noveltoon logo noveltoon
Endlessly (Kristine Series 11)

Epilogue

Ch. 34 / 34 May 09, 2025
Prev Next

K ANINA pa niya tinitingnan ang sarili sa harap ng salamin. Bakit ba kailangang tumanda at magkaedad ang tao? She smiled faintly habang sinisipat ang iilang hibla ng puting buhok. Pagkatapos ay dinama ang ilang laughlines sa gilid ng mga mata.

Forty

Sabi nila, life begins at forty.

Matabang siyang ngumiti. A second before midnight kanina ay thirty-nine lang siya. Ano ba ang diperensiya ng isang segundo para magbago ang edad niya? Why can’t she stayed thirty-nine? And yet, no one would believed that she’s turning forty today.

Her honey-colored skin flawless, her breast still firm despite three children, and she’s still slim. Thanks to the regular swimming and horseback riding.

Lenny’s seventeen now and the spitting image of his father. Tall and so handsome that all the girls go gaga when he smiled. Julianne’s fifteen and promises to be a great beauty, while Jessica, ang labing-tatlong taong gulang niyang bunso ay hindi niya maintindihan ang hilig.

So unfeminine. Ang mga pinsang lalaki ang kahalubilo. She loves horses at lahat ng uring libangang panlalaki. At kinukunsinti ng tiyahing si Jenny Fortalejo ang bunsong anak. And at thirteen, Jessie’s learning to play equestrian. Ito at ang panganay na anak ni Zandro ay magkasundo sa maraming bagay.

Isang buntong-hininga ang pinakawalan niya at lumabas sa verandah.

Mula roon ay tinunghayan ni Jewel ang buong kalawakan ng Paso de Blas. Ang berdeng damo, ang mga naglalakihang puno ng akasya, molave, at narra. At ang nagtatayugang hilera ng mga puno ng niyog.

Sa dako pa roon na abot ng tanaw niya ay ang mga baka at mga kabayo. Sa tagiliran ng villa ay natanaw niya ang mga bagong breed ng stallions, magigilas at mahuhusay na uri, at lahat ay mga galing sa ibang bansa. Subalit may bahagi ng dibdib niya ang tila kinurot sa pagkakatanaw sa mga kabayo.

Matagal nang wala sina Firewind at Snowhite at Thunder. Age had taken its toll on the fine horses na malaking bagay ang nagawa sa buhay nilang lahat, specially Firewind. She really cried a river when he died. Her consolation is Fireball, ang apo nito kay Thunder.

Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan niya. Nitong mga nagdaang linggo ay walang araw na hindi umuulan maliban sa araw na ito. Iyon marahil ang dahilan kung bakit walang halaman sa paligid ng villa ang hindi namulaklak.

Ang santan, ang rosal, ang cosmos, ang carnation, ang bougainvillea, ang sarisaring orchids na kulay-dilaw, lilac, crimson, at kung ano-ano pa. Ang ibang mga bulaklak ay hindi na niya kayang bigyan ng pangalan.

And she could smell the roses na nasa mga paso sa ibaba lang ng verandah. All the flowers are in bloom. Nakikigalak sa kanya. Sa kanila ni Bernard.

Yumuko siya sa ibaba. Naroon si Anna at kausap si Julia, who aged beautifully bagaman mahina na, at si Judge Adriano, at si Margarita.

Sa isang mesa pa ay ang mag-asawang Zandro at Jenny Navarro. Kasama rin sa mesa si Nathaniel minus Jasmin. Again, she sighed, may lungkot na nadama.

Si Marco at Emerald ay nasa katabing mesa, ang kambal hindi niya matanaw. At si Andrea, na halos miyembro na ng pamilya and who retired a year ago.

At umaasa siyang darating si Ruby sa araw na ito kasama ang asawa. She smiled. At thirty-one, Ruby is happily married and no one could fault the union. Her husband loved her to destruction.

Oh, well, ang araw na ito ang ikalabing-pitong taong anibersaryo nila mula nang lihim silang ikasal ni Judge Adriano. Hindi na niya ninais na muli pa silang magpakasal ni Bernard pagkatapos ng maraming unos sa buhay nila. Sapat na ang unang kasal na ginawa ni Judge Adriano sa kanila.

Mula sa loob ng silid ay lumabas sa verandah si Bernard at niluwangan pa ang bukas ng f rench door. Pagkatapos ay nilapitan siya at masuyong inakbayan.

