noveltoon logo noveltoon
Endlessly (Kristine Series 11)

Chapter 30

Ch. 31 / 34 May 09, 2025

“B ERNARD...” h indi halos makalabas sa lalamunan ni Jewel ang tinig sa higpit ng pagkakaipit ng braso dito ni Kenneth.

“Fortalejo...” usal ni Kenneth sa pagitan ng galit at pagkataranta. “Hanggang diyan ka na lang...” banta nito at idinutdot sa sentido ni Jewel ang baril kasabay ng mariing paghigpit ng braso sa leeg niya.

Pilit niyang itinataas ang leeg upang makahinga. Bumaon ang mga kuko niya sa braso ni Kenneth sa pagsisikap na maluwagan ang pagkakahawak nito sa kanyang leeg.

Si Kenneth ay naguguluhan sa pangyayari. Sino ang babaeng ito? At nasaan si Diana gayong narito ang asawa?

Itinulos sa kinatatayuan si Bernard. Nawalan na ng kulay ang mukha.

“Kung salapi ang kailangan mo’y ibibigay ko sa iyo. Bitiwan mo ang asawa ko... ” wika nito na kung ang mga nakakakilala rito ang nakakarinig ay pananayuan ng balahibo.

“Asawa?” Lalong naguluhan si Kenneth.

“Papa, he shot Yaya Pacita!” Si Lenny na hinawakan sa pantalon ang ama.

Hindi gusto ni Bernard na mawala sa paningin niya si Jewel at banayad lamang na lumikot ang mga mata sa pagsulyap sa nakahandusay na katulong. Nagtagis ang mga bagang nito.

“Sino ka? Ano ang kailangan mo sa amin?” ulit ni Bernard na ang mga mata’y bahagyang lumikot sa maaaring gagawing pananggol sa sarili.

Nasa pinto siya at si Kenneth at Jewel ay apat na dipa ang layo mula sa kanya. At bago niya matakbo ang shelf ng mga baril ay manganganib na tiyak ang buhay nilang dalawa ni Jewel.

Hindi nito alintana ang sarili. Subalit hindi nito maaaring ipakipagsapalaran ang buhay ni Jewel at ng anak sa kamay ng lalaking ito. And lord, help him, pero hindi niya titirhan ng buhay ang lalaking ito sa sandaling may mangyari kay Jewel.

Maliban sa punyal na nasa labas ng kanang boots nito na kung papaano huhugutin ay hindi nito malaman ay wala na itong alam na maaaring gamitin. Kung posible lang na maabot ng kamay nito si Kenneth ay titiyakin nitong babaliin nito ang leeg ng lalaki tulad ng ginagawa nito sa mga itinutumbang baka noong araw.

Isang munting kilos at mapapahamak si Jewel. Sukat sa kaisipang iyon ay gustong magdilim ng isip niya. Pakiramdam niya’y namamanhid ang buong katawan.

Muli na naman bang manganganib ang mag-ina niya at wala siyang magagawa?

Dio, I’ll trade places with her.

“Hindi mo ba ako nakikilala, Fortalejo?” hiyaw ni Kenneth. Tinastas mula sa mukha ang makapal na bigote at inihagis sa sahig. “Titigan mong mabuti ang mukhang ito na kung hindi dahil sa pakikialam mo’y hindi dadanas ng pagkabilanggo nang dalawang taon!” Muling sumulak ang galit sa dibdib nito nang maalala ang dinanas sa kamay ng mga preso.

Kenneth’s face worked in a terrifying passion which Bernard recognized as hate. Nahigit nito ang leeg ni Jewel na napasinghap.

Bernard froze. Kenneth Villar!

“Bitiwan mo siya, Kenneth. Wala siyang kinalaman dito,” wika nito na sandaling sumulyap sa mukha ni Jewel.

He was terrified at the thought of what Kenneth can do to her. Kabisado nito ang uri ng brutality na kayang gawin ni Kenneth at Charlie. Dalawang walang labang matatanda ang pinatay ng mga ito nang dahil sa kasakiman. At sino ang nakakaalam kung may iba pa.

“Ano ang sinasabi ni Diana sa pagtatago mo ng babae mo dito sa isla, Fortalejo?” malisyosong tanong ni Kenneth. “Napakasuwerte mong tao. Dalawang magagandang babae. Isang pang-Maynila at isang pangprobinsiya!” May malisya itong humalakhak kasabay ng pananalim ang mga mata. Mariing inikot sa sentido ni Jewel ang dulo ng baril at napasigaw siya sa sakit.

