noveltoon logo noveltoon
Endlessly (Kristine Series 11)

Chapter 32

Ch. 33 / 34 May 09, 2025

“C AN’T we go to the beach today, Papa?” tanong ni Lenny sa ama nang buhatin siya nito at ibaba mula sa stallion.

“ Mañana , hijo...” ani Bernard na hinila si Firewind patungo sa kuwadra, sumunod si Lenny. “Hapon na and it’s starting to drizzle...”

“Promise we’ll go there tomorrow?”

“Prom...” n agsalubong ang mga kilay nito nang malingunan sa likod ng villa ang apoy mula sa kalang ginagamit lamang kung may okasyon.

Dalawang katulong ng mga Cervantes kasama sina Agring at Tonyo ang naroroon at naglabas ng malaking kawa. Tinawag nito ang stable boy na agad namang lumapit.

“Ano po iyon, Senior?”

“Ano ang ginagawa ng mga iyon?”

“Utos po ni Ma’am Jewel...”

“Ang Mama!” bulalas ni Lenny. “My Mama’s here, Papa…” excited nitong sinabi.

Si Bernard ay sunod-sunod ang pintig ng dibdib. Ang pag-uwi ni Jewel ay may kahulugan.

Paglaya. Paglaya mula sa isang binitiwang salita.

“Dumating… ang Ma’am Jewel mo? Anong oras?”

“Husto pong nakaalis kayo kaninang umaga ni Lenny. Agad pong nagpapatay ng tatlong baboy at mga manok. Napakaraming manok po, Senior, narito nga po ang mga asawa ng mga tauhan kanina upang tumulong. Para daw po sa mga tao sa asyenda...”

Nangiti nang lihim si Bernard. “Kakasya ba iyon?”

Nagkamot ng ulo ang boy. “Eh, Senior, nagpatumba po ng baka. Kasalukuyan pong nililitson sa may malapit sa koral…”

Pormal na tumango si Bernard. “Come, let’s see your mother together,” wika nito sa anak na akmang bubuhatin nang umayaw si Lenny.

“Uh… uh…” ani Lenny na itinaas ang dalawang kamay. Nagsalubong ang mga kilay ni Bernard. “Papa?”

“Ano iyon, hijo?”

Ngumiti ang bata at sinipat ang ama. “Mag-ahit ka muna. You look like a hermit...”

Natigilan si Bernard. Kinapa ang nagtutubuang balbas sa paligid ng mukha. Nginitian si Lenny.

“I think you’re right pero makikita rin ako ng mama mo pagpanhik ko sa itaas...”

Tumaas ang mga munting kilay patungo sa verandah. Nanlaki ang mga mata ni Bernard sa gustong ipahiwatig ng anak.

“You’re crazy, Lenny!”

“Like father like son!” natatawang wika ni Lenny na tumakbo patungo sa loob ng villa.

Naiwang nagkakamot ng ulo si Bernard na tinantiya ang taas ng verandah. Pagkatapos ay umiling.

“Nah, I don’t think so...” usal nito na tinawag ang boy. “Hanapan mo ako ng blade at magshe-shave ako dito...”

NAHINTO sa bukana ng malaking pinto si Bernard nang marinig ang tugtog ng gitara. Naroon si Jewel sa lumang rocking chair na malimit gamitin ni Leon at hawak ang gitara at sinisimulang tugtugin.

She was so lovely. Her hair whipped by the wind na nanggagaling sa nakabukas na mga bintana. Tulad din ng kung paano nililipad ng hangin ang mga damo sa parang.

His black diamond.

In faded jeans and tank top. His image of her a long time ago. Para bang walang mga taong lumipas. Parang walang masamang bangungot na dumating.

When she started to sing softly, then it was just him and her and the guitar, doing a song he remembered very well.

There’s a storm across the valley

clouds are rolling in...

there’s a truck out on a four-lane

a mile and more away...

