhay nito’y tatlong beses lamang nitong nakita ang asawa ng tiyuhing si Romano. Noong kasal ni Emerald at Marco, sa kasal nila ni Jasmin at ngayon. Ni hindi dumating si Anna sa libing ni Don Leon.
Pero ang dalamhati nito’y tila patalim sa puso ng lalaki. Idagdag pa ang sariling damdamin para kay Jewel. His little princess... his dear little cousin na bagaman hindi naman talaga kadugo, he has learned to love so dearly.
“Nat...” s i Marco sa lalaki na tila humihingi ng opinyon, ng sasabihin.
Pero hindi sumagot si Nathaniel, sa halip ay sinapo ng mga palad ang ulo.
“Gamitin mo ang koneksiyon mo, Marco!” Halos mapunit ang polo shirt nito sa pagkakahawak ni Anna. “Ang koneksiyon ng mga Fortalejo. And Leon Fortalejo can rot to hell kung hindi mo magagamit iyon. I need a Lear Jet to transport my daughter to Texas! Today!”
Iglap na nagsalubong ang mga mata ng dalawang lalaki. Isang malalim na paghugot ng hininga ang isinagot ni Nathaniel bilang pagsang-ayon.
Nang oras ding iyon ay kinausap ni Marco at Nathaniel ang kaibigang matalik ni Leon Fortalejo. Ang may-ari at franchise dealer ng Jaguar Cars sa Pilipinas at nagmamay-ari ng isang private Lear Jet.
Makalipas ang isang oras at kalahati, si Jewel kasama ng ilang medical people ay inilipad ng Lear Jet patungong Texas.
“Tama ba ang ginawa natin, Marco?” Si Nathaniel habang binubuksan ang kotse.
“Don’t ask me. Let fate take its own course,” sagot ni Marco sa gumagaralgal na tinig.