“What are you doing here? Hinahanap ka ng mga bisita…”

Masuyo niyang hinangod ng tingin ang asawa. At the prime of his life, forty-four, and yet still devastatingly handsome. Naroon pa rin ang devilish grin, the one that Lenny inherited.

“Maraming recuerdo , Bernard.” t umingala siya dito at ngumiti. “At gusto kong pagsawain ang sariling pagmasdan ang lahat, man, beast and nature… ang buong Paso de Blas…”

“Nagiging sentimental ka, Mrs. Bernard de Silva Fortalejo,” tukso nito.

“Funny, hindi naman nabago ang pangalan ko, `di ba? Mrs. Fortalejo… and yet every time it linked with yours ay nagkakaroon ng kahulugan.” t umingala siya sa asawa. Bumaba ang ulo nito sa kanya at hinagkan siya sa mga labi.

“Happy anniversary, querida ...”

“Ganoon ba kabilis lumipas ang panahon, Bernard?” aniya na kasabay ng pagngiti ay ang pagsalubong ng mga kilay. “I’m forty... at may ilang hibla na ng buhok ko ang nagkukulay-puti.”

Umangat ang mga kilay ni Bernard sa amusement. “i kaw pa rin ang pinakamagandang babaeng nasilayan ko sa buong buhay ko, dark eyes...”

“Hindi ko mapaniwalaan ang mga taong lumipas, my darling, and that you are mine...”

“As you are mine,” he whispered hoarsely. Dark eyes against dark eyes. Isang kulay-puting hibla ng buhok ang itinaas ni Bernard mula sa ulo niya. “Don’t ever dye your hair, love, I will always love you with each passing day, hanggang sa pumuti nang lahat ang buhok natin...”

Isang tikhim ang nagpalingon sa kanila. Si Lenny na nakangiti. Remarkably handsome, ang buhok ay bahagyang mahaba at nakahati sa gitna.

“Hi, `Ma, `Pa...” h inagkan nito sa pisngi ang ina. “Muy hermosa, befitting your title as the mistress of this house...” wika nito na hinagod ng tingin ang ina.

Umikot ang mga mata ni Jewel. Si Bernard ay natawa. “Where are your sisters?” tanong nito sa anak.

Itinaas ni Lenny ang dalawang kamay sa ere. “Si Julianne, well, as usual, nasa silid niya at hindi pa rin malaman kung paano pagagandahin ang sarili.” u miling ang binatilyo. “She’s hoping na pansinin siya ng anak ni Uncle Alvaro at Tita Kristine...”

Nagsalubong ang mga kilay ni Jewel. “Nandiyan na ba sila?”

“Wala pa, Mama, pero alam mo naman ang anak mo...” s inulyapan nito si Bernard na ipinagkrus ang mga braso at nakangiting pinagmamasdan ang mag-ina.

“And what about Jessica?”

“O, eh, di kasama ni Romano at kinarera ang bagong dating na stallion. Sabi ko nga bumalik within an hour at baka marami nang bisitang dumating...”

“And why are you here, Lenny?” Si Bernard. “Aren’t you suppose to be with the pretty ladies downstairs?”

Umikot ang mga mata ng binatilyo. “You’re joking, Papa. Lahat ng magagandang dalagita sa ibaba ay mga pinsan ko! Gosh… one reason I don’t like family parties, all you meet are relatives!” u miling ito sa amusement ng ama.

“What is it this time, Lenny?” patuloy ni Bernard na tumikhim.

Sa loob ng nakalipas na mga taon, tuwing anibersaryo nila ay hindi maaaring hindi pumanhik si Lenny at sarilinan silang kausapin.

Nagkibit ng mga balikat si Lenny and smiled sheepishly. Mula sa bulsa ng pantalon ay may dinukot at iniabot sa ina.

“Para sa iyo, Mama, wear it today…”

Nagkatinginan ang mag-asawa. Nasa mga mata ni Bernard ang tahimik na salitang: I told you so.

“A diamond ring!” bulalas ni Jewel sa heirloom na nasa mga kamay.

“For the lady of this villa…” n akangiting tumalikod ito upang lumabas. “Happy anniversary, Pa, Ma.” h uminto ang binatilyo sa pinto at nilingon ang mga magulang. “I love you, both...”

