“Y OU WILL make yourself ill, Jewel.” s i Lance. Nakatiim ang mukha na tinitigan siyang umiiyak.
“I love him, Lance. I love him so much...” at muling humagulhol ng iyak.
It hurt like a knife and his chest tightened. “Tell me what to do, Jewel, huwag ka lang umiyak nang ganyan. You’ve been crying for ages! Lord, I can’t bear to see you like this…” he almost begged. Seeing her like this is tearing him apart.
Bumukas ang pinto ng library at pumasok si Lenny kasunod ng yaya nito.
“Mama, where’s my Papa?”
Napalingon sa anak si Jewel. Pagkatapos ay itinaas ang luhaang mukha kay Lance na nakatitig din sa kanya. Parehong nagtatanong ang mga mata. Muling nilingon si Lenny,
“W-what do you mean, Lenny?” tanong niya sa namamaos na tinig at pinahid ng palad ang mga luha.
“My papa, he promised to give me a pony today?”
“Y-your p-papa...” n anlumong sumandal si Jewel na muli na namang binukalan ng luha ang mga mata.
Si Lenny ay nagtuloy sa loob ng silid at naupo sa sofa kaharap niya.
“Huwag kang magpakita sa anak mo nang ganyan, Jewel, please,” pakiusap ni Lance sa kanya.
“I–I’m softy but—I can’t help it,” she sobbed.
“Mama, why are you crying?” Nag-aalalang tumayo si Lenny at hinawakan sa balikat ang ina na tila malaking tao.
Sabay na muling nagkatinginan sina Lance at Jewel. Dali-dali niyang pinahid ang mga luha sa pisngi and cursed herself. Pagkatapos ay kinandong ang anak.
“Nothing, baby. M-masakit lang ang—ang ulo ni Mama. That’s all, darling...” s he summoned all her self-control upang huwag nang bumagsak pa ang mga luha bagaman may mga kumakawala.
“I made you ill because I told you about papa? Lola Anna and Papa said not to tell you about it...” n ag-aalalang tingala ni Lenny sa ina. Mahigpit na niyakap ni Jewel ang anak.
“No, darling. Y-you didn’t make me ill. I know all along he was your—papa,” pagsisinungaling niya upang ipanatag ang dibdib ng bata.
“You sure?” Bahagyang umaliwalas ang mukha nito. Tumango siya. “It was our secret...” dagdag ni Lenny.
Muli niyang kinabig ang anak at sinikap na pigilin ang pagyugyog ng mga balikat
Damn you, Bernard, damn you! I’ll hate you forever for doing this to me... to us!
“Yes, Lenny.” n agpakawala siya ng pilit na ngiti at sa gumagaralgal na tinig ay sinapo ang mukha ng anak. “Now, be a good boy, pet. `Sama ka sa Yaya Pacita mo and ask the stable boy to show you the pony, okay?”
“You want some aspirin for your headache, Mama?” nag-aalalang tanong ni Lenny na sa tingin ni Jewel ay si Bernard at lalong nagsikip ang dibdib niya.
“U-uminom na ako ng gamot, baby, thank you. Ma—mawawala din ito.” s inenyasan niya si Pacita na lumapit at kinuha ang bata at lumabas.
“Why did I have to wake up?” she said bitterly and went on sobbing silently.
“Don’t say that!” galit na wika ni Lance.
“Do you know the things that we went through, Lance?” Puno ng kapaitan ang tinig niya na tumingala rito, blinded by her tears. “I loved him since I was nineteen...” s he smiled thru tears habang gumuhit sa alaala ang mga unang araw nila ni Bernard.
“There has never been another man since then. Not that I didn’t give other men chances when I first thought he wanted another woman. But I couldn’t love any man. I only want to love him...” Inabutan siya ni Lance ng panyo. Kinuha niya iyon at pinahid ang mga luha na tila hindi gustong huminto sa pagdaloy.
“He—he promised t-to love me forever...” patuloy niya sa pabulong na lang na paraan.
“How long will you love me, Bernard?”
“Endlessly...”