There’s a fire softly burning

supper’s on the stove

there’s a light in your eyes that

makes me warm....

Hindi sinasadya ni Jewel ang pag-angat ng paningin at nasalubong ang mga mata ni Bernard. She smiled. He smiled. She sang again, smiling at him at the same time. Her eyes glowed with love.

Hey, it’s good to be back home again

Sometimes this whole farm feels like

a long-lost friend

Yes, hey, it’s good to be back home again.

All the time that I can lay this tired

old valley down and feel your

fingers feather soft on me

Your kisses that I loved for

and your love lights my way

Happiness in living with you brings me...

It’s the sweetest thing I know of

just spending time with you...

Humakbang palapit si Bernard, his eyes not leaving hers. He stopped right beside her and filled his chest with air. Walang sabi-sabing kinuha ang gitara sa mga kamay niya at inilapag sa katabing mesa.

At sa pagkabigla ni Jewel ay itinaas siya nito at inikot nang inikot. “H-hey, Bernard! P-put me down!” Subalit hindi ito huminto.

“Bernard… magdudugo ang sugat mo!” hiyaw niya na napahawak nang mahigpit sa mga balikat nito.

“My heart will forever bleed if you won’t tell me you love me!”

She grinned at inikot ang tingin sa buong kabahayan and shout to the top of her voice. Si Lenny ay napahagikgik sa may pinto patungo sa kusina at pinanonood ang dalawa.

“I love you, Bernard Fortalejo! I love you! I love you! Oh, I love you so!”

Ibinaba siya ni Bernard and kissed her hard at iglap ding binitiwan ang mga labi niya at muli siyang niyakap nang mahigpit. Natatawang kumawala si Jewel.

“What took you so long?” she asked softly. Her heart beats erratically against her chest. “Sabi ng anak mo’y sabay kayong dumating...”

“I...” h e swallowed hard. He found he couldn’t speak.

Nanatiling nakayuko sa magandang mukha niya. Her dark eyes lit up, her pink soft lips like the first rose of summer.

Tumaas ang kilay ni Jewel at hinintay itong magsalita.

“My son ordered me to—shave first...”

“Oh...” natatawang usal niya. Dinama ng daliri ang ilang mumunting sugat sa pisngi nito dala ng blade. Hindi pa pantay-pantay ang ahit.

Hinawakan siya ni Bernard sa magkabilang balikat at isinandal sa may puno ng grand staircase and for a longer time gazed at her lovely face. He felt like a young boy when he first met her. Tensed and insecured. Unsure of everything. He cleared his throat bago nagsalita. “Jewel, we aren’t teenagers anymore… we have a son, and yet I feel like one. Hindi ko alam kung ano ang unang sasabihin at kung paanong magsisimula…”

Hindi siya sumagot. Nanatiling nakatingala at nakatitig sa mukha nito. She wanted to reach him, touch him, but held herself.

“…but there’s one thing that I’d like you to know first…” patuloy ni Bernard. “I loved you, have always loved you and will always love you,” he spoke softly. “ Lo siento mucho, querida, for those times when I should be with you… by you. I am sorry when I wasn’t there for my son when you can’t be there for him, too.

“So sorry, because the two years that had passed have been wasted, and I’m sorry because I married another woman who deserved my love but I will never have that to give her because my heart, my life, my everything belong to you...”

Her eyes misty and her lips curved in that familiar mysterious smile.

“Akala ko ba’y hindi mo alam ang sasabihin mo at kung saan magsisimula? Ang haba ng sinabi mo, Bernard…”

“Really?”

Tumango siya, still smiling thru misty eyes. “I love you, cowboy, so very much… you and Lenny. Lenny and you...”

Then he pulled her into his arms. She wrapped her own arms around his neck and for a long moment they held each other tightly.

Si Jewel ang unang kumawala nang maramdaman ang bandages sa ilalim ng t -shirt ni Bernard.

