Texas
“A UNTIE Anna, telephone!”
“Who is it, Ruby?” Si Anna na ini-spray ng tubig ang tanim na bonsai. Nilingon ang pamangkin.
“County hospital. It’s Mrs. Gibbes,” sagot ng dalagita.
Nagsalubong ang mga kilay ni Anna. Ano kaya ang kailangan ng head nurse? Binitiwan nito ang bottle sprayer sa mesa at lumakad patungo sa phone.
“Ano kaya ang hindi makapaghihintay na sasabihin ni Mrs. Gibbes gayong pupunta naman ako ngayong umaga roon?” tanong nito habang dinadampot ang telepono.
“Can I come with you, Auntie?” Si Ruby na dinampot sa mesa ang plastic sprayer at itinuloy ang ginawa ng matandang babae.
“Of course, honey,” sagot nito at dinala sa tainga ang telepono. “Hello, this is Mrs. Fortalejo speaking...”
“Mrs. Fortalejo, I have some good news for you today...” humahangos pang wika ng nurse. At nag-uunahan ang mga salita sa pagbalita sa kanya.
“Oh, god!” bulalas ni Anna habang pinakikinggan ang sinasabi ng kabilang linya. Napalingon si Ruby sa tiyahin. Nagsalubong ang mga kilay. “Oh, god... god! Yes, Mrs. Gibbes... yes...!” p agkuwa’y ibinaba na nito ang telepono sa receiver.
“What is it, Auntie? What did Mrs. Gibbes tell you?”
Si Anna ay itinulos sa pagkakatayo. Tila estatwa at pinakatitigan ang pamangking sa bansang ito ipinanganak at dito na rin nagdalaga. Nanginginig ang katawang ginagap ang isang silya at naupo roon.
“Auntie, what’s wrong?”
“Y-your... sister...”
“What about her?” kinakabahang tanong ng dalagita. Lalo at tumulo na ang mga luha sa pisngi ng tiyahing halos ina na rin nito.
“R-Ruby... your sister has recovered!”
Manila
ALAS-ONSE Y MEDIA ng gabi. Sa mansiyon sa Corinthian. Puno ng tao ang lawn dahil anniversary party ng mag-asawang Marco at Emerald.
“Ma’am,” ang katulong na lumapit kay Emerald samantalang kausap nito ang ilan sa mga bisita. “Overseas po, para kay Sir Marco...”
Umaliwalas ang mukha ni Emerald. Walang dudang ang ina. So, hindi rin nakalimutan ng mommy niya ang anniversary nilang mag-asawa.
Nagpaalam siya sa mga kausap at pumasok sa study.
“Hello... Mommy,” masiglang bati niya. “Oh, I know it’s you... si Marco?” Nagsalubong ang mga kilay niya. Hindi siya binati at si Marco pa ang gustong kausapin. “Don’t you know what day is today, Mom?”
“Of course, Emerald,” sagot ni Anna sa kabilang bahagi ng lupa. “This is the most important day of our lives. Now, darling, will you put your husband on the phone, please...”
“Y-yes, Mom...” p ara siyang batang nakadama ng disappointment na ibinaba sa mesa ang telepono at humakbang palabas upang tawagin ang asawa.
Nakapagtatakang hindi siya binati ng ina sa anniversary nila. Kahit ang mga anak niya’y hindi kinumusta. Karaniwan na `pag nag-o-overseas si Anna ay tinatanong ang mga apo. Pero hindi sa pagkakataong iyon.
And why does she sound strange... and excited?
Pinaikot niya ang mga mata sa gitna ng mga bisita at hinanap ang asawa. Nakita niya itong kausap ni Nick Gascon. Nilapitan niya at binulungan. Ilang sandali pa’y magkasama na silang bumabalik sa study.
“Hindi ba sinabi ng Mommy ang kailangan sa akin?”
“Ikaw ang gusto niyang kausapin, Marco...” s iya na mismo ang nagbukas ng pinto ng study. Tuloy-tuloy si Marco sa telepono.
“Hello...” sagot nito. “Mommy... yes...”
“Marco.” s i Anna. “Listen very carefully.” s andali itong lumunok at sa nanginginig na tinig ay sinabi ang balita. “She has recovered!”
Nagsalubong ang mga kilay ni Marco na hindi maintindihan ang sinasabi ng biyenan.
“Ano ang gusto ninyong sabihin, Mommy?”
Si Emerald ay lumapit sa asawa. “May masama bang balita, darling?” Sumenyas ang lalaki na huwag siyang magsalita at idinikit pang lalo ang tainga na tila malabo ang kabilang linya.
“Ano!” bulalas nito. “Oh, my G....!” Halo-halong emosyon ang lumatay sa mukha nito. “You—are not kidding, are you? Today is our anniversary and... oh, lord!”
“What is it, Marco?” giit ni Emerald na unti-unting sumisibol ang kaba sa dibdib.
“Oh, my...!” bulalas ng lalaki. Wala sa loob na nilingon ang asawang nagtatanong ang mga mata. “W-we will... be there... of course... sa lalong madaling panahon...” w ala itong natatandaang nautal sa buong buhay nito maliban sa sandaling iyon.
Ibinalik nito sa receiver ang telepono at nanatiling nakatitig doon ng may ilang segundo na para bang tinitiyak kung nakausap nga nito ang biyenan.
“Marco, bakit tumawag ang Mommy?”
Napalingon ito sa asawa. “Sweetheart...” h umugot ito ng malalim na paghinga. “I... I... really don’t know how to tell you about this...”
“About what?” Napasandal sa gilid ng mesa si Emerald. Sunod-sunod ang kaba sa dibdib. “May nangyari ba? May nangyari ba sa Mommy o sa Auntie Stella o kay Ruby?”
Umiling si Marco. Matagal na nag-isip habang nakatitig sa asawa. Pagkuwa’y dinala nito sa dibdib ang asawa at hinagkan sa ulo.
“Nothing, sweetheart. Let’s go back to the party. Mamaya ay pag-usapan natin ang dahilan ng tawag ng Mommy. Hindi ngayon...” i nakay nito ang asawa palabas ng study sa nanginginig na mga tuhod.
“But why not now?” nagtatakang tanong ni Emerald.
“Mahaba ang pag-uusapan natin, sweetheart. At wala tayong panahon ngayon habang may mga bisita tayo. But rest assured, the news that I will soon tell you ay ang pinakamagandang regalong maaari nating matanggap sa ating anibersaryo...”
Naguguluhan man ay hindi na kumibo si Emerald. Ilang sandali pa’y muli na nilang kahalubilo ang mga bisita. Si Marco ay nakatayo sa isang sulok at tinapunan ng tingin si Nathaniel at si Bernard. Napapikit ito kasabay ng paninikip ng dibdib.
How would he break this news to everyone?