“At tulad ni Leon, Jewel, nangangako akong ikaw lamang ang pag-aalayan ko ng pangalan ko…”
“He... lied...” wala sa loob niyang sinabi na ikinapagsalubong ng mga kilay ni Lance. “He m-married another woman right after he thought I–I died. And I’m dying right now...”
“You are torturing yourself,” ani Lance na hindi malaman kung paano siya pahihintuin sa pag-iyak. “Life is so unfair, Lance...”
“Life is always unfair!” halos pagalit nitong sinabi para sa sarili and cursed silently.
Some guys have all the luck. Bernard Fortalejo doesn’t deserve someone like Jewel!
“I know it isn’t easy.” Naupo ito sa katabing sofa. “But please, do it for your son—get hold of yourself, Jewel...”
Huminga nang malalim ang binata at ginagap ang palad niya. Alam kaya ng babaeng ito that he felt like dying at this moment?
“I know this is crazy, Jewel,” he said in a hoarse voice dahil sa pagsisikip ng dibdib. “Pero narito lang ako. You can call me anytime you need me. I love you and I am willing to marry you and be Lenny’s father, if you will have me...”
“Lance...”
“It doesn’t matter if you don’t love me now,” agap nito. “Maybe in time you will learn to—to give a little of your love. That would be enough...” b ulong na lang halos na lumabas sa bibig ng binata ang mga kataga.
“Oh, god!” bulalas ni Jewel na isinandal ang ulo sa sandalan. Pinuno ng hangin ang dibdib at sinikap na ikalma ang sarili. Pagkatapos ay muling humarap sa binata. “I’m—honoured, Lance. You are everything any woman could ask for—more than everything. But it wouldn’t be fair to you, would it?”
“Fairness be damned!” marahas nitong sinabi. Hinawakan siya sa magkabilang balikat ni Lance at itinayo. “I want you to pack and come back with me to Manila today, Jewel. Kayo ni Lenny...”
Sandali lang siyang nag-isip. Walang dahilan upang manatili sila ni Lenny sa Villa Kristine. Bernard was devastated as she was. Nakita niya iyon sa mukha nito kanina. He cried as she cried. She wanted confrontations, explanations. Pero para ano? Sasaktan lang niyang higit ang sarili. He is married to another woman and that is a fact. Wala nang makapagbabago niyon.
“Yes. I-I’ll pack. Hindi ako magtatagal...” t umayo siya.
“You are not going anywhere, Jewel! Kayo ni Lenny!” Ang makapangyarihang tinig ni Bernard mula sa pinto.
Ang tangka niyang paghakbang patungo sa pinto ay nauntol.
“You can’t keep them here, Bernard!” galit na protesta ni Lance na tumayo rin.
“Stop me, Navarro, if you can!” hamon ni Bernard. Nag-aapoy ang mga mata sa galit, in anguish, in desperations.
“As you wish, Fortalejo,” sagot ni Lance na sinalubong ang titig ni Bernard. Akmang hahakbang palabas si Lance. Mabilis na itinukod ni Jewel ang mga kamay sa dibdib ng binata.
“Tumigil kayo!” aniya sa galit na tinig at binalingan si Bernard. “You can’t keep us...”
“You will stay here!” agap nito sa sasabihin niya sa nagdidilim na mukha. “Sa ayaw mo at sa gusto. Kayo ni Lenny!”
“Are you mad?” sigaw niya rito. “Hindi mo ako mapipigil rito, Bernard!”
“Perhaps,” sang-ayon nito sa protesta niya. But his face even angrier. “But my son will stay!”
Nanlaki ang mga mata ni Jewel. “H-hindi ko maiiwan ang anak ko rito. Hindi kita papayagan! Wala kang—karapatang gawin iyon...” mabuway na lang ang huli niyang sinabi.
He took a deep breath, trying to check his anger. Hindi ito nagagalit kay Jewel pero ang makitang kay Lance siya tumatakbo ay lalong nagpasulak ng galit sa dibdib nito.
“Wala ba akong karapatan?” banayad nitong tuya kasabay ng paghamon sa tinig, and regarded her for a minute. “You should know me better than that, querida,” he added in calm anger in a mixture of pain and despair. “And it would be foolish para hamunin ang magagawa ko upang mapanatili dito ang anak ko.”