Napatingin si Jewel sa mga mata ni Bernard. Halos pangapusan siya ng hininga sa terror na nakikita niya sa mga mata nito. Ginigitian ng butil- butil na pawis ang noo nito.

He was terrified. Terrified for her.

“Papatayin kita sa sandaling may mangyari sa asawa ko!” banta ni Bernard, in a hoarse and dangerous voice. Gustong sumabog ng dibdib sa matinding kaba at takot. Naggalawan ang mga muscle sa mukha at leeg. Ang mga ugat sa braso’y naglabasan sa matinding pagkakakuyom.

Nakita ni Kenneth ang sindak sa mukha ni Bernard at natawa ito. “Asawa? Pwe!” Dumura ito sa may harap. “Ikaw ang papatayin ko, Fortalejo! Pagkatapos ay pagsasawain ko ang sarili ko sa babae mo,” hiyaw ni Kenneth na sininghot ang ulo ni Jewel at pagkatapos ay ang tainga. “Hmnn... mabango, ubod ng bango...” n apapikit si Jewel kasabay ng pilit na pagpupumiglas. Si Bernard ay gahibla ang pagpipigil na huwag itong takbuhin.

Mula kay Jewel ay tumaas ang paningin ni Kenneth kay Bernard. Itinaas ang kamay at iniumang ang baril dito. “Kung hindi dahil sa iyo’y hindi ako mabibilanggo. Hindi ko daranasin ang mga kasuka-sukang bagay sa loob ng bilangguan!”

“Don’t kill my papa!” hiyaw ni Lenny nang makitang tumaas ang baril ni Kenneth at iniumang kay Bernard. Kumapit sa binti ng ama.

Mabilis na yumuko si Bernard at itinulak si Lenny palabas ng pinto. “Run, Lenny, run fast!”

Kasabay ng pagputok ng baril ay ang pagkasubsob ni Lenny sa may labas ng pinto sa lakas ng tulak ng ama. Sa pagtulak na iyon ni Bernard sa anak ay sa balikat nito tumama ang bala sa halip na sa dibdib.

Bumalandra ito sa pinto kasabay ng pagpuslit ng dugo sa balikat nito.

“Bernard!” sigaw ni Jewel kasabay ng ubod-lakas na pagsiko kay Kenneth na lumuwag ang pagkakahawak dito.

Si Kenneth ay tuluyan nang nataranta at pinagdimlan nang husto ang kaisipan. Itinuon ang baril kay Jewel na tumakbo padaluhong sa sugatang si Bernard.

Nanlaki ang mga mata ni Bernard sa sindak sa maaaring mangyari! Hindi nito matiyak kung ano ang gagawin sa sandaling may mangyari kay Jewel sa sandaling iyon. Gahibla ang layo niya mula sa kamatayan at hindi sasablay ang bala ni Kenneth anuman ang mangyari!

“Duck, Jewel!” sigaw-babala ni Bernard in a terrified voice.

Buhay at kamatayan ang pagitan sa paghugot nito ng punyal sa leather boots at ang paghagis nito kay Kenneth.

Dahil sa sugat sa kanang balikat ay hindi sa mismong puso tumama ang punyal bagaman malalim na bumaon ang dagger sa dibdib ng lalaki. Humandusay si Kenneth subalit nakuha pa ring itaas muli ang baril upang paputukin.

Si Jewel na nakayakap na kay Bernard at dinaluhan ito ay ubod-lakas nitong isinalya nang makitang itinaas ni Kenneth ang baril. Ang ikalawang bala ay sa dibdib nito tumama sa halip na sa likod ni Jewel.

“Oh, my god! Bernard!” she cried out in terror kasabay ng pagbagsak ni Bernard sa sahig.

Sa nanlilisik na mga mata ay binalingan niya si Kenneth na bumagsak na rin pero hawak pa rin ang baril.

“Hayup ka, papatayin kita!” She ran towards him. Hindi na naisip na nakaumang sa kanya ang baril ni Kenneth bagaman halos wala nang lakas at hindi na maiangat ang kamay.

“Jewel… no!” Gustong mamatay ni Bernard nang isang putok pa uli ang umalingawngaw sa buong kabahayan.

