noveltoon logo noveltoon
Endlessly (Kristine Series 11)

Chapter 6

Ch. 7 / 34 May 09, 2025

“N APAGOD ako nang husto, sweetheart. Ang anniversary nating ito ang pinakamaraming bisita at mga nakatutuwang pangyayari,” ani Emerald na sinalubong ang asawa sa may pinto ng nursery.

“Hindi ba nagising ang kambal?” ani Marco na sinilip mula sa pinto ang mga anak.

“Hindi naman nagligalig sabi ng yaya,” ikinawit ang braso sa braso ng asawa at lumakad na patungo sa master bedroom. “What do you think happened to Zandro, sweetheart?”

Hinubad niya ang party dress at kumuha ng negligee sa closet.

Nagkibit ng mga balikat si Marco. “Nothing serious. Pagod at puyat at idagdag pa ang nainom. Kaya ayon, isang simpleng judo ay hindi naiilag ang sarili at bumagsak sa paanan ng bar stool. Nawalan ng malay ang pobre,” amused nitong sinabi habang nag-aalis ng kurbata.

Umiling si Emerald na humagikhik. “That wild lady is something, don’t you think so?”

Ngumisi si Marco pero hindi kumibo. Patuloy sa paghuhubad. Nilapitan ni Emerald ang asawa.

“Sweetheart, ano na nga ba iyong sasabihin mo sa akin tungkol sa itinawag ng Mommy? Para akong nasa cliffhanger kanina pa sa kaiisip,” malambing niyang sinabi na tinulungan ang asawang tanggaling isa-isa ang butones sa pang-ilalim nitong polo.

Nahinto sa ginagawa si Marco at tinitigan ang asawa. Pagkatapos ay humugot ng hininga.

“After...” l umunok si Marco. “After one year and a half, darling... Precious recovered from her coma...”

Nagdikit ang mga kilay ni Emerald. Inalis mula sa mga balikat ng asawa ang polo.

“Precious who?”

Isa lamang ang alam niyang tinatawag ng Precious ni Marco, ang namayapang kapatid. Kahit ang kambal nilang mag-asawa’y hindi binansagan ni Marco ng ganoon. Para dito ay nakatukoy lamang iyon sa kapatid.

“Linawin mo nga ang sinasabi mo...” aniya uli at inilagay sa laundry basket ang damit nito.

Wala sa loob na hinubad ni Marco ang sando at isinama sa polo shirt. Paano nito sasabihing buhay ang babaeng matagal nang alam na patay at nailibing na nang isang taon at kalahati? Lalong higit doon sa mga taong nagmamahal dito?

“Marco?”

“Sweetheart.” h inawakan nito sa magkabilang balikat ang asawa. “Naka-recover na si... si Jewel mula sa coma...”

Nakahinga nang maluwag si Emerald bagaman nagsasalubong pa rin ang mga kilay. Pagkatapos ay ngumiti at ipinagsalikop ang mga braso sa baywang ng asawa.

“Marco, you’re drank. Ang dami mo kasing ininom na alak…” p agkatapos ay masuyo niyang tinapik ang mukha ng asawa. “How about a warm bath? Gusto mo bang punuin ko ang bath tub? I think you needed that.” h umakbang siya patungo sa banyo.

“Emerald... intindihin mo ang sinasabi ko...”

Nahinto siya sa paghakbang at lumingon. Natilihan nang hindi tumitinag si Marco at nanatiling nakatitig sa kanya with worried eyes at may iba pa siyang nasisilip sa mga mata nito na hindi niya kayang ipaliwanag.

“Binibiro mo ba ako? Ano ba talaga ang itinawag ng Mommy?”

“Emerald, listen.” s ineryoso ni Marco ang tinig na nagpasalubong sa mga kilay ni Emerald. Humakbang patungo sa kanya at hinawakan siya sa mga balikat. “This... isn’t some kind of a joke. At alam kong nakasalalay sa akin ang hindi madaling paliwanag para sa lahat. And only God knows how all of you will take this...”

“A-ano ba ang sinasabi mo?”

Lumunok ito bago nagsalita. “Jewel has recovered from her coma. She’s alive!”

Naningkit ang mga mata ni Emerald. May matinding kabang bumangon sa dibdib niya.

“Ito ba ang uri ng regalong gusto mong ibigay sa akin sa araw ng ating anibersaryo? Anong biro ang gusto mong palabasin? n inyo ng Mommy? Pinag-usapan ba ninyo ito? This is the worst joke I ever heard, Marco!” sunod-sunod at galit niyang sinabi.

“Will you just please listen?” b ahagya nitong inuga ang balikat ng asawa. “Hindi ako nagbibiro. I am trying to explain so will you listen, please...” Nakikiusap ang tinig nito.

Sa pagkakataong iyon ay talagang gustong sumabog ang dibdib ni Emerald sa matinding kaba at takot sa maaaring marinig mula sa asawa.

“This is the best gift na maaari nating matanggap sa ating anniversary, sweetheart,” he said huskily. Puno ng kaba at takot at galak ang dibdib.

Humakbang ito patungo sa settee at naupo. May palagay itong hindi tatagal na nakatayo at natitiyak na hindi kakayanin ng mga tuhod nito ang tensiyon sa susunod na mga sandali.

“Do we have a cigarette here?” b inuksan nito ang front drawer ng side table.

Isang kaha ng Marlboro ang naroon. Kumuha ng isang stick at sinindihan mula sa katabing lighter. Bihirang-bihira na lang itong manigarilyo pero kailangan nito ang sigarilyo sa mga sandaling iyon to calm him down.

Nagbuga ng usok at tiningala ang asawang nakatitig lang.

“Sit down, sweetheart. You will need it,” utos nito sa kanya.

Wala sa loob na sumunod si Emerald, naupo sa gilid ng kama. Parang akusadong naghihintay ng hatol ang anyo.

“Marco, what are you trying to tell me? Please...”

Isa pa uling hitit sa sigarilyo ang ginawa nito. “Sasabihin ko sa iyo ang nangyari noong panahong iyon. The day Jewel died ...” simula nito.

Si Emerald ay unti-unting nanlaki ang mga mata. Sumikdo ang dibdib habang pinakikinggan ang asawa.