“Y-you can’t do this to me, Bernard...” she choked her tears. Nasa mukha ni Bernard ang determinasyon. “P-pagkatapos ng lahat… I don’t deserve this...”
Pinatatag ni Bernard ang sarili. Inalis ang mga mata sa mukha niya and held on to his anger habang itinuon ang paningin sa mga kamay niya na nakapigil sa dibdib ni Lawrence Navarro.
“Maaari kong isa-isahin sa harap mo ang mga legal kong karapatan. Pero hindi ko gustong pag-usapan ang mga personal na bagay sa harap ng isang estranghero, Jewel...” s inulyapan nito si Lance sa mga matang puno ng animosity.
“Set them free, Bernard!” Si Lance with fury in his eyes, tulad din ng kay Bernard. He didn’t want to see Jewel being rendered helpless by this arrogant bastard.
“Maiaalis mo sila dito, Navarro, over my dead body. Maghihintay ako sa labas,” hamon ni Bernard.
Akmang aalisin ni Lance ang mga kamay ni Jewel na pumipigil dito upang lumabas at tanggapin ang hamon ni Bernard subalit mahigpit ang pagpigil ni Jewel sa kanya.
“Don’t Lance, please!” m aang na tumitig siya kay Bernard, his face murderous. Nararamdaman niya ang tensiyon sa pagitan ng dalawang lalaki.
Both men are good fighters. Lance is a martial arts expert. A black belter. Bernard was trained to fight for two years in Texas Naval Base. At nagsalimbayan sa isip niya ang mga toro na ibinubuwal nito mula pa noon. Ang mababangis na stallion na pinaamo nito after he resigned from the marine.
Beneath the executive suit and the handsome calm face is a dangerous man.
At ang isang matinding dahilan kung bakit hindi mananalo si Lance dito gaano man kahusay ito: Bernard is suicidal!
Nanayo ang mga balahibo niya sa apoy na nasa mga mata nito. His black eyes like charcoal on fire. Mabubuhos kay Lance ang lahat ng galit and desperations nito. And the way he stared at Lance right now, he is capable of murder.
Tiningala niya si Lance. “Lance, please. I–I changed my mind. M-mananatili kami ni Lenny dito. He—he was his father and...”
“Hindi ako natatakot sa kanya, Jewel,” he said in equal grimness. “Hindi ka niya mapipilit na manatili dito. I am taking you back, kayo ni Lenny,” determinadong dagdag ng binata.
“No,” mabilis niyang iling. “Please… Lance. This is my life. I–I choose to stay behind.” n ilingon niya si Bernard. “Give us a minute to talk in private,” she said in cold voice na nagpaisang linya sa mga mata ni Bernard. “Please...” mabilis niyang idinagdag sa mababang tono nang akmang magprotesta ito.
Isang matalim na sulyap ang ibinigay nito kay Lance bago tahimik na lumabas. Nakahinga nang maluwag si Jewel.
“Don’t listen to him, Jewel. Hindi niya...”
“He is right, Lance.” s inikap niyang pigilin ang pagpatak ng mga luha and bit her lips painfully. Ipinagsalikop ang mga braso sa katawan and walked in circles sa loob ng library.
“He can never be right, Jewel! May asawa siya!”
She bit her lip to control another sob. “Anak niya si Lenny at nasa kanya ang lahat ng karapatan. I–I don’t want to deprive him of his son… and Lenny of his father. Please do understand…”
“Papayagan mo ang sarili mong maging— maging…” h indi nito kayang bigkasin ang salita. “He is married at ano ang sasabihin ng mga tao sa pananatili ninyo rito? Ni Diana? Nakikita mo ba ang ibig kong sabihin? Paano kung ipilit ni Bernard ang sarili niya sa… iyo?”
Mabilis siyang umiling upang pasubalian ang huling sinabi nito. “No, Lance. I knew him too much para maniwalang gagawin niya iyon. He won’t do anything to harm me…” s a pagkakataong iyon ay kumawala ang mga luha niya.
Sa kabila ng lahat ay nararamdaman niyang mahal siya ni Bernard kung paanong tulad din noon. Sinisikap niyang maunawaan ang pagpapakasal nito sa iba sa sandaling panahong inakala nitong wala na siya. Pero hindi niya mapigilan ang sariling masaktan nang labis.
“Hindi ganoon ang uri ng pagkatao ni Bernard.”
“Ano kung ganoon ang motibo niya sa pagpipigil sa inyo dito?” he asked angrily.
“Hindi ko alam… hindi ko alam.” It wouldn’t be smart to tell Lance that Bernard loved her still.
“Jewel, alam kong wala akong karapatan. But…”
Ngumiti siya nang pilit at tumingala rito. “You have all the right as my friend, Lance,” she whispered gently. “At nagpapasalamat ako nang labis sa iyo. Hindi ko alam kung paano ko haharapin ito kung wala ka ngayon and I appreciated it very much. But I love him... I love him...” she sobbed softly.
Isang mapait na ngiti ang pinakawalan ni Lance. Umiling at inihaplos ang mga palad sa mukha at tumingala sa kisame. Napailing ang binata.
Life is ironic... life is unfair. Women, beautiful and stunning women—they come and go. Pero hindi nito kailanman naramdaman sa mga iyon ang nararamdaman nito kay Jewel.
And he thought love was the most overrated word in the universe. Men and women use it to satisfy their lust... as a means to an end.
Almost all the women that he went to bed with ay nagpapahayag ng pag-ibig sa kanya. Pero hindi pa man lumilipas ang isang linggo after he ended the relationship, may mga bagong karelasyon na ang mga ito.
A mirthless laugh rose inside his chest. Ngayon nito natiyak kung gaano kababaw ang mga babaeng iyon. His sister Jenny loved Zandro, Alvaro to Kristine and Nick loved Alaina for a long long time.
But they would pale in comparison with this dark woman, who lived and died and live again—for only one man.
At paanong ang mga kapatid nito’y naging successful at maligaya ang love life when they finally found it? Paanong ang kanya’y hindi?
A number of women cried over you. Lance…you must be paying some dues… bulong ng isip nito na mabilis ding sinalungat. I never deceived anyone of those women. Antimano, alam ng mga iyon kung ano ang gusto ko. That the relationship is good while it lasts…
“Someone will come along and you will love her more than you did me,” patuloy ni Jewel na nagpabalik ng isip nito sa sitwasyon. “And she will love you in return, love you endlessly, Lance. I know, I just know”
Pilit na ngumiti ang binata. “I don’t give up easily, dark eyes. I’ll be around...” he promised huskily and gently traced her face with his knuckles.
Tinitigan ni Jewel ang binata with weary eyes. Hindi niya gustong gawin ni Lance iyon. Hindi niya gustong umasa ito.
“Goodbye, Lance.”
Manila
MAY ilang araw nang aali-aligid sa mansiyon si Kenneth. Oh, kabisado niya ang loob at labas ng mansiyon. Girlfriend niya si Diana nang may ilang buwan. At hindi mahirap para sa kanya at ng mga bayarang tauhan ang pasukin ang mansiyon.
Lamang, sa ilang araw na lihim na pagmamatyag ng inutusan niya’y sinabi ng mga ito na ilang araw nang hindi umuuwi si Diana. Kahit ang asawa nitong si Bernard Fortalejo.
Isa pa, kailangan niyang maging maingat kung hindi’y baka hindi pa siya nagsisimula’y muli na naman siyang babalik sa kulungan. At iyon ang hindi niya mapapayagang mangyari.
Sa pabrika ay tumatawag siya at nagkukunwang wholesaler and insisted on talking the president. Pero iisa ang laging sinasabi ng sekretarya ni Diana, she’s still out of town. At hanggang doon lang ang sinasabi ng sekretarya. Magiging kahina-hinala kung pilitin niya kung nasaan talaga ito.
Out of town. Hindi out of the country.
Iisa lang ang ibig sabihin niyon. Nasa isla ng asawa nito si Diana. That filthy millionaire she married.
He will kill them both if given the chance!
Maghihintay pa siya nang ilang araw at kung hindi pa rin uuwi si Diana ay kailangang magplano siya nang mabuti. Kailangang makausap niyang muli si Charlie.