Nilapitan ni Bernard ang asawa at kinuha ang singsing sa kamay nito at isinuot sa kanya. The dark eyes glowing with love for her.

“For how long, Bernard?” tanong niya sa asawa sa dobleng kahulugan.

Una’y ang nakagawian niyang itanong kung hanggang kailan siya iibigin nito at ang ikalawa’y kung hanggang kailan siya tatanggap ng regalo sa pamamagitan ni Lenny. Kasabay niyon ay ang pagbabalik sa isip sa ikatlong taong anibersaryo nila, isang taon makalipas ang unos na kinasangkutan ni Kenneth.

“Mama, may ibibigay ako sa iyo.” s i Lenny tatlo at kalahating taong gulang.

Napalingon si Bernard at Jewel sa anak na biglang sumungaw sa pinto. Nasa likod si Margarita na nanatiling nasa bungad.

“What is it, querido?” Si Bernard.

“Lola said you wear this today.” i niabot nito sa ina ang isang diamond studded s panish tiara.

“ i sang heirloom...” marahang usal ni Bernard. “Saan mo kinuha iyan, Lenny?” kinakabahang tanong nito sa anak.

“Sa Lola Esmeralda po,” sagot ng bata na hindi pinansin ang pagsinghap ni Margarita na nasa pinto. “Gusto kong isuot mo ito sa buhok mo, Mama...”

“Why, thank you, darling. It’s beautiful!” bulalas ni Jewel.

Hindi niya binigyang pansin ang sinabi ni Lenny kung saan galing ang tiara. Nakita marahil ito ng bata sa isa sa mga drawer sa bahay. Kung gusto ng anak niyang magpantasya sa lola nito ay hahayaan niya.

Lumakad siya patungo sa salamin at inilagay sa buhok ang tiara. Sa isang iglap ay may tila ibang anyo ang nakita niya sa salamin.

Nakangiti.

Nahintakutang ikinurap niya ang mga mata at bahagyang umatras. Alanganing muling tinitigan ang salamin. Ang naroo’y ang sariling repleksiyon.

Huminga siya nang malalim. She was imagining things. Parang mukha ni Emerald ang nakita niya sa sariling repleksiyon kani-kanina lang.

Hindi niya maintindihan kung bakit napakalamig ng haplos ng hangin at bigla siyang gininaw.

Uulanin ba ang ikatlong taong anibersaryo nila?

Si Bernard ay tahimik na pinanonood ang banayad na paggalaw ng mga kurtina sa bintanang capiz. Hindi nito gustong magsalita at mag-isip ng kung ano-ano.

Nang lingunin ni Jewel si Bernard ay ngumiti ito.

“Mama, Lola said that’s yours,” ani Lenny sa kanya.

Tinawanan ni Jewel ang sinabi ng anak. Pinagbigyan ang pantasya ng bata. Si Bernard ay humugot ng malalim na buntong-hininga. Nilingon si Jewel at inilahad ang kamay.

“Vamonos, querida...”

She reached for his hand.

Si Margarita’y tahimik na lumabas ng silid patungo sa pasilyo at pababa ng malaking hagdanan.

Huminto ito sa tapat ng painting ni Donya Kristine Esmeralda. Tinitigan ang diamond studded tiara na nasa buhok nito. Ang kaparehong tiara na nasa buhok ngayon ni Jewel na siyang ginamit ni Donya Esmeralda sa kasal nito at ni Don Leon.

Ang emerald choker na nasa leeg nito’y ibinigay ni Leon kay Emerald noong kasal nito at ni Marco.

Bawat heirloom ay personal na ibinibigay tanging sa asawa lamang ng mga tagapagmana ng Villa Kristine.

Tinanggap ni Emerald ang choker na dapat ay sa asawa ni Romano, kay Anna. Hindi man minanang direkta ni Romano ang villa ay tinanggap nito ang ganang kanya sa pamamagitan ni Emerald.

At ngayon, si Jewel, bilang asawa ni Bernard. Ang babaeng tinaglay ang pangalang Fortalejo nang dalawang beses. Acquired and thru marriage.

Margarita smiled silently… bilang pagsang - ayon.

“Endlessly…” masuyong sagot ni Bernard sa tanong ng asawa.

At tulad ng nakalipas na mga taon, tuwina’y may kakaibang haplos ang hangin sa loob ng silid kasabay ng pagsasayaw ng mga kurtina.

WAKAS