“Ang… sugat mo…”

“Don’t worry, querida , it won’t bleed but my heart will if you won’t kiss me right now.” s he tiptoed to press her lips to his, and found the familiar warmth. Firm and kissable.

Her mouth slanted across his and the tip of her tongue stroke his lips. Humigpit ang yakap ni Bernard sa kanya and suddenly took control of the kiss. He gathered her against him at ang isang kamay nito ay nasa likod ng ulo niya and tilted her face for his kiss.

She didn’t close her eyes.

Pero patuloy sa paghalik si Bernard and flicked his eyes open nang maramdaman nitong nakatitig siya dito. His eyes smiled into hers, still he kissed her, his tongue claiming her mouth. He watched her watching him as he kissed her.

Kumawala si Jewel and took her breath while Bernard tried to catch her lips again. She pushed him gently at tumingala dito.

“Bakit hindi mo sinabi sa aking matagal nang annulled ang kasal ninyo ni Diana?” banayad niyang tanong.

Huminga nang malalim si Bernard at hinapit siya patungo sa dibdib nito at hinagkan ang ibabaw ng ulo niya.

“Maraming beses kong tinangkang sabihin sa iyo… para sa akin, para sa iyo, at para kay Lenny. Pero nagbitiw ako ng pangako kay Diana na hindi sa akin manggagaling ang paghahayag na ilang buwan nang walang bisa ang aming kasal.”

“Pero bakit?” naguguluhang tanong niya. “H-hindi ba niya gusto ang nangyaring annulment?”

“It was her idea to annul our marriage. I was against it...” n akita nito ang biglang paglambong ng mga mata niya. “I couldn’t afford to break my marriage with her, Jewel, dahil lang sa kadahilanang hindi ko magawang alisin ka sa puso’t isipan ko.”

Nagbuntong-hininga siya. Nagpatuloy si Bernard. “Gusto niyang gamitin ang pangalan ko sa mga nilalakad niya sa pabrika dahil nagtatayo siya ng dalawang branch. Kailangan niya ang pangalan at impluwensiya ko sa pagkuha ng malaking loans… millions of pesos. At dahil nasa verge ng bankruptcy ang pabrika ay hindi niya kayang mag-loan nang ganoon kalaking halaga. Mismanagement at mga dispalko ng mga dating empleyado, pero hindi matanggap ng pride ni Diana na tulungan ko siya roon.

“Lingid sa kaalaman niya, half of the loan that was being granted to her company was my own money. I arranged it with the bank. Sort of my alimony to her… I think I owe her that. At umaasa akong hindi na niya malalaman.” p inuno ni Bernard ng hangin ang dibdib.

With worried eyes ay nagsalita siya. “Nitong nakaraang araw ay naisip ko na paano kung hindi ninais ni Diana na ipa-annul ang kasal ninyong dalawa…” she shivered at the thought. Tenderly, he kissed her hair.

“Hindi lahat ng pag-ibig ay sa physical na paraan, mi alma,” bulong ni Bernard. “Si Esmeralda ay ang kaisa-isang babaeng inibig nang totoo ng Papa. Matagal na siyang wala’y hindi nagawang ipagkaloob ni Leon sa ibang babae ang damdaming iyon.” i tinaas nito ang mukha niya and gazed at her tenderly. “Maraming babaeng nagdaan sa buhay ng Papa, loved them, adored them, fathered their children, but his love was for only one woman.

“At kung hindi man nangyaring naging malaya ako’y iibigin pa rin kita sa ganoong paraan, Jewel. Ang mahalaga’y nariyan ka… kayo ni Lenny...”

“Oh, Bernard...” y umakap siya rito upang muli ring kumawala. “Kinausap ako ni Diana bago sila lumipad ni Joshua patungong Amerika… and I’m glad to be home, Bernard...”

Ngumiti si Bernard. “You are home, querida . When you came back, I was home at last,” madamdaming pahayag nito at muli siyang hinagkan.

It was passionate, it was tender.