He dropped his body on the floor in sudden relief nang makitang nanatiling nakatayo si Jewel at hindi na kumikilos si Kenneth.

Sindak na tinitigan ni Jewel ang duguang lalaki. Mula sa punyal na nakatarak sa dibdib nito at mula sa tama ng bala sa gitna ng noo.

Nilingon ang pinanggalingan ng putok.

“Nathaniel!”

“Jewel!”

Si Diana na nasa likod nito’y tumili nang makita ang nakahandusay na si Bernard.

“Bernard!”

Jewel froze. Ang tangka niyang pagdalo kay Bernard ay nauntol.

Paluhod na bumaba si Diana sa tabi nito at kinalong ang lalaki. “Oh, please, don’t die, please... ”

“Diana...” h inawakan ni Joshua ang balikat ng babae upang ilayo kay Bernard.

“It’s my fault, Joshua!” histeryang sigaw nito.

“Are you alright, princess?” nag-aalalang tanong ni Nathaniel na lumapit sa kanya at kinabig siya sa dibdib nito.

Subalit hindi niya magawang sumagot. Sa kabila ng nakasubsob siya sa dibdib ng lalaki ay na kay Bernard at Diana ang buong pansin niya.

Magkahalong damdamin ang nasa dibdib. Hindi niya matiyak kung alin ang unang iindahin at higit na masakit, ang makitang pagkakayakap ni Diana kay Bernard o ang halos nakasisindak na pag-aalala niya sa mga tinamong sugat nito. He could die anytime.

Gusto niya itong yakapin at sabihin sa lahat na dalhin na agad sa ospital. Subalit wala siyang karapatan.

Naroon si Diana, ang asawa nito.

Nilingon ni Diana si Joshua. “Josh, dalhin natin siya sa ospital sa Maynila, ngayon din!” frantic nitong sinabi. Pagkatapos ay nilingon si Nathaniel. “Nat...”

Tumango si Nathaniel. “Darating ang chopper any moment now, Diana...” wika nito at niyuko si Bernard na nagsikap na magmulat ng mga mata.

“Is—the—bastard dead, Nathaniel?”

Isang sapilitang ngiti ang pinakawalan ni Nathaniel. “You missed your target, buddy. Hindi mo napuruhan sa puso bagaman fatal pa rin ang tama niya. Two years behind the executive desk at sumala ang kamay mo.” p inalalakas nito ang loob ni Bernard sa pamamagitan ng pagbibiro.

“You… came on… time. He could have killed…” h indi nito tinapos ang sasabihin. He shivered at the thought.

Mula sa nakaharang na katawan ni Diana at Nathaniel ay sinikap nitong abutin ng tanaw si Jewel.

“Huwag kang magsalita, Bernard, kasunod namin ang chopper…” n ag-aalalang ininspeksiyon nito ang mga sugat ng pinsan. Hoping against hope na walang tinamaang internal organ ang bala.

Hindi fatal ang nasa balikat nito subalit ang sugat na may isang pulgada mahigit malapit sa puso ay nagpapakaba kay Nathaniel.

“I–I’m… okay…” h irap na sinulyapan nito si Jewel na tahimik na umiiyak pero hindi magawang lumapit dito. Halos panawan ng malay sa pagkakatitig dito.

“Don’t cry, querida...” bulong nito na lalong nagpabalong sa mga luha niya. Pagkatapos ay muling tiningala ni Bernard si Nathaniel. “Ikaw na muna…. ang bahala sa… mag-ina ko, Nat…”

Tumango si Nathaniel. Sa ere ay naririnig na ang pagbaba ng chopper. Nilingon nito si Jewel.

“Where’s Lenny, Jewel?”

“L-Lenny? Oh, god! Nasaan ang anak ko!” Sukat doon ay tila nagising siya sa mahabang pagkatulog at tumakbong palabas kasunod si Nathaniel.

“Lenny!” sabay nilang tawag ni Nathaniel sa bata.

Kasabay ng paglapag ng chopper sa landing ground ay lumitaw si Lenny mula sa likuran ng villa.

“Mama! Tito Nat!”

“Oh, Lenny!” Mahigpit na niyakap ni Jewel ang anak.

Sa kabila ng liwanag na nanggagaling sa chopper at sa mga ilaw sa labas ng villa ay hindi na napuna ni Jewel ang mga agiw sa buhok ng anak at alikabok sa